Chapter 32

"Ma," hinawakan ko sa balikat ang inang masayang nilalaro ang kargang apo sa living area. Kababakasan ng ibayong galak ang mukha nito habang inuugoy sa braso ang limang buwang sanggol. Napangiti ako nang makita ang kakontentuhan sa mukha nito.

Who knew the great Isabella Andrado-Fuentebella will retire to business just to solely tend her years in pampering her grandchildren? Surely not the young me who witnessed how tight and disciplinarian she is. Mas malupit pa nga ito sa ama namin. Tiklop ang don sa kaniya noon. She is the rules of the house. Kahit ang ama namin noon ay walang nagagawa kapag nagsalita na si mama. Naaalala ko pa noon kung paano kami manginig dahil hindi namin naabot ang quota naming grades sa elementary. Those were the days. When we were in our high school years, Gideon and I would always top the class. Pero binawi ko naman ito pagka-college. I became a rebel son before ultimately knowing my way back home.

My mother drastically changed when dad died. Nabago bigla ang pananaw nito sa buhay. She lie-low from the business industry and lived a contented life as a grandnanny as what she wants to be called, to her grandchild and future grandchildren. Sometimes she still loves to throw parties like the luncheon earlier.

Akala ko matatapos na ang panghihimasok niya sa buhay namin lalung-lalo na sa akin pero mas lalo lang itong lumala nang mag-asawa si Gideon. Halos araw-araw niya akong kinukulit kung kailan ako mag-aasawa. She had set-up countless of blind dates for me na hindi ko naman sinisipot. The latest is inviting me to a family dinner with a very willing woman of her choice without me knowing about it.

Tiningnan muna niya ako bago ibinalik ang tingin sa cute na cute na pamangkin ko. "Hijo, I want another  apo from you. Sana pagbigyan mo na ako ngayon. My wish is for this house to be full of my grandchildren. Mag-asawa ka na. Itigil mo na iyang paglalaro mo sa mga babae."

Napailing na lang ako sa narinig. Tumabi ako ng upo kay mama at hinaplos ng daliri ang pisngi ng baby. I smiled when she make a sucking sound.

"See? Even baby Puffle agrees with me. Right baby?" Pinupog nito ng halik  ang baby.

"Ma, don't pressure me. Darating din tayo diyan. Nandiyan naman si Puffle. I'm sure aariin niya lahat ng oras mo kapag lumaki na ito."

Tumawa ang sanggol na nagpapasag na sa braso ni mama. Inaabot nito ang gitnong kwintas ni mama.

"Oh, you like my necklace? When you're old enough, grandnanny will give you everything you want. Mana talaga ito sa akin na fashionista."

Nangingiti ko silang pinagmasdan. I'm happy that mom is happy. I'm happy that I'm finally seeing her shed her formal and strict self. Ang hindi ko lang gusto ay ang pagbaling na naman nito sa akin.

"I still think you have to get married and have kids para matigil na iyang paglalaro mo," giit pa rin nito.

"Ma, even when a man is married and has kids. Kung magloloko iyan, magloloko talaga iyan."

Tumaas ang kilay nito sa akin.

"Your father is not like that. Nang pakasalan niya ako, natigil agad ang pambababae niya."

I sighed at the memory of my mother planting spies all over dad's team back then. Halos lahat rin ng naging personal bodyguards ni papa ay galing sa security team ng mga Andrado. Hindi na ako magtataka kung bakit siguradong-sigurado ito na hindi siya kailanman pinagtaksilan ni papa sa buong marriage life nila.

"That's because dad is a great man and a very loyal husband to you."

Ngumiti ito sa alaala ng asawa. "I know. I picked the right and honorable man." Tumayo ito at inihele si Puffle. "And I know you are also an honorable man, Maverick. Kayong dalawa ni Gideon. Remember when you were in college? You kept telling your Nanay Paz about this girl you love. What's her name again?"

A hazy memory is trying to materialize in my head but it's just too vague. I shrugged my shoulders.

"I don't know. Can't remember. Why?"

