Chapter 70

"Babe," Jake kissed her on the lips while she is still in bed. "Pasok na ako.Pahinga ka ha? If you need anything tawagan mo lang ako." malambing na sabi nito .

May hangover yata siya.Ang sakit ng ulo niya.May pictorial pa naman siya mamayang hapon. She tried to sit up.Jake helped her.

"Okay ka lang babe?You can sleep in.Maaga pa."

"I have a pictorial later.And parang nagugutom ako.Hindi kasi ako nakakain masyado kagabi." she touched his arm.

"Sasabihan ko si manang na hatiran ka ng pagkain.Hindi na din ako papasok.Babantayan na lang kita." alalang sabi ni Jake.

"No.Pumasok ka na. I'll be fine .Gutom lang to. Maybe it will help if I'll take a shower habang naghahanda ng almusal si manang Celia para gumaan ang pakiramdam ko."

Paano ba naman nakaisang round pa sila kagabi kaya lalo siyang napuyat .Hindi pa nga niya nasuot ang binili niyang bustier.Mamaya na lang.Kailangan paghandaan niya yun.For sure they will have an all-nighter. Nangingiti siya pag naalala niya how Jake fussed over her.He really loves her.Mahal na mahal din naman niya ang nobyo kahit minsan pumapasok sa isip niya ang guwapo ding mukha ni Alex.Ay ano na naman yan?!

Ang aga-aga magkakasala na naman siya kay Jake.Binilisan na niya ang pagbibihis at nagugutom na talaga siya kaya kung ano-ano ang naiisip niya.

"Shelly lalabas muna ako ha?Punta ako ng palengke.Maiwan muna kita.May gusto ka bang ipabili?"

Nag-isip siya ."Hmmm..wala naman po manang.Sige po mag-iingat kayo." She said habang nakaupo sa couch sa sala at nanunuod ng tv. Mamaya pa namang alas dos ang pictorial niya.

"Mga bago mag alas-dose andito na ako.May pagkain na diyan.Iinit na lang." sabi ng matanda bago lumabas.

May 5 minuto pa lang nakaka-alis si manang Celia ng tumunog ang doorbell. Kumunot ang noo ng dalaga.Who could it be? She looked at her clothes.She's wearing white hot shorts and black sleeveles shirt.nakagat niya ang lower lip niya.She doesn't think that she's appropriately dressed to receive guests but the bell keeps on ringing.She could always hide her body behind the door and ulo na lang ang ilalabas niya. Tumayo siya and sinilip ang peephole but she didn't see anyone. She was about to go back to the couch ng may nag-doorbell ulit.She counted one to five..bahala na..she opened the door.

"Hi love!" nakangiting mukha ni Alex ang bumungad sa kanya.

He looks so hot! Naka-black na v-neck shirt and naka-denim shorts ito at vans na sapatos.And he smells so good!

Pero hindi pa din tama na papasukin niya ito kahit parang gustong-gusto niya itong makasama. She tried to close the door but he pushed it and came inside. He closed the door and looked at her body appreciatively.

"Ano sa palagay mo ang ginagawa mo? Get out Alex!" may takot at galit na sabi niya.

"Do you always look so good even in the morning? You really are so lovely.." nakangiting sabi nito which showed his dimples.

"Nasisiraan ka na ba talaga?Hindi ka pwedeng pumasok dito,please naman Alex!"

He ignored her.Lumakad ito papunta sa couch and sat comfortably. Bigla namang nag-ring ang landline. Shelly closed her eyes.She has a feeling na si Jake ang caller.Nasa kwarto kasi ang cp niya.Baka kanina pa ito tumatawag. Pero naka-ilang ring na ito pero hindi pa din siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Paano niya sasagutin kung andito si Alex?

"Aren't you going to get it love?" malambing na tanong ng binata.

Tinignan niya ito ng masama but he just shrugged his shoulders. "For sure galit na naman niyan ang walang kwentang nobyo mo."

"Don't you think I know that?" inis na sabi ng dalaga."Don't make any sound!" utos niya.

"I'll try love." he said habang may pilyong ngiti sa labi. Tinapunan niya ulit ng nakakamatay na tingin ito bago siya lumapit sa landline.

"H-Hello." mahinang sagot niya.

"DAMMIT! What are you doing? Kanina pa ako tumatawag sa cellphone mo!" came Jake's angry voice.

'N-Naligo ako babe.Sorry. Umalis si manang Celia." Shelly felt Alex's presence behind her.She almost gasped ng makita niyang ang lapit-lapit nito sa kanya.He was smelling her hair bago siya lumingon.He is now looking at her lips and has a naughty smile on his handsome face.

She heard Jake let out an angry sigh.

Anak ng tofu! Hahalikan siya ni Alex! She tried to push his chest but hinapit siya nito palapit sa kanya.He kissed her on the lips.

"Mmmmppp!" Shelly is trying to break the kiss.

"WHAT THE FUCK?! BABE?!!" sigaw ni Jake.

