Chapter HNL 130

Ngayon naman ay kailangan siya nito. Ngayon lang ito nakiusap na manatili siya sa tabi nito. Ngayon lang ito naging mahina at hiningan siya ng tulong. And she felt helpless. Sakap na ba ang yakap niya at presensiya niya para itaboy ang multo at mga alaalang gumagambala dito? Paano kung siya ang dahilan kung bakit bumalik ang multong iyon? What if she made him so miserable that he felt empty inside? Paano niya ito matutulungan? How could she fill the emptiness inside him?

Maya maya pa ay kumalma na ito at naging panatag ang paghinga. Nang tingalain niya ito ay nakita niyang nakapikit na ito. Sa wakas ay nakatulog na ito. Saka niya napansin muli ang dibdib nito sa ilalim ng pisngi niya. It was smooth and she was itching to touch it. When was the last time that she was able to touch him.

Lumapat ang palad niya sa dibdib nito. She reacquainted herself with his velvety skin, how the planes of his chest move with every breath. At dahan-dahang bumaba ang palad niya sa abs nito. Okay. Walang malisya. She was just trying to make sure that he was… fine.

“Phoenix,” ungol ni Vance.

“Huh?” usal niya at tiningala ito. Bahagyang nakabukas ang mga mata nito habang ang kamay naman niya ay di niya maigalaw sa pagkakalapat sa isa sa mga pandesal sa abs nito.

“What are you doing?” tanong nito sa malat na boses na parang naalimpungatan ito sa ginagawa niya.

“Uhmmm… I am just checking…”

“Checking what?”

“If… you are okay. S-Saka sinusubukan kong itaboy ang nightmares mo.” Pinalakad niya ang daliri sa ibabaw ng abs nito. “May nabasa kasi ako na ancient Egyptian scripture na para daw hindi ka na dalawin ng bangungot, kailangang may haplusin na isang part ng abdomen mo.” Inilapat niya ang palad sa dalawang panggitnang pandesal sa six-pack abs nito. “There you go. Dito banda iyon.” Then she smiled sheepishly at him.

Kumunot ang noo ni Vance at tumingin sa taas na parang may inaalala. “Really? Parang hindi ko ata nabasa iyan. May ganoon silang paniniwala?”

Lumunok siya bago tumango. “O-Oo. Hindi pa nga lang napa-publish ang discovery na iyon.”

Mataman muna siya nitong pinagmasdan bago nawala ang kunot ng noo nito. “I think I am okay now. H-Hindi na siguro babalik ang masamang panaginip ko. Matulog ka na,” sabi nito at kinabig ang ulo niya.

Wala siyang choice kundi tuluyang pumikit. Ilang beses muna siyang gumalaw para mahanap ang komportableng pwesto sa tabi ni Vance bago siya pumirmi. Nakahilig ang pisngi niya sa dibdib nito at nakalapat ang palad niya di kalayuan sa abs nito. Makakatulog na siya ng mahimbing. Vance’s manly scent was lulling her to sleep.

Nagsisimula na siyang makatulog nang bumulong ito sa kanya. "Go back to your room.”

Umungol siya at pilit na idinilat ang mga mata. Inangat niya ang ulo at tiningnan ito. “Why?”

His eyes were glassy. Mariing magkadikit ang labi nito na parang kinokontrol ang nararamdaman. “B-Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko."

"Na?"

Tiningnan siya nito nang direkta sa mga mata. "It is dangerous from pregnant women to make love. So it is better for you to go to your room while I can still control myself. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakatagal."

What??? Tama ba siya ng narinig niya? Tinitimpi lang nito ang sarili nito dahil delikado sa buntis na babae ang makipagniig?

“Sino ang may sabi niyan?” tanong niya. “Hindi ba lagi mo pa nga akong tinutukso dati bago tayo ikasal. At sinabi din naman ni Doktora Villamena na okay lang sa buntis na… you know.” Baka naman excuse lang nito iyon.

