Chapter 31

"Stop staring at me Dave. With my state right now, I don't need your questions."

Pinunasan ko ang mga naglandas na luha sa pisngi at tumingin sa labas ng umaandar na kotse. My mind is going back to Mav's unit and to the scenes after that. How I wish I could erase the pain in his eyes but as far as I want to do it, my responsibility stops me.

Nakatanim na yata sa utak ko ang galit na mukha ni Maverick. Gone is the warmth in his eyes as he looked at me. Bigla na lang nawala ang pag-iingat at pagsamba na palagi kong nababasa sa kaniyang mga mata mula noong nasa isla kami. Napalitan ito ng galit, pait, at pagkasuklam. His eyes became cold to me. Kanina, wala akong makita na palatandaan na naniniwala siya sa akin. It's all doubt all over his face. I can't blame him for that. I did it to myself. I did it to us.

He looked at me from the driver's seat. "I actually quite have an idea. I turned on the device when you know.. You know.. You guys are so noisy so for the sake of my well-being, I turned it off again. Hindi ko alam alam kung bakit nagkaganiyan kayo pagkatapos. Love is that complicated, huh."

I didn't respond. Instead I asked him about his mission.

"I got an important information. I happen to know about his schedule I believe his assistant is discussing with him. Audio lang ang meron ako kaya mahirap alamin kung sino ang kausap niya. We could use the identity of that person. Buti na lang talaga at nakapasok ka sa floor na iyon. Anyway, two days from now, may gaganaping isang luncheon party sa mansiyon nina," tumigil ito sandali at tiningnan ako.

"Go on," I urged him.

"Yes, there will be a luncheon party hosted by Mrs. Fuentebella inside their mansion and Lagma is invited. Gumagawa na ako ng paraan para makakuha ng invitation."

Natigilan ako. Mukhang wala talagang balak ang tadhana na paglayuin ang mga landas ni Maverick.

"Yes, please."

"Are you really okay with this? Maverick will surely be there. Sa mga nakita ko kanina, you guys are not in a good relationship now," nag-aalinlangan nitong paalala.

"Labas si Maverick sa usaping ito, Dave. This mission is the number one reason why I'm here. With Maverick's presence or absence, nothing will change. I messed it big time. It didn't go well as I thought. It's only me and you right now."

Binilisan nito ang pagmamaneho.

"I take it as a compliment. By the way, nai-forward ko na sa iyo ang mga in-email sa akin na data ni Mr. Rowald. Basahin mo na lang mamaya. I didn't look at it, I swear. Siya na sana ang magbibigay sa iyo pero wala daw siyang panahon na puntahan ka pa."

"Thank you."

Mabigat pa rin ang dibdib ko dulot ng mga pangyayari. Hindi na ako kumibo pa hanggang sa makarating kami sa apartment ko. Pagkatapos magpaalam kay Dave ay diretso na kaagad ako sa kama para mahiga. Hindi ako inaantok pero ang kakaibang bigat dahil sa mga nangyari ang naging dahilan para mamigat ang talukap ng mga mata ko.

I slept with his shirt on and his face lingering in my head.

Nagising rin ako pagkalipas ng isa't kalahating oras dahil sa isang bangungot. My parents and my sister are angry at me. Pinapaalala nila sa akin ang pangako ko. They looked and felt so real in my dreams. I want to hug them pero pumipigil sa akin ang galit na galit nilang mga mukha.

Habol ang hininga na lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig. Kinakapos sa hangin na umupo ako sa sahig at isinandal ang ulo sa sofa. Tiningnan ko ang wall clock. Pasado alas-dos na ng madaling-araw. Malabo nang makatulog pa ako.

Pinahid ko ang pawis na namuo sa mukha  at inayos ang buhok. I stood up and got my laptop. Binuksan ko ang e-mail at sinimulang basahin ang mga ipinadalang impormasyon ni Rowald.

Animo nawalan ako ng lakas sa mga nadiskubre. As if hindi pa sapat ang mga nangyari kanina, dapat ko pa talagang malaman ngayon ang mga bagay na ito. I stood up again and got another bottle of water to drink. Pagkatapos ay natutulalang napadausdos ako sa likod ng ref. Pumikit ako at hinayaang maglandas ang mga luha.

