Bata pa lang si Jezzie ay gusto na niya si Wyndham Archer. Pero ni minsan ay di siya nito pinansin dahil sa dami ng naggagandahang mga kababaihang idine-date nito bilang international jetsetter at tagapagmana ng Royal Air. At ang masaklap, one of the boys ang turing nito sa kanya.
Until one fateful night, Wyndham finally saw her as a woman. A beautiful, attractive woman worthy of his attention. Handa na siyang ibigay ang sarili dito nang bigla itong lumayo sa kanya.
“You are a virgin?” he asked in shock. “Get out!”
Then he threw her out of his flat and his life. She would never forgive him for treating her virginity like a scourge when she was giving it to him as a gift.
Lumayo siya dito pero bakit siya ang hinahabol nito ngayon? Bibigyan ba niya ito ng pagkakataon gaya nang bibigyan niya ng pagkakataon ang puso niya na mahalin ito?
Nakahinga nang maluwag si Jezzie nang mag-taxi sa private hangar ng mga Archer ang bagong-bagong Gulfstream IV sa Heathrow Airport. Isang malaking parusa sa kanya ang turbulence nang palapag na sila sa airport. It was freaky. Akala niya ay iyon na ang huling araw sa buhay niya dahil iyon ang pinakamatinding wind shear na nakasagupa niya. She was flying since she was twelve years old. Pero hindi talaga matatawaran kung kalikasan na ang kaharap niya.
“Great flight! Nice flying with you, Castellano,” bati ng boss niyang si Wyndham Archer at tinanggal ang headset.
“Thank you, Sir!” pasasalamat niya. “Mabuti na lang may naka-install silang wind shear alert dito sa Hearthrow.”
Ito ang co-pilot niya and the Gulfstream was his own personal plane. He was the heir to the Royal Air, an aviation company na kinikilala sa buong mundo. Gaya niya ay isa rin itong piloto. At kung suswertehin na wala itong kasamang babae sa eroplano nito ay sinasamahan siya nito sa cockpit. Flying was also his passion pero mas naka-focus ito sa pamamahala sa Royal Air at pagbiyahe sa iba’t ibang bahagi ng mundo para sa negosyo at paibigin ang iba’t ibang babae.
Her heart skipped when he smiled at her. Ito pa ang isang turbulence sa buhay niya. Ang dahilan kung bakit nanginginig ang katawan niya at parang wala sa sarili habang nasa trabaho siya. Pitong oras silang magkasama sa cockpit. Isang himala na naligtasan nila ang wind shear dahil sa paglipad ng utak niya habang nasa paligid ito, baka kanina pa sila bumulusok.
Sino ba naman ang babaeng di mawawala sa sarili kapag kasama ito? He was tall with a good physique. He had a body to die for. Alaga nito ang katawan dahil sa hilig nitong mag-surfing at skydiving bukod pa sa iba’t ibang sports activities na ginagawa nito kasama ang ibang kaibigan nito. Lalaking-lalaki din ito dahil sa Moreno nitong balat na namana nito sa Pilipinang ina. And he had that luscious blue eyes that he inherited from his father’s English line. At kapag ngumiti ito ay ngumingiti rin ang mga mata nito. And his lips were made for kissing. Sa katunayan, iyon ang pumasok sa utak ng mga babae pagkakita pa lang dito. Iyon din ang naisip niya nang unang beses silang magkita.
She was twelve years old then. Nagsisimula pa lang siyang mag-aral magpalipad ng eroplano. Piloto ng mga chartered planes sa ilalim ng Royal Air ang tatay niya. Nineteen naman si Wyndham noon. He was already an expert pilot then like his younger brother Raddison.
Bagamat mas malapit ang edad nila ni Raddison at mas madalas niya itong makausap, si Wyndham ang nakaagaw ng atensiyon niya. Pero naagaw ng mas magaganda at sexy na babae ang atensiyon ni Wyndham. He loved them blonde and long legged. Hindi siya blonde dahil parehong Filipino ang magulang niya. Payat siya at long legged pero mas napagkakamalan naman siyang lalaki dahil kilos-lalaki siya.
