Chapter HNL 134

“VANCE, cute ba itong si Blue Eli para kay Mauri?” tanong ni Phoenix habang ipinapakita sa video cam ang light blue na stuffed toy elephant. Naka-video call sila habang namimili siya sa isang toy store sa Trinoma sa Quezon City. Hindi kasi ito makakasama sa kanya na mag-shopping kaya naman nagkasya na lang sila na ipakita ang mga gusto niyang bilhin sa pamamagitan ng video call. Maya’t maya din kasi itong tumatawag sa kanya basta in-between meetings ito.

Six months na ang dinadala niya. Nalaman nila na lalaki ang anak nila sa pamamagitan ng ultrasound kaya naman nagkasundo silang Frank Maurice ang ipangalan dito na kinuha mula sa Tito Mauricio niya at namayapa na ring ama ni Vance.

Iniwan siya saglit ni Mang Ador para mag-restroom pero babalikan din daw siya sa toy store. Gusto rin naman niya na mag-isang mamili. She was enjoying a bit of her ME time. Pero siyempre ay nakasubaybay pa rin si Vance sa kanya.

Kumunot ang noo ni Vance. “Phoenix, baka naman magmukha nang toy store ang kuwarto ng anak natin. Kabibili mo pa lang last week, di ba? Napilitan pa tayong itabi dahil di pa naman niya maa-appreciate.”

Nanghaba ang nguso niya at nanghihinayang na tiningnan ang laruan. “Parang tinatawag kasi ako ni Eli na bilhin siya para kay Mauri.”

Bumuntong-hininga si Vance. “Pero masyado pang bata ang anak natin. Baka ilang taon na siya para ma-appreciate iyan.”

“Nakailang tanggi ka na. Gusto ko siyang ibili ng football para terno sa jersey na nabili natin pero ayaw mo kasi hindi pa niya magagamit. Pati naman itong stuffed toy. It is so cute.”

“Huwag ka nang magtampo. Bilhin na lang natin iyan kapag malaki-laki na si Mauri. Dadating ang panahon na baka ikaw na ang mataranta sa dami ng gusto niyang ipabili sa iyo. You don’t have to buy everything you see. Hindi niya kakayaning laruin ang lahat ng laruang iyan.”

Bumagsak ang balikat niya. “Sorry. Excited lang ako. I want to give our child the best of everything. Gusto kong ma-experience niya ang lahat ng magagandang bagay.”

“I know. Kaya nga paglabas niya, pagplanuhan na natin ang pagbibigay sa kanya ng kapatid,” anito sa sensual na boses at kinindatan siya.

Sinikmatan niya ito. “Puro ka talaga kalokohan, Vance.” Luminga siya sa paligid. “Nakakahiya sa iyo. Nasa gitna ako ng toy store.”

“I miss you, baby. Taking you at that overstuffed chair was so hot. Kundi lang ako busy, papupuntahin kita sa opisina at…”

“Vance, ang laki-laki ko na. At iniisip mong gawin natin iyon sa opisina mo?” nanlalaki ang mata niyang sabi.

“Sisihin mo ang sarili mo. You are so damn sexy.”

They had a normal sex life. More than normal sex life. Mataas ang hormones ni Phoenix dahil sa pagbubuntis niya. She was insatiable and Vance had no qualms delivering her needs. Mas maingat lang sila ngayon lalo na’t biglang laki ang tiyan niya na normal lang daw sabi ng doktor. Napag-usapan din nila ni Vance na titigilan muna nila ang sexual adventure nila pagdating ng seven months. But it doesn’t mean that he would stop pleasing her. Napag-aralan na daw nito kung paano nito gagawing spicy ang buhay may-asawa nila hanggang makapanganak siya.

“Bumalik ka na sa trabaho mo. May meeting ka pa.”

Sinulyapan nito ang relo. “In ten minutes, yes. Mahaba pa naman.”