Kuha ko na ngayon kung bakit ginawa ni Rowald ang lahat ng ito. It's all about that fucking group again. Gusto ko mang magalit sa kaniya pero wala na akong lakas pa. I felt like a puppet being played around. Una, ang aking mga magulang and now Rowald.

Kaya nakapagpasya na ako. With Maverick's help or the lack of it, itutuloy ko ito. I'm so tired from all of this. Gusto ko na lang na matapos na ang lahat. Kung luluha man ako sa huli o tatawa, hindi ko malalaman kung wala akong gagawin.

With that thought in my head, I wiped off the tears in my face and went to my room. I have to prepare.

Whatever the result is, I know it can easily make or break me...and Maverick.

***

IBINABA ko nang kaunti ang suot na sunglasses para sipatin ang mga bisita sa exclusive luncheon party na inorganisa ng ina ni Maverick sa mansion ng mga Fuentebella. Luckily, Dave had managed to clone an invitation letter for me to prevent any security personnel from intercepting my plan for the day.

Casual lang ang tema ng maliit na salo-salo kaya hindi naman ako out of place sa suot na mustard yellow puffed sleeve square neck dress na abot hanggang sa binti ko. Pinaresan ko ito ng summer hat at gladiator sandals. I completed my look by wearing a pair of hoop earrings.

The Fuentebella's house is a revelation of how opulent the family is. It's a modern-day mansion. Malayo sa old Philippine architecture ala Vigan-style na mansiyon namin dati. This piece of magnificence before me has a wonderful facade of full glass exterior design.

When we entered through the private gate and into the patterned driveway, I knew right then that I'm dealing with a family of great money.

Sinalubong ako kanina sa entrance ng ina ni Maverick. Hindi maipagkakaila ang resemblance nito sa anak. Mrs. Fuentebella has softer features than his son but  her eyes really reminded me of him. Dark, brooding, and piercing. She is a woman of warmth, power and elegance and of timeless beauty. Kitang-kita sa kung paano ito bigyan ng pinakamataas na respeto ng mga guests. No wonder. She once held the highest position in her maiden family's business empire.

She looked at me for a second as if asking who I was before deciding to move on to another guest behind me. If she had asked me, I would have answered her with my alibi that I'm invited by her business associate.

I was led into the spacious living room with warm wood panel accents and a custom spiral woodcase stairs as the first things that will caught your eye. We were led again by the uniformed woman into a backdoor where the luncheon party is happening in a massive gazebo. Nagkalat ang mga limampung bisita sa lawn. Ang iba ay nagkakasayahan na sa pool.

Pinili kong maupo sa sitting area overlooking the lush greenery of the garden malapit sa buffet area. A waiter offered me a refreshment which I gladly accepted.

Mahangin ang panahon. A perfect weather for a good get-together. Natanaw ko ang nakababatang kapatid ni Maverick na si Gideon kasama ang asawa nitong si Sheri na busy sa kakaistima sa mga bisita.

I recalled the information I have with him while sipping my strawberry limeade drink. Gideon Fuentebella is 25 years old, a painter and a music enthusiast who married Sheri Estrella, cousin of Dave. Napangiti ako nang maalala ang kutong-lupa na nagkakampo na naman sa apartment ko. Ano kaya ang ginawa nitong hocus pocus para makakuha ng invitation? I'm betting my newly manicured fingernails and toenails na ginamit nito si Sheri.

Nagpalinga-linga pa ako. Wala ang notorious na Luther at Cholo so walang makakakilala sa akin ngayon except kang Maverick kung nandito man siya. Kung ikokompara sa gala night na mas marami ang bisita, malabong hindi nila ako makilala dito.

My senses flared at his familiar presence. I don't have to ask why am I feeling this way. Isa lang naman ang tao na ganito ang epekto sa akin. I turned toward the other side and saw Maverick coming out from the back door. Tumabang agad ang timpla ko nang makitang hindi ito nag-iisa. On his right and holding him possessively is a woman I knew from a magazine. A socialite and a runway model, Monica Santabella. Tumaas nang kaunti ang kilay ko. Yeah, this is the true Maverick. A great playboy. Saan na kaya ang nauna nitong kasama na si Cahil Asturia?

I focused my gaze to Maverick. He still looks as dapper as ever even with his black Bermuda shorts and very casual white shirt showcasing his strong pair of arms and legs. I hate to admit it but the girl beside him also looks good with her summer dress and flirty smile. Napadami ang inom ko sa hawak na baso nang makitang inilagay ni Maverick ang kamay nito sa likod ng babae para alalayan papunta sa isang kumpol ng mga tao.