With all her force tinulak ni Shelly si Alex and tried to speak over the phone.

"Babe.." ngatal na sabi niya.

"WHAT THE HELL IS HAPPENING?NAPANO KA?"

Palapit ulit sa kanya si Alex so she said quickly,"Babe I have to go to the bathroom.." then she cut the line.

"Alex! Stop it! Don't come near me!" she said while she is shaking a little from fear.

Akala ni Shelly hindi ito titigil but to her suprise,he went back to the couch."Why the hell did you do that??!" tanong niya sa mataas na boses when she saw his smug expression. Obviously gusto talaga nito na mag-away sila ni Jake.

Cool na cool lang ito. " Ang sarap palang makaganti sa gagong Herrera na yun. Wala siyang kamalay-malay na hinahalikan kita habang kausap ka niya."

"Umalis ka na Alex!I never want to see your face again!" Shelly's voice is full of anger now.

"Alam mo ba love kung gaano kasakit sa akin ang makita kitang hinahawakan o hinahalikan ng tarantadong nobyo mo pero wala akong magawa?" he asked her bitterly.

"Alex! Fiance ko si Jake at wala kang karapatang masaktan kahit ano pa ang makita mo! Wala tayong relasyon!" halos ipadyak na ni Shelly ang paa niya sa galit.

Bigla itong tumayo.Galit ang guwapong mukha nito kaya napaurong si Shelly.

"Ano bang meron ang gagong yun na wala ako?!” malamig na malamig na tanong nito.

" Ilang beses na natin itong napag-usapan? Tigilan mo na ako! Sigurado ako na madaming babae ang may gusto sayo.You can take your pick.Mas maramimg higit pa sa akin.Huwag na lang ako.Mahal ko si Jake." she pleaded.

"He doesn't deserve you! Pag nagsawa na siya sayo, he'll leave you! I will never do that to you love.Ako na lang ang mahalin mo.Walang kwentang tao si Herrera!" puno ng galit ang boses ni Alex.

Shelly is shaking her head from side to side. "How could you say such things? Ni hindi mo kilala si Jake.I know him more than you do.Oo,madami siyang naging babae dati pero tapos na yun.It's just me now.Alam ko na mahal niya ako.I feel it.So please Alex,tama na." naiiyak na si Shelly.

The phone started ringing again. Sabay silang napatingin sa landline.

"I will answer the phone but don't you dare come near me! Kung hindi, kahit makausap hindi mo na ko makakausap." she threatened.

Alex didn't say anything.Nakatingin lang ito sa kanya.

"Babe.." Shelly answered.

"Are you okay? What happened? May masakit ba sayo? I will go home now! " tarantang sabi ni Jake.

"Okay na ako babe.You don't have to come home.I just threw up.Napadami talaga ang inom ko kagabi." Napapikit siya dahil nagsisinungaling siya.She looked at Alex.Buti naman hindi ito umalis sa pwesto niya.

She doesn't want him to hear but she needs to remind Jake about her schedule para hindi na ito maabalang umuwi.Tutal pag gusto naman ni Alex nakakagawa ito ng paraan para masundan siya. "Di ba may pictorial ako later? Maghahanda na din ako maya-maya." she said.

"Uuwi ako.Ihahatid kita." Jake firmly said.

"No babe.You don't have to do that.I'm okay.Si mang Eddie na lang maghahatid sa akin."

Jake let out a sigh.Actually may importante siyang meeting in an hour.He can't miss it. "Okay,sigurado ka na okay ka na?"paninigurado nito.She just said yes.

"Okay.I'll do my best to pick you up later.I love you." he said.

Kung sa ibang pagkakataon lang siguro niya narinig ang sinabi ng nobyo baka super kinilig na siya but Alex can hear her,she doesn't want to provoke him further.

"Me too." she replied.

Silence.

"FUCK!! Anong me too? !WHAT?! Can't you even say that you love me now?!" Jake is almost shouting.

Shelly bit her lower lip...bahala na.."I love you babe." nakita niyang napatiim-bagang si Alex.

Binagsak ni Jake ang telepono.Shelly knows her fiancé is really pissed. She put the phone down.

"Hindi pa din talaga nauubusan ng swerte ang hayup na Herrera na yan." Naiiling na sabi ni Alex habang nakakuyom ang palad.

"Bakit ba galit na galit ka kay Jake?Ano ba ang ginawa niya sa yo?Naagawan ka ba niya ng girlfriend dati?Kaya ba ganyan ka?Ginagantihan mo siya by pursuing me?" nagtitimping tanong ng dalaga.

Lalong nalukot ang mukha ni Alex."Gusto mo ba talagang malaman ang kahayupang ginawa ng gagong nobyo mo?Buti sana kung naagawan lang niya ako ng nobya eh.Kaso mas malala dun.Sinira niya ang buhay ng kapatid ko.Nabaliw ang ate ko dahil sa katarantaduhan niya! Believe it or not,mahal kita! Hindi ako gumaganti sa kanya! "

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.