CHAPTER 10

“I LIKE that one.”

Bigla ang ginawang pagbaling ni Kyle kay Ellery. Katatapos lang ng photo shoot nila para sa bagong commercial niya na siguro ay next month na ilalabas. Medyo gahol na sila sa oras dahil nga sa isa’t kalahating linggo niyang pagbabakasyon. Nag-extend pa kasi ng tatlong araw doon sa Makati ang one week vacation niya sa Costa Galaxia. At wala naman siyang ibang ginawa sa kanyang tatlong araw na extension kundi ang makipagbuno sa mga unan at comforter sa kanyang bed room. Nagmukmok lang siya sa tatlong araw sa condo-unit niya hanggang sa magbanta ang manager niyang si Jeph na magpapatiwakal raw ito dahil ayaw niyang magtrabaho at madedemanda na ito.

All right! And now she gets herself back to the show. Pero hindi naging maganda ang trabaho niya ngayon dahil malaki raw ang nawawala sa glow niya bilang model. Paanong hindi, ninakaw nang lahat ni Vincent ang magandang aura niya?

Ah, hindi. Iniwan niya iyon roon ng kusang loob kasama ang puso niya. Palagay niya ay hindi na niya magagawang ngumiti ng may kasamang totoong kaligayahan at over confidence na tulad ng dati. Hindi na niya magawang pilitin ang sarili.

“Gusto mo ito?” nagtatakang tanong ni Kyle na ipinakita sa kanya ang nasilip niyang kuha ng camera nito.

Shots iyon sa Costa Galaxia. Iyon ang mga sandali na binubungangaan niya si Vincent sa parking area ng cluster one sa Earth Cove. Hindi maganda ang kuha niya sa anggulong iyon dahil nakasambakol ang kanyang nguso. But she still loves the photograph. It reminds her of how she meets Vincent. Tadhana nga yata ang may pakana ng pagkakakilala nila at maski may pagkakataon siyang ulitin ang araw at paraan ng pagkakakilala nila, paulit-ulit niyang hihilingin na sa ganoong pagkakataon sila magkakilala nito.

He learns to love that snob guy. Nasanay siya sa sobrang atensyon noon at siguro, ang kawalan nito ng interes sa kanya ang totoong dahilan ng pagkakaroon niya ng interes rito.

“Yes. That one.”

Lumagok siya ng inumin habang prenteng nakaupo sa kanyang bench. Inaayos na ni Sandy ang kanyang mga gamit para makauwi na sila. Si Ces naman, nag-audition iyon sa isang singing contest sa isang t.v station. At hindi siya madamot para hindi ito pakawalan at maabot ang totoo nitong pangarap. Sa totoo lang, nagprisinta pa siyang mag-backer dito para mas mabilis na makapasok sa screening. Though, totoo namang naniniwala siya sa talent nito. Ngayon, si Sandy na ang personal assistant niya. And she kind of like her. Madali silang nagkasundo nito.

“Sigurado ka? Gusto mo talaga ang kuha mo rito? Gusto mo ang anggulo mo rito? Tingnan mong maigi!” pagpupumilit ni Kyle at izinoom pa ang kanyang mukha.

Marahil, nagbabakasali ito na makikita niya ang bagay na dati ay inaayawan niya. Ipinade-delete niya kasi sa camera nito ang mga pictures na hindi perfect shots ang mukha niya.

“Oo nga sabi. Gusto ko iyan. Pagawan mo ako ng malaking-malaking copy. Ilalagay ko sa bedroom ko.”

Muling bumagsak ang panga nito sa pagkamangha. Napatawa naman siya. “What’s the matter?”

“Seriously, I don’t want to offend you but this isn’t a perfect shot. Maganda ka dito pero hindi na-emphasize ng husto ang ganda mo kasi nakasimangot ka.” Pagtatapat ni Kyle.

She just smiled at him. “Someone told me that the real beauty can’t be seen dahil nasa loob daw iyon. That picture might not be a very nice shot. I don’t look good from it also. But I still find it beautiful because the memories from it painted the beauty I used to feel in my innermost. I don’t need to look beautiful, I need to feel beautiful.”

‘Just like, I don’t need to see love, I need to feel it! At hindi ko nararamdaman iyon sa nakikita kong pag-ibig.’

Well, who else was the meaning of love to her? Si Vincent Periera! Si Vincent na nilalayuan na niya dahil sa takot na tuluyang matuklasang wala namang damdamin para sa kanya. Si Vincent na maski di niya nakikita, pakiramdam niya’y nasa tabi pa rin niya.

