Chapter 13:

"SO, siya pala ang sinasabi sa 'kin ni Mom na kinuha mong maid sa mansion?" tanong kay Jasper ng kapatid niyang si Jio, magkatabi sila nitong nakatayo habang nakatitig sa ngayon ay nagpo-photoshoot nang si Bebeng.

The camera really loves Bebeng, in any angle of her face and beauty. Nakakatuwa na malaman 'yon. Nakaka-proud na hindi siya nagkamali sa sapantaha niya patungkol do'n.

"Yeah," tipid niya naman na sagot sa kapatid.

"Siya rin ang sinasabi mo sa 'kin na gusto mong pumalit kay Stacy." Hindi na tunog pagtatanong ang sinaad nito kaya napalingon siya rito.

"Yes, what's the problem with that? Hindi pa ba malinaw na ngayon pa lang ay mahi-hint naman nang success ang pagpapalit natin ng model?" medyo inis niyang sambit.

Sa tuwing nababanggit si Stacy, naiinis siya. Because seriously, hindi deserving ang modelo sa VIP treatment dito ng pamilya niya. She dumped him, dammit, dapat do'n pa lang ay hihinto na ang connection nito sa family niya. Oo, mas lalo sa business nila.

"Hindi naman ang tungkol d'yan ang nais kong marinig mula sa 'yo."

His forehead creased. Hindi niya 'to maintindihan. "And if it's not, then what? Care to share?" he asked in sarcastic tone.

Tumawa ang kaniyang kapatid na tila nakakaloko ang sinabi niya.

"Ano ang nakakatawa?"

"Dude, kilala kita. Hindi ka basta na lang tatangay ng babae nang ganyan kadali."

Mas lalo yatang kumunot ang kilay niya sa tinuran nito. Naguluhan siya sa mga salitang binitiwan nito.

"Just tell me what you wanted to say, hindi ako manghuhula, you know," napipikon niyang saad.

"No need, believe me," ani 'to, tinapik nito ang balikat niya, saka siya tinalikuran na at lumapit sa mga staff nila.

Nagtataka na lang na sinundan niya 'to ng tingin. Dahil wala siyang naintindihan talaga sa mga sinabi nito.

MASYADONG nakakalula ang bilis ng mga pangyayari para kay Bebeng. Sa isang iglap, nang dahil sa isang singsing ay heto siya, nag-e-enjoy sa paligid na minsan niyang pinangarap at hindi niya akalain na mararating niya nga.

At ang lahat ng 'yon ay dapat niyang ipagpasalamat sa isang tao...

Kay Jasper, na ngayon ay magkakrus ang mga braso sa dibidib habang matiim na nakatitig sa kaniya na kung hindi nga lang siya magtutunog feelingera ay sasabihin niyang parang gandang-ganda naman 'to sa kaniya ngayon at parang natatakot 'to na maglaho siya sa paningin nito.

"Belle, let's go, kailangan mo nang magpalit," pukaw sa kaniya ni Fermin, inalalayan siya nito na tumayo.

Napahugot siya ng isang malalim na hininga nang maramdaman niya ang biglaan na pagkabog ng dibidb niya sa kaba at tensyon. Kung dahil ba sa ito na kasi ang sinasabi ni Jasper kanina na susuotan siya ng body stockings na kulay tan para magmukha siyang hubad sa photoshoot, o dahil ba 'yon sa kahit hindi niya tignan ang boss niya ay alam niyang nakamasid pa rin 'to sa kaniya, hindi niya alam alin sa dalawa. Pero isa lang ang sigurado niya, nako-conscious siya rito. Sa klase ng tingin na ibinibigay nito sa kaniya, eksakto.

"Are you nervous?" Tanong sa kaniya ng binabae g si Fermin nang nasa loob na sila ng dressing room at sinusuotan na siya nito ng body stockings.

"Medyo nga talaga e," pag-amin naman niya.

