Biglang tumayo si Jake.Pagalit na sinuklay nito ng kamay ang buhok.
"Anak ng..!! Ang dami namang pwedeng paglihian babe eh! DAMMIT!!!" namumula na ang leeg nito.
Napayuko si Shelly.Nangilid ang luha.She's thinking na hindi naman niya gawa-gawa lang yun eh.Yun talaga ang gusto niya…ang makita si Alex.
Napansin ni Jake na parang naiiyak ang nobya.Naalala niya ang sabi ng mama niya.Hindi maganda sa buntis ang sumama ang loob.At super sensitive daw ang mga ito.So dapat daw habaan niya ang pasensiya niya and ibigay ang mga hiling ni Shelly. Umupo siya ulit then hinawakan niya ang kamay ni nobya,"Babe..hindi ba pwede na ako na lang ang paglihian mo? Namputsa naman eh!" bigla siyang nagbaba ng boses ng makitang nanginginig ang labi ng dalaga," Babe,ayaw ko namang makamukha ni Llamarez ang panganay natin." nakasimangot na sabi nito.
Nag-angat ng ulo si Shelly,"Babe,gusto ko talagang makita si Alex eh." she said in a slightly trembling voice habang nakatingin sa nobyo.Tapos nagbaba siya ulit ng tingin habang tinitignan ang kamay niya na hindi hawak ni Jake. "P-Pero sige kung ayaw mo..huwag na lang." malungkot na sabi niya.
He stood up again and raised both of his arms as a sign na talo na siya,"OKAY!OKAY! Tatawagan ko si Pat! Para sabihan si Llamarez na pumunta dito!" pagalit na sabi niya.
Shelly's eyes twinkled ng marinig niya ang sinabi ni Jake.Na-wish niya na sana yung pabangong gusto niya ang gamit ni Alex.Miss na niya ang amoy nito.
"Papa Jake!" sagot ni Pat.
"Pat,pwedeng pakitawagan mo si Llamarez?" tanong ni Jake sa medyo inis na boses.
Nagulat si Pat." B-Bakit papa Jake? Ano na naman ang atraso ni baby Alex?" bigla siyang na-tense.Baka kasi hamunin ng square ni Jake si baby Alex niya (Wow! Talagang may baby Alex pang nalalaman ha?) Natural naman ayaw niyang masaktan ang guwapo niyang baby.(Pangarap lang naman, pagbigyan na.)
Biglang natahimik sa kabilang linya.
"Papa Jake?"
Pat heard Jake released a deep sigh.
"Gusto daw siyang makita ni Shelly!" he said.Halatang naiirita ito.
Naman!Naman! Pat thought.Ano na ang nangyayari? Bakit gustong makita ng bestie niya si Alex? Akala pa naman niya wala na lalong pag-asa si Alex kay Shelly dahil nga buntis na ito.Parang gusto yata niyang magbigti sa puno ng kalamansi sa sama ng loob!
"At pumayag ka naman papa Jake?" gulat na may halong inis na tanong ni Pat.( Selosang gf lang ang peg?)
"PAT! Palagay mo ba gusto ko yun?" pabulong pero inis na tanong ni Jake."Napaglilihian ni Shelly si Llamarez,PUTANGNA!" galit na sabi nito pero sa mahinang boses."Kaya pakisabihan mo yang Llamarez na yun na pumunta agad ngayon!"
Siyempre kailangan samahan ni Pat si Alex papunta sa ospital.She told Alex that she wants to see her bestie again.Sa dami ng utang na loob ng binata sa kanya,hindi ito makakatanggi.Magpaka-masochista muna ang dalaga kahit ngayon lang.Gaano man kasakit,panunuorin muna niya ang mga mangyayari.Anyway pinaglilihian lang naman.Tsaka mahirap na,baka pag napikon si papa Jake banatan pa ang baby Alex niya.Well actually, kaya naman ng baby Alex niya si Jake kaso kahit na.Baka magasgasan ang guwapong mukha ng baby niya.At least may tatawag ng aawat di ba?Di naman pwede ang bestie niya.
Kumatok ng isang beses si Pat then dahan-dahang binuksan ang pintuan ng private room ni Shelly. Nakatayo si Jake sa opposite side ng kama ng nobya nito habang naka-krus ang mga maitpunong mga braso sa dibdib.Madilim ang hitsura nito.
Shelly's face lit up ng makita sila."Pat!" she called and her grin widened ng makita si Alex.Sa tuwang-tuwang boses, she called the other man. "ALEX!"
