Pasimpleng ini-end ni Shelly ang tawag, "Sige po tita thanks," sabi niya sa medyo malakas na boses while she looks at Jake.
Without removing her eyes on him, she passed the phone to Pat.She's hoping that he will not show his temper in front of her relatives. Nang makalapit si Jake,kinabig nito ang bewang niya with his left hand,and his right hand touched the back of her head. To others, it may look as if he's kissing the top of her head then her ear.
In a curt tone he whispered, "Who the fuck were you talking to?" ibinalik nito ang bibig sa ulo niya.
Shelly said a silent thank you na at least Jake is a little discreet kasi andito ang mga kamag-anak niya.Si Pat lang ang may alam kung gaano ka-seloso ito. She tried to move her face a little away from his neck so she can look at his eyes.They are so cold.
Pabulong niyang sinabi, "Babe, mama ni Pat.Binati lang ako."
"Bakit ganyan ang suot mo, punyeta!" gigil na sabi nito while he pretended to smile for the sake of her relatives. Humigpit lalo ang hawak nito sa bewang niya.
"Naku nay, tignan mo sila Jake at Shelly ang sweet ano?" napabuntung-hininga ang tita Esther ni Shelly.
Tumango ang matanda,"Oo nga.Mukhang napaka-halaga talaga ni Shelly kay Jake."
Naririnig ni Pat ang lahat,hindi na lang siya nag-react.From her view,halata niya na nagpipigil ng galit si Jake.Buti nga medyo malayo ang lamesa ng mga lola ng kaibigan.
Alex is clenching his fist.Selos na selos siya sa nakikita niya.Hinampas niya ng malakas ang manibela.
"SHIT!!" mura nito. "Gabi mo lang ngayon gago ka!" he said na nagatatagis ang bagang sabay tingin ng masama kung nasaan ang mag-nobyo.
"Aray, babe!"Shelly complained in a low voice. Pilit niyang inilayo ng kaunti ang katawan niya kay Jake. Matalim na matalim ang tingin sa kanya ng nobyo.
"Kasi ito lang ang pwede daw sa akin sabi ni Kim."she explained.
"Uuwi na tayo bago pa ako mapuno ng todo !" Pigil ang galit na sabi nito before he released her waist and held her hand.He pasted a smile on his lips.But people who know him would notice that the smile is superficial. Naglakad sila palapit sa mga lola niya.He gave Pat a nod ng madaanan nila. Shelly has her head down.Ang higpit ng hawak ni Jake sa kamay niya.She knows malaking isyu na naman ang suot niya.
"Lola, pinagbalot po kayo ng mga pagkain ni mama. Pinasakay ko na po sa kotse." nakangiting sabi ni Jake sa matanda.
"Naku salamat Jake.Nakakahiya naman.Magpapasalamat ako sa mga magulang mo bago kami umalis." nahihiyang sagot ng lola ni Shelly.
"Wala hong problema yun lola.Salamat po sa pagpunta niyo."
Tumayo ang mga tita niya at inalalayan ng tita Esther niya ang matanda. "Jake,Shelly, mauuna na kami.Alam mo naman si nanay,kailangan maagang nagpapahinga.Gustong-gusto lang talaga niyang pumunta ngayon kaya kahit nirarayuma pinilit niya." sabi ng tita Esther niya.
"Babe.." Shelly looked at Jake,as if telling him to release her hand so she could say goodbye to her relatives properly. Binitawan naman nito ang kamay niya.Lumapit siya sa lola niya at humalik sa pisngi.
"La, thank you po.Huwag nang masyadong magpapagod ha?" malambing na sabi niya.
"Oo apo.Basta pag may oras kayo,dumalaw kayo sa bahay." pakiusap ng matanda.
Tumango na lang ang dalaga.
