Chapter Marcoe, French God of Wine: 6

“At least nasubukan mong makipag-date. Malay mo may magandang kalabasan.” Napailing ito. “At hirap kasi sa iyo, napakahilig mong makinig sa kuya at Papa mo. Kaya nagiging mongha ka. Minsan naman isipin mo ang sarili mo. You are already twenty-six, baka di mo napapansin. You are missing your chance. Kaya kung sakaling magpapakita ulit sa iyo si Marcoe, huwag mo nang tanggihan.”

“Malamang hindi na niya ako maalala sa dami ng magagandang nakapaligid sa kanya. Malamang nakalimutan na niya ako.”

“You are beautiful, hija. Masyado mong dina-down ang sarili mo.”

Paano ako maniniwalang maganda ako kung sila Papa at kuya mismo di masabi na maganda ako? Kahit na pakunwari lang.

“KUYA, sinabi ko na sa iyo na hindi muna ako sasama sa investigation mo. Saka paano namang magko-confide sa akin ang lead mo kung babae ako?” tanong niya at ipinarada ang kotse niya sa parking lot ng building kung saan naroon ang office ng International Press Photo, international news agency kung saan siya nagtatrabaho.

“Babae rin naman si Marieta. Isa siyang bartender sa club. Siya ang pinaghihinalaang nagdi-distribute ng drugs sa club. Pinabili ko na si Tita Harlene ng damit na isusuot mo sa rave party.”

“Huhulaan ko, may high heels na naman iyan. Ayoko lalo.”

“It’s a knee-high boots this time. Hindi iyon masyadong mahirap isuot.”

“Bakit? Nakapagsuot ka na ba?”

“Please, Reese. Makikipaghiwalay na sa akin si Allison kapag hindi pa ako sumipot sa usapan namin bukas. Ilang beses ko nang na-cancel ang date namin dahil sa trabaho ko.” Di ito nag-iisa. Ilang kakilala niya sa press ang walang steady girlfriend o kaya ay hiwalay sa asawa dahil napaka-demanding ng trabaho nila. Kung di lang siguro namatay ang Mama niya sa sama ng loob ay hiniwalayan na rin nito ang papa niya at binitbit silang magkapatid.

Huminga siya nang malalim. “Okay. Basta ayusin mo ang problema ninyo ni Allison. Tatlong taon ka rin niyang pinagtiisan.”

“O, bakit mukhang di maganda ang coverage ninyo,” bungad ng receptionist nilang si Patty.

“You can say that again. Wala bang tumawag sa akin?”

Umiling ito. “Wala, eh! May hinihintay ka bang tawag?”

Pilit siyang ngumiti. “Wala naman. Sige, papasok na ako.” Mukhang di nga magpaparamdam sa kanya si Marcoe. “Bakit pa ba ako umaasa na interesado siya sa akin? Walang-wala naman ako sa mga socialite at models na nakaka-date niya.”

Mabigat ang loob siyang nag-download ng files mula sa digital camera niya papunta sa computer. “Siguro malas lang ako ngayong araw na ito.”

“What’s with the glum look, princess?” malambing na tanong ng chief photographer at ninong niyang si Erik. Anak na babae ang turing nito sa kanya dahil tatlong lalaki lang ang anak nito.

“Look at this.” Ipinakita niya ang picture ng presidente bago magsimula ang press conference. “She shooed away the foreign press corps like flies. Di daw kami dapat kasama sa press conference na iyon. Binastos niya kami!”

Kumunot ang noo nito at pinakatitigan ang picture. “That bad?”

“We were humiliated! Para lang daw sa local media ang press conference. And the incompetent and stupid Press Secretary put the blame on us. Dapat daw hindi na kami sumama sa press conference dahil may hiwalay na press conference para sa FOCAP. Hindi ba siya nag-iisip? Pinadalhan niya tayo ng press release regarding the said press conference. Wala namang sinabi na local media lang ang kasama.”

“Ibig sabihin sasama na naman ang imahe ng Pilipinas sa ibang bansa.”

“Not the Philippines. Just your president and the stupid staff she appointed,” she said sweetly. “Kasalanan din niya iyon.”

“Send this to the base. Tapos umuwi ka na. Masyadong mainit ang ulo mo. Hindi ka naman ganyan dati kahit na gaano ka-pressing ang coverage. May problema ba?” tanong nito. He was like her second father. But he knew her better than her own real father. Mas nakakausap kasi niya ito at bukas ang isip sa kahit ano.

“I am just tired,” aniya at huminga nang malalim.

He patted her head. “Napuyat ka nga pala kagabi. Then go home, princess. Or better yet, go to a salon. Magpa-spa ka o kahit anong ginagawa ng mga babae ngayon para ma-relax. You deserve it.”

“Nah! My father and brother would surely call me a sissy.”

“No, you are not!” mariin nitong sabi. “Dapat nga makipag-date ka na. Kung di lang mas bata si Rickus ng ilang taon sa iyo…”

“No. Not your son. I won’t date someone younger than me.”

Tumuwid ito nang tayo. “You don’t date at all, princess. It is high time that you find a nice guy to pamper you. Mahirap ang laging mag-isa.”

Malabo nang makahanap siya ng lalaking ganoon. Minsan nga lang siya makatagpo ng lalaking interesante pero di naman yata interesado sa kanya. Malabo nang magkita pa sila ni Marcoe.

Nag-ring ang intercom. “Reese, pumunta ka dito sa lobby. May delivery para sa iyo. Kailangang ikaw daw mismo ang tumanggap.”

“Ano naman kayang delivery iyon?” isip-isip niya. Pagdating sa lobby ay hinanap agad niya ang delivery boy. Sa halip ay Marcoe ang nakita niya na may hawak ng bouquet ng yellow rose. “Marcoe!”

“I am here to claim the date you promised me once I find you.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.