She is worried sa balak ni Kim.She knows Jake and kung ano ang kaya nitong gawin lalo na pag galit.Hindi malayong magkagulo sa party pag nagkataon.
As if sensing what she is thinking,the older woman said." I don't think Jake would want to ruin your engagement party.And besides, after the announcement naman natin uumpisahan ang main event." Sabay kindat nito sa kanya.
Umupo ng tuwid si Kim. Bago nagsalita ulit. " Okay bale ganito ang gagawin natin....."
(Patricia)
"Pat! May bisita ka sa labas." sabi ng katulong nila na binuksan ng bahagya ang pintuan ng kwarto niya pagkatapos kumatok.
Kakabangon lang ng dalaga kahit kanina pa siya nagising dahil sa tawag ni Jake. Kumunot ang noo niya.Sino naman kaya yun? Alas 9:30 ng umaga tapos Linggo.Ang aga ha?
"Sino?" tanong niya.
"Basta yung guwapo na isa sa mga bisita nung annibersaryo ng papa at mama mo.Labas ka na daw diyan sabi ng mama mo at nakakahiyang paghintayin si pogi" Sabay sarado ng pintuan.
Hala! Baka si papa Jake! Naku ano na naman kaya ang problema?Hindi yata naniwala sa sinabi ko kanina sa telepono. She thought.
Dali-dalis siyang nagbihis pagkatapos maghilamos at mag-toothbrush. Paglabas niya nagulat siya .Akala niya si Jake ang bisita niya.Nakaupo si Alex habang kakwentuhan ang mama niya.
"Pat! Kanina ka pa hinihintay ng kaibigan mo." Sabi ng mama niya sabay tayo.
" O maiwan ko muna kayo ha? Tulungan ko lang si Inday sa kusina.Alex inumin mo na ang kape mo bago lumamig." nakangiting sabi nito sa binata.
Tumango naman ito at nagpasalamat bago tumayo and ngumiti ng tipid sa kanya.
"Good morning Patricia."
"Baby Alex!" bati niya din na medyo naka-kunot ang noo. "Bakit ang aga mo? May problema ba?Upo tayo." alalang tanong niya.
Kanina si papa Jake ang tumawag ngayon naman nandito si baby Alex,asan ka ba kasi bestie? She asked herself.
"Mukhang wala ka pang tulog baby Alex ha? Ano bang nangyari? Di ba huli mong hinatid si bestie?Anong oras mo siya nahatid?" sunod-sunod na tanong niya.
"Mga past 10 na yata yun." Sagot nito sa malungkot na boses.
"Tumawag kanina si papa Jake,hinahanap sa akin si bestie."
Alex frowned, "Bakit sayo hinahanap?Nawawala ba si Shelly?"
"Malamang! .Kasi mukhang alalang-alala si papa Jake. Mamaya na pa naman ang engagement party nila." Pat sounded worried.
"SHIT!" Alex cursed."Nasaan siya?"
Galit na tumayo ito.Napanganga na lang si Pat sa reaction nito.
"Taba!" tawag ng kuya niya.
Pat rolled her eyes.Bwisit talaga ang kapatid niya.Nakakahiya kay Alex.
Alex looked at Pat's brother holding out a cordless phone while on the stairs.
"Ano???" inis na tanong niya.
"Si Shelly!" sabi nito sabay turo ng phone.
Dali-daling tumayo si Pat and umakyat ng ilang baitang,to get the phone.
Alex is almost holding his breath as he waits for Pat to speak to Shelly.Hindi nga siya nakatulog kasi alam niya mamaya ng gabi ang engagement party ng dalaga at ng gagong Herrera na yun.Kahit sinabi niya sa sarili na hindi pa naman sila ikakasal,hindi pa din siya mapakali.Nagpunta siya dito ngayon ng maaga para magpatulong kay Pat to see Shelly.
"Bestie!Asan ka?Kanina tumawag si papa Jake." Dinig niyang sabi ni Pat.Tapos bigla itong tuluyang umakyat sa taas.
Alex misses Shelly so much.Kahit nagalit siya sa nangyari kagabi,wala pa ding nagbabago sa nararamdaman niya para sa dalaga.Kahit anong mangyari, he told himself that he'll definitely see her today.
"Pat puntahan mo ko ngayon sa pizza parlor na palagi nating tinatambayan.Hintayin kita.Malolowbat na ako." sabi ni Shelly.
"Oo naman bestie." sabi ni Pat."Kaso mukhang magkaka-problema tayo." medyo mahinang sabi ni Pat.
"Andito si baby Alex.." dugtong pa nito pero putol na pala ang linya.
Alam ni Shelly na aabutin pa si Pat ng mga isang oras bago makarating sa sinabi niyang lugar.Nag-decide siyang magtitingin sa mga high-end small shops na nasa tapat nito.Napadaan siya sa isang lingerie shop.Pumasok siya.
"Good morning,mam."Bati ng shop staff.
"Hello good morning." ganting bati niya.
"Meron po ba kayong particular na hinahanap mam?" nakangiting tanong nito.
"Asan ang mga teddies and bustiers niyo?" she asked while looking around.
"This way mam." naunang naglakad ang shop staff.
"Ano pong color mam?" tanong nito habang tinuturo ang mga naka-hanger na lingerie.
Tinignan ni Shelly ang mga naka-hanger.Kumuha siya ng isang design ng teddy.
"Pa-try ako ng red nito."Sabi niya sa staff. "Tapos white ng ganung bustier." turo niya sa lingerie na malapit sa staff.
"Okay mam." sabi nito tapos binuksan ang isang maliit na cabinet.
The staff took out one each of the lingerie that Shelly wants.