She had to move forward but she still finds herself throwing back to the fast. Sa nakaraang isang linggo sa Costa Galaxia ay naging napakasaya niya dahil kasama niya ang lalaking mahal na mahal niya.

Hindi na niya mapagkasya ang malungkot na damdamin sa loob ng kanyang dibdib at umapaw na iyon palabas sa kanyang mga mata. Pinahid niya ang mga luha ng kanyang daliri at nagkunwaring natatawa sa harapan ni Kyle. Para na siya ngayong luka-luka. Tumatawa habang lumuluha.

“You need to feel beautiful pero umiiyak ka?” nakasimangot na sambit ni Kyle. Inabutan siya nito ng tissue paper. “What’s wrong?”

“Wala.”

“Sabihin na. Lalaki ba?”

Hindi siya nakasagot.

“Lalaki nga.” Pumalatak ito. “Sino ang lalaking iyan? Hindi kita pinaiyak ng ganyan tapos ngayon, makikita kitang umiiyak dahil sa isang lalaki?”

“I’m just happy that I met him.”

“Eh bakit ka umiiyak kung masaya ka?”

“Dahil hindi siya magiging akin?” Question mark iyon dahil hindi niya alam kung tama bang iyakan ang bagay na iyon. Ano bang magagawa niya? She felt sad about that truth. He’ll never be hers.

“Paano mo nasabi?”

“I just knew it.”

“You just knew it or you thought it that way?” Nang hindi siya kumibo ay napailing ito. “Binago nga niya ang pagiging self-center mo at inalis ang pagmamahal sa pisikal na ganda pero ginawa ka naman niyang duwag at bobo.”

“Ano kamo?!”

Maski malapit na kaibigan niya si Kyle, hindi naman niya gugustuhing marinig ang insultong iyon mula rito.

“I wish you all the best, Ellery. Pero syempre, mas gusto kong hilingin na sana ako nalang.”

Ngumiti na siya. “Gusto ko ring hilingin iyan, pero hindi naman nakukuha ang mga bagay-bagay sa isang simpleng hiling lamang.”

“You really change.” Komento nito.

“Give me a big hug, man! I badly needed it.” napasinghot pa siya.

Lumapit naman nga sa kanya si Kyle at niyakap siya ng mahigpit. Kung hindi nito gagawin iyon, baka tuluyan na siyang maglupasay sa pag-iyak roon. Every time she thought about Vincent, all she got to feel was a complete happiness and heartache. Hindi niya akalain na pwede palang maramdaman ang dalawang contrasting feelings na iyon ng sabay.

“Ellery Mendrez!”

Napasinghap si Ellery matapos marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nagulat pa siya na mabungaran ang salimuot na mukha ni Vincent.

Oh, looking up through his gorgeousness and elegance, all she wanna do is fallen in love with him all over again. Gusto niya itong lundagin ng yakap at lamukusin ng halik. Mabuti nalang at may sampong porsyento pa ng katinuan sa kanyang isip at napigilan niya ang nagwawalang puso.

“Paano ka nakapasok dito sa studio?” nagtatakang tanong niya.

Sa kabila ng pagdidilim ng mukha nito habang nakatitig sa kanya at kay Kyle ay kay gwapo pa rin nito sa kanyang mga paningin. At kailan ba ito naging mapangit? She doesn’t see him handsome; she felt he’s handsome in any emotions he appears to be.

“I used my connections.” Tiim-bagang nitong tugon at inalis ang braso niyang nakapatong pa sa balikat ni Kyle dahil sa pagyayakapan nila.

“I think I know you.”

“You’re Kyle.” Baling nito sa nagsalitang si Kyle.

“Yeah? How did you know?”

Hindi na ito pinansin ni Vincent at muli na namang bumaling sa kanya.

“Mag-usap tayo.” At walang lingon-likod na nagpatiuna itong naglakad palayo roon.

Oh! How she loves his being domineering! Nababaliw na nga yata siya dahil nagugustuhan pa din niya ang attitude na iyon nito.

‘Hindi kasi siya maligoy na tao kaya lumalabas siyang dominante.’ Depensa ng puso niya.

“Ayokong makipag-usap sayo!” pahabol na sigaw niya. Pero hindi naman siya nito pinansin. “Wala tayong pag-uusapan!” sigaw niyang muli ngunit patuloy pa din ito sa paglalakad. “Umalis ka na! Bumalik ka na sa lungga mo!” Tuloy-tuloy pa din ito sa paglalakad.