"FUCK!" madiin na mura ni Jake sabay layo sa kama.Padabog na umupo ito sa one-seater sofa na nasa paanan ng kama.
May isa ding malaking sofa na kasya ang limang katao.Sa dami ng mga prutas,napuno ang center table na nasa gitna ng mga upuan. Medyo kumunot ang noo ni Shelly and tinignan ng masama si Jake.
Lumapit si Alex while Pat was left standing near the door. Binigay ng una kay Shelly ang dala nitong mga bulakla na ikinatuwa naman ng dalaga.
"Alex,please upo ka." sabay turo nito sa chair na nasa tabi ng kama nito.
Sumunod naman ito.Sinabi sa kanya ni Pat ang totoo na napaglilihian siya ni Shelly.Naisip ng binata na parang lalo lang siyang mahihirapan nito.But kahit man lang ilang araw bago siya lumipad ng America makasama niya si Shelly.He told himself na kahit mahirap, he needs to move on.Hindi na niya pwedeng pangarapin na maging kanya ang dalaga.
Tinignan ni Pat si Jake.Kung nakakamatay lang ang tingin malamang na dedo na si baby Alex niya.Mabuti pa aliwin na lang niya si Jake. "Papa Jake tara kape muna tayo," aya niya.
Hindi man lang nag-react si Jake.Titig na titig lang sa dalawa.Parang anytime na may gawing iba si Alex,susugurin ito ng binata.
Umupo na lang si Pat sa mahabang sofa.Makinuod na lang din siya.Kinuha niya ang isang piling ng saging at inumpisahang lantakan.At least healthy naman kasi prutas di ba?
"Alex,salamat ha?" nakangiting sabi ni Shelly.
Tumango lang ang binata.Gusto sana nitong hawakan ang kamay ng dalaga pero ayaw na niya ng gulo.Lalo't makakasama kay Shelly.
"Llamarez!"tawag ni Jake.
Lumingon si Alex.Tumingin din si Shelly.Naisip ng dalaga na at least wala ng bad word bago ang apelyido ni Alex.Mas okay na din yun.
Masama ang mukha ni Jake na nagsalita uilt, "Huwag masyadong malapit! Ilayo mo ng konti ang upuan mo!" tila nagtitimping sabi nito.
"Babe!" shocked na sambit ni Shelly while napanganga naman si Pat.
Nailing na lang si Alex pero iniurong nito ang upuan. Umasim ang mukha ni Shelly.Inirapan niya ang nobyo then looked at Alex.Nginitian niya ang guwapong binata.
"FUCK!" mahinang mura ni Jake.He is clenched his fists.Umupo ito ng tuwid without removing his eyes from Alex. Pasimpleng sinisinghot ni Shelly si Alex.Kung wala lang si Jake gusto sana niyang amuyin ng malapitan ang binata.
"Sa isang linggo babalik na ako sa America." Biglaang sabi nito na ikinagulat ni Pat.Umawang naman ng konti ang bibig ni Shelly.
"Buti naman!" bulong ni Jake pero narinig ni Pat.
"H-Ha?Bakit? Paano ang mga coffee shop mo?" tanong ni Shelly.
"Yung kaibigan ko na muna ang mag-aasikaso." malamig na sabi nito.
Sobrang na-sad si Pat.Binalik niya sa lamesa ang mga saging. Nawalan na siya ng gana.Aalis si baby Alex. She sadly sat up straight and her eyes went down her hands on her lap.
"Sorry kung may mga nagawa man ako." Alex apologized to Shelly.
Jake's eyes narrowed.Tumayo ito. "Anong ginawa mo??!" matigas at galit na tanong nito.
Shelly's eyes widened. Oh no! she thought. She hopes na hindi na sabihin ni Alex ang mga nangyari.
Maybe Alex saw Shelly's reaction.So he said, “Wala.Ang sinasabi ko yung unang pagkikita namin."
Medyo nakahinga siya ng bahagya.Alex is still after her welfare.Nagawa man lahat ng yun dati ng binata out of desperation but he is a good man.She owes him a lot..Kung ano man ang nangyari dati,burado na lahat kay Shelly yun.He saved her and her unborn child.
"Herrera,maganda siguro na pagusapan natin yung tungkol sa kapatid ko.Gusto kong marinig ang side mo.Okay na din na marinig ni Shelly.Ayos din naman kahit andito si Pat.Tutal hindi na siya iba."Sabi ni Alex as he faced Jake.
Jake just nodded.Maybe it's about time to talk about Annie Llamarez.
