Chapter Marcoe, French God of Wine: 7

Di pa rin makapaniwala si Reese na kasama niya si Marcoe at binigyan siya nito ng bulaklak. She felt heady as she waited for him. He ordered coffee for them. Nakatitig lang siya sa bulaklak na bigay nito. Ni ayaw nga niyang hawakan dahil baka bigla na lang iyong maglaho at matauhan siya sa pag-iilusyon niya.

“Don’t you like the flowers?” tanong ni Marcoe nang bumalik sa mesa at naabutan siyang nakatulala lang.

“Hindi lang ako sanay na may nagbibigay ng bulaklak sa akin. It is too feminine.” Saka bago pa may nagbigay ng bulaklak sa kanya ay nasisindak na agad sa kanya ang mga lalaki.

“Well, a woman should always feel that way no matter how tough things are.” Inilapag nito ang mocha java sa harap niya. “Feminine.”

Ngumiti siya. The real one she had that day. “Thanks. Hindi lang ako makapaniwala na pupuntahan mo ako sa office.”

“Kahit naman hindi mo sabihin sa akin na hanapin kita, hahanapin pa rin kita para mayaya kitang mag-date.”

“I thought you were just being polite.”

“Na niyayaya ko ng date lahat ng babaeng nakikilala ko? I seldom ask a girl out on a date. It is usually the girls who ask me out. Saka hindi ako magyayaya ng date kung hindi ako interesado.”

Di niya magawang itago ang ngiti kaya yumuko na lang siya. He was a flatterer. Gusto niyang isipin na binobola lang siya nito. Pero mas masaya siya kung iisipin na interesado nga ito sa kanya.

“Well, you are a man of the world. Akala ko lumipad ka na naman kung saang parte ng mundo at pinagkakaguluhan ng mga babae. And you forget about me. After all, I am just plain compare to the women you date.”

“You are never plain, Reese. Because if you are, every women in this world would be probably so dull. Don’t you know that you are beautiful?”

“For a demi-god’s standard, I am not.”

Mariing nagdikit ang labi nito. “Come on! Stop talking as if I am some mythology character from Mount Olympus that women worship. I am just a mere mortal. I will bleed if you cut me. I have my share of mistakes.”

“And women always oversee those faults. Well, it’s not really your mistake. You are just too handsome they can’t help their selves.”

“They. Not we. It means that you don’t see me as a demi-god, right?”

“You want the truth? You are too handsome,” she confessed and grinned. “But I want to know the man behind the handsome face. The man who bleeds.”

“Now that’s more I like it. How about you? Nasabi sa akin kanina ng receptionist ninyo na medyo mainit ang ulo mo kaya mag-ingat ako.”

“Si Patty?” Nagsalubong ang kilay niya. “She made me sound like a man-eating animal, right?”

“You are too pretty to be one. Bakit nga pala mainit ang ulo mo?”

“I am just a little pissed off.” Ikinuwento niya ang nangyari sa press conference. “Siyempre nabastos kami. Pwede naman nilang I-announce in a polite way, di ba? Hindi iyong ipinagtabuyan kami na parang mga langaw.”

He grasped her hand. “Chill out, chére! Kapag naiinis ako, pumupunta ako sa lugar kung saan pwede akong ma-relax. Either a nice ocean view or greenery.” Tumingin ito sa labas ng café. “Look at the garden. Nakaka-relax siyang tingnan. The man-made waterfalls look enticing too.” Pumikit ito. “Then close your eyes and think that you are in the middle of a forest. Tapos maa-at ease na ang utak mo.”

She just stared at him while he spoke. His face was perfectly chiseled. And he still looked delectable with his eyes closed.

“Yeah, it is relaxing!” she said in a dreamy voice. Lahat ng inis niya sa press conference kanina at pati na rin sa pangungulit ng kuya niya ay nawala. And all she had to do was stare at him. It was enough to make her foul mood better.

Dumilat ito at tumingin sa kanya. Nagseryoso ito nang matuklasang nakatingin siya dito at hindi sa magandang view sa labas. “Di ka naman nakatingin.”

“Nakatingin ako.”

Hinaplos nito ang mata niya. “Stop gazing at me like that. Nahihiya ako.”

She laughed. Sino ba ang mag-iisip na ang playboy na tulad ni Marcoe na sanay sa pang-aakit ng mga babae ay matutunaw sa isang tingin lang niya. “So that is your weakness, demi-god. Hindi ka pala sanay nang tinititigan.”

“My weakness is a pretty lady who stares at me like that.” Sinapo nito ang dibdib. “For thirty years, ngayon lang ako kinabahan nang ganito.”

“Tinatablan ka pala ng kaba. I didn’t look at you as if I am about to ravish you, did I? I just look at you like any other girl would.”

“No. You are different.” Naging seryoso ang ekspresyon ng mukha nito. “You are the only one who makes me nervous.”

Iniwas niya ang tingin dito. “O, sige. Hindi na lang ako titingin sa iyo.”

“I didn’t say I don’t like your eyes on me.”

Sinulyapan niya ito. He was smiling this time. “You are teasing me.”

“Siguro sa susunod hindi na ako maiilang kapag tinitigan mo ako. So when will we go out on a date?”

Nitigilan siya sa pagsubo ng blueberry cheesecake. “Hindi ba date na ito?”

“Date na ito sa iyo?” bulalas nito. “We just had some coffee. This is not a real date, Reese.”

“Akala ko kasi date na ito,” sabi niya. “Hindi ba kaya nga pinuntahan mo ako kanina sa office dahil lalabas tayo para mag-date?”

“If we will go out on a date, it won’t be over a cup of coffee. I can do better than this, chére. Nakipagkita lang ako sa iyo para yayain kang mag-date. Are you free tomorrow? How about I fetch you at around seven?”

“Bukas?” Sasagot na sana siya ng ‘oo’ nang maalalang kailangan niyang puntahan ang isang bar para sa investigative report ng kuya niya. “I am sorry, Marcoe. May nauna na akong kompromiso bukas.”

“Okay. How about the next day?”

She pressed her lips. “I am not sure.”

Maari kasing may follow-up pa sa gagawin niya bukas. At kapag nag-aaway ang kuya niya at ang girlfriend nito, kailangan pa nitong suyuin nang ilang araw. Isa pa ay siya na ang naka-front sa lead nila. Kailangan niyang pangatawanan ang pagpapanggap. Maliban na lang kung mag-iba ng strategy ang kapatid niya at hindi na siya nito kailanganin pa.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.