“Baka mamaya hindi mo pa napag-aaralan ang papers na kailangan mo. Kung anu-anong isina-suggest mo sa akin tapos di ka makapag-concentrate sa trabaho mo,” paalala niya dito.

“Kaya nga may iba akong mga tauhan. In case may hindi ako maasikaso, sila ang sasalo sa akin. Ikaw ang priority ko.”

Kumunot ang noo niya. “Hindi yata iyan ang Vance na kakilala ko. Lagot ka pa rin sa akin kapag nagpabaya ka sa trabaho mo tapos kung anu-ano pang isina-suggest mo sa akin.”

Itinaas nito ang mga kamay. “Okay. Magbe-behave na ako, Mrs. Antiporda. Mas bossy ka pa yata sa akin.”

“You are such a naughty boy. Dapat yata parusahan ka,” aniya at gumuhit ang makahulugang ngiti sa labi niya.

“Oh, no! I don’t like that smile. It has something to do with silk scarves and handcuffs, right?”

Humalakhak siya. “Matalino ka talaga. Since you reminded me, I will buy some later. Iyon na lang ang bibilhin ko.”

“Darn! You can’t be serious, Phoenix!” anitong bakas ang distress sa mukha.

“I am serious. Bye, Vance,” aniya at tinapos ang tawag dito. She loved teasing every once in a while. At gusto niyang biruin ito lalo na kapag kailangan itong itali at siya ang kumontrol sa lahat.

Well, mukhang wala naman siyang magagawa sa ngayon dahil walang inaprubahan si Vance na bilhin niya. Kung siya lang ang masusunod ay baka nahakot na niya ang halos kalahati ng toy store. Si Vance pa ang mas nagpapaalala sa kanya sa dapat niyang bilhin at kung ano ang hindi pa kailangan sa ngayon. Mas organized ito pagdating sa finances. Alam nito kung paano mag-set ng priorities. It was keeping her on the line, lalo na kapag gusto niyang mag-shopping spree para sa anak nila at ipinapaalala sa kanya kung ano ang mas kailangan niya para sa sarili niya. Ayaw ni Vance na makakalimutan niya ang sarili niya.

At dahil doon, kailangang sarili naman niyang kaligayahan ang intindihin niya. She must look for the specialty shop with handcuffs and silk scarves. She was in the mood for a little kink and teasing tonight. Sino ba ang mag-aakala na magkakalakas siya ng loob na gawin iyon kay Vance?

“Bye, Eli! Babalikan na lang kita,” aniya sa stuffed toy na elepante at may kabigatan ang loob na ibinalik iyon sa shelf.

“Bakit ibinalik mo ang laruan? Mukhang magugustuhan iyan ng apo ko.”

Nanigas ang buong katawan ni Phoenix nang marinig ang boses na iyon. Dahan-dahan siyang humarap at nakitang nakatayo sa likuran niya si Maximo Pantaleon. Hindi niya inaasahan na makikita pa ito o pag-iinteresan pa ito. After all, matagal na niya itong itinaboy sa buhay niya. “What are you doing in a toy store, Mr. Pantaleon? Are you stalking me?”

Ipinamulsa nito ang kamay sa slacks at ikiniling ang ulo na parang balewala lang dito na tawagin niya itong stalker. “Lolo ako ng magiging anak mo at excited ako na makita ang apo ko. Natutuwa ako na maayos ang buhay mo at masaya ka, anak.”

Mariing nagdikit ang labi niya dahil di niya gusto na kinakausap siya sa ganoon kalumanay na boses. Na parang sa simula pa lang ay gusto na siya nitong maging anak at di nito tinalikuran at hinamak ang nanay niya. “Hindi ko alam kung sinong anak at apo ang tinutukoy ninyo. As far as my birth certificate is concerned, si Thomas Knowles ang ama ko.”

