"Are you crazy?" shocked na tanong ni Shelly as she covers her mouth with her left hand.
Alex's handsome face looks dead serious. "Oo.I am crazy about you." He said .His eyes narrowed as he looks at Shelly's hand.Ngayon lang niya nakitang suot nito ang engagement ring niya.
Nagrerebelde ang loob ni Alex.Kulang na lang hablutin niya ang singsing sa daliri ng dalaga at itapon.Minumura niya si Jake sa utak niya.
"Pag-uusapan natin kung gaano tayo kadalas magkikita and saan.Kahit kasama pa si Patricia paminsan-minsan.
Hindi makapaniwala si Shelly sa sinasabi nito.
"I want to prove to you na ako ang dapat pakasalan mo.Sasaktan ka lang ng hayup na Herrera na yun." he said with a crisp tone.
Bago makasagot si Shelly,nakita niyang pabalik na si Pat at saktong dumating ang order nila.Pagkaupo ni Pat napatingin ito sa kamay ni Shelly na nakapatong sa lamesa.
"Bestie! Ngayon ko lang napansin ang engagement ring mo! Patingin!" excited na sabi nito bago inabot ang kamay ng kaibigan.
"Hindi ko kasi masyadong sinusuot.Nakakatakot baka mawala.Pero kailangan kong isuot para mamaya."amin niya while avoiding Alex's eyes.
Natutop ni Pat ang bibig."Naman bestie! Ang laki ng bato at ang ganda!" inggit na sabi nito.
Binawi niya ang kamay."Kain na tayo.Di ba gutom ka na?" tanong niya sa kaibigan.
That diverted Pat's attention from her ring.
"After dito saan tayo bestie?" Pat asked habang kumakain sila.
"Maaga pa naman siguro ikot-ikot muna." sagot ni Shelly.
"Baby Alex, after here pwede mo na kaming iwan.Baka kailangan ka na sa coffee shop mo." sabi ni Pat.
"Okay lang.Sasamahan ko na kayo hanggang mamaya." He said tonelessly as he drinks his beer.
"You don't have to do that Alex.Okay na kami ni Pat." She said firmly.
He let out a sigh then put down his beer mug with a little thud na ikinagulat nila ni Pat.
"I think we need to talk about what I said bago dumating si Patricia.Anyway she is your bestfriend.And siya halos ang naabala ko just to see you or be with you.So I guess okay lang na malaman din niya." seryosong sabi ni Alex.
Litong-lito ang hitsura ni Pat.Shelly couldn't believe what Alex is saying.
"Patricia, I asked your friend to be my girlfriend." deretsahang sabi ng binata.
Pinilig ni Pat ang ulo bago nagsalita. She put down what she is eating and looked at Alex then at Shelly. "Sandali nga lang! Ano ba ito baby Alex? Paanong magiging kayo eh sila ni papa Jake." bakas sa boses nito ang pagkalito.
Shelly is expressionless.Hindi pa din mag-sink in sa kanya ang sinasabi ni Alex.
"Kahit hindi ko gusto,sabihin na lang natin na ako ang boyfriend number 2? Hindi naman pwedeng sabihing kabit kasi hindi pa naman sila kasal." tumawa ito ng pagak bago tinungga ang beer na nasa mug.His eyes never leaving Shelly's lovely face.
Pat's mouth formed a big O as she tried to comprehend what Alex just said.Hindi siya makapaniwala.Alam niya may gusto ito sa kaibigan niya but hindi niya alam na aabot sa ganito. Tinignan ni Pat si Shelly na mukhang hindi pa din naabsorb ang nangyayari.
"Baby Alex malaking gulo ito pag nalaman ni papa Jake." halos pabulong na sabi ni Pat.
Alex's face broke into a smile."Eh di mas maganda.Masosolo ko na si Shelly."
Para namang natauhan si Shelly."Hindi ako pumapayag sa gusto mo Alex! Mahal ko si Jake!” nakipaglaban siya ng titigan sa binata.
Alex was about to retort when his phone rang.He looked at the caller and he frowned.
Tumayo ito and said," Excuse me.I need to take this call.Babalik ako agad."
Pagtayo nito, "Bestie! Lagot! Ano na ang nangyayari?" tarantang tanong ni Pat.
"Tinatakot niya ako na pag hindi ako pumayag, hindi daw niya hahayaan na maka-attend ako sa engagement party namin ni Jake." tila nanghihinang sabi ni Shelly.
"Bestie,sorry talaga.Hindi ko naman naisip na aabot sa ganito.Mukhang na-obsess na sayo si baby Alex." pabulong na sabi ni Pat.
"Pat,anong gagawin ko?" Shelly's voice is a little shaky.
"Sumakay ka na lang muna bestie.Kunwari pumayag ka na.Tapos sabihin mo na kay papa Jake lahat mamaya.Hayaan mo na muna ang galit niya.Kesa naman sa lumala ng lumala Baka nga totohanin niya na hindi ka hahayaang umatend sa engagement party niyo ni papa Jake." Pat suggested.
Tumuwid ng upo si Shelly as she saw Alex entered the restaurant.
Napalingon ang mga babae na dinaanan nito.Kumurap si Shelly.Napaka-gandang lalake talaga nito.Inamin naman niya kay Kim na attracted siya sa binata.Pero ganun lang yun.Mahal niya si Jake.Hndi niya magagawa ang gusto ni Alex.Pero tama si Pat.Sumakay na muna siya then mamaya sasabihin na niya lahat sa nobyo.
Alex sat down."Ano ang sabi mo kanina love?"
Umiling lang ang dalaga.
"Baby Alex,paano naman ang arrangement kung sakali?" tanong ni Pat.
