Chapter 17

"GOOD morning, Pilipinas!" masayang bulalas ni Tangerine habang nag-iinat siya, kakagising lang niya nang umagang 'yon.

Isa ang umagang 'yon sa mga dapat niyang ipagpasalamat sa Diyos dahil... well, dahil buhay siya. 'Yon ang unang dapat ipagpasalamat, wala ng iba.

Buhay siya at mamumuhay siya nang naaayon sa gusto niya. Ano pa ba ang mas magandang marinig sa lahat kundi 'yon, hindi ba?

"Ms. Tang, gising na po ba kayo?" untag sa kaniya ng matagal na nilang kasambahay na si Manang Lucy. kinatok siya nito sa pinto.

Napaismid siya. Que aga naman yatang mang-istorbo ng mga tao sa bahay na 'yon.

"Oo, wait lang po, Manang Lucy, 'gonna wash my face saglit," tugon niya sa kasambahay, na kahit ibang katulong pa ang kumatok sa kaniya ay bakit naman niya idadamay sa inis niya sa papa niya at sa madrasta niya, e ginagawa lang naman ng mga 'to ang pinag-utos dito.

"Sige lang, Hija, Pinapatawag ka na kasi ng papa mo."

"At ni Regina."

"Oo anak, at ng madrasta mo."

Bumuga siya ng hangin. "Okay, noted. Thanks, Manang!" Umiikot ang eyeballs na tugon pa niya. Saka tinatamad pang bumangon na sa kama niya.

Sinong hindi iikot ang eyeballs gayong alam niyang ang madrasta na naman niya ang may pakana niyon? Parati siyang pinapagising nito. Parati siyang iniistorbo sa tuwing natutulog siya.

Duh, may pagkabastos din talaga ang taong 'yon. What's new?

Kaya nga ba hindi na siya napirmi sa bahay nila sa probinsyang 'yon kahit mas gusto niyang manatili sa loob ng k'warto niya buong maghapon at magdamag na siyang ginagawa niya na naman noon pa. Freelance graphic artist kasi siya, mahalaga sa kaniya ang pag-iisa. At 'yon ang hindi yata maunawaan ni Regina feeling reyna.

Mahalaga rin ang freedom sa kaniya kaya malawak siyang napangiti nang masulyapan niya sa salamin niya sa banyo ang kaka-tattoo lang niya sa tagiliran ng wrist niya na: Freedom.

"Cute talaga," manghang sambit pa niya.

Maliit lang na tattoo naman 'yon na kung makikita ng papa niya s'yempre ay magagalit 'to. Masyadong strict ang papa niya kahit twenty three na siya. Nag-iisang anak kasi siya.

"Nag-iisang anak pero hindi pa siya nakuntento sa love na kaya kong ibigay sa kaniya for life kaya kumuha pa ng sakit ng ulo," pagkausap niya sa sarili, at para matigil na siya sa inaraw-araw na niyang sentimyento, nagsepilyo na siya.

Nang matapos siyang makapag-shower ay pumanaog na siya— oo, 'yon ang sarili niyang definition sa 'wash', shower na talaga.

Hindi pa man siya nangangalahati ng panaog sa kalahating baitang ng hagdan ay naringgan na niya ang pinag-uusapan ng papa niya at madrasta...

"Wala nang gagawin sa buong buhay niya 'yang anak mo, Jerry, kundi mag-travel, bumarkada, ni walang ambag sa gastusin dito!" anang madrasta niya sa papa niya.

"Regina, anak ko ang pinagsasalitaan mo."

Her right eyebrow raised in an instant. At least, kaya naman pala siyang depensahan ng ama. Pera rin naman niya ang ginagastos niya sa travel goals niya, hah!

"Anak mo nga, Jerry, kaya nga gusto ko siyang mapunta sa mabuting kamay. Ipakasal na natin siya kay Clyde para matuto siya. Para malaman niya ang mga responsibilidad niya bilang indibidwal."

Napatiim bagang siya. Ang kapal talaga ng mukha ng madrasta niya. Sinasabi na nga ba niya, simula pa lang nang ipakilala 'to sa kaniya ng papa niya ay wala na siyang tiwala rito. Hindi na siya magtataka kung isang araw ay lasunin nito ang papa niya. Dinidispatsa na nga siya para masolo nito ang maiiwan ng papa niya.

Ano pa ba ang maaari nitong habulin? Negosyante ang papa niya. Itsurang mukhang gahaman sa pera naman ang madrasta niya.

At ano raw, ipakakasal siya sa inaanak nitong si Clyde Trillanes? Juskolord, hindi na uy. Hindi na rin siya magtataka kung malalaman niyang babayaran 'to ng hayup na Clyde na 'yon na noon pa lamang ay may gusto na sa kaniya at pinagpipilitin ang sarili nito sa kaniya kahit maraming beses na niya 'tong tinanggihan.

"Bakit kay Clyde Trillanes?"

"Why not, Papa?" pagsingit niya sa usapan ng mga 'to.

Of course, kung kaya ng madrasta niyang magmaldita, mas lalo siya. Maano ba naman na sakyan niya ang nais nito?

"Hija—"

"Good morning, 'Pa." Hinalikan niya sa pisngi 'to, gano'n din ang madrasta niyang natigagal na sa biglang pagsingit niya.

Hindi na nga nakatiis na tinanong siya nito. "N—Narinig mo ang pinag-uusapan namin?"

She just shrugged her shoulders. "Yeah, and I think that's a good idea, Papa, Tita Reg," 'yon lang ang sinabi niya, tumalikod na siya sa mga 'to upang kumuha ng maiinom sa fridge.

