Chapter HNL 129

Mahimbing ang tulog ni Phoenix dahil sa malamig na pagaspas ng hangin sa labas at sa malakas na ulan. Sa palagay niya ay magtutuloy-tuloy ang tulog niya hanggang umaga.

Nagising na lang siya nang maulinigang may sumisigaw. Nang dumilat siya ay madilim ang silid niya. Patay ang ilaw ng lampshade. Ang tanging liwanag lang ang mula sa rechargeable light sa ulunan niya. Pinutol na marahil ang linya ng kuryente dahil sa malakas na ulan at kidlat. Maaring may nabuwal sa poste o naputol na kawad. Hindi iyon ang inaalala niya kundi ang sigaw na pumapailanlang sa dilim ng gabi.

Umaalulong ang hangin. Humahampas ang halaman sa labas ng salamin ng silid niya. Mukhang matindi na ang pananalanta ng bagyo. Kahit na patay ang aircon ay malamig na malamig ang hangin.

Alam naman niyang secured ang buong bahay. Ilang araw pa lang bago dumating ang signal number two na bagyo ay tiniyak na niya na ligtas ang bahay. Hindi bahain ang area na iyon kaya wala rin siyang inaalala.

Baka naman hangin lang ang naririnig niyang sumisigaw. Ganoon naman kapag bumabagyo. Akala mo ay may isang asong umaalulong dahil sa lakas ng hangin. Wala lang siguro iyon.

Papabalik na naman siya sa higaan nang makarinig siya ng panibagong sigaw. “Huwag! Huwag! Mama! Papa!”

Nabahala siya. Hindi iyon alulong ng hangin. Parang may sumisigaw talaga. Galing sa kabilang kuwarto ang sigaw. Parang… boses ni Vance.

“Huwagggg!!! Huwagggg!” patuloy na sigaw ng asawa.

Binuksan niya ang drawer at kinuha ang flashlight doon. Lumabas siya sa kuwarto niya at dali-daling tinungo niya ang kuwarto nito Vance. “Vance! Vance!” tawag niya sa pangalan nito at malakas na kinalabog ang pinto.

“Huwaggg!” sigaw ulit nito. Mukhang nananaginip pa rin ito at di siya naririnig. Hindi nito mabubuksan ang pinto kung ganoon.

Pinihit niya ang seradura ng pinto. Napausal siya ng pasasalamat dahil bukas iyon at hindi nakakandado. Pagbukas niya ng pinto ay dilim agad ang sumalubong sa kanya. Mukhang hindi gumagana ang emergency lamp sa kuwarto ni Vance. Tinapatan niya ito ng flashlight. Pabiling-biling ito sa higaan habang sumisigaw. Nakasuot lang ito ng puti na chino pants at walang suot na pang-itaas kaya naman nakikita niya ang kinang ng pawis nito sa moreno nitong balat.

He must be having a bad dream. A very bad dream.

Umupo siya sa gilid ng kama at tinapik ang pisngi nito. “Vance! Vance, gising!”

“Huwaggg!” sigaw nito at bumalikwas ng bangon. “Huwag mo akong p-patayin. Huwag mong patayin si Mama at Papa.”

“Vance, this is me, Phoenix,” sabi niya at inilipat sa lamp mode ang flashlight niya para di tumutok ang liwanag dito at makita din siya nito.

Kumurap-kurap ito nang mapagmasdan siya. Lumambot ang anyo nito nang mamukhaan siya. “Phoenix? Phoenix, nakita ko sila. Nakita a-ang mga pumatay sa magulang ko…”

Parang may kumurot sa puso niya nang makita niya ang takot at ang pagdurusa sa anyo nito. Namatay ang magulang ni Vance nang looban ng mga magnanakaw at pinatay ang mga magulang nito kaya naging ulilang lubos ito sa edad na disiotso.

Niyakap niya ito ng mahigpit. “Shhh! It is just a bad dream.”

Hinaplos niya ang likod nito para kumalma ito. Matindi ang panginginig na parang isang batang takot na takot sa multo. Sa pagkakataong ito ay hindi isang kathang-isip na multo ang nagdadala ng takot dito kundi ang multo ng nakaraan nito – masasamang nilalang na bumawi sa buhay ng mga taong mahal nito. And she had never seen Vance this shaken.