Sumabay na din si Pat sa paglabas ng mga lola at tita ni Shelly.Baka kasi makahalata si Jake na hindi ito sasabay sa kanila. Buti na lang hindi na nila hinatid hanggang kotse ang mga kamag-anak niya kung hindi baka makita pa ni Jake na sa ibang sasakyan sumakay si Pat.
Nang medyo nakalayo na sila,"We'll go home! Pumasok ka na sa kotse! Ako na lang ang mag-papaalam kina mama." Jake said with a cold tone.
"Babe, kabastusan naman yun.I will come with you.Tayong dalawa ang magpapaalam." sabi niya.
He was about to retort when a female voice said, "Jake,my mom wants a word with you."
Shelly's eyes narrowed. Hanep! Ang babaeng anaconda pala.Feeling yata nito iya ang fiancee ni Jake. Naka-gown ito na kulay pula. Halos nipple na lang ang natatakpan sa suot nito.Nahiya tuloy ang cleavage niya kanina na pinag-awayan nila ng nobyo.She looked at Jake's reaction baka kasi nakatingin ito sa dibdib ng babaeng anaconda .Buti naman sa mukha naman ito nakatingin dahil kung hindi dudukutin niya talaga ang mga mata nito.
Medyo napasimangot si Jake but he said, "Babe,wait here.I'll be back in a flash." Before he kissed Shelly's temple.Umasim ang mukha ni Cassie when she saw the gesture.
Pag-alis ni Jake,tinignan ni Cassie ang dalaga mula ulo hanggang paa.Nakataas pa ang isang kilay nito. "Sa pagkaalam ko engagement party niyo ni Jake ito di ba? Pero what a boring outfit you have on! Akala ko modelo ka pero bakit walang kabuhay-buhay ang suot mo? How pathetic!" pang-iinsulto nito.
Naningkit ang mata ni Shelly,siya naman ang tumingin sa suot ni Cassie, "I didn't notice na alam mo na this is our engagement party at hindi sa inyo ni Jake.Kasi tignan mo nga yang suot mo.Akala mo yata moment mo to. Sabagay libre namang mangarap.Mukhang hanggang ngayon hindi ka pa din maka-get over na wala ka ng pag-asa na mapikot si Jake!" sabi niya sabay alis.
Pag hindi pa kasi kapag hindi pa siya umalis, baka ano pa ang magawa niya sa babaeng anaconda.Hinanap niya ang nobyo. Nakita niya ito na nasa malapit sa gazebo,kausap ang mommy ni Cassie.
She was thinking whether to go to him or not when he sensed her presence. He excused himself kay Mrs.Montenegro para salubungin siya. Hinawakan nito ang kamay niya then bumalik sila kung nasaan ang matandang babae.
"Congratulations sa inyo iha." nakangiting sabi nito.
"Salamat ho." she said shyly.
"Hindi din kami magtatagal kasi medyo masama ang pakiramdam ng asawa ko kaya hindi siya nakasama.Gusto ko lang i-congratulate si Jake for finding the right woman for him.Ako na ang humihingi sa inyo ng pasensya ni Jake kasi dahil kung minsan may kapilyahan pa din ang anak kong si Cassie.She's really a brat." sabi pa nito sa mababang boses.
Nangiti lang si Shelly.Naisip niya na tuloy kung anak kaya talaga nito si Cassie o napulot lang sa ipot ng kalabaw kasi ibang-iba ang ugali ng babaeng anaconda sa mga magulang lalo sa mama nito.
Jake was just standing there and listening.Ang kanang kamay nito ay nasa bewang ng dalaga.
"Mom!" tawag ng pamilyar na boses.
"Cassie halika na,magpaalam na tayo kina Ernesto at Divina." sabi ng ina nito.
Lumapit si Cassie kay Jake.She touched his left arm and said, "Mommy mauna ka na.Papahatid na lang ako kay Jake pauwi." sabi nito sa maarteng boses.
Nagpipigil si Shelly. Gustong-gusto na niyang sabunutan ito hanggang magdugo ang anit.
