Chapter Wyndham, TB-EHD: 44

NAGISING si Jezzie sa tahimik na hum ng aircon. Isang blanket ang nakatakip sa kanya. Hindi na niya kinaya pa ang paghihintay ng balita tungkol kay Wyndham at tuluyan siyang nakatulog sa sofa sa receiving area ng hangar. Hindi siya halos nakakain man lang kagaya ng iba pang kaibigan at kapamilya ni Wyndham. Pinayuhan siya ng mga ito na magpahinga sa apartment niya habang ang pamilya naman ni Wyndham ay tumuloy muna sa hotel. Subalit ayaw niyang umalis. Gusto niyang personal na malaman ang balita tungkol kay Wydham.

Tumayo siya sa glass door. May mangilan-ngilan nang eroplano doon. Nag-aabang din ang ibang empleyado at alam niyang kinokontrol din ng security ang press na nag-aabang ng balita. Ayon sa search team ay wasak na wasak ang eroplano at wala pa ring makitang survivor.

Sana ay isang bangungot lamang ang lahat. Gusto na niyang magising at makasama si Wyndham. Kahit paggising niya ay hindi na siya nito mahal. Basta matiyak lang niyang ligtas ito.

“Miss Castellano,” pormal na bati sa kanya ni Alonzo, isa sa matalik na kaibigan ni Wyndham. “Kumain ka muna.”

Umiling siya. “May balita na ba kay Wyndham?”

“Yes. Pero hindi ko sasabihin hangga’t hindi ka kumakain.”

Kumunot ang noo niya. “Sa palagay mo ba makakakain ako hangga’t hindi ko nalalaman ang balita? Hindi mo ba nakikitang nag-aalala ako?”

Nang-aasar yata ang kaibigan ni Wyndham. Nakita na ngang tensiyonado siya gusto pa siyang lalong patayin sa kaba. Wala siyang ibang gusto kundi ang marinig ang balita tungkol kay Wyndham. Bakit kailangan pa niyang kumain bago marinig ang balita? Hindi rin siya matatahimik.

“Alonzo, para kang nagpapakain ng bata,” sabi ni Ryuji at ngumiti sa kanya. “Jezzie, it’s okay to relax now. Wyndham is safe so is your friend Doctor Flint.”

“Really? Hindi ka ba nagbibiro?” tanong niya. Baka mamaya ay sinasabi lang nito iyon para kumain siya.

“Jezzie, you should know that Ryuji doesn’t know a joke,” sabi ni Nikos na kasunod ng mga ito.

“I know one,” kontra naman ni Ryuji.

“And it is corny,” pambubuska pa ni Andreas.

“Jezzie, kumain ka na,” wika ni Marcoe. “Hindi yata maganda kung dadating si Wyndham nang hindi maayos ang itsura mo. At may mga press sa labas.”

“Kailangan ko pang magpaganda?” tanong niya. “Nandito ako at nag-aalala. And you expect me to look good.”

Kapag kinuhanan ka ng picture pagdating ni Wyndham, they’ll be ruthless,” sabi naman ni Nikos.

“I am human. I don’t always have to look good,” she protested then started to eat. “Gusto ako ni Wyndham kahit na hindi ako nagsusuklay at puyat at pagod. Ayaw lang niya akong makikitang gutom kaya kakain ako. Paano nga pala sila nakaligtas?” Kung walang nakitang survivor sa crash site, anong nangyari kay Wyndham? Kafhue Swamp was a dangerous place after all. It would be a pilot’s crash site. A bad place to die.

“I don’t know either. Lumalabas na wala si Wyndham at Doctor Flint sa eroplano,” sabi ni Alonzo. “Kaya nga ang inakala noong una patay na sila.”

“Well, until we received a message from Wyndham himself. Pabalik na daw siya. A bush pilot near Zimbabwe decided to help him out.”

“Sino ang nasa eroplano kung ganoon?” tanong niya.

“Si Wyndham lang siguro ang makakasagot niyan,” sabi ni Ryuji. “But I think you really need to comb your hair at least. For Wyndham’s benefit.”

Naubos niya ang pagkaing idinala ng mga kaibigan ni Wyndham. Nakapaghilamos din siya at nakapagpalit ng damit. Hindi na siya nag-abala pang magpaganda. To hell with the press. Si Wyndham lang naman ang mahalaga sa kanya. Inalo niya ang mga kasamahang missionaries ni Flint. Nakasama na niya ang ilan sa mga ito. Inaliw niya ang sarili para lang di niya mapansin ang paglipas ng oras. Mamamatay siya sa paghihintay sa pagbabalik ni Wyndham.

Pigil niya ang hininga nang sa wakas ay namataan na ang paglapag ng singe engine Cessna plane na kinalulunanan nina Wyndham at Flint. Pinalibutan agad ang mga ito ng mga kapamilya at kaibigan. Kahit ang mga press ay hindi na napigilang makigulo. Naiwan lang siyang nakatayo sa isang tabi.

Pinigilan lang niya ang sarili na lapitan at yakapin si Wyndham. He looked to worn out. Matinding trauma marahil ang pinagdaanan nito. Parang masaya na siyang makitang ligtas dito. Wala siyang lakas na lapitan ito. She still felt guilty. He did everything to protect her. Pero anong iginanti niya sa pagmamahal nito? Ni hindi niya ito pinagkatiwalaan. Did she really deserve his love?

“Jezzie!” tawag ni Flint sa kanya at niyakap siya. “Buhay pa kami!”

“Oo nga. Ano bang nangyari? Paano kayo nakaligtas?”

Nagkukwento ito pero wala siyang maintindihan dahil pinagkaguluhan na rin ito ng iba pang kaibigan nito. Her mind was drifting back to Wyndham.

Nang makawala siya sa nagkakagulong mga tao sa paligid ni Flint. Ini-announce ang press conference pagkatapos ng meeting kasama ang mga aviation officials. Naghintay na lang siya sa lobby ng pagkakataong makaharap ito.

Yakap niya ang sarili habang nakatitig sa sahig at pinaghahandaan ang sasabihin kapag nagkita sila ni Wyndham nang mapansin niya ang pares ng paa sa harapan niya. Nang iangat niya ang mata ay natagpuan na lang niya si Wyndham na nakatayo sa harapan niya. “Wyndham...”

Hindi siya makapaniwalang nasa harapan ulit niya ito. As if he suffered a lot. But he was still the most handsome man in his eyes.

Ibinuka nito ang mga kamay. “Hindi mo ba ako yayakapin din?”

Napahagulgol siya ng iyak nang yakapin ito. She thankful that he was alive and he was back safely. Na naniniwala na siyang mahal siya nito at gusto rin niyang mag-sorry dahil di niya ito pinaniwalaan. Pero di niya masabi ang alinman sa mga ito. Sa ilang sandali ay masaya na siyang nasa mga bisig nito. She wished that the world would vanish. The warmth of his body felt so good. Wala siyang pakialam kung nakatingin man sa kanila ang buong mundo. She just needed this moment with him.

“I hate you!” nausal na lang niya nang sa wakas ay matagpuan niya ang boses niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.