Chapter Marcoe, FGOW: 12

Di magawang kumurap ni Reese habang nakatitig kay Marcoe. “All you want is to go out on a date with me? Are you serious?”

“Dead serious,” he said with a straight face.

“Bakit magpapakahirap para lang makipag-date sa akin?” Di pa rin siya naniniwala na iyon lang ang dahilan nito. “Pwede ka namang makipag-date sa ibang babae nang di ka nahihirapan.”

“Hindi sila ang gusto kong I-date. Ikaw.” He touched the tip of her nose. “Hindi ka makikipag-date hangga’t hindi mo natatapos ang investigative report. Hindi ko na mahihintay pa iyon kaya ako na ang gumawa ng paraan para matapos na.”

Nagpapalit-palit ang tingin niya dito at sa hawak na envelop. Hindi lang nito pinatunayan sa kanya na makapangyarihan itong tao. Mukhang gagawin din nito ang lahat para ma-impress ang babae. Even if he himself was already impressive.

“I can’t believe it. Sigurado ka na date lang ang hihingin mo sa akin?”

“Yup! Just a date,” he said in a sultry voice. “And after that, it is up to you if you still want to keep on dating with me.”

“O hanggang mag-decide ka na humanap ng ibang maide-date kapag na-realize mo na hindi naman talaga tayo magkakasundo, right?”

He shook his head negatively. “I don’t think you would tire me out. Siguro titigilan lang kita kung sasabihin mong ayaw mo sa akin. Don’t you like me, Reese?”

Binasa niya ang labi at saglit na pinangapusan ng hininga. He asked her that question with his face just a few inches from her. As if anytime he would kiss her.

“I-I think I like you. You can be pushy sometimes but I like you,” kumpisal niya. Lalo lang siya nitong pinahanga nang tulungan siya nito. “But just one question, Marcoe. Why did you go through such lengths just to have a date with me? You risked your life to help me out. I don’t think it is worth the effort.”

“Chère, if you are concerned it is worth it.”

“It is?” Tingin kasi niya ay hindi siya ang tipo ng babae na pag-aaksayahan ng panahon at pagod ng isang lalaki. Other guys didn’t waste their time pleasing her. Akala nga niya nang tarayan niya si Marcoe ay titigil na ito. But he didn’t. Sa halip ay gumawa pa ito ng paraan para lalong kunin ang atensyon niya.

“You are an extraordinary girl. And it would take extra effort to make you notice and appreciate me. I just hope you finally did.”

“You and your efforts are well appreciated. Ikaw lang kasi ang lalaking nakilala ko na gagawa nang ganito para sa isang babae.”

“That makes me extraordinary like you.”

She laughed a little. “Ginagawa mo ba ito sa mga babaeng nakilala mo?” She couldn’t mistake the passion in his eyes. And she knew it was for her. Pero di yata niya matatanggap kung ganoon din ito sa ibang babae.

He touched the corner of her lips. At parang gusto niyang matunaw sa titig nito sa kanya. “No. Sa iyo ko lang ito ginawa. Because I really like you. Me and my friends believe that we have to do everything no matter how absurd just to get what we want. So will you go out with me?”

“Yes!”

PINANGGIGILAN ni Reese ang busina. Matagal na kasi siyang stuck sa traffic. Maraming bahagi ng Metro Manila ang baha. “Ano ba namang bagyo ito? Alas sais na. Alas siyete ang date namin ni Marcoe pero nandito ako sa kalsada. Kung bakit kasi sumabay-sabay pa sa date ko.”

Inis niyang sinuklay ang basang buhok. She covered the extensive damage of the typhoon. Kaya naman basang-basa siya. Kailangan pa niyang umuwi ng bahay para mag-shower at magpalit ng damit. Di siya pwedeng makipagkita kay Marcoe na mukhang basing sisiw lalo na’t sa isang eleganteng restaurant sila magde-date.

Wala nang sagabal sa pakikipag-date niya. She was able to keep her father and brother off her back. Sa sobrang tuwa ng mga ito sa mga impormasyong nakuha niya na exclusive na na-publish sa diyaryo nila, nangako ang Papa niya na hindi na siya kukulitin sa mga susunod na assignment. Pero iba naman ang sagabal.

“Pwede ba bukas ka na lang bumagyo? Pagbigyan mo naman ako.”

She let out an exasperated breath when the traffic went on. She picked up her cellphone and called Marcoe. “Hello, chère. Nasaan ka na?”

“Tapos na akong mag-shower. Magbibihis lang ako,” malambing niyang sabi.

“It’s okay. Take your time. Maaga pa naman. Maya maya pa nga ako aalis ng bahay para pumunta sa restaurant.”

“Marcoe, baka ma-late ako nang konti. Okay lang ba?”

“Sure. As long as you won’t cancel the date. I would surely be broken.”

“I won’t miss it for the world. See you later.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.