Bumangon ito at nakita niyang kuyom nito ang palad nito sa kandungan nito. "Oo. Alam ko kung anong sinabi ng doktora pero hindi iyon laging safe. May isa akong empleyado na buntis. Tapos… tapos bago tayo ikasal, bigla siyang nanganak kahit pitong buwan pa lang an bata. Premature ang bata. At ang dahilan ay dahil di nakapagpigil ang asawa niya at nailagay sa alanganin ang buhay ng anak nila. Parehong muntik mamatay ang nanay at ang bata. Mabuti na lang at nakaligtas. And… and I can’t risk that. Hindi ko uunahin ang sarili kong pangangailangan kaysa sa inyo ng anak ko. Mas mahalaga ang kalusugan at kaligtasan ninyo."

"Y-You still find me desirable?" di pa rin makapaniwala niyang tanong. Malay ba niya kung palusot lang iyon ni Vance para kunyari ay hindi lumapit sa kanya.

"Oo naman."

"Kahit na lumobo na ako? Kahit na pangit ako?"

Her self-esteem was still in an all-time low. Hindi iyon madaling ibalik sa dating level dahil sa mababang kompiyansa niya.

"You are not ugly and you are huge because you are carrying my child. I still want you. I want you more now.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “All-woman and so beautiful. Even when I hate you, I still want you.”

“One moment you were kissing me.Tapos basta ka na lang nag-goodnight at gusto mo na lang akong iwan sa ere. That was so cruel, Vance.”

“Iyon nga ang gusto kong ipaliwanag sa iyo. Mali ko iyon. I shouldn’t have kissed you like that. Akala ko makokontrol ko ang sarili ko. Akala ko kaya ko pero hindi pala. So I had to leave. Nang sinubukan kong magpaliwanag, ayaw mo namang makinig sa akin.”

Yumuko siya. “Vance, I am pregnant. Mababa ang self-esteem ko dahil akala ko ayaw mo sa akin. Mula nang magsama tayo, ginawa ko ang lahat para maging normal ang pagsasama natin. Noong honeymoon natin, di mo ako pinansin kahit na nakasuot ako ng sexy na lingerie. Pinalampas ko iyon dahil naisip ko na baka galit ka lang sa akin. But recently, we were okay. More than okay. Idinala mo ako sa isang romantic date. Then you kissed me. Akala ko… akala ko magbabago na sa atin ang lahat saka mo ako basta na lang iiwan. Kaya naisip ko ayaw mo sa akin dahil buntis ako. Marami namang lalaking gustong-gusto ang asawa nila noong di pa buntis. Pero nang mabuntis na, naghahanap na sila ng iba.”

Hinawakan nito ang baba at inangat. “Hindi ko gagawin iyon sa iyo. Malaking sakripisyo para sa akin na dumistansiya sa iyo kung alam mo lang. Kaya hiwalay tayo ng kuwarto para protektahan kayo ng anak natin mula sa sarili ko. I could easily seduce you, why not? Pero pinili kong lumayo at kontrolin ang sarili ko para hindi kita masaktan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa inyo. Pasensiya na kung nasaktan kita. And I want you to know that I am hurting, too.”

“Hindi ka ba na-tempt sa ibang babae?”

“Other girls can’t arouse me anymore. Hindi na ako interesado sa kanila kahit pa sabihin maghubad pa sila sa harap mo. Samantalang ikaw dulo lang ng daliri mo ang makita ko, nabubulabog na ang sistema ko.”

“I know,” aniya at kinintalan ng halik ang baba nito.

Nagsalubong ang kilay nito at puno ng pagtataka siyang pinagmasdan. “Paano mo naman nalaman?”

“Marami akong nalaman sa iyo noong inuwi kang lasing ni Deutsch. Una, sinusungitan mo daw ang mga babae sa party kapag lumalapit at nagpi-flirt sa iyo.”

“Dapat ko bang ikatuwa iyon?” may bahid ng iritasyon nitong tanong. “I am already married. Kitang-kita naman sa suot kong wedding ring. Pero kahit ipagduldulan ko sa kanila ang singsing ko, ayaw pa rin nila akong tigilan. Marami namang ibang lalaki sa mundo. Anong klaseng babae ba ang ganoon? Ilan na nga ang nasinghalan ko. Ikaw kasi hindi sumama sa party noon. Sana di na nila ako ginugulo.”

“Well, I am thankful. Kasi hindi ka nagpadala sa tukso. Saka kahit na lasing ka, ayaw mo pa ring magpahawak sa iba. Nagwawala ka nang hawakan ka nila Mang Ador at ni Manang Doria. Sabi mo may asawa ka na at hindi ka papayag na lapitan ng ibang babae. Na papatayin mo sila kapag nagalit ako sa iyo.”