“Pero parang totoong-totoo. N-Natatakot ako na patayin ka rin nila… at ang anak natin,” humihingal na sabi ni Vance

Inilayo niya ang sarili dito at at ikinulong ang mukha nito sa mga palad niya para mapagmasdang mabuti ang anyo nito. Pawis na pawis ito at basa din ng luha ang mga mata. Malayo ito sa Vance na nakilala niya. He had always been strong, dependable and he could easily mask his emotions if he wanted to. Ngayon lang niya ito nakitang bukas na bukas ang emosyon. He was weak and scared and he didn’t care. At ang inaalala nito ay di lang ang pagkamatay ng mga magulang nito kundi pati sila ng anak niya.

Pinunasan ng palad niya ang luha at pawis nito. “Vance, hindi mangyayari iyon. Patay na ang mga pumatay sa mga magulang mo. Hindi ba napatay na silang lahat nang manlaban sila sa mga pulis?”

Nakatingin ito sa kanya pero parang hindi pa rin siya nito nakikita. “P-Parang buhay pa rin sila. Parang totoong-totoo.”

“Ikukuha lang kita ng tubig,” sabi niya at kumalas dito. Baka sakaling mahimasmasan na ito kapag nakainom na ito ng tubig.

Akmang tatayo siya nang pigilan siya nito. “Huwag kang aalis. Dito ka lang. Papatayin daw nila ang lahat ng mahalaga sa akin.” Lumunok ito. “A-Ayokong mangyari iyon. A-Ayoko nang mag-isa.”

Parang kinurot ang puso ni Phoenix at kinabig ang ulo ni Vance para sumandig ito sa balikat niya. Ngayon lang niya ito narinig na magsalita tungkol sa nangyari sa pamilya nito. She thought he was already okay. Na nalampasan na nito ang bahaging iyon ng buhay nito subalit di pa pala. Animo’y nabubuhay ito sa isang bangungot. At nang mga oras na iyon, parang siya lang ang pwede nitong kapitan.

“Akala ko hindi mo na sila napapanaginipan.” Ang alam niya ay tumigil na ang masamang panaginip nito nang mapatay ng pulisya sa isang operasyon ang mga nanloob sa bahay nito.

“H-Hindi ko alam kung bakit. S-Siguro dahil sa bagyo. S-Siguro dahil mag-isa ako. A-At ayokong mag-isa.”

“Hindi kita iiwan. Nandito lang ako,” sabi niya at dahan-dahan itong ihiniga. Umupo siya sa tabi nito at hinaplos ang buhok nito.

Nakatitig lang ito sa kisame pero parang may nakikita ito na hindi niya nakikita. “Ganito rin ang gabing mawala sila Mama at Papa. Malakas ang ulan. Sabi nila sa akin huwag akong magpapagabi ng uwi. Pero dahil may ka-date ako kaya ginabi ako ng uwi. Naglalakad na ako pauwi nang marinig ko ang putok ng baril. Gusto kong sumigaw pero nakita ko na palabas na ang mga magnanakaw sa bahay. Nagtago ako sa likod ng malaking puno. Hindi ako makasigaw dahil sa takot. Hindi ako makahingi ng tulong o makagalaw sa pinagtataguan ko kasi natakot ako na baka patayin pa rin nila ako. Wala akong nagawa. Hindi ko man lang sila natulungan. N-Nang pwede ko na silang tulungan, huli na. Patay na sila.”

Nang umagos ang luha sa gilid ng mga mata nito at di man lang pinahid iyon ay kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili na umiyak. Akala niya ay naka-get over na ito doon. Hindi naman nagma-manifest dito ang trauma na dinanas nito nang namatay ang mga magulagm nito dahil matagal din naman silang nagkasama. Payapa pa rin ang tulog nito dati kapag umuulan at katabi siya. Hindi niya alam kung ano ang nag-trigger ng takot nito at ng mga alaala na dapat ay nakalimutan na nito.

Ginagap niya ang kamay nito at kinintalan ng halik. “Hindi mo kasalanan iyon. Bata ka pa noon. Wala ka rin namang magagawa para sa kanila. Kung sumugod ka sa bahay ninyo o gumalaw man lang, papatayin ka rin ng mga magnanakaw. Natitiyak ko na masaya ang mga magulang mo ngayon dahil buhay ka, ligtas at nakita nilang maayos ang kalagayan mo.”

“S-Sa palagay mo ba masaya sila para sa akin?”

Marahan siyang tumango. “Oo naman. Maganda na ang buhay mo at natupad mo ang mga pangarap nila sa iyo. Hindi gugustuhin ng mga magulang mo kung namatay ka kasama nila. Walang ibang gugustuhin ang mga magulang mo kundi protektahan ka mula sa masasamang bagay sa mundo.”

