Nakapikit si Phoenix habang nakaupo sa overstuffed chair. Pinapakinggan niya ang pag-ilanlang ng Forest Polka in flute sa silid. Umaga noon at pakiramdam niya ay naghuhunihan nga ang mga ibon sa paligid niya.
“Do you like the music?” narinig niyang tanong ni Vance sa kanya.
“Yes. It is calming. At sa palagay ko gusto rin ni Mauri ang music.” Gumuhit ang ngiti sa labi niya. “Thanks, Vance. Di ko alam kung bakit hindi ko naisip na bumili ng bagong classical music na CD kahapon sa mall.”
She felt a bit guilty. Mas inuna kasi niya kahapon ang bumili ng handcuff at silk scarves para sa laro nila ni Vance. Di na pumasok sa isip niya ang tungkol sa pwede pang bilhin sa baby nila.
“Ako naman ang hindi um-attend sa date natin kaya okay lang. Baka kasi nagsasawa na si Baby Mauri sa music na naririnig niya. How about this? Okay na ba ang ginawa ko?”
Dahan-dahan siyang dumilat at tiningnan ang paa niya na nasa kandungan nito. Fire red na ang kulay ng mga kuko niya sa paa at naaliw pa siya dahil pinatungan iyon ng rainbow glitters. Iginalaw-galaw niya ang kuko sa paa. “Wow! Ang galing mo palang maglagay ng nail polish.”
“Anything to serve my lady,” nakangiti nitong sabi.
Naghahanda nang pumasok ng opisina si Vance kanina nang maabutan siya nitong iniiyakan ang paa niyang hindi niya mapalitan ng nail polish. Masyado nang malaki ang tiyan niya at di na niya maabot. Si Vance ang nagprisinta na maglagay ng nail polish niya. Tumawag ito sa opisina at sinabing male-late ito ng isang oras. Wala naman daw itong importanteng meeting nang umagang iyon kaya ito na daw ang bahala sa kanya.
She had apprehensions at first. Ano bang alam ng isang matinong lalaki sa paglalagay ng nail polish? Pero nakita naman niya kung gaano kaingat si Vance sa paglalagay ng nail polish sa daliri niya sa paa. And she felt cherished. Si Vance Antiporda, President of Villaviray Construction, naglalagay ng fire red na nailpolish sa kuko niya sa paa habang matikas na matikas sa suot nitong amerikana. Di man lang ito nag-atubili na pagsilbihan siya. It was so sweet.
“Kapag sawa ka nang hawakan ang Villaviray Construction, pwede ka nang magtayo ng sarili mong nail shop. Tiyak na dudumugin iyan ng girls. Ako ang una mong customer.” Saka niya ito kinindatan.
“Nah! Tama nang ikaw ang customer ko,” sabi nito at saka magaang minasahe ang paa at binti niya. “Ikaw lang ang babaeng gusto kong pagsilbihan.”
Ibinuka niya ang mga kamay. “Thank you, Vance. I love you.”
Tumayo ito at saka siya kinintalan ng halik sa labi. “I love you, too, baby. Basta huwag mo nang uulitin na iposas ako at kilitiin ako. Hindi sa lahat ng tao ay applicable ang mga nababasa mo sa erotica novels.”
Lumabi siya. “Hindi ka nag-enjoy?”
“The blindfold part is sexy though.” Pabiro nitong kinagat ang leeg niya. “Thinking about it gives me a hard on.”
“Sayang. Akala ko pa mandin nag-enjoy ka sa posas.”
“Then we will try it on you,” bulong nito sa tainga niya. “Gusto mong subukan natin ngayon? After lunch pa naman ang importanteng meeting ko.”
“Uh oh!” usal niya at tumingala sa kisame nang maramdaman niyang kinikiliti ng labi nito ang puno ng tainga niya. Sensation started rushing through her veins. “Vance, it is morning.”
“You will never know the difference. You will be blindfolded.”
Malakas ang kabog ng dibdib niya sa magkahalong pagkasabik at kaba. She knew that Vance would only give her pleasure. Pero matapos niya itong kilitiin ng balahibo kagabi habang nakaposas ito, natitiyak niyang gagantihan siya nito sa kapilyahan niya.
Bahagya niya itong itinulak palayo. “Pwede bang pag-usapan na lang natin mamayang gabi? Mas marami tayong oras para pag-usapan iyon.”
“May oras naman tayo para pag-usapan ngayon,” anito at tinalunton ng daliri ang collarbone niya habang may mapanuksong kislap sa mga mata. “Where is my fiery and kinky wife? That would be fun. Fair is fair, wife.”
Lumunok siya. “Okay. Five minutes. Five minutes lang muna.”
Sinimulan ni Vance na hubarin ang necktie nito. “Five minutes is fine.”
“Fine,” usal niya at marahang naglakad patungo sa kama nang marinig niyang may kumatok sa pinto. “Ako na ang magbubukas.” At dali-dali siyang pumunta sa pinto bago pa man siya makontra ni Vance. She would do anything just to buy time. Pagbukas niya ng pinto ay nakatayo doon si Manang Carmella. “Ano po iyon?”
“May dumating po na package para sa inyo, Ma’am. Malaki po ang kahon. Parang balikbayan box. Mabuti pa po tingnan ninyo. Kade-deliver lang po,” sabi nito.
Nilingon niya si Vance. “May dumating daw na delivery para sa akin. Sandali lang, ha? Titingnan ko lang.”
“Hindi ba iyan makakapaghintay?” may bahid na iritasyon nitong tanong.
“Good things come to those who wait,” sabi niya dito at nag-flying kiss. Magandang excuse iyon para mapaghandaan niya kung anumang plano nito sa kanya. Mag-iipon lang siya ng lakas ng loob.
Pagbaba niya sa sala ay nakaabang na ang malaking kahon doon. Dali-dali niyang pinabuksan kay Aling Carmella ang kahon at nanlaki ang mga mata nang makitang puno iyon ng mga laruan at mga gamit na pambata.
Napasinghap siya nang makita ang stuffed toy na elepanteng asul na kasama sa mga talaksan ng laruan doon. Dinampot niya iyon at niyakap. “Eli! Nandito na si Eli!”
“Sinong Eli?” tanong ni Vance na bumababa ng hagdan.
Humarap siya sa asawa at ipinakita dito ang laruan. “Look! It’s Eli!” Sinalubong niya ng yakap ang asawa. “Thank you, Vance.”
“Thank you for what?” nagtatakang tanong nito.
“Sa ipinadala mong package. Sa mga binili mo para kay Baby Mauri. Akalal ko talaga CD lang ang binili mo para sa akin tapos may isang malaking box ka na ipinadala. This is quite a surprise. Kunyari ayaw mo pang ipabili sa akin ang mga laruan na ipinakita ko kahapon pero ikaw pala ang bibili para kay Baby.” Pinupog niya ng halik ang mukha nito. “Thank you! Thank you!”
Kumunot ang noo nito. “S-Sandali. Hindi ako ang nagpadala ng mga laruan na iyan. CD lang talaga ang binili ko.”