Huminga ng malalim si Alex,"Paano ang gusto mo love?"
Tinignan ni Shelly ng masama ito, "Wow! Now you are asking me? Samantalang hindi mo man lang ako tinanong kanina kung papayag ako sa gusto mo?" inis na tanong niya.
Nalukot ang guwapong mukha nito.
Pasimpleng kinalabit ni Pat sa hita si Shelly.Reminding her na sumakay na lang.She shouldn't madden Alex so she just sighed.
"Look love, I am sorry if I am forcing you to do this.Believe me,ayaw kitang ipitin.But pag hindi ko ginawa ito.." yumuko si Alex and hinawakan nito ang batok niya.
Parang may humaplos sa puso ni Shelly.
"Alex..." tawag niya.
Nakatingin lang si Pat sa mga nangyayari.
Alex looked up.Hope in his eyes.
"S-Sige.Pagusapan na lang natin.Pero huwag naman ngayon,please." pakiusap ng dalaga.
Tumuwid ng upo ang binata and nodded.
Alex insisted na siya ang maghahatid kina Pat at Shelly sa mga Herrera.Sumumpa ito na hindi ito magpapakita.Wala ng magawa ang mag-kaibigan kung hindi pumayag na lang. Ang binata din ang nagpumilit na magbayad sa damit at sapatos na isusuot ni Pat.Kesa naman sa balikan pa nila ang damit nito sa bahay nila.
Alas 7 ang party.Sabi ni Kim 5:30 pumunta na siya sa shop kung saan niya isusuot ang gown niya.Sinabi niya kay Pat na dun na din magpa-make up dahil sabi ni Kim may darating naman na make-up artist. Sinabihan niya si Alex na maghintay na lang sa isang coffee shop malapit sa kukuhanan niya ng gown.Mahirap na.Favorite designer ng pamilya Herrera ang gumawa ng gown niya.Baka mag-cause pa ng issue pag may nakakitang may kasamang guwapong lalake ang fiancee ni Jake Herrera.
Unang nakita ni Alex na lumabas si Pat.Naka-blue na knee-length V-neck lace dress with three-fourth length sleeve ito.Heels na light blue ang sapatos.Nakalugay ang buhok nito na medyo kinulot.Bumagay din dito ang make-up niya.
Tumayo si Alex."Wow Patricia ang ganda mo naman!" nakangiting sabi nito.
"Salamat baby Alex." nahihiyang sabi ni Pat ."Pero kahit gabi na kailangan mong mag sunglasses paglabas ni bestie." she added while smiling.
Napanganga ang binata ng lumabas si Shelly.
"SHIT!" mahinang nakapagmura si Alex ng makita kung gaano kaganda ang dalaga.
Naka black floor length v-neck open back gown si Shelly.Kitang-kita ang makurbang katawan .Napatingin siya sa cleavage ng dalaga.Napalunok ang binata.Labas ang makinis at maputing mga braso ng dalaga at may mahabang slit ang gown nito na nakakatawag lalo ng pansin pag humahakbang ito.Wala itong stockings.Natural na makinis ang mga binti at hita.Naka gold strappy heels ito.Her face is even lovelier dahil sa magandang pagkaka-make-up.Loose bun ang hairstyle .Ang bango-bango pa nito.
Napapikit si Alex when he felt how fast his heart is beating.
"Baby Alex!" tawag ni Pat."Tara na!"
Tila naman natauhan ang binata.He nodded.Ngumiti lang si Shelly sa kanya.Naglakad sila papunta sa kotse ng binata.He opened the door for Pat then ang pintuan sa passenger seat for Shelly.Kitang-kita niya ang kinis ng likod ng dalaga.Napalunok na naman siya.
"Alex please ibaba mo kami sa medyo malayo sa gate ng bahay.Baka may makakita.And please huwag ka ng bababa ng kotse."Shelly requested.
He looked at her. “Pwede ko bang mahawakan ang kamay mo love?"
Bumuntung-hininga ang dalaga.Then she nodded. Kinuha ni Alex ang kamay niya and kissed it habang nakatingin sa kalsada.Tahimik lang si Pat na nasa likod.Medyo nakakunot ang noo nito.
"Jake will you calm down!" saway ni Thomas sa kapatid.
Kanina pa ito balisa at tingin ng tingin sa relo nito.Nasa sala sila pero sa hardin ang party.Madami-dami na din ang mga bisita.Abala sa pag-eentertain sa mga ito ang mga magulang nila.
"FUCKING SHIT! Nasaan na si Shelly?" galit na tanong ni Jake.
Naka-black tuxedo ito na lalong nagpalakas ng dating sa binata.Aminado naman si Thomas na si Jake ang pinaka-guwapo sa kanila.Kaya nga itong ang pinaka-habulin ng babae.Naiiling na lang siya dahil hindi pa din siya makapaniwala na engagement party nito ngayon at nakakatawa mang isipin na ngayon lang niya nakita na nerbiyos na nerbiyos ito.
"Jake it's only 7:15." he reminded him.
Jake clenched his fist, "I swear na kapag hindi dumating si Shelly..."
"Jake!" tawag ni Kim na malapad na malapad ang ngiti.
Napatingin ang binata sa hipag. Then a movement behind Kim caught his attention.
Shelly came out in full view when his sister-in-law moved a little.
He looked at his fiancee from head to toe.Shelly is already very lovely but she is at her loveliest tonight.She is breathtaking.She is in a very sexy gown.She looks like a goddess.
Jake's eyes narrowed when it suddenly struck him na ang daming bisitang lalake sa labas.
"PUTANGNA!" he cursed.