Umiling ito. “No. Di na siya babalik ng Pilipinas. Nandoon ang trabaho niya at nandoon ang buhay niya. Wala na daw siyang babalikan dito.”
Ikiniling nito ang ulo. “Paano na kayo? Hindi ba siya ang dahilan kaya ka pumunta ng Amerika?”
“Hindi naman siya ang pinuntahan ko sa Amerika. Nandoon ako para kausapin ang ibang kaangkan namin na bumalik na ng Pilipinas o kaya dalawin man lang si Inang para sa birthday niya. May isang tiyuhin ako sa Alaska na nahirapan akong kumbinsihin. Sila ang kasama kong bumalik dito. Na-delay lang ang flight namin.”
“Paano si Emerlyn?”
“Kinausap ko siya nang matapos ang fashion show ko sa New York. Gusto kong matiyak kung mahal ko pa siya o siya ba talaga ang babae na para sa akin. Iba na ang nararamdaman ko noong mga bata pa kami sa nararamdaman ko sa kanya ngayon. Marami nang nagbago. She doesn’t make my heart skip a beat anymore. Hindi na rin gaya ng dati na parang sa kanya na umiikot ang mundo ko.”
“Pero gumawa siya ng paraan para makasama ka ng States. Mahal ka pa rin niya.”
“Yes. Dahil naisip niya na baka ako pa rin ang para sa kanya. May iba na rin siyang naka-relasyon sa States pero naisip niya na baka di tumatagal ang relasyon dahil ako talaga ang para sa kanya. At akala niya mahal ko pa rin siya. Modeling is a tough world. Kailangan ni Emerlyn ng isang tao na may roots sa pinagmulan niya. Someone who will understand her like I did. Pero di na ako ang lalaking iyon. Nagbago na rin ako.” Hinawakan nito ang balikat niya. “I want to be with you. Gusto kong ibigay sa iyo ang pamilya at stability na hinahanap mo. Sa pagpunta ko sa States at sa pagbuo ko ulit ng pamilya ko, parang binubuo ko na rin ang pamilya mo. I want you to have this big family. Gusto ko na di lang ako ang magmamahal sa iyo. That is, if you still want me.”
Ikinulong niya ang mukha nito sa mga palad niya. “Mahal mo ako? Ako talaga ang gusto mong makasama?”
“Yes. And I miss you so much, Verona. Will you let me kiss you?”
Tumingkayad siya at siya na mismo ang nagdikit ng labi sa labi nito. Hindi lang basta pagmamahal ang gustong ibigay ni Kirst sa kanya kundi isang buong pamilya. She thought she was okay without that special someone who will love her. Tanggap din niya na di siya magkakaroon ng pangarap niyang pamilya. Pero binigyan siya ni Kirst ng isang magandang regalo. Parang ipinadala ito ng Diyos mula sa langit para ibigay ang mga bagay na sinukuan niya at kinalimutan sa loob ng mahabang panahon.
Sa mga bisig nito, di na niya maramdamang mag-isa siya. Parang isang magandang panaginip ito. Too good to be true. Pero ayaw niyang magising sa magandang panaginip na iyon. She wanted to be with him after being alone for a long, long time. He was a gift that she didn’t want to let go.
“Oh, Kirst! Bakit di mo sinabi sa akin? Akala ko talaga si Emerlyn na ang pinili mo,” maluha-luha niyang sabi.
“Di mo ba tsine-check ang social media account ko? Puro picture ng kamag-anak ang kasama ko. Ni wala kaming picture ni Emerlyn,” sabi nito. “Saka ikaw itong ayaw mag-message sa akin.”
“Nag-focus lang ako pagtapos ng libro. Ayokong maging bitter kapag nakita kayong magkasama ni Emerlyn dahil gusto kong maging masaya para sa inyo. Ang ganda pa ng mga tula mo...”
“Para sa iyo iyon,” anito at pinisil ang ilong niya. “Verona, kahit kailan di ko naman ginawan ng tula si Emerlyn. Ikaw lang.”
“Nagustuhan ko ang tula kahit na masakit sa dibdib dahil akala ko ko hindi iyon para sa akin. Kung mananalo man ako sa competition, gagawa pa ako ng pangalawang libro pero isasama ko ang mga tula mo.”
“Huwag mong alalahanin ang libro mo. Marami kaming susuporta sa iyo. Manalo o matalo ka man sa competition, we will back you up in printing the book. I am sure Sister Leonora will be proud of you. And your mother in heaven, too,” anito at tumingala sa langit. “Masaya din sila para sa atin.”
“Thank you, Kirst. Ganito pala ang pakiramdam na may mga taong sumusuporta at nagmamahal sa iyo. Parang kahit gaano kabigat ang dalahin ay gumagaan.”
“Ayokong dumepende ka lang sa libro o sa history ng ibang tao para maramdaman mo na kabilang ka at may pamilya ka. You belong in my arms, in my heart, in my life. Gagawa tayo ng sarili nating history.”
Tinitigan niya ang lalaki at yumakap sa baywang nito. She remembered that first moment she saw him. “I don’t expect that I will have something this beautiful. Dati iniisip ko na hindi ako deserving mahalin. Nobody wants me. Kaya mas gusto ko na lang mag-blend in sa background. Walang nakakapansin.”
“But I noticed you. Mahirap balewalain ang isang magaling na ninja.”
Nanlaki ang mata niya. “Ninja?”
Kumislap ang kapilyuhan sa mga mata nito. “Remember during my Cosmo Bachelor Bash stint? I am sure, matutuwa ang mga magiging apo natin kapag nabasa ang diary ko.”
Umiling siya. “No! Burahin mo iyon.”
“What? Bakit ko naman buburahin iyon kung iyon ang totoo?”
Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. “Kirst, nakakahiya!”
“That is our story. Sabi mo naman hindi mo sinasadya. Malibang nagsinungaling ka sa akin.”
Hinampas niya ang dibdib nito. “Of course, hindi ko sinasadya iyon.”
“I don’t really mind, naughty girl. Basta sa akin ka lang magiging naughty. I think I love that side of you.”
“Manahimik ka!” And she kissed him to shut him up.
Tiyak na magiging interesante ang history nilang dalawa. A story of destiny, love and choices. Di siya magiging ganito kasaya kung hindi dahil naging matapang siyang piliin si Kirst at pinili din naman siya ng binata.
Hindi man katulad ng mga baeyani ng bayan si Kirst gaya ni Gregorio del Pilar pero sinagip naman siya nito sa isang malungkot na buhay nang mag-isa. He was still her baeyani. Ang number one baeyani niya.