Hindi ko napigilan ang pagsikip ng dibdib. A lump formed in my throat. He looks so happy and relaxed with her that I wonder if he is hurting now as much as I do.

"You should be wary of that girl. From day one, she had her eye on Maverick."

Mabilis na nilingon ko ang nagsalita na umupo sa kaharap na sofa. I arched my brows at Cahil Asturia who is every inch a class of her own in her white racerback dress.

"Why would I?" I tried to keep off my eyes on the pair but the rumble in my head wouldn't let me.

Tumawa si Cahil dahilan para ibalik ko sa kaniya ang tingin.

"Monica is one sly girl, a desperate one I think. Gagawin niya ang lahat para makuha ang gusto niya and your man is her number one target. Did you know she stalked Maverick for more or less two years now? Even when she is in a committed relationship, kayang-kaya niyang hiwalayan ang mga karelasyon basta nalaman niyang single uli si Maverick. The girl is creepy."

I chuckled. "Well, would it make you say that I'm creepier than her if I told you I stalked Maverick from day in to day out for the last four years? Kahit nga timpla ng kape niya ay kabisadong-kabisado ko na."

Hinubad ko ang suot na shades at tinitigan ang nakaawang na si Cahil.

"Why? Can't believe it? It's what desperation does to people." I put a finger beside my ear and draw a circle on it. "It makes them crazier." Ibinalik ko ang tingin sa pareha na ngayon ay nakaupo na kasama ang ina ni Maverick at masayang nag-uusap.

"Pero hindi ko pa rin gusto ang karakas niya."

"Me too. So what are you gonna do about it?" Cahil responded.

Nagkibit-balikat ako. "Wala. Hindi naman ako ang nagdala sa kaniya rito. I don't have any right." Nalasahan ko ang pait sa mga sinabi.

"Uhm no. If you think Maverick invited her to be here, then you're wrong. Siya ang nagkusang pumunta dito."

Bumaling ako sa kaniya. "Bakit ako maniniwala sa iyo?"

"Girl, you should be. Magkasama kaming pumunta rito ni Maverick. Hey, don't look at me like that. I don't have any romantic feelings for your guy. Iniisip ko pa lang, nasusuka na ako."

I smiled at her. "I like you."

Cahil smiled back at me. "I like you too but I'll like you more if you take  Maverick out of his misery now. Masakit na ang tenga ko sa kakatawag ni tita. Hindi niya raw kasi makausap nang maayos ang kaniyang anak sa nakaraang mga araw. Alam kong it's all about you so please, make him happy again."

Naagaw ang atensiyon ko nang pagpasok ni Lagma sa lawn. He is a bit overdressed for the event. Naka-polo and slacks ito na para bang pilit na binabalot ang sarili.

Isinilid ko ang shades sa dalang bag at tumayo. I looked at Cahil.

"You know what, I never really liked an Asturia but you might be an exemption. But sorry to disappoint you, hindi si Maverick ang sadya ko dito. My petty jealousy is not my number one concern now. Pero I might hit two birds using one stone."

I strutted my way across the well-mowered grass and approached the long table where the food is being served. Sa halip na kumuha ng pagkain ay humingi pa ako uli ng isa pang inumin matapos iabot ang baso.

"Thank you." Kinindatan ko ang waiter at binagtas ang direksiyon patungo kay Lagma na nakaupo malapit sa poolside area. Tumabi ako ng upo dito at inilahad ang libreng kamay.

"Hi!" I excitedly said to mask my real emotions. I smiled at Lagma who is now looking at me with a blank face. The man had a formidable force in him. Nakakatakot siya sa malapitan. I'm feeling the exact feeling I feel when I'm with Maverick. Under his eyes, I felt so weak and so small.

"Hello," pormal nitong tugon matapos abutin ang kamay ko. His hands were calloused which reminds me of my cousin's hands. This is the hand of someone who had pulled countless of triggers.

"Who are you?" he said.

I grinned. "Oh, you don't remember me Mr. Lagma Rey? How sad. Look at me. I'm sure may maaalala kang kamukhang-kamukha ko. Come on."

I watched as his expression turned dark.

