Chapter Andreas, TIC: Wakas

“Oo. Kahapon pa nga ako dumating, napasabak agad ako sa trabaho.” Sinubuan siya nito ng daing na pusit. “Paano mo natatagalan ang trabahong mabibigat dito? Tapos nagpipilit ka ulit magtrabaho.”

Ipinaling niya ang mukha palayo at tumayo. “Andreas, stop it! Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa. Tinanggihan ko na ang proposal mo. Mas gusto ko pang mamatay sa sakit kaysa naman isipin mo na ginagamit lang kita at ang katawan mo! Mas mataas pa ang tingin ko sa iyo kaysa sa sex slave so stop doing this!”

“Wala akong pakialam kung katawan mo lang ang habol mo sa akin. Kahit gawin mo akong sex slave, okay lang. After all, I am offering myself to be your slave. Kahit na dito lang ako sa farm mo at gagawa ng trabaho ng ordinaryo mong tauhan.”

“Why are you doing this?”

“Because I love you. Kahit na hindi mo ako mahal, okay lang sa akin.”

“Mahal mo ako kahit na masamang babae ang tingin mo sa akin? Paano kung pagsamantalahan lang kita at itaboy ko lang kayo ng magiging anak natin oras na gumaling ako? Hindi ako marunong magmahal, di ba?”

Lalo lang siyang nasasaktan kung nahihirapan ito para sa kanya. Mahal nga siya nito pero sa likuran ng isip nito, hindi totoo ang bawat pagmamahal na ipapakita niya.

“Synnovea, don’t cry. Kahit na di mo ako mahalin wala akong pakialam.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “I was wrong. Hindi ako dapat nag-propose sa iyo ng makaka-insulto sa iyo. Masyado lang nasaktan ang pride ko. Girls are crazy over me. Gusto ko lang naman ng babaeng mamahalin ko. Nang natagpuan na kita, akala ko katawan ko lang ang habol mo. Nang mawala ka, akala ko kaya ko pang ituloy ang buhay ko. But I couldn’t. That’s why I am throwing my pride away just to be with you.”

He had taken her lips in a hot, yearning kiss. Miss na miss niya ito at ang gusto lang din niya ay ang makasama ito. Napaiyak lalo siya nang paliguan nito ng halik ang mukha niya. It was so tender. And everything was surreal. Minsan na niyang ibinaba ang depensa niya para sa pagmamahal nito. Nasaktan siya. Susugal ba ulit siya?

“Synn, don’t push me away now. I can be your slave all you want. Di ko lang pwedeng sundin ka kapag itinaboy mo ako.”

“I don’t want you as my slave. Gusto ko lang maramdaman na mahal mo ako. At hindi kita paaalisin sa isang kondisyon. Believe me when I tell you that I love you.”

Umiling ito. “I told you that you don’t have to love me in return.”

“But I do love you! Ayokong ma-in love sa iyo. Ang alam ko walang pwedeng magmahal sa akin at di ko rin kayang magmahal. You made me take a risk. At handa ulit akong sumugal para sa iyo pero gusto ko maniwala ka sa akin.”

“Gusto mo pa rin ako di lang bilang sex slave mo?”

“Andreas, paano mo naiisip iyon? Sa ating dalawa, ako ang mas sunud-sunuran sa iyo. Kaya mong pasunurin ang puso ko. Forever is such a long time but I want to be with you for the rest of my life. Kahit noong pwede naman kitang akitin para di na tumuloy ang sakit ko, pinili ko pa ring lumayo sa iyo. Kailangan mo ng babaeng totoong magmamahal sa iyo. At kaya lang kita tinanggap dahil alam kong mahal na kita. At di na ako papayag na ibang babae pa ang magpasaya sa iyo.”

“Maniniwala lang naman ako na mahal mo ako kung tatanggapin mo ito.”

Inilabas nito ang magkataklob na kabibe. Nang buksan niya iyon ay isang diamond engagement ring ang laman niyon. “You are asking me to marry you?”

“Yes. So Miss Synnovea Alcaraz, will you marry me?”

“Yes!” sagot niya at mariin itong hinalikan sa labi. Napaiyak na naman siya nang isuot nito ang singsing sa daliri niya. “Thank you!”

Niyakap siya nito. “I’ve been dreaming about this the moment I saw you at the wedding in Italy. Sabi ko hindi ako titigil hangga’t di ka nahuhulog sa charms ko. At di ka na pwedeng umurong ngayon, Synnovea. Hindi kita pakakawalan. Ti amo.”

“I love you, too. Please believe that.”

“By the way, we have an invitation to attend a birthday party of a certain Mathilde Romualdez. Gusto ka daw niyang makilala. She is one of the patrons of your creations.”

Namutla siya at tinitigan itong mabuti. Isang babaeng matanda ngunit may regal na kilos at prominenteng ismid ang naalala niya. “She’s my father’s mother.”

“Your grandmother.”

Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Andreas. An old pain gripped her heart. “No. Ayaw niya akong kilalaning apo. Itataboy lang niya ako.”

“Pupunta tayo. Matanda na siya. Gusto niyang bumawi sa iyo. At kasama mo naman ako.” His lips touched her forehead. “Sa palagay mo hahayaan kong may makasakit sa iyo?”

“Galit sa akin ang pamilya ng Papa ko.”

“Give them a chance to love you. At ang mga di magmamahal sa iyo, huwag mong pansinin. Ang importante ang mga taong nagmamahal sa iyo.”

She kissed him tenderly to show her gratitude. Itinama na nito ang lahat ng mali sa buhay niya. Loving a risk worth taking. Lahat ay kailangang isugal. Tulad ng magulang niya na sumugal para sa kanya. Di na siya galit sa pag-iwan ng mga ito sa kanya. Kalilimutan na rin niya ang pamamahiya sa kaniya ng pamilya ng ama niya o ng malamig na trato sa kanya ng lolo niya. Lahat ng sakit ay pinawi ng lalaking may yakap sa kanya ngayon.

Hangga’t mahal niya si Andreas, tanging masasayang alaala na lang ang matitira sa kanya. At di na rin niya kailangang masaktan tuwing maiisip niya ang malulungkot na alaala. A kiss from Andreas would surely cure that.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.