In her mind, Malanding babae na to! Tigas talaga ng mukha mo! Harapan talaga kung landiin ang boyfriend ko!
"Cassie! Hindi pwede yang gusto mo! Nakakahiya kay Shelly.Basta uuwi na tayo.Magpapaalam lang ako kina Divina.Sumunod ka na!" sabi ng mommy nito bago umalis.
Hindi pa din sumunod si Cassie.Parang sinusulit talaga ang paghawak sa braso ni Jake.Dinikit-dikit pa ang dibdib nito sa binata.
Jake cleared his throat."Cassie, I think you should go." sabi nito.
Humarap si Cassie ditto while hinahaplos pa din ang braso ng binata. "O sige, magkita na lang tayo sa opisina ha?" then tinapunan nito ng masamang tingin si Shelly bago tumingin ulit ng malagkit kay Jake, "I don't want to say congratulations kasi malamang naman magsisi ka sa desisyon mo.But I would like to give you a good luck kiss." sabay halik sa labi ni Jake.
Nanlaki ang mata ni Shelly.Nagulat din si Jake so hindi agad naka-pagreact.Tumingin sa paligid si Shelly buti na lang walang nakatingin.
Nang makabawi si Jake,he took hold of Cassie's arms and pushed her away from him firmly.
May pilyang ngiti sa labi nito.Pinunasan pa nito ng daliri ang lipstick sa labi ni Jake.
Jake wiped his mouth with the back of his hand and tumingin sa nobya. Lukot na lukot ang magandang mukha nito. "Babe," he called and took hold of her arm.
Sa malamig na boses Shelly said ,"Pasalamat ka Miss Montenegro at bisita ka pa din namin dito dahil kung nagkataon nasa labas tayo kakalbuhin kita!! Kung sawa ka na sa buhay mo,di sige ulitin mo pa yan.Hindi ako pumapatol sa tao pero sa ahas oo! You may be bigger than me but I have sharper claws! You have two options.One, get out of our face or two, hihilahin ko yang damit mo! Tutal gustong-gusto mo namang ibilad yang mga dibdib mo na laspag na laspag na..eh di itodo na natin!" Shelly stepped a little towards Cassie. Biglang napaurong ang huli with fear in her eyes bago dali-daling umalis.
She then faced Jake, "Next time na hinayaan mong lumapit sa'yo ang malanding yun and ikaskas kahit anong parte ng katawan niya sayo,magsama na lang kayong dalawa!" galit na sabi niya sabay talikod.
Jake combed his hair with his hand as he looks at his lovely fiancee walking away.Ipinahamak na naman siya ni Cassie.
"Patricia,I really need your help with Shelly." Alex said seriously.
Nasa kotse sila.Pat noticed na mula kaninang pagsakay niya tahimik si Alex.Ngayon lang ito nagsalita.
"Baby Alex, mahirap ang pinapagawa mo." Sagot niya.
Tinapunan siya ng tingin ng binata bago binalik ang mga mata sa kalsada.
"Sasaktan lang ng walang kwentang Herrerang yun ang kaibigan mo." matigas na sabi nito.
Napatingin si Pat sa labas ng bintana. "Baby Alex, mahal ni papa Jake si bestie,ganun din naman si bestie.Hindi ba pwedeng hayaan mo na sila?" tanong ng dalaga sa mahinang boses.
"Mahal ko din si Shelly.At alam ko na mas magiging masaya siya sa akin.Lahat ng kayang ibigay ng gagong Herrera na yun matatapatan ko o mas mahihigitan pa.Basta tulungan mo lang ako.Matututunan din akong mahalin ng kaibigan mo.I have enough love for both of us." he said openly.
Hindi nakasagot si Pat.Nag-aalala siya para sa kaibigan niya.Determinado si Alex na maagaw ito kay Jake.Napakalaking gulo nito,knowing Jake's feelings towards Shelly.