Chapter HNL 145

Hindi magkamayaw ang lahat sa pagsasaya sa beach front ng resthouse nila ni Vance sa El Nido. Nag-treat ng bakasyon si Vanc dahil umuwi ang pamilya ng bunsong kapatid ni Maximo na si Estella. Nag-e-enjoy ito, ang mga anak at apo na mag-snorkeling, kayaking, swimming at habulin sa beach. Kahit ang tatlong taong gulang na si Mauri ay nakikiligo na rin habang binabantayan ng lolo nito.

Naroon din ang mga anak nina Bill at Lilia na nasa kulungan pa rin. Mukhang matatagalan ang paglabas ng mga ito dahil sa iba pang kaso na isinampa sa mga ito. Pinagbabayaran na ng mga ito ang kasalanan. Dahil sa kahihiyan ay ayaw sanang sumama ng mga ito pero sa huli ay nahikayat din dahil na rin sa pakiusap niya. Mukhang simple lang ang mga anak ni Lilia at di nagmana dito na maluho. Ayon sa mga ito, ayaw naman daw talaga ng mga ito ng magagarbong damit at mamahaling bagay. Ang nanay lang daw ng mga ito na gusto ang ganoong lifestyle.

Si Vance naman ay abala sa pag-iihaw ng tanghalian nila. Naka-shorts lang ito at pasayaw-sayaw pa habang nagpapapaypay ng baga. He still looked as sexy as ever. Hinding-hindi talaga ito pagsasawaan ni Phoenix. At mas sweet pa ito kaysa sa dati. Apat na taon na silang kasal, ito na ang presidente at CEO ng Villaviray Construction pero di ito nagkukulang sa pagpapadama ng pagmamahal nito sa kanya at kay Mauri. Siya naman ay part-time professor ng anthropology sa University of the Philippines. Hindi na siya nakakasama sa dig pero nag-e-enjoy siyang magturo. May oras pa siya para maalagaan si Mauri na mahilig magkalkal ng lupa. Ayon kay Vance ay mukhang magmamana ang anak nila sa kanya. Kahit ano naman ang gusto nito ay susuportahan nila.

Niyakap niya ito mula sa likuran. “Hi!”

“O! Gising ka na pala. Hindi ka na ba nahihilo?”

“Hindi masyado.”

“Ano palang gusto mong kainin?”

“Durian.”

Puno ng pagtataka siya nitong tiningnan. “Durian?”

“Durian choco saka durian cake at durian candy. Umorder na nga ako. Baka paparating na iyon galing sa Davao anytime.”

Mariin itong pumikit. “Phoenix naman, bakit naman durian pa?”

“Anong magagawa ko? Iyon ang gusto ni Maximillian.”

“Sinong Maximillian?”

Hinawakan niya ang kamay nito at inilagay sa puson niya. “I am pregnant.”

“What?” bulalas nito. “Bakit di mo agad sinabi sa akin?”

“Well, you are busy and…”

“I love you, Phoenix! I love you!” Di na nito tinapos ang sasabihin niya at inangkin ang labi niya. “You make me so happy. Kahit isang farm ng durian bibilhin ko para sa iyo.”

“Thank you for loving me, Vance. Hindi ako aangal sa Diyos na ikaw ang lalaking pinili Niya para sa akin. Pinuno mo ang lahat ng kulang sa buhay ko. Itinuwid mo ang lahat ng mali. I just wish that I am worth the trouble.”

“You are worth it, Phoenix. You are worth it.”

WAKAS

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.