"You loved that girl whoever she is. Paz would let me eavesdrop over your call. Hindi mo kasi ako kinakausap noon dahil galit ka pa rin sa pagpapatapon ko sa iyo na hindi ko pinagsisihan kahit ngayon. You came back in your senses after that. Now back to this girl. I still remember how you would say so many good things about her. It's the first time I've heard you say those things about a girl. You were so in love then. I guess she is also the reason why you wouldn't want to go back to us when we wanted you to."

Napaisip ako sa sinabi ni mama. "Really? And here I am thinking I'd been immune to love virus all my life."

Not anymore. I thought while thinking about Fem. Binago niya ang lahat sa akin. Akala ko mawawala na ang pagkabaliw ko sa kaniya noong makuha ko siya pero mas lalo lang lumala. She's like a drug and I got addicted to her. Araw-araw ko siyang hinahanap. Gusto ko siyang palaging nakikita. Thank god I got her pictures but still, they aren't enough. I want to touch her, feel her smooth warm skin against mine. I want her to be always on my side forever.

Pinagkakasya ko na lang ang sarili sa pagtanaw sa kaniya mula sa malayo. I make sure to pass by her apartment every morning just to try my luck if I can see her. I got to see her only once. Bumalik ako kinagabihan, stayed for another hour and got to see her. Umuwi ako nang may ngiti sa mga labi.

One of these days I'll see her again.

Tumunog ang reminder ko sa cell phone. Tumayo ako at humalik sa pisngi ni mama.

"I better go. Baka kung saan pa mapunta ang usapan na to. Magugulat na lang ako bukas may mga naka-in line na naman ako na dinner dates. Stop it already, ma. Aalis na ako. I still have an empire to run."

Dumukwang ako at hinalikan sa pisngi si Puffle. The baby cooed.

Tumawa ako.

"All the hardwork and yet, wala kang pinaglalaanan niyan," wika nito.

My phone beeped. My heart automatically leaped at the sound of the call tone I specially designated for Fem. Nangingiting inilabas ko ang gadget at binasa ang message.

Can I call you?

"You can be right or wrong, ma."

Her face brightened. Parang nakarinig ito ng napakagandang balita.

"Really? Then bring her here as soon as possible. We will schedule the wedding now."

Napailing na naman ako. "I'll go. Don't worry, I'll be here next week for your event."

"You better be. Better yet bring the lucky one with you," pahabol pa nito.

Naiiling pa rin na lumabas na ako ng bahay. Nakasalubong ko pa si Sheri bitbit ang dalawang tasa ng wala ng laman na kape.

"O kuya, aalis ka na?"

"Oo. Saan si Gideon?"

"He's in the garden. May kausap na client sa phone."

"Thank you."

Tinalunton ko ang daan patungo sa garden at nakita ang kapatid na kakababa lang sa cellphone.

"O kuya, hindi ka ba dito matutulog? Bukas pa kami uuwi ni Sheri. Dating gawi. Sparring uli tayo."

"Next time, bro. May trabaho pa ako. Can I ask for a favor?"

"Shoot."

Ngumisi ako. "Gawa ka uli ng baby nang matigil na si mama sa kakapilit sa akin."

Ngumisi rin ang kapatid ko. "I like that. Mai-suggest nga kay Sheri."

Humalakhak kaming dalawa. "Mabuti naman. Sige, aalis na ako. Next week na lang kita bubugbugin."

Tumawa lang ang kapatid ko.

Nang makapasok na sa sasakyan ay tinawagan ko muna si Femella. Isang ring pa lang ay sinagot kaagad nito.

"Hi, Mr. Fuentebella?" kabadong sagot ng isang lalaki sa linya.

Kumunot ang noo ko. "Who's this? Bakit nasa iyo ang cellphone ni Femella?"

"Ibinigay niya sa akin. Man, can I ask for a favor? Femella badly needs your help. Just don't tell her about this. Please."

I turned on the engine and started driving. Bigla akong kinabahan. "Saan si Femella?"

Bumukas ang malaking gate at tuluy-tuloy akong lumabas.

"S-she's with me."

"Bakit ka nanginginig? Give her the phone. Kakausapin ko siya."

Binilisan ko ang pagpapatakbo sa kotse. Iba na ang kutob ko.

"Wala pa siyang malay. I mean, nagkamalay na siya kanina pero nakatulog uli siya ngayon."