Dagling nagbago ang isip niya. Baka nga sundin ni Vincent ang huling sinabi niya. Maigi pa ay sundan na nga niya ito. Tatayo nalang siya nang:

“Si Vincent Periera iyon, ‘di ba?” narinig niyang tanong ni Kyle.

“Yes. ‘Yun ang walanghiyang sumira ng kotse ko.”

“At siya raw ang bagong nagma-manage ng Costa Galaxia?”

“Right.” Sang-ayon na naman niya.

“Eh, ano palang ginagawa niya rito? Di ba’t nasa Batangas ang trabaho niya?”

“Malay ko.” Kunway walang interes na tugon niya. Pero kinakain na siya ng matinding kaba. Hindi bumabalik si Vincent. Baka umalis na nga ito! “Sandali lang, Kyle!”

Umakma na naman siyang aalis ngunit mabilis siyang napigilan ng kaibigan.

“Akala ko ba, ayaw mo siyang kausap?”

“Nagbago ang isip ko. Baka makaalis siya at bumalik ng Costa Galaxia.” Gusto nang magpanic na lahad niya rito.

Naramdaman niya ang paglugaw ng kamay ni Kyle sa kanyang braso. “I think I already need to let you go.”

“Ha?”

“Go ahead. Baka kapag hindi mo siya maabutan, ako pa ang sisihin mo.”

Walang tanong-tanong na iniwan niya si Kyle. At habang naglalakad siya paalis ng studio, unti-unti na rin niyang naunawaan ang sinabi ni Kyle. Ito na mismo ang nakatuklas sa katotohanang wala na itong pag-asang makapasok sa puso niya.

Tatakbo na sana siya paglabas na paglabas niya sa pinto ng studio subalit tila siya itinulos na kandila sa kinatatayuan. Sandali pa lang niya itong itinataboy, kaagad ay may iba na itong babaeng hinahalikan? At parang gusto na namang manlaki ng ulo niya matapos mamukhaan kung sino ang babaeng kahalikan nito! Si Tricia na naman?!

Sa labis na inis at pagngatngat ng selos ay binato niya ito ng kanyang stiletto. Agad na nag-agwat ang dalawa dahil sa ginawa niya. Hindi niya lang nais na i-distract ang mga ito sa great thing na ginagawa ng mga ito kundi gusto niyang sakalin ang dalawa. She wanted to hurt him big time!

Ang lakas ng loob nitong dayuhin siya sa photo shoot niya para lang ipangalandakan ang pakikipaghalikan nito sa babae nito! At akala ba niya, sinabi nitong fling raw nito ang babaeng iyon?! Bakit hanggang dito sa Makati ay naglalampungan ang dalawa?

“Ellery!” Tila gulat na gulat na sambit ni Vincent nang malingunan siya.

“Nice scene! Pasensiya na, maluwag ‘yung sapatos ko kaya lumipad sa inyo. Anyway, I don’t need it naman na.” Hinubad na rin niya ang kapares na stiletto at ibinalibang iyon muli kay Vincent. Sa pagkakataong iyon ay tumama ang takong sa dibdib nito sa lakas ng kanyang pagkakabato.

Well, kailangan talaga niya iyong ibato sa mga ito para makatakbo siya ng mabilis at makalayo sa mga iyon. Nakakarami na itong si Vincent sa kanya. Sumosobra na ito sa pananakit sa damdamin niya.

“I can explain, Elle—”

“No! You don’t need to explain! Wala akong pakialam kung naghahalikan man kayo sa kalagitnaan ng hall way!” sigaw niya.

“Look sweety, she doesn’t care of what we were doing—”

Tinalikuran niya ang mga ito at nagmamadaling iniwan. Naramdaman niya ang pagsunod ni Vincent kaya’t mas binilisan niya ang paglalakad. Halos tumakbo na nga siya, huwag lang maabutan nito.

“Ellery wait!” sigaw ni Vincent. “Why did you have to run always? Am I that creepy?”

‘Oo! Ikaw ang pinakanakakatakot na banta sa pagkapulbos ng puso ko!’

“Go away, Vincent! May schedule pa ako!”

“Alam kong wala ka nang schedule!”

“May schedule pa ako ng taping, interview at photo shoot!” pagsisinungaling niya. “Huwag kang magmarunong, hindi ka henyo!”

Naramdaman niya ang isang kamay sa kanyang braso at mabilis siyang naiikot. Pagkuway isa pang kamay sa kanyang bewang. And on the spur of the moment, she was swung unto his shoulder. She screamed out loud until they reach the parking area of the building.