Nasasabi na niya iyon ngayon dahil magiging ina na rin siya. Alam niyang handa siyang ibuwis ang buhay niya para sa magiging anak nila ni Vance. Kahit na siya ang masaktan, huwag lang ang anak niya.

“I still feel guilty. Kahit nang naka-recover na ako sa tulong ng psychologist ko, iniisip ko pa rin minsan kung mas mabuti na nawala na lang ako kasama sila.”

“Huwag mong sabihin iyan,” bulalas niya at mahigpit na hinawakan ang kamay nito. Kakaibang kilabot ang naramdaman niya nang mga oras na iyon at ayaw niya itong pakawalan.

He gave her a dead stare. Hindi niya alam kung bakit parang nakita niya ang sarili dito. That she was empty inside. His eyes were hollow. As if a deep sadness in his eyes that it made him numb. “Don’t you wish I died with my parents? Hindi mo ba naisip na sana mas mabuti ang buhay mo kung wala ako. Na… hindi ka nasasaktan. Hindi ka nalulungkot. Hindi na kita napapasaya, Phoenix. Nakikita ko iyon.”

“No. Kahit na ano pang nangyari sa atin, di ko hihilingin na namatay ka kasama ng mga magulang ko. Marami ka ring nagawa para mag-grow ako bilang tao. Binigyan mo rin ako ng anak.”

“Pero ayaw mo sa akin. Si Nelson ang gusto mong pakasalan. Si Nelson din ang pinili mo na maging ama ng anak mo at hindi ako. You… you don’t really want to be with me. Kung hindi ka niya niloko, siya sana ang kasama mo ngayon at hindi ako. Kung hindi kita pinilit, baka mas gugustuhin mong lumayo nang tuluyan sa akin kasama ang anak natin.”

Kinintalan niya ng halik ang nakakuyom nitong palad. “Just so you know, mas gusto ko na ikaw ang ama ng anak ko at asawa ko kaysa kay Nelson.”

He never thought that he would be a bit emotional over that. Akala niya ay wala naman itong pakialam doon. After all, he was Vance Antiporda. Girls go crazy over him. Puno ito ng kompiyansa sa sarili. At hindi ang isang tulad lang ni Nelson ang magpapababa ng confidence nito.

“Sigurado ka? Kahit na ngayon? I thought you hate me,” gulat nitong sabi at bumangon.

Umangat ang gilid ng labi niya. “Let’s say that you are the lesser evil.”

Pagak itong tumawa. “Lesser evil? I thought I am the evil himself.”

“We had some good times together.”

Totoo man iyon o hindi, pinahahalagahan pa rin niya ang mga sandaling iyon. He made her happy. Ang ilan sa mga pinakamasasayang sandali sa buhay niya ay nang kasama niya si Vance. Walang maaring makapagpabago ng nararamdaman niya nang mga sandaling kasama niya ito. Ito ang klase ng kaligayahan na di nanggaling sa trabaho niya o sa discoveries niya. Vance made an effort to make her smile and laugh. She enjoyed his company. And he was really trying up to this point to make her happy.

Pumitlag ito nang biglang kumidlat at hinaplos niya ang likod nito. “S-Sorry. M-May takot pa rin ako sa kidlat.”

Tumango siya. “It is okay. I am here. Mahiga ka na. Matulog ka na. I am sure hindi na babalik ang masamang panaginip mo,” sabi niya sa malumanay na boses.

“P-Pwede bang y-yakapin kita?”

Tumango siya. Humiga siya sa tabi nito at kinabig siya nito para humilig siya sa dibdib nito. Humihigpit ang yakap nito sa kanya kapag naririnig nito ang kulog at nababanaag ang kislap ng kidlat. She tried to soothe him to chase his fears away.

Vance did a lot of good things for her. Kapag binabalikan niya ang nakaraan, wala itong ginawa kundi pasayahin siya at tuparin ang mga pangarap niya. He showed her how to feel. He made her feel happy. Kahit pa sabihing pagkukunwari ang mga iyon sa parte ni Vance, hindi maaring pekein ang kaligayahang naramdaman niya.

And she wondered if she ever did anything to make him really happy. Kung may nagawa ba siya para bumuti ang pakiramdam nito kapag lumungkot ito. Did she help to make him feel good on the things that matter. Hindi pa. Pakiramdam niya ay wala siyang gaanong silbi dito. As if she was not a good enough wife for him or even a partner. Ito ang laging gumagawa ng pabor para sa kanya at nag-e-effort para gawing makulay ang dating akala niya ay buhay niya. Na kapag inaakala niyang konteto na siya ay gumagawa ito ng mga bagay na nagsasabing di sapat ang kontento lang.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.