"Sir, Ms. Trisha is outside. Gusto raw po niya kayong makausap," imporma sa akin ni Christine nang sagutin ko ang telepono.
Ibinaba ko ang hawak na cellphone na kanina ko pa tinititigan. It was a photo of Fem and I with our tongues out. She insisted to take it after we failed in attempting to bake some cookies. Flour is all over our faces while we posed for a shot. I never knew it will be our last memory together. After that stint in the airbase, she disappeared like a bubble without even a single trace. It's been two weeks and I can't reach her. No calls and no texts.
Umuuwi ako ng pad sa nakapahungkag na pakiramdam. Wala nang sasalubong sa akin para awayin ako kung bakit hindi niya mabuo-buo ang mga puzzles. Wala nang naghihilik tuwing gabi at lalong wala na akong kadebate.
All because of something I don't know.
"What is it that she wants this time? Tell her I'm busy."
Nahilot ko ang ulo pagkaalala sa kapatid ni Femella. Trisha has been insisting to get back where we started eight years ago. She wants me to take her back as my girlfriend. I find it incredulous. Hindi ko nga maalala ang mga pangyayari noong mga taong iyon at lalong wala akong makapa na kahit na anong pakiramdam para sa kaniya. Isa pa, kung naging kami man talaga, napakatagal na noon. Eight years is a long time. Nagbabago ang puso ng tao lalo pa at wala kaming interaction at hindi ko rin siya maalala kahit pa nalaman kong siya ang kasa-kasama ko sa kotse noong gabing iyon.
I also did the math and I was shocked to myself to know that if it's true that we had a relationship, then I dated a minor back then. It was unthinkable on my part. Oo, alam kong playboy ako hanggang noong bago ko pa nakilala si Femella pero alam kong hindi aabot sa puntong papatol ako sa isang menor de edad.
"Sir, sandali lang daw po talaga 'to. She just wants to give you something daw."
Napabuntung-hininga ako. Ano pa ba ang kailangan niya sa akin? I gave her a place to stay because she said she has no money. I've given her a hundred thousand pesos because she said she needed to buy things. Ginawa ko iyon dahil kakambal siya ni Femella at hindi dahil gusto ko pang dugtungan ang kung ano man ang mayroon kami noon.
"Alright. Let her in."
Hinilot ko ang sentido saka sinulyapan ang cellphone. Kanina pa ako naghihintay ng updates mula kay Jex tungkol sa paghahanap nito kay Femella.
"Where are you, Fem?"
Bumukas ang pinto at pumasok si Trisha na may malaking ngiti sa mukha. Lumigid ito sa mesa ko at dumukwang para halikan ako sa pisngi pero itinaas ko ang kamay para pigilan ito. Disappointed dahil sa ginawi ko, lumayo ito sa akin at naupo sa silya.
"This is the last time I'm talking to you, Trisha. Now say your piece."
She crossed her arms and looked at me. "Hindi mo na ba talaga ako naaalala, Maverick?"
Umiling ako. "No. I don't have any recollection about you. If that is what you only want to say then you may go." Ibinalik ko uli ang atensiyon sa mga papeles na kahapon ko pa dapat natapos kung hindi lang ako masyadong distracted sa paghahanap kay Femella.
"Ibig sabihin ay hindi mo rin naaalala si Femella, tama ba ako?" tanong nito sa nananantiyang boses.
Natigilan ako sa sinabi nito. "Bakit? May parte ba sa aming dalawa ni Femella na kailangan kong alalahanin?"
Hindi ito nakasagot agad. "W-wala. Wala naman. Nagtatanong lang kasi minsan ko na rin siyang naipakilala sa iyo."
"I don't have any memory of that particular part of my life other than the accident itself." Pinag-aralan ko ang mukha ni Trisha. Maganda ang babae. May ilan silang pagkakahawig ni Femella sa korte ng mukha at ilong. Mas matangkad din ito ng kaunti kay Femella. "What do you really want, Trisha?"
Pinukol niya ako nang seryosong tingin. "Ikaw. Ikaw ang gusto ko, Maverick. Alam mo bang hindi ka kailanman nawala sa isip at puso ko sa loob ng walong taon? Inalagaan ko ang alaala nating dalawa. Araw-araw kitang iniisip. Ikaw ang dahilan kung bakit ako hindi pinanghinaan ng loob."
I let out a sigh. "I don't want to appear cruel but I don't feel a thing for you anymore. It's useless for us to get back to that kind of relationship if I cannot even remember what happened back then. Isa pa, mahal ko ang kakambal mo. Forget about me, Trisha."
Gumuhit ang sakit sa mukha nito kasabay nang pagtulo ng kaniyang luha. Nag-iwas ako ng tingin. Naaawa ako kay Trisha pero hindi pwedeng paasahin ko lang siya.
"Si Femella na naman." Pinahid nito ang mga luha. "Nakakahiya itong pinaggagagawa ko pero ano ba ang magagawa ko? Hindi ka maalis sa puso ko. Pwede bang humingi ng pabor Maverick?"
"Ano iyon?"
"Hayaan mo muna akong tumira sa unit mo sa loob ng isang linggo para makalaan muna ako ng oras sa paghahanap nang malilipatan. Wag ka ring mag-alala, babayaran ko ang binigay mo sa aking pera. Bigyan mo lang ako ng tamang panahon."
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi nito. May napagtanto rin ako sa kaniyang sinabi. "Don't bother about the money. It's okay. And Trisha, I believed you needed to hear this. Alam ko kung may pagtingin sa akin ang isang babae. Nababasa ko sa kaniyang kilos, kung paano niya ako tingnan at sa emosyon sa kaniyang mga mata. It's the way Femella looks at me. It's as if I am all that she's got. At hindi ko iyon nakikita sa iyo. Tapusin mo na ang pagpapanggap mo na may nararamdaman ka pa sa akin. Sa ginagawa mo, mas sinasaktan mo lang ang sarili mo."
Gulat na nagtaas ito ng tingin sa akin bago agad na itinago ang reaksiyon. Tumayo ito at tinapunan ako ng matalim na tingin. "Ako ang nakakaramdam kaya wala kang karapatan na sabihin sa akin iyan. Totoo na mahal pa rin kita hanggang ngayon Maverick maniwala ka man o hindi. Wag mo namang ipagkait sa akin iyan."
Tumalikod na ito.
"Your sister loves you, Trisha. Live your life now. Don't waste her sacrifices for you. Ikakasaya niya ang malamang masaya ka."
Hindi na ito tumugon. Tuloy-tuloy lang itong binuksan ang pinto at lumabas. Naiwan akong nag-iisip kung paano natatagalan ni Lagma ang babae. Just like Femella, matigas din ang ulo nito.
"Magkakambal nga sila."
Sa naisip ay kinuha ko uli ang cellphone at nagpunta sa gallery para titigan na naman ang mga litrato naming dalawa ni Femella. Mukhang wala na naman akong matatapos na trabaho ngayong araw na 'to.