Nanlaki ang mata nito. “G-Ginawa ko talaga iyon?”

Nakangiti siyang tumango. “Yes. Sa palagay mo ba bakit pa kita ipinagluto kinabukasan at inasikaso kahit na lasing ka. Samantalang dapat nga hahayaan na lang kitang matulog sa labas ng mansion.”

Nagkibit-balikat ito. “I… I don’t know. Baka di mo ako matitiis.”

“Di naman talaga kita matitiis. Kahit na mag-away pa tayo, sa huli mahirap ka pa ring tiisin lalo na’t gumagawa ka ng mga bagay na nagpapalambot ng puso ko. Minsan tuloy gusto ko nang sabunutan ang sarili ko dahil kahit magmatigas ako sa iyo, sa huli hindi ko pa rin napipigilan ang sarili ko. Kahit na paulit-ulit mo akong sinasaktan. Kahit pakiramdam ko ayaw mo sa akin, hindi ko kayang kontrolin ang puso ko pagdating sa iyo. Sana nga minsan lagi na lang tayong magkaaway. Mas madali iyon para sa akin. I…. I can’t really handle you when you are nice.”

“Ibig sabihin kaya ka malungkot nitong nakakaraang araw dahil iniisip mo na ayaw ko talaga sa iyo dahil lang buntis ka?”

“Ayaw mo sa akin. Hindi mo ako mahal. Period. I love you, Vance.”

Nakita niya ang pamimilog ng mata nito sa kabila ng kaunting liwanag na sumisinag sa kanila. “Phoenix…”

She knew that the statement would cost her dearly but she didn’t care. Gusto niyang malaman nito na mahal niya ito. Wala na siyang pakialam kahit na hindi siya nito mahal. She was laying her heart bare this time the way he did a while ago.

“Kaya ako nasasaktan ng ganito dahil mahal kita. Wala na akong pakialam kung maniwala ka man o hindi, kung iniisip mo na ginagamit ko itong leverage para gulangan kita. Wala akong pakialam kung gamitin mo ang nararamdaman ko laban sa akin, dahil mahina ako sa pagmamahal ko sa iyo at hindi mo ako mahal.

Idinikit nito ang noo sa noo niya hanggang halos maglapit na ang labi nila. “Noon ko pa sinasabi ito at sasabihin ko ulit. I love you, Phoenix. Lahat ng sinabi ko sa iyo mula sa simula pa lang ay totoo. Kung nagsabwatan man kami ni Ninong Mauricio noon para itago ang totoo, iyon ay dahil gusto ka naming protektahan pareho. I love you even when I hate you. Gusto ko ring pigilan ang nararamdaman ko dahil alam ko na paglalaruan mo lang ako. Na gagamitin mo ang nararamdaman ko laban sa akin.”

“Ano? Paglalaruan kita?” tanong niya.

“Yes. I am weak where you are concerned. Nakita mo naman kung paano ako nag-effort na makuha ka mula kay Nelson noon. It is not about the money, Phoenix. Ikaw talaga ang gusto kong makuha. Ikaw ang gusto kong makasama. At handa akong gawin ang lahat ng klase ng pang-i-intimidate para lang pakasalan mo ako.”

“Dahil sa anak natin?”

“Well, that is a good excuse to make you mine.” Nakita niya ang pagguhit ng ngiti sa labi nito. “Wala ka nang ilulusot sa akin. Wala kang choice kundi pakasalan ako. Plano rin naman kitang palambutin sa pamamagitan ng panse-seduce sa iyo kundi lang biglang dinugo ang empleyado kong buntis sa harap ko. That… that was traumatic.”

“But you still want me?”

“Very badly.”

Yumakap siya sa leeg nito. “Patunayan mo na gusto mo ako, Vance. Gusto kong maramdaman na gusto mo talaga ako,” aniya sa matatag na boses.

“How?” he asked in a rasp voice.

“Kiss me.” Inilapit pa niya ang labi dito. “Kiss me like there is no tomorrow. Kiss as if you can’t have your next breath without my lips on you, claiming me, devouring me.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.