Doon na humulagpos ang galit ko.

"Fuck! What did you do to her?! What happened?! Saan kayo? Mapapatay kita kapag may masamang nangyari sa kaniya!" sigaw ko.

I clenched my teeth and gripped the steering wheel. Napakalakas ng tibok ng puso ko. I was driving way beyond the speed limit.

"Man, wala akong ginawa sa kaniya. Nakita ko lang siyang wala ng malay sa kalsada. Kausap ko pa siya noong tinawagan niya ako na wag nang magluto. Dinala ko siya sa hospital pero nagpumilit pa rin siyang lumabas noong nagkamalay siya."

"Saan kayo?" ulit ko uli sa tanong. Huminga ako nang malalim para kontrolin ang emosyon.

"We're outside your building."

"Stay there. I'm on my way. Wag mong ibababa ang telepono."

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa loob lang ng labinlimang minuto. Basta pagkaparada ko sa sasakyan ay diretso agad ako sa isang puting Sedan sa parking lot at kinatok ang bintana. Bumukas ang pintuan sa backseat at nakita ko si Femella na putlang-putla, nakapikit at nakasubsob sa dibdib ng lalaking sumundo sa kaniya noon sa hotel ko. Parang sinaksak ang puso ko sa nakitang kalagayan nito.

Tiim-bagang na maingat na kinuha ko si Femella at kinarga ito. I glared at the man who looked down.

"Come with us."

Malalaki ang hakbang na pumasok ako sa entrance. Agad na pinalibutan ako ng security team sa pamumuno ni Jex.

"Jex," matigas kong saad.

"Sir."

"Call Dr. Cruz immediately."

"Right away sir."

"And interrogate him," tukoy ko sa batang hindi ko pa rin alam ang pangalan. "I want to get to the bottom of this."

"Yes, sir."

Sumakay ako sa elevator kasama ang isang babaeng staff. Gumalaw si Femella sa bisig ko at umungol na para bang nasasaktan. Her face is riddled with pain. Napakaputla nito na siyang nagdala ng takot sa akin. Piniga ang puso ko sa labis na sakit at pag-aalala.

"Shhh. It's okay. I'm here, babe. I'm here," I said to soothe her.

Agad ko siyang idineposito sa kama pagkapasok sa unit ko. Inasikaso naman agad siya ng staff habang hindi ako mapakali sa kakalabas-pasok sa silid para i-check kung dumating na ba si Dr. Cruz. Tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong hinagilap. Hindi ko namalayang nanginginig na pala ako. I calmed myself before answering Jex na ininform ako na paakyat na si Dr. Cruz. Alam na rin ng doctor ang diagnosis mula sa ospital na pinanggalingan ni Femella.

Hinintay ko ang pagdating ng doctor at inihatid ito mismo sa silid. Lumabas muna ako para kumuha ng alak. I downed out a full glass. Umupo ako sa couch at sinapo ang ulo. I cursed myself while silently blaming myself. If I have been there by her side, this wouldn't have happened. Tinikis ko siya ng ilang araw kaya nangyari ito.

Tila ilang oras muna ang lumipas bago lumabas si Dr. Cruz. Tumayo ako at sinalubong ito.

"Doc, how's Femella?"

"Wag kang mag-alala hijo, ligtas na ang pasyente. It was a barbiturate overdose. Mabuti at naagapan agad at naitakbo siya sa ospital. It could have been fatal kung natagalan. I recommend complete bed rest for the patient. I also prescribed a medication."

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ng doctor. Pumikit ako at nagbuga ng hininga.

"Thank goodness."

Matapos magpasalamat sa doctor ay bumalik ako sa silid at umupo sa tabi ni Femella. Sa nanlalamig pa ring kamay ay hinaplos ko ang maputla pa rin nitong pisngi. Bumaba ang palad ko sa kaniyang kamay at dinala ito sa aking labi. I planted a kiss on her hand.

"You'll never suffer like this again, Fem. I promise."

I stayed up all night looking at her, holding her hands, kissing all her pain away, and making sure to ward off the bad dreams.

I decided that night that no one will be able to lay a hand on her. Never as long as I'm alive.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.