Tumawa 'to. "Kahit ako siguro ay nenerbyusin, kung makatitig naman sa 'yo si Jasper kasi ay parang kakainin ka... sa masarap na paraan," biro nito, na kinainit naman ng mukha niya kaya mas natawa 'tong lalo.

"Napakapalabiro mo talaga, Fermin," aniya na lang dito upang hindi siya maging kahiya-hiya naman sa biro nito. Marunong din naman siyang sumakay sa biro.

"Hay, totoo naman! At ang makitang ganoon ang reaction niya sa 'yo ay sobrang nakaka-proud. Aba naman, ako yata ang nag-make over sa 'yo, Belle! From head to toe, pati ang pangalan mo."

Oo nga naman.

"Salamat nga pala Fermin, sa lahat."

"Sus, bayad naman ako sa trabahong 'to, loka."

"Kahit na."

"Mas magpasalamat ka na lang sa 'kin 'pag nagkatotoo ang sinabi ko sa 'yo na isa kang ginto."

Wala siyang maunawaan 'pag gano'n na ang sinasabi ni Fermin kaya tumahimik na lamang siya at hinayaan na lang niya 'to.

HINDI naman sa inaabangan ni Jasper sina Fermin at Bebeng na lumabas ulit mula sa dressing room na pinagbihisan pero parang gano'n na nga, naiinip na nga niyang sinipat ang wrist watch niya. Ngunit 'sakto naman na pagkaangat niya ng tingin sa pagkakataong 'yon ay hayun, naroon na nga si Bebeng, nakasuot na ng body stockings at ang tanging nakatakip sa maselang bahagi ng mga katawan ay mga mamahaling alahas nila.

Hindi niya alam kung bakit tila tumigil ang paligid nang magtamang muli ang kanilang mga mata.

Dahil ba 'yon sa effect ng body stockings sa katawan nito? O dahil ba 'yon sa hindi matatawaran na gandang morena nito na itinatago lang ng maid uniform nito?

"Napakaganda ng model na nakuha niyo, this time, huh... wow, look at that body, man..." dinig niyang namamanghang sambit ng kung sino.

Matalim niyang tinignan ang nagsalitang 'yon na ang boses ay kilalang-kilala niya kung kanino galing— sa pinsan nilang si Argo na napabalitang na-i-date si Stacy Ho na ex girlfriend niya.

Ah, dapat niya ring idagdag na ang mga dine-date nito ay sadyang mga modelo, sa hindi malaman na dahilan ng lahat na kahit alam naman nitong may relasyon sila ni Stacy ay sumige pa rin 'to sa huli.

"Absolutely," pagsang-ayon niya sa sinabi nito sa sarkastikong paraan, "But sadly, that beauty can never be yours this time," hindi niya napigilan ang sariling sambitin dito 'yon.

Tinapik kaagad siya ng kapatid niya sa balikat upang awatin at pakalmahin.

Tumawa naman si Argo sa nakakalokong paraan. "Masyado ba 'kong sagabal sa lihim na misyon mong ma-date rin ang mga modelong dadaan sa palad mo, Jasper?"

He gritted his teeth. Hayup talaga 'to para palabasin na magkatulad sila.

"Lihim na misyon? Oh, c'mon, I'm not that weak," he said at Argo's face, still sarcastic.

Daragdagan niya pa sana ang pang-iinis sa pinsan niyang ulupong, kaya lang ay naawat siya nang maramdaman niyang may mga malambot na brasong pumulupot sa bewang niya...

"Stop, Jasper, please."

Si Stacy.

Tila siya nanalamin nang magtama ang mga mata nila ng kapatid niyang si Jio kahit pa nga ba hindi sila identical nito, dahil pareho silang nairita sa ginawa ni Stacy.

Mas lalo pa siyang nairita sa ex-girlfriend nang mahuli niya ang sakit sa mga mata ni Bebeng, na nakatingin pala sa gawi nila.

Bakit bigla ay parang na-guilty siya sa nakita niyang reaction ni Bebeng?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.