Chapter Wyndham, TB-EHD: Wakas

“Hey! Iyan ba ang matatanggap ko sa iyo pagkatapos ko nang muntik na mamatay? Ganyan ba katindi ang galit mo sa akin?”

“I hate you! Pinaiyak mo ako sa sobrang pag-aalala sa iyo. Alam mo ba kung ilang beses kong sinisi ang sarili ko dahil dapat ako ang nasa eroplano at hindi ikaw? Takot na takot ako nang malaman kong bumagsak ang eroplano mo.”

“I am sorry kung kinailangan kong kunin ang flight na iyon sa iyo. Bago pa tayo pumuntang London, plano ko na talaga na huwag sa iyo ibigay ang medical mission na iyon ni Flint. Delikado ang village na iyon. I don’t have the heart to send you there. Pero alam kong matigas ang ulo mo at hindi ka makikinig sa akin lalo na ngayon. Kaya mas inagahan ko ang pagpunta dito sa hangar and decided to take over your flight instead. Kahit pa magalit ka sa akin.”

“A-Anong nangyari sa eroplano? Bakit wala daw kayo doon?”

“It was planenapped. Nasa village kami na laging naiipit sa cross fire ng mga militar at mga rebelde. Delikado talaga iyon pero kailangang magdala kami doon ng gamot. Marami sa kanila ang sugatan at may sakit pero walang proper medical attention. Nang mga oras na iyon, may mga rebelde sa paligid. They took our plane. Wala kaming nagawa ni Flint.”

Sinalat niya ang pisngi at balikat nito. “Are you okay? Di ka ba nasaktan?”

“Hindi naman kami lumaban. After all, eroplano lang naman ang kailangan nila. Hindi ko na-check ang eroplano bago sila umalis.” Huminga ito nang malalim. “I am afraid I am sort of responsible for the crash. I am afraid the rebels didn’t survive.”

“I am sorry about that. Hindi mo kailangang ma-guilty. Things happen. Ipagpapasalamat ko na lang na hindi kayo ang nasa bumagsak na eroplano at hindi kayo sinaktan ng mga rebelde. Parang gusto ko na ring mamatay kanina nang malaman kong wala silang mahanap na survivor.”

Kinintalan nito ng halik ang noo niya. “Mas ikamamatay ko kung ikaw ang umalis sa eroplanong iyon papuntang Zimbabwe. Baka kung ano na ang ginawa sa iyo ng mga rebelde.” Rape and other human rights violation were rampant in warring regions. Siya ang kinilabutan nang maisip ang posibleng nangyari sa kanya.

“I am sorry. Nagalit pa ako sa iyo samantalang gusto mo lang akong protektahan. And I am sorry if I didn’t believe that you love me. I am sorry for not trusting you.”

“Hay!” Huminga ito nang malalim at niyakap siya. “Hindi naman kita masisisi. Ilang beses na kitang sinaktan. But believe me when I tell you that I will never deceive you or lie to you. Kaya kung matapos ito pipiliin mo pa rin na lumayo sa akin, I won’t really complain.”

“Ginawa mo lang ang kailangan mong gawin para sa pamilya mo.”

“Pero hindi ibig sabihin hindi kita mahal.”

Tumango siya at kinintalan ito ng halik sa labi. “I know that now. Sinabi na sa akin ng Mama mo. At pareho kaming guilty dahil doon.”

“Yeah! Iyak siya nang iyak dahil doon. And to make it up with me, gusto daw niyang ipagluto ako ng chicken pie. Sa recipe na gusto ko.”

“Well, bukod sa pagkakatiwalaan na kita ngayon iiwas na rin ako sa disgrasya. I am still resigning as Swan’s Flight’s pilot.”

Kumunot ang noo nito. “Iiwan mo pa rin ako?”

Kinagat niya ang labi. “I want to buy my own plane. At sa Nirvana Island na rin ako magtatrabaho kasama si Tita Alita at Raschid. Uuwi na ako sa Pilipinas.”

Sa halip na malungkot ay nagtaka siya nang ngumiti ito. “Good! Mabuti naman at tinanggap mo ang trabaho. You will still work under Swan’s Flight and Royal Air.”

“What? May kinalaman ka rin sa trabahong iyon?”

Walang ka-guilty-guilty itong ngumiti. “Benefactor din ng Royal Air ang Nirvana Island Wildlife Reserve. At kapitbahay mo pa ang isla ng kapatid ko. Hindi ko kailangang alalahanin kung nasaan kang delikadong lugar. Nirvana Island is a safe place. At hindi kasing higpit ng Swan’s Flight. Mas madali kitang matatangay kung saan man kita gustong dalhin.”

Naningkit ang mata niya. “Very clever, Wyndham Archer.”

“Galit ka ba?”

“Oo. Dapat yata parusahan kita sa pagma-manipulate mo nang konti sa akin.” Hinatak niya ang ulo nito pababa at maalab itong hinalikan. It was not a kiss meant to punish but a kiss of apology and love.