"Okay. Let me refresh your memory. My name is Femella Alcantara, daughter of Mr. and Mrs. Napoleon  Alcantara. And yes, I'm the last of the clan of Alcantara. My pleasure to finally meet you, Lagma. I used to only see you in my father's office and now, you hold one. I'm more than elated to see how far you've come. Never thought I'll see you in flesh here. At last, after eight years of searching for you, nahanap rin kita." I smiled a lethal one. "Aren't you glad to see me too?"

Wala akong nakuhang reaksiyon mula dito. That's what I feared. The more he refuses to admit, the more it wil get difficult. Kaya laking gulat ko nang ngumisi ang lalaki at pinisil nang mariin ang kamay ko. His face startled me. Kung hindi ko lang alam na maraming tao sa lugar na ito, baka tumakbo na ako dahil sa takot.

"Congratulations Femella. I have hoped to see you again. How are you?"

The way he said it pisses me off. Na para bang wala itong ginawa sa pamilya ko. Na para bang wala itong kinuha mula sa amin.

Binawi ko ang kamay mula rito at uminom sa hawak na baso. I shot him a disgusted look. "Really? May gana ka pang tanungin ako ng ganiyan? Of course my life has never been good. Para akong nasa impiyerno araw-araw since what you did eight years ago. Simula nang kinuha mo si Trisha, hindi na natahimik ang mundo ko."

Hindi ito tuminag sa pagkakaupo. Tinitigan niya lang ako mula sa hawak nitong baso.

"Trisha? Who's that?"

Nagngalit ang mga ngipin ko sa galit. Parang naging pula ang buong paligid ko. Humigpit ang kapit ko sa babasaging baso. I had the urge to break the glass against his face but Maverick's stare from the distance distracted me. Saglit na pinaglapat ko ang aming mga mata para payapain ang sarili bago ibinalik ang atensiyon kay Lagma na nakatitig na rin kay Maverick.

"Hindi pa ba sapat na napakinabangan mo siya sa loob ng walong taon? Wala ka na ba talagang konsensiya? Tao ka pa ba, Lagma? Ibalik mo na sa akin ang kapatid ko. Ibalik mo na sa akin si Trisha." I fought off the urge to cry. Not in front of this man. Hindi ako iiyak sa harap niya. Hindi ako magpapakita ng kahit na anong kahinaan sa harap ng demonyong ito.

"I don't know what you're talking about, Ms. Alcantara. Nagkakamali ka kung inaakala mong may kinalaman ako sa pagkawala ng kapatid mo. May utang na loob ako sa ama mo kaya hindi ko magagawa ang ibinibintang mo sa akin. I will let this one slide because I understand you. But let me warn you, do this again and taint my reputation, I will not spare you anymore."

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Wala ngang magnanakaw na umaamin na nagnakaw siya, kidnapper pa ba?

"Yeah. Keep on denying. Someday, your claws will bite back to you. And I swear, it'll be just around the corner. Sisiguraduhin kong ang pinakamamahal mong organisasyon ang siyang magpapabagsak rin sa iyo. Choose, Lagma. El Draconem or Trisha?"

I smiled triumphantly when I got what I wanted from his expression. A sudden flash of darkness crossed his eyes.

"I'll kill you," mapanganib nitong wika.

A weary smile appeared on my face.

"Sure, be my guest. Kill me by all means. Mas mabuti pang mamatay na ako kaysa patuloy kong pagdusahan ang buhay na walang ni katiting na kasiyahan thanks to you. But make sure na dalian mo. I might convince Maverick any moment to take what's rightfully his. Saan ka na kaya pupulutin pag nangyari iyon?"

Hinablot ako sa braso ni Lagma at mahigpit itong hinawakan. Animo mababaklas na ang braso ko sa higpit nito pero hindi ako nagpakita ng sakit sa mukha. Instead, I faced his raging eyes and said my piece.

"I've tailed you for weeks. I saw how much you treasure the organization. Now I wonder, would you let it go for my sister?"

"May problema ba dito?"

Hindi ako tuminag sa pagkakatitig kay Lagma kahit alam kong nasa harap na namin si Maverick. Unti-unting lumuwag ang hawak niya sa akin.

"Wala. Walang problema. I was just catching up with an old friend," ani ko nang tuluyan na niyang pakawalan ako at walang sabi-sabing tumayo at malalaki ang hakbang na pumasok sa bahay.