"Heto mam,size 2.You can try them on po dito.Sabay turo sa fitting room.
"Thanks."inabot ni Shelly ang mga lingerie.
She will seduce Jake later.Tignan niya lang if tigasan pa siya sa iba pag nakita nito ang suot niyang bustier mamayang matutulog sila.Yun ay kung matutulog pa nga sila.May nadaanan siyang launderette kanina pinakiusap niya sa staff na paki-handwash ang mga binili niya and babalikan niya after an hour. Naglakad-lakad pa siya.Since hindi na siya uuwi bago ang party,she decided to buy a scent that she will wear tonight.Gusto niya yung seductive ang amoy.She chose Absolutely Irresistible by Givenchy.For the first time ginamit niya ang credit card na binigay sa kanya ni Jake.Maybe she should get used to the idea that she will get married to a very rich and gorgeous man.She needs to always look good.Naalala pa niya ang sinabi ng babaeng anaconda.Lilipas din daw ang libog sa kanya ni Jake.She'll make sure na hindi mangyayari yun.There should always be spice in a relationship.She has to admit now na importante talaga ang sex.Although hindi dapat yun ang basehan.But sa ayaw at sa gusto niya,her fiance is a virile man.Anyway,aangal pa ba siya,samantalang enjoy na enjoy din naman siya? Jake is a wonderful lover.
She ordered a glass of orange juice as she waits for Pat.Nilagay niya sa katabi niyang upuan ang paper bag ng pamosong brand ng nabili niyang lingerie.
"Bestie!" tawag ni Pat.
Lumingon si Shelly to look at Pat and nagulat siya ng makita na kasama nito si Alex. She frowned.Hindi talaga siya titigilan nito. Kim is right.She should tell Jake about him.Napapikit siya ng maisip niya kung ano ang pwedeng mangyari pag nalaman ni Jake.
Bago umupo, "Bestie,si baby Alex kasi ang aga sa bahay.Sakto tumawag ka,kaya nagprisinta siya na ihatid ako dito." paliwanag ni Pat.
Nakatingin si Alex sa kanya so nagbaba siya ng tingi.Looking at his eyes stirs something inside her which she can’t understand But .she shouldn't cloud her mind any further.Mamaya na ang engagement party nila ni Jake.
"Bestie,para ba sa early honeymoon niyo ni papa Jake ito?" kinuha ni Pat ang paper bag ng lingerie niya para umupo.
Shelly grabbed the bag from her.Baliw talaga ang kaibigan niya.Sinulyapan niya si Alex na biglang dumilim ang mukha. Without being invited,he took the seat opposite her.He looks angry.
"Order na ako ha?Hindi pa ako nag-aalmusal." sabi ni Pat and motioned to a waiter.
Shelly feels uncomfortable.Paano ba naman titig na titig na naman si Alex sa kanya pero hindi ito nagsasalita.
"Anong gusto niyo?" tanong sa kanila ni Pat,as she looks at the menu.
"Anything!" sabi ni Shelly.
"Kahit ano!" sagot naman ni Alex.
Nagulat si Pat sa kanila kasi sabay silang sumagot tapos parang si Alex galit si Shelly naman parang hindi mapakali. Tumango na lang si Pat then gave their orders.Nafeel niya na kailangan yata siguro na bigyan niya ng time ang dalawa na mag-usap kahit sandali.Mukhang sasabog na si Alex anytime eh.Tutal maya-maya pa naman ang order nila.
"Bestie,baby Alex.May pinabibili nga pala sandali si mama sa botika.Baka makalimutan ko mamaya.Bili lang ako sandali ha?" paalam nito.
Parang nag-aalangan si Shelly na paalisin siya pero biglang nagsalita si Alex,"Sige Patricia."
"S-Sige balik ako kaagad." sabi niya.
"Take your time Patricia." Alex said while looking intensely at Shelly.
"What do you think you're doing?" inis na tanong niya kay Alex pag-alis ni Pat.
Pinatong nito ang mga siko nito sa lamesa and leaned forward a little as he stares at her."Ano sa palagay mo love?" he asked in a very low voice.
"Huwag mo ngang sagutin ang tanong ko ng isa pang tanong!"
"O sige,anong gusto mong isagot ko? Di ba ayaw mo naman na sinasabi ko ang totoo?" he asked her in a slightly harsh tone.
Sinalo ni Shelly ng kamay ang noo niya.Sumasakit na naman ang ulo niya. "Alex ano ba ang pwede kong gawin para tigilan mo na ito?" tanong niya sa mahinang boses.
Silence.
"Be mine." sabi nito.
Nanlaki ang mata ng dalaga.
"Nagulat ka pa ba sa sinabi ko love?" he forced out a laugh.
"Alam mo naman na hindi pwede yan! Di ba ilang beses ko na sayong sinabi na hindi pwede?Alex naman please!
Tumingin ito ng masama sa paper bag na may lingerie niya.
"SHIT!" mura nito sabay hampas ng lamesa.
Nagulat si Shelly. Sa totoo lang nakakaramdam siya ng takot pag nakikita niyang ganito si Alex.Pero hindi siya dapat magpahalata.
"Hindi ba dati pa sabi ko na handa akong makihati sa gagong Herrera na yun? Hindi ako nagbibiro.Kung yun lang ang paraan para makasama kita,payag ako.Alam ko may nararamdaman ka din sa akin kahit konti.Okay na sa akin yun." he said seriously.
Umiling si Shelly."Hindi pwede Alex! Paulit-ulit na lang eh.Alam mong hindi pwede!" galit na sabi niya pero she tried to keep her voice down.
"Kapag hindi ka pumayag,hindi kita hahayaang pumunta mamaya sa engagement party mo!" banta nito.