Chapter Marcoe, FGOW: 11

Mabilis siyang tumayo at dinampot ang camera niya. Saka hangos siyang lumabas ng kuwarto. Nagulat pa nga si Erik sa kanya. “O, anong nangyari?”

“Dad, may sunog daw po sa La Brissa Hotel.” Isa iyong international hotel at isa sa mga top hotels sa bansa. Malaking balita kung nasunog man iyon.

“Kanino mo naman nakuha ang impormasyon?” tanong nito.

“Di ko po alam. Nai-text lang sa akin.”

“Teka, iko-confirm ko muna.”

“Tawagan na lang po ninyo ako. Aalis na ako.”

Mabuti na lang at malapit lang ang La Brissa Hotel sa opisina nila. Labinlimang minuto lang ang biyahe niya. Pumasok siya sa lobby at tumuloy sa reception. “Miss, member ako ng press.” Ipinakita niya ang ID. “I received a report that there is fire in your hotel.”

“Just for a moment, Ma’am,” nakangiti nitong sabi.

Baka itinatago lang ng management ng hotel sa press at may nag-leak ng impormasyon. Malaking eskandalo kung masusunog ang hotel.

Wala siyang makitang fire truck sa labas. Wala ring nagpa-panic na guests. Parang normal lang ang hotel. Kung may sunog, dapat ay nagpa-panic na ang lahat. Baka naman under control na ang sunog dahil minor lang.

“Good afternoon, Ma’am. I am Frank from the media relations office,” pakilala ng lalaking lumapit sa kanya at kinamayan siya.

“Reese Polavieja from International Press Photo. I would like to inquire regarding the alleged fire in La Brissa. I would like to confirm it.”

“Dito po tayo, Ma’am. Sa office na lang po kayo ng boss ko.”

Sumunod siya dito. Nag-ring ang cellphone niya. “Reese, bumalik ka na dito sa office. Wala naman daw sunog. Ipinagtanong ko sa mga contact natin. Wala ring sinumang member ng media ang nakakaalam. I even asked the management of La Brissa. They denied it.”

“Paanong wala? Heto nga at papunta na ako sa head ng media relations. Baka exclusive natin ito. Sayang naman.”

“Okay. Inform me right away if it is worth it. Baka mamaya sunog lang sa kusina iyan na masyadong pinalaki. We are just wasting our time.”

“Pumasok na po kayo, Ma’am.”

“Thank you.” Natigagal siya nang makitang nakaupo si Marcoe habang nakahalukipkip. Tumalikod agad siya. “Mali yata ako ng napasukan.”

“No. You are in the right place, Reese.”

“Kung ganoon, ikaw siguro ang naliligaw. Hindi naman ikaw ang head ng media relations department, hindi ba?”

“Nagpunta ka dito dahil sa suspected fire accident. Masyadong maingat ang mga staff ng hotel para magkaroon ng sunog. Nikos makes sure of that.” She remembered that one of his friends was the owner of the hotel.

“I get it. Nakuryente lang ako. Hindi totoo ang balita. How about you? What are you doing here?”

“Ako ang nagpadala ng text tungkol sa sunog.”

She gnashed her teeth. “Is this some kind of a joke? Hindi nakakatawa. Pero sige, pagtawanan mo ako! Hahaha!” She faked a laugh. Pero mas gusto niyang maiyak sa sobrang inis. Ilang araw na ngang na-torture ang puso niya dahil dito tapos ganito pa ang gagawin nito sa kanya.

Siguro nga ay may kasalanan dahil ungrateful siya sa tulong nito nang nakaraan. Nagsisisi na siya. Di na siya nito kailangan pang ipahiya.

Nag-ring ang cellphone niya. “Dad, walang sunog,” sabi agad niya kay Erik. “It is a hoax.” All the while, she was looking sharply at Marcoe. Matapos magpaalam ay hinarap ulit niya ito. “You had your laugh. I hope you are happy now. Good riddance, Mr. Arezmendi.”

Pinigilan siya nito sa braso nang palabas siya sa pinto. “Reese, wait. Hindi kita pinapunta dito para asarin ka. Iyon lang kasi ang paraan ko para magkita tayo.”

“What for? To torment me?”

“No. I want to give you this.” Inabot nito ang brown envelop sa kanya. “Nariyan ang lahat ng gusto mong malaman tungkol sa drug cartel ni Vicenzio Vicar.”

“Anong alam mo kay Vincenzio Vicar?”

“Siya ang target ng investigative report ninyo ng kapatid mo. Kumpleto ang lahat ng impormasyon diyan. From his supplier abroad, his network and distributors, his drug supermarket and even his protectors in the government.”

Nanlalaki ang mata niya habang binabasa ang laman ng envelop. She was sure that the information was authentic. Mas solid ang ebindesiya. Enough to prosecute Vicar or even put him in jail. It was a super nova explosive type of news.

“Bakit mo ito ibinibigay sa akin? Ninong siya ng friend mo na si Andreas.”

“Andreas even helped me out with that one. Para sa kanya, mas importante ang masasagip na buhay ng report na iyan. Ninong nga niya si Vicar. But they are not that close. As long as walang makakaalam na tumulong siya sa investigation.”

“Thanks. I will tell my dad to give you some credit. After all, ikaw ang nagbigay ng lahat ng impormasyon. I’ll ask them to send you a check. And I am sorry about being crass to you last time.”

Inaway siya nito pero tinulungan pa rin siya nito. Nahihiya tuloy siya dito.

“I don’t need money, Reese. At tulad ni Andreas, ayoko ring may makaalam na ako ang tumulong sa iyo sa report na ito.”

“Why are you doing this?”

“I don’t want you to involve your self with that kind of danger again. Ayoko nang bumalik ka sa lugar na iyon.”

She was touched. Ito pa lang ang lalaki na nagpakahirap para protektahan siya. “Hindi yata ako papayag nang walang kapalit ang tulong mo.”

“All I want is a date with you.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.