“Listen to me and you have to listen very carefully!” Nabubwisit na sabi ni Vincent matapos siyang maibaba sa tapat ng gilid ng isang sasakyan. Iniharang nito ang dalawang kamay sa dalawa niyang tagiliran para siguraduhing hindi siya makakaalis. “I need to explain. I badly needed to explain dahil pakiramdam ko, lumalala ng lumalala ang mga maling iniisip mo sa mga nakikita mo!”

“Ano bang mali sa mga nakikita ko? You were just having a great time with that woman, right? You kissed, you slept together. What did you expect me to think?” nanggigigil na sigaw niya rito.

“Pero mali ang iniisip mo. Tricia was just a fling! And good time is far apart from a great thing, Ellery. Depressed lang ako nang gabing iyon dahil isipin pa lang na aalis ka na ng Costa Galaxia ay nakakapanlumo na. So, I got myself drunk. Sigurado kasing hindi ako makakatulog at parati ko lang maiisip na anytime soon ay iiwan mo na ako. The thing that happened that night wasn’t in my plan. Nangyari lang iyon at wala iyong ibang ibigsabihin. Hindi ko din naman inaasahan na nandito siya ngayon. She greeted me with a kiss and I’m not ready! Kaya hindi ko nagawang umiwas.”

“And you enjoyed it!” giit niya.

“Of course not!”

“Why do I have to listen to you? I don’t even care of what you were doing!”

“You have to listen, okay? Listen! Kung wala kang pakialam sa ginagawa ko, ako, may pakialam sa mga ginagawa at iniisip mo!” Umawang ang bibig niya sa pagkamangha. “Para isang bagsakan nalang, sige, sasabihin ko na!”

He sighed hard. Tila kumuha ito ng bwelo bago sinimulan ang pagpapaliwanag raw nito sa kung anuman.

“Hindi totoong hindi kita nakilala the moment you stepped out from your car that very day I seen you face to face.” Napasinghap siya at minulagaan ito. She couldn’t afford to ask questions. Mas gusto niyang malaman kung saan patutungo ang paliwanagang iyon. “Of course I know you. I know you too well. We’re schoolmates and I have a major crush on you when I was nineteen. You were just sixteen back then but you were so gorgeous I can’t help but admire you.”

“Wait? Schoolmates tayo?” nagtatakang tanong niya.

May kung anong dinukot ito sa bulsa at ipinakita sa kanya. Nanlaki ang mata niya sa school ID na hawak nito. Naghalungkay siya sa kanyang utak.

He was the cute boy who handled back her ID. Ang totoo ay sinadya niyang malaglag iyon nang makitang papasalubong ito sa kanya para makuha ang atensyon nito.

‘Cute!’ tili ng isip ni Ellery habang nakatingin sa lalaking papasalubong sa dinadaanan niya. May earphone sa tenga nito at nakapamulsa habang naglalakad.

Parang nakaharap na niya ito dati. Hindi niya lang matandaan kung saan o kailan. Ah, baka naman isa ito sa mga lalaking nagkakandarapa sa kanya. Pero kung ganoon nga? Bakit parang wala naman itong pakialam sa katotohanang magkakasalubong sila? He didn’t seem to bother.

May pumasok na ideya sa utak niya. Hinawakan niya ang ID at pasimpleng inalis iyon sa ID lace. Eksaktong magkukrus ang daan nila ng bitiwan niya ang ID. Dere-deretso siya sa paglalakad.

One… two… three…

Narinig niya ang pagtawag sa kanya ng lalaki.

‘I was right! Hindi ka immune sa charm ko. Humanda ka sa pambabalewala mo sa akin. Pahahabulin kita.’

Nakatatlong tawag pa ito bago siya humarap.

Hindi niya rin tinanggap ang ID niya dahil ang inaasahan niya ay tulad iyon ng iba pa niyang kaeskwela na magkakandarapa na magpapansin sa kanya matapos niya itong tapunan ng atensyon. Pero hindi naman na ito lumapit magmula noon. Nakalimutan na rin niya ang tungkol rito dahil nag-enjoy siya ng husto sa atensyon ng iba pa. Kaya naman pala may palagay siya na pamilyar ang lalaking ito. Dahil nagkatagpo na pala ang mga landas nila.

“Ikaw ‘yung nagsoli ng ID ko?” naitanong niya maski sigurado na siya.