Napapitlag ito na parang hinagupit niya ito ng latigo. Bahagya din itong ngumiwi. Masakit nga naman na ipamukha dito na ibang lalaki ang kinikilala niyang ama at wala itong magagawa doon. “Hija, alam ko na nasaktan ko ang nanay mo noon. Hinihiling ko lang naman na sana ay buksan mo ang puso mo at bigyan mo ako ng pagkakataon. Alam ko na wala akong karapatan na hingin iyon…”

“Alam naman pala ninyo, bakit kailangan pa ninyong mag-aksaya ng panahon na hingin iyon? Do you think I will soften up because I am about to become a mother and you can easily play with my emotions?” Ngumisi siya. “Sa dinami-dami ng mga pinagdaanan ko sa buhay, hindi na ninyo ako basta-basta mapapaikot. Lumaki ako na walang ama at hindi ko kailangan ngayon ng isang ama. Wala akong panahon para pagaanin ang konsensiya ninyo. You are wasting your time.”

“Phoenix, gusto kong kilalanin ka sa publiko bilang anak ko,” anito sa may katatagang tono. “Gusto kong sabihin sa lahat na ikaw ang tagapagmana ko. Kayo ng apo ko.”

Naningkit ang mga mata niya. “Huwag na huwag ninyong gagawin iyan! Wala ba kayong awa sa amin ng apo ninyo? Maayos na ang buhay namin at gusto pa ninyong guluhin. What for? Gusto ba ninyong umingay kayo at pag-usapan ang kompanya ninyo para sumikat?” Umikot ang mga mata niya. “Oh, please. Kung gagawin ninyo ito para gumanda ang pangalan ninyo at ng pamilya ninyo, huwag na ninyo kaming idamay. Nananahimik kami.”

“H-Hindi! Hindi ko kayo gagamitin ng apo ko. Mahalaga sa akin na maipagmalaki kita sa lahat bilang anak ko. Importante sa akin na malaman nila na ikaw ang pamilya ko.”

Nagtagis ang bagang niya. “Kung talagang importante ako sa inyo at anak ang tingin ninyo sa akin, tigilan na ninyo ako. Dumistansiya na kayo sa akin at hahayaan ninyo ako sa tahimik na buhay. I don’t need a public recognition from you, so is my child.”

Bumagsak ang balikat nito at bakas ang lungkot sa anyo. Parang tumanda ito ng sampung taon dahil sa sinabi niya. “Hindi ako susuko, anak. Gagawin ko ang lahat maging parte lang ako ng buhay ninyo ng apo ko at mapatawad mo lang ako.”

Umiling siya. “Huwag na kayong umasa. Goodbye, Mr. Pantaleon. Sana ito na ang huling pagkakataon na sasadyain ninyong sundan ako. Stop following me around. Baka sa susunod may restraining order na ako laban sa inyo. That is not good for business.”

At saka nakangisi niya itong tinalikuran saka naglakad palabas ng toy store. Hindi niya alam kung bakit parang may dumudurog sa puso niya habang iniisip ang bigong anyo ni Maximo. Bakit parang mas gusto niyang pawiin ang lungkot nito at bawiin ang masasakit na salitang sinabi niya?

Naguguluhan pa rin siya sa nararamdaman nang makasalubong niya si Mang Ador sa entrada ng tindahan na papasok naman. “Ma’am, pasensiya na po. Hindi ako nakabalik agad dahil may matandang babaeng hinimatay sa harapan ko. Idinala ko pa po ng clinic. Ayos lang po ba kayo? Ano po ang pinamili ninyo?”

“Wala. Saka na lang ako bibili dito kapag kasama ko na si Vance,” sabi niya. Mukhang ang matandang babae ay kakuntsaba ni Maximo Pantaleon para pigilan si Mang Ador na balikan siya.

Pilit niyang pinalis ang guilt at lungkot na nararamdaman. Hindi siya pwedeng magpadala sa emosyon niya. Hindi niya kailangan si Maximo Pantaleon sa buhay niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.