Matapos ang pag-uusap nila ni Jake.Mas naintindihan na ni Alex ang nangyari.Ramdam niya na nagsabi ito ng totoo .Pagbalik niya sa America, he will talk to his sister.Medyo gumaan na ang dibdib niya.
Ihahatid niya si Pat pero napansin niya na masyado itong tahimik.
"Ayos ka lang Patricia?" nakakunot ang noong tanong niya sa dalaga.
Tumango lang ito ng hindi man lang siya nililingon.Deretso ang mata na nakatingin sa kalsada.Naninibago siya dito.Dati naman hindi ito nawawalan ng kwento.He just shrugged his shoulders.Maybe wala lang ito sa mood.
Bago lumabas ng ospital si Shelly.Nagkaroon siya ng unexpected visitor..ang tita Marga niya.
Jake opened the door.Nagpakilala ang madrasta niya then Jhe looked at Shelly as if asking for her approval kung papapasukin ito. Her stepmother looks different.Parang mas tumanda and mukhang malambot yata ang expression nito.
She just nodded her head at her man. Peron ago ito papasukin ng nobyo, she heard Jake said seriously, "I will let you in mam.But if you ever say or do anything to upset my fiancee mapipilitan akong paalisin kayo."
"H-Hindi ako manggugulo.Gusto ko lang kayong makausap." sabi ng matanda sa mababang boses.
Jake nodded then opened the door wider.
Lumapit ang madrasta niya and umupo sa upuan sa gilid ng kama. Jake went to the other side of the room .He took Shelly’s hand as he looks at his woman’s stepmom.Mukhang may hinala na siya kung ano ang gusto nito.
"Bakit po kayo andito?" tanong ni Shelly.
Bumuntunghininga ito. "S-Shelly..alam ko na hindi maganda ang trato ko sayo.Ang trato namin sayo ni Lorie." Yumuko ito.Tapos tumingin ulit sa dalaga. "Nagawa namin yun dahil nagseselos kami sayo.Mahal na mahal ka ng papa mo.Si Lorie din insecure sayo.Patawarin mo kami." sabi nito sa mababang boses.
Silence.
"Tita,wala na po sa akin yun.Kalimutan na lang natin." Shelly said sincerely after a while.
Hinawakan ng matanda ang kamay ng dalaga, "Shelly alam mong mahal na mahal ng stepsister mo si Marco."
She heard Jake breath in some air.Tinignan niya ang nobyo.Lukot ang mukha nito. Tumingin din ang madrasta niya kay Jake then binalik ang mga mata nito kay Shelly.
"Nakikiusap ako.Iurong niyo na ang demanda.Buntis si Lorie.Sabi niya magpapakamatay siya pag nakulong si Marco.Ayaw niyang mawalan ng ama ang anak niya.Shelly ayaw ko ding mawalan ng anak.So nakikiusap ako." naluluhang sabi nito.
Tinignan niya ang nobyo. He looks stony.Alam niya na galit na galit ito kay Marco.Inawat niya lang ito dahil gusto nitong sugurin sa presinto ang lalake.Alam niya na sag alit nito, he is capable to do anything especially with his money and surname.
She gently squeezed his hand,as if telling him na pagbigyan na ang hiling ng madrasta niya.Para sa ikakatahimik ng lahat.She may not have a close relationship with her and Lorie,but at least maging civil man lang sila. She just wants some peace of mind. She doesn’t want to hold any grudges.
"B-Babe,please.." mahinang pakiusap niya pero matigas pa din ang expression ni Jake.
"T-Tutal okay na naman kami ni baby .Please babe..buntis din si Lorie. Like me,ayaw niyang walang ama ang anak niya."
Jake finally let out a sigh then said coldly , "I will ask the court to issue a restraining order! Wala pa din akong tiwala sa hayup na yun! ".Tinignan nito ang madrasta niya. "Iuurong namin ang demanda kung lilipad agad papuntang Dubai ang tarantadong yun! Habang nandito siya sa Pilipinas hindi ako makakampante! Baka mapatay ko pa siya!"
Tumango ang tita Marga niya. "Sige,sasabihin ko kay Lorie.Salamat sa inyo.At sorry ulit Shelly.Kung gusto mo ibabalik ko na sayo ang bahay." Sabi pa nito but Shelly shook her head.She said that the older woman can keep the house.Again, mapakumbabang nagpasalamat at nagsorry ulitt ito sa kanya.
Paglabas nito ,Shelly tugged gently at Jake's hand and looked at his eyes. Mahal na mahal talaga siya ni Jake.
"Thank you babe.I love you."she whispered.
Jake's eyes became dark. "I love you more babe." Sagot nito then kissed her lips.