Chapter 75

"Hello babe," Jake greeted Shelly as he enters the condo.

"Hi babe." She smiled and turned off the tv .She raised her face to offer her lips to him.Yumuko naman ito and kissed her on the mouth.

According to Dra.Benitez,she is doing okay and the baby is fine .But though the doctor said that, choice nila ni Jake na limitahan pa din ang galaw niya .She is so proud of him dahil ,kahit sabi ni doktora that t hey can be intimate basta ingat lang, sabi ni Jake okay lang na wala muna.Anyway they could always do heavy petting.

He sat next to her and settled his lips on her neck."I missed you babe," he said,his voice husky.

"Gusto mo ba mamaya? Pwede naman eh." there's a smile on her voice.Nakiliti siya sa stubble nito.

He stopped kissing her neck and tinignan siya nito.He has a naughty smile on his handsome face. "Sure ka babe?" he asked.

She nodded and touched his cheek."Namiss na din kita." sabi niya as she wetted her lips with the tip of her tongue which darkened Jake’s eyes and he began kissing her again on the lips but his phone rang so wala itong choice kundi kunin sa bulsa ito after he cursed under his breath.Kumunot ang noo nito when he saw the name of the caller.Tinignan nito si Shelly then said, "It's Will." Bago sagutin ito. He has her hand in one of his as they sat next to each other.

"WHAT?! Kahit kalian wrong timing ka!” Jake told brother angrily

He kept quiet for a few seconds nang mukhang nagsalita si William.After several moments, nagmura ulit ito, "Fucking shit!”

Nung ibaba nito ang cp,Shelly asked, "Babe?Anong nangyari?"

"Will saw Sandra making out with another guy sa isang bar sa Makati." An expression of disbelief crossed his face.

"Oh my gosh!" shocked na sabi ng dalaga.

"I need to go to Will babe.Okay lang ba? Kilala ko yun,baka mag-drive kahit lasing." he sounded worried.

"Oo naman babe. Sige na.Drive carefully.Huwag iinom ha?" paalala ng dalaga.

He nodded."Magpapalit lang ako ng damit.".He kissed her lips again before standing up.

Jake told her not to wait up for him dahil baka sobrang lare na itong makauwi.He said na matulog na muna siya and he will just wake her up.Pero nag-aalala din si Shelly kay William.Malapit na pa naman ang kasal nito kay Sandra. Kahit hindi sila close ng babae,nanghihinayang pa din siya sa relasyon ng dalawa.Nag-ring ang phone niya.Tumatawag si Kim.

"Shelly,did you hear about what happened?" tanong nito.

"Oo.Tumawag si William kay Jake.Pinuntahan niya kanina." Shelly replied.

"Si Thomas din kasama nila.I know this will happen sooner or later.Actually,sinabi ko na kanina kay Thomas ang hinala ko about Sandra." Kim said.

"Anong hinala?" Shelly is curious.

"Matagal ng may kumakalat na balita about her little escapades.She always bar hops with her friends .Nagbibingi-bingihan lang si William.He thought that she will eventually change."

Nakagat ni Shelly ang lower lip niya."Baka naman pwede pa nilang ayusin?"

Kim sighed."If ako lang ang masusunod,okay na din if William will call off the wedding.I don't think Sandra will change.Alam mo ba na matagal na akong may hinala na siya ang nagpapahamak sayo?"

Shelly was taken aback."What do you mean?"

"I told you dati pa na Sandra and Trish know each other.Kanina nalaman ko na Sandra has been bribing my secretary para malaman ang schedule mo.Malakas ang hinala ko na kay Trish galing ang pera.Sobrang guilty na ni Arnie kaya kanina nagtapat na sa akin.I told Thomas already.Siya na ang bahalang magsabi sa mga kapatid niya.Pag hindi pa naman lalong nauntog si William ewan ko na lang." Kim said with a sigh.

Shelly was speechless.Pati yung bangungot na nangyari sa kanya where she was almost raped and lost her baby si Trish at Sandra din ang malamang may kasalanan. Lorie for sure got the information about her pictorial from Trish.Then kaya nalaman ni Marco where she was because he followed her stepsister to the venue of the photo shootl

Napapikit si Shelly.She can't believe that those women would do such things.

"So you see,I think it will be really good if hindi na talaga matuloy ang kasal na yan.I won't be at ease knowing that Sandra will be a part of the family." Kim said honestly.

(Alex)

He is drinking beer at his unit.Hindi naman siya magpapaka-lasing.He just wants to have a better sleep.Masakit pa din sa kanya na wala na talaga siyang pag-asa na maagaw si Shelly kay Jake.Pero sa totoo lang,alam naman niya na mahihirapan siya sa una pa lang.Siya kasi ang tipo na pag mas madaming challenges,mas gusto niya.Iba kasi ang pakiramdam na pinaghirapan mo ng husto ang isang bagay bago mo makuha.May mga bagay lang siguro na hindi pwedeng maging sayo at kailangangang tanggapin yun..At least may natutunan siya.Unang-una,huwag asamin ang pag-aari na ng iba.Sabagay kung siya din naman ang nasa kalagayan ni Jake malamang baka mabugbog niya talaga ang lalaking nagnanasa sa nobya niya.He was so attracted to Shelly physically na hindi na niya naisip ang consequences ng mga ginawa niya dati. But he has to admit that Shelly will always have a soft spot in his heart.

Biglang nag-ring ang telepono niya.

"Patricia?" he frowned."May problema ba?Napatawag ka?" he looked at the time,10:30 PM.

Silence.

Then Pat ended the call.

(Pat)

She turned off her phone.Ano ba ang ginagawa niya? Bakit niya tatawagan si Alex? Nababaliw na ba talaga siya?Ano ba ang akala niya? May pag-asa siya na mapansin ni Alex? Kahit siguro lasing na lasing ang guwapong binata hindi siya magugustuhan nito.Ang mga tipo ng bestie niya ang gusto nito .Sexy,maganda,maputi.Eh alin sa tatlo ang meron siya? Bokya!

Natural sasabihin ng mama niya na maganda siya.Sino bang nanay ang lalaitin ang anak di ba?Naisip niya tuloy na sana kasing-ganda at sexy na lang niya ang bestie niya.Sana totoo ang genie in a bottle.Magwiwish siya ng bonggang-bongga! Sana pagkagising niya mala-hour glass na ang katawan niya.Wala na din siyang pimples at tanggal na ang double chin niya. She wished too na matanggal lahat ng bilbil niya sa katawan.

She stood up from the bed and looked at herself in the mirror.

How could the man of her dreams want someone like her? Para siyang minamanas dahil sa laki ng mga braso at binti niya. Konting-konti na lang para na siyang buntis dahil sa laki ng tiyan niya.Aalis na si Alex pero wala naman siyang pwedeng gawin para pigilan ito. Lalo naman niyang hindi pwedeng sabihin ditto ang totoong nararamdaman niya. Amg mga baboy na gaya niya hindi bagay sa gwapo at machong kagaya ni Alex Llamarez.

Hindi na niya napigilian ang sarili so isinubsob niya ang mukha sa mga kamay and cried.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.