Di siya mananalo sa beauty pageant ni Wyndham. Walang nagtatagal na babae dito. Papalit-palit ito ng girlfriend. Iba-iba sa bawat bansang puntahan nito. Naisip niya na kung magiging magaling siyang piloto, mas makukuha niya ang atensiyon nito dahil pareho sila ng interes.
Kaya naman nagsumikap siyang makapasok sa Royal Air para mapalapit dito matapos mamatay ng tatay niya sa isang airplane crash sa Mediterranean. Maswerte siya dahil pinili siya ng ama nitong si Jeffrey Archer para hawakan ang sariling chartered plane ni Wyndham. Nagkakasya na lang siya na sulyap-sulyapan ito. At nagtitiis kung may iba itong babaeng kasama sa eroplano. Nagtitiis siya kahit na gusto niyang pabulusukin ang sasakyan kapag kasama nito ang mga girlfriend nito sa private bedroom ng eroplano.
INangat nito ang mga kamay paitaas at nag-unat. “That was a cool struggle. I might not able to pull it kung hindi ikaw ang kasama ko.” Binigyan siya nito ng magaang suntok sa braso. “You are cool, buddy!”
“Kung papalpak po ako, pare-pareho tayong mamamatay.”
Inulan siya ng papuri ni Wyndham. Parang gusto na niyang mag-collapse. Pinipigilan lang niyang ngumiti dahil baka mahalata nito na gusto niya ito. Tiyak na tatlong araw siyang mapupuyat kaiisip dito.
“How about a drink tonight?” tanong nito.
“Tonight?” Alas dos na ng madaling araw sa London. Pagod na siya sa biyahe. Baka naman naghahalusinasyon lang siya dahil sa antok.
“Yeah! Tonight. I’ll see you at Inferno at ten o’clock. My treat.”
“O-Okay,” aniya at napalunok.
“Huwag mong kakalimutan ang usapan natin!”
Tulala siya nang makalabas na ng cockpit si Wyndham. Umiikot pa rin ang ulo niya. Hindi siya makapaniwala. Niyaya siya ni Wyndham na lumabas.
“Inferno. Ten o’clock tonight,” wala sa sarili niyang usal hanggang makarating sa kuwarto nila sa hotel. Ni hindi pa niya inaayos ang sarili at suot pa rin ang uniform. Baka kasi bigla na lang siyang magising sa magandang panaginip.
Ipinitik ni Faye ang daliri sa mukha niya. “Hoy!”
Nagulat pa siya dahil puting-puti ang mukha nito. “Ano ba? Mukha ka namang espasol! Nananakot ka ba?”
“Kita mo ‘to! Nagpapaganda ako dito, ikaw ang bubulong-bulong diyan. Ano ba iyang mantra mo? Makakaakit ba iyan ng maraming boys?”
Flight attendant ito ni Wyndham. Walang permanenteng boyfriend si Faye dahil sa trabaho nila. Laging on the go si Wyndham. At kapag ipinatawag sila ni Wyndham, kailangan agad nilang mag-report. At kakarayin na naman sila sa kung saang parte ng planeta.
“Wyndham asked me for a drink.”
“Drink lang?” dismayadong sabi nito.
“Anong drink lang? Niyaya niya akong lumabas. Date na iyon.”
“Date? Date na iyon sa iyo?” histerikal nitong tanong at muling humarap sa vanity mirror para ipagpatuloy ang pagpapahid sa mukha. “Diyos ko! Hindi ko alam kung wala ka talagang alam sa buhay o nag-iilusyon ka lang. Kapag niyaya ka sa isang romantic dinner o kaya manonood ng sine, iyon ang date. Pero sa Tony’s ka niyaya. Hang out ng boys para makipag-inuman.”