Pinakawalan ko ang kanina ko pang pinipigilan na hininga saka nag-angat ng tingin kay Maverick na nakakunot-noo.

"Hi! Fancy meeting you here. Oops, don't say anything nasty please. I've already have enough for the time being. Hindi ko na kaya kung pati ikaw ay manunumbat pa."

He sighed. "What are you doing here?"

Umayos ako ng upo at tiningala ito. Longing kicked in me instantly while looking at him. "I'm not here for you, Fuentebella."

Natigilan ito sandali bago pagak na tumawa. "So now it's Fuentebella again? What happened to Mav?"

"Makikinig ka na ba sa sasabihin ko?"

Nagtagis ang mga bagang nito. "Stop it, Femella."

"Yeah, I should. Sorry for that. Back to strangers na ba tayo?"

Tumawa ako para itago ang pait sa boses ko.

"Mab, come on. I want you to meet a friend." Bigla na lang sumulpot sa likuran ni Maverick si Monica.

It took quite a good amount of restraint in me to not roll my eyes when Monica gripped Maverick's  hands while giving me a side look. Nakatutok pa rin ang tingin ko sa kamay nila nang tumikhim si Maverick.

"I'll be with you in a sec. May ihahatid lang akong bisita," wika nito kay Monica.

Tumayo ako at isinuot ang shades. I plastered a fake smile on my lips.

"No need. I'm leaving on my own. I had fun. Enjoy the rest of the day." Lumapit ako kay Maverick at hinalikan ito sa pisngi bago bumaba ang labi ko sa kaniyang leeg at mahinang kinagat ang balat nito dito. He gasped and held my waist. I smiled again at the revelation.

He still wants me.

I smirked at Monica. Pulang-pula ang mukha nito habang matalim na nakatingin sa akin. Tumalikod ako at graceful na naglakad palayo. My disappointment grew when Maverick didn't even bother to go after me.

Nawala ang kasiyahan na nadama ko kanina. Siguro ayaw niya lang akong mapahiya kaya hindi niya ako itinulak. With a heavy heart, I walked to the driveway and got inside the car. Mabilis naman na pinasibad ng driver ang sasakyan.

Nang nasa highway kami ay bumaba ako at pumara ng taxi. Bahala na ang driver na isauli ang sasakyan sa car rental shop kasama ang malaki-laking tip na ibinigay ko.

I ordered the driver to just drive around the city. Nang magsawa ay nagpahatid ako sa isang restaurant. Inubos ko ang maghapon sa pag-iiisip ng mga susunod na gagawin sa pagitan ng pagkain. I'm sure I already got Lagma's eye from now. Kailangan kong mag-ingat simula ngayon.

When it gets dark already, I decided to go home. Tinawagan ko si Dave para sabihin na wag nang magluto. I ordered something for the both of us. Nagpababa na ako sa bukana ng village at naglakad patungo sa apartment. The taxi driver had an emergency kaya nagkusa na akong bumaba.

Lumiliko na ako sa pangalawang kanto nang may isang pwersa ang nabangga ko.

"I'm sorr—" I froze in my feet when I felt a needle pierced through my arm. Napakabilis nang pangyayari kaya hindi na ako nakagalaw. Hindi ko na rin nagawang magpumiglas pa dahil ga-bakal ang pagkakahawak sa akin ng lalaki. Nanlalaki ang mga matang napatitig na lang ako sa kaniya. I can't see his face. May nakatakip na itim na tela sa buong mukha nito. Hindi rin nakatulong na nakasumbrero ito.

"Sa susunod na may gawin ka pa, pasasabugin ko na ang bungo mo," bulong nito sa akin saka hinugot ang karayom.

Wala na ang lalaki pero hindi pa rin ako makagalaw. Nangangatog ang tuhod ko sa takot. I can still feel the needle in my arm and whatever substance he put in my body.

Sinubukan kong ihakbang ang mga paa pero hindi ko na sila maramdaman. Nabitawan ko ang hawak na plastic bag at sumabog sa kalsada ang mga laman nito.

Umiiyak na sumigaw ako ng tulong pero parang hindi ko na rin marinig ang boses ko. My legs wavered and my vision failed. Umikot ang paligid kasabay ng pagyakap ng kadiliman sa akin.

"Mav...."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.