“Na hindi mo tinanggap at sinabi mo pang sa akin nalang. I kept it myself.” Vincent sighed. “You were such a snob. Hindi iisang beses na binalewala mo ang presensiya ko. Kahit sa mga elite gatherings na pareho nating dinadaluhan, hindi mo ako pinapansin maski ipinakilala na tayo sa isa’t-isa. Siguro nga, dahil masyado kang lunod sa atensyon ng marami. And I was just one of them na naghahangad ng kaunting atensyon mo. Kaya lang, napagod din ako, lalo’t nakikita ko na may ibang lalaki na nakapukaw na sa madamot mong atensyon. Nag-desisyon akong maghanap ng babaeng mas makalalamang sayo. But I still end up admiring you maski talamak na talamak sa buong populasyon ng Pilipinas kung gaano ka kataray at kataas ang tingin sa sarili. I even witnessed it myself. At dahil alam kong imposibleng mapansin mo pa ako sa sobrang yaman mo sa atensyon, tinigilan ko nalang ang umasa at nagpokus sa pagpapaunlad sa sarili ko. Kinumbinsi ko ang sarili ko na darating ang babaeng talagang para sa akin at hindi ikaw iyon. Sobrang taas ng tingin mo sa sarili at ayoko sa ganoon. Baka nga ang mukha mo lang talaga ang nagustuhan ko sayo kaya’t siguradong lilipas din ang nararamdaman ko. But then, my moment came at nagkaharap tayo. Nagpaka-cool ako at nagmayabang sa harapan mo. I know masasanggi ko ang curiosity mo kapag tinalo ko ang kayabangan mo at di ako magpakita ng interes sayo tulad ng interes na ipinapakita ng iba. Di ba’t ayaw na ayaw mo na nalalamangan ka?”

“Hey—” apila niya.

“And it works.” Patuloy nito na hindi siya pinahintulutang makasingit. “Kaya lang, nakakatakot palang magalit ang babaeng dragon. Hindi ka nga nagbubuga ng apoy pero nambabali ka naman ng buto.”

“I’m sorry for that. Pero hindi ko pinagsisisihan na ginawa ko iyon. Dahil kung hindi ko iyon ginawa, hindi tayo magkakakilala ng husto at magkakalapit sa loob ng isang linggo.”

“It’s okay. Dahil noon ko din naman napatunayan na hindi naman pala talagang masama ang ugali mo. May konsensya ka pa din at nag-abala ka pang tingnan kung napinsala ba talaga ako. You even offered yourself to throw you inside the jail. Pero siyempre ay wala naman talaga akong balak na gawin sayo iyon. Kaya kong kumuha ng sandamakmak na nurse at katulong pero gusto kitang makasama. So I took the chance to be with you. Gusto kong ipamukha sayo na bilog ang mundo. Umiikot. Maaaring nasa taas ka kahapon pero ngayon ay bigla kang mapupunta sa ibaba. Blinackmail kita at di ko akalain na gagana iyon sayo. Tama ang assumption ko. Puro ka lang ganda pero kokonti ang laman ng utak mo.”

“Nagtatapat ka ba ng pag-ibig sa akin o pinipintasan mo ako?” nakasimangot na entra niya.

Magtatatalon na sana ang kanyang puso dahil pakiwari niya ay inaawitan siya nito ng isang napakagandang kanta subalit bigla itong sumemplang.

Napatawa si Vincent sa eksaherada niyang pagsimangot. “I’m proclaiming myself to you.” Walang gatol na saad nito. “Dapat kasi, ayoko sayo kasi ang alam ko talaga masama ang ugali mo. Pero hindi ko maintindihan kung bakit sa kabila ng lahat ng iyon, hindi ko pa din mapigilan ang pasekretong i-admire ka. Malaki nga siguro ang nagagawa ng magandang mukha. But then, siguro, nararamdaman din ng puso ko ang tinatagong magandang sides mo. Kaya nga sinabi ko sayo na ang totoong ganda ay di lang nakikita kundi nararamdaman. Dahil ganoon ang nangyayari sa akin. I didn’t just see you as a pretty face but also a pretty woman inside. Alam at nararamdaman rin iyon marahil ng mga fans mo kaya sa kabila ng hindi magandang attitude na ipino-portray mo, mahal ka pa din nila. You weren’t plastic but true to yourself. At talamak ang mga plastic sa industriyang ginagalawan mo. Sinasabi at iniaakto mo lang naman ang mga iniisip at nararamdaman mo pero minsan ay nami-misinterpret ng mga tao. But what the hell? Ano nga bang connect?”

“Ano nga bang ipinaglalaban mo?” Nangingiti na ring tanong niya. Ang gulo-gulo na rin nito. Binabaybay nito ang lahat ng hindi magaganda sa kanya pero palagay naman niya ay gusto nitong magtapat ng damdamin.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.