Siya ang higit na may kasalanan kay Wyndham. She decided to leave with without looking back. Siguro ay nangyari ang aksidenteng iyon para magkaroon siya ng pagkakataon na malaman ang totoo. Na totoo ang pagmamahal nito. She was lucky to get another chance with him. Some women aren’t that lucky.

“Wyndham, naghihintay ang press sa iyo para sa press conference,” paalala niya nang maghiwalay ang labi niya subalit patuloy pa rin ito sa pagkintal ng halik sa labi niya.

“Nakapagbigay na ako ng statement kanina. Pero hindi pa ako tapos magbigay ng statement sa iyo.” He ended his sentence with a sizzling kiss. Of course. The world have to wait for them as long as they want to. But she wouldn’t wait for another kiss from Wyndham.

EPILOGUE

“Jezzie, kailangang pirmahan mo ang librong ito. Madaya ka talaga! Wala kang nababanggit sa akin tungkol sa mga adventures mo sa Africa,” sabi ng manager ng Nirvana Island na si Yvannka.

“May kopya ka rin ng libro ko? Wow!” bulalas niya at tumingala habang nag-iisip ng dedication. Limang buwan na siya sa Nirvana Island bilang piloto nang lumabas ang libro niya. Hindi niya inaasahan ang mainit ang pagtanggap ng mga tao sa kanya. Maaring may kinalaman ang pagiging nobya niya ni Wyndham pero may mga taong naniniwala sa mensahe ng isinulat niya. At ilan nang mga tao ang dumayo pa mula sa ibang bansa para lang magpapirma ng libro sa kanya.

“Nagkakagulo sila sa Stallion Island dahil dito. Muntik na akong maubusan ng kopya,” sabi nito.

“Wala ba akong thank you? Kinailangan kong mang-akit ng babae para lang ibigay sa akin ang huling copy. At binayaran na iyan!” reklamo ni Raschid na nakatanghod sa kanila.

“Mabuti naman nang may pakinabang ka sa akin. After all, wala ka namang ibang talent kundi maging impostor ni Prince Rostam.”

Si Prince Rostam ay prinsipe ng Al Ashiq, isang Middle Eastern kingdom. Ito ang isa sa may-ari ng kalapit na islang Stallion Island at kaibigan ni Raddison. Magkamukha nga si Raschid at si Rostam maliban sa mga mata. Dark brown ang mata ni Rashid habang green naman ang sa prinsipe.

“Kaya ka nagpabili niyan dahil nagbabaka-sakali kang makita ang picture ko, di ba? Aminin mo na!” kantiyaw ni Raschid.

“Kapal mo!”

“Hindi kayo magandang ehemplo sa girlfriend ko. Baka awayin din niya ako,” sabi ni Wyndham na bumaba mula sa tree house at bitbit ang baby cougar na isa sa inaalagaan nila sa Nirvana Island. “Saka matatakot ang baby namin.”

Iba’t ibang hayop mula sa iba’t ibang parte ng mundo ang inaalagaan nila doon. Ang iba ay nasagip mula sa mga hunting park o kaya ay mga hayop na ini-smuggle at nahuhuli mula sa mga poachers. It was like a little Africa. Subalit natutuwa siya na may ganoong lugar sa Pilipinas.

“Hindi kami lovers!” kontra agad ni Yvannka na namumula na sa inis.

“You wish!” wika ni Raschid at humahalakhak na lumayo.

“Kung tapos ka nang pumirma dito, pwede na siguro tayong umalis. Naghihintay na si Ryuji sa atin sa Tokyo. Magpapapirma din siya sa iyo.”

“Wow! Hindi naman masyadong sinuswerte ang kaibigan mo. Gusto pa niyang ako ang pumunta sa Tokyp para pirmahan lang ang libro niya. Huwag mong sabihing pupuntahan din natin sa Spain si Alonzo, sa Thermophylae si Nikos, sa Marseilles si Marcoe at sa Ravena si Andreas.”

“Hindi mo ba gustong mag-travel nang tayong dalawa lang? Ang alam ko pumayag na si Yvankka na mawala ka ng dalawang buwan.”

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. “Two months na bakasyon? I like that!”

“We are taking your plane. Ako naman ang magiging piloto mo. Just so you know, nag-file na rin ako ng vacation leave sa Royal Air.”

“Mami-miss ka ng mga fans mo.” Hindi kaila sa kanya na marami pa ring babaeng umaaligid kay Wyndham. They tried so hard to take him away. Pero talagang faithful si Wyndham sa kanya. Kaya naman tiwalang-tiwala siya dito.

“Mamatay sila sa inggit dahil magbabakasyon ako kasama ang favorite girl ko. I love you, buddy.”

“I love you, too, buddy!”

Magkahawak-kamay sila habang papunta sa eroplano niya. Two months with just Wyndham would be a pure bliss. Pero mas masaya siya dahil secured na siya bilang nag-iisang babaeng mahal ni Wyndham.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.