"Bata ka, totoo ba ang sinasabi mo na okay lang sa 'yo na ipakasal ka nila sa binatang 'yon?" agad na bulong sa kaniya ni Manang Lucy na talagang nilapitan nga niya kaya siya kunwari ay nagpunta sa fridge. Naroon kasi 'to sa lababo at may hinuhugasan.

"Manang, of course it's not okay," simpleng tugon niya. Uminom siya para hindi mahalata ni Regina na nag-uusap sila ng kasambahay.

"E, ano 'yong narinig ko?"

"Ipapahiya ko siya. Paggagastusin ko sila ni Clyde Trillanes."

Tahimik na napasinghap 'to sa sinabi niya. "Ano? Ano na namang kalokohan ang naiisip mo, bata ka?"

"Kaya nga I need you, Manang Lucy." Matiim niya 'tong tinitigan. "Take care of Papa while I'm away, please. But I promise, babalik ako para palayasin si Regina rito."

Kung paano niya gagawin 'yon ay hindi niya pa alam. Basta ang mahalaga, mahanap niya ang baho nito kahit kapiraso lang na makakapagpatunay na kinukupitan nito ang papa niya. 'Pag nangyari 'yon ay siguradong palalayasin 'to ni Jerry Lopez.

AWTOMATIKONG nasapo ni Jorev ang ulo niya nang magising siya.

Ano pa nga ba ang mayroon sa gano'ng pagkirot ng ulo? Hangover.

'Yon nga lang, walang katapusan na hangover nang matatawag ang sa kaniya.

Bumangon siya, para lang mainis sa mga nagkalat na bote, lata ng alak, mga balat ng kinain niyang chichiria— nagkalat ang mga 'yon sa mismong k'warto niya.

Pinagsisisipa niya ang mga 'yon upang makaraan siya't makapunta sa banyo.

"Pilipinas, bakit ang hirap mong mahalin?" parang baliw na sambit niya nang makatapat siya sa dutsa ng shower niya.

Pilipinas, oo, bansa 'yon kung saan siya naninirahan ngayon. Pero hindi niya akalain na mas mamahalin niya ang pagiging Pilipino nang dahil sa isang babaeng Pilipina na may weird na pangalan na Pilipinas.

Pilipinas kong mahal, my ass.

"Woah!" nangaligkig siya sa lamig ng tubig na ibinubuga ng shower.

Akalain ba niya na gumagana pa pala ang cold and warm niyon? Siguro ay pinagawa ng mga kapatid niya.

Ah, dalawang araw pa lamang ang nakararaan no'ng puntahan siya ng kapatid niyang si Jio sa bahay niya pero mukhang kailangan na niya 'tong papuntahin ulit do'n dahil makalat. Nakakairita ang kalat kahit siya naman ang mga nagkalat niyon.

Nagtapis lang siya ng tuwalya sa bewang niya saka niya hinahanap ang cellphone niya na hindi na rin halos malaman kung nasaan niya nailagay, nang makita niya 'yon sa bunton ng mga nagkalat na kung ano-ano sa bedside table niya ay agad niyang dinayal ang emergency number two para sa kapatid niyang si Jio. Siya ang naunang inilabas sa kanilang tatlo, sumunod si Jio, kaya number two. Nang hindi 'to sinagot ang tawag niya ay ang number three naman ang kinontak niya. Ang ikatlo at bunso sa kanilang triplets na si Jasper 'yon.

"Hey," bungad sa kaniya ni Jasper nang sagutin nito ang tawag niya pagkatapos ng tatlong ring.

"Hey, where's Jio?"

"Ah, busy yata siya ngayon. May meeting with Mr. Lucero, why? Tinatawagan mo ba?"

"Yeah, I need a maid."

"Maid?"

Naiinis na bumuga siya ng hangin. "Oo."

"Ah, sabihin ko na lang mamaya sa kaniya. Nagpapahanap ka ba ng maid?"

"No, hindi— I mean, yeah. Look, listen, Jasper, sabihin mo na lang sa kaniya mamaya, alam na niya 'yon."

"Ah... parang nabanggit niya nga sa 'kin last time na dinalhan ka niya ng tagalinis sa bahay mo..."

"Yep. Also, kailangan ko na ng bagong laba na damit. All of my clothes here—"

"E, teka, wala yatang available ngayon."

"Ano?"

"Si Bebeng kasi 'yong last time na dinala niya sa 'yo para maglinis ng bahay mo."

Kumunot ang noo niya. "Bebeng?"

"Oo, si Belle na bago nating model, siya si Bebeng."

"Oh." Nahihiya siya sa mga kapatid niya sa totoo lang.

Nakakahiya na hinayaan na niya ang mga 'to sa negosyo nila samantalang siya pa naman ang CEO ng San Martinez Corp.

"That's okay, take your time, Jorev."

"I can always do that here in my house, kaya nga sabi ko magpadala na kayo ulit ng katulong at makalat na rin naman dito. Huwag si Belle, okay," pahabol niyang bilin. Nababasa naman niya ang rumors tungkol dito at kay Belle.

Jasper chuckled. "Of course, hindi na siya puwede. Sa company na siya nagwo-work as a model, saka marami na siyang project na natanggap, hindi na siya mag-me-maid."

Tinaasan niya 'to ng kilay kahit hindi nito 'yon nakikita.

Inalis niya ang cellphone niyang nakadikit sa tainga niya, pinagmasdan niya 'yon saka in-off na lang.

Hindi naman siya matino kausap ngayon.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.