Chapter 43

"Femella..."

Kinagat ko ang labi at ipinikit ang mga mata pagkarinig ko sa baritonong tinig sa likod ko. Gusto kong tumayo at salubungin ito ng sabik na yakap. Isang linggo rin akong nagtiis na hindi ito makita ni marinig ang boses nito. I've been dying to see him and be close to him like what we used to be but everything's changed now. Bumalik na ang tunay na mahal niya kaya wala na akong puwang pa sa buhay nila.

Dahan-dahan akong tumayo sa harap ni Maverick na ngayon ay puno ng pangungulila ang mukha.

"Fuentebella, I'm glad you're here. You may take a seat."

Natigilan ito sa ginamit ko na tono. Napakalamig at walang halong emosyon ang pagkakabigkas ko sa mga salita na para bang hindi kami magkakakilala.

Tiim ang bagang na umupo ito sa kaibayong silya at tinitigan lang ako. Bumalik ako sa pagkakaupo at kinuha ang wine glass at dinala sa bibig. Nakatulong nang kaunti ang alak para pawiin ang nerbiyos sa katawan ko.

Maingat na inilapag ko ang baso sa mesa at inilibot ang tingin sa paligid ng eleganteng restaurant.

"This place I chose is nice, don't you think?"

Padaskol na inabot ni Maverick ang wine at nagsalin sa baso sa harap nito. Nilagok nito ang likido saka pabagsak na inilagak ang baso. "Yeah, this is nice but it'll be nicer if you cut this off already. Alam kong hindi naging maganda ang buong dalawang linggo natin dahil sa mga pangyayari but now that it's over then we could go back where we left it off. Bigla ka na lang nawala nang hindi ko alam. Ipinahanap kita pero hindi ka na mahagilap. What happened, Fem?"

Bigla ay parang gusto kong matunaw sa lambing at pag-iintindi na naririnig ko mula rito. It's as if he's willing to accept anything I'll say as long as we'll be okay in the end. Ikinuyom ko ang mga kamao sa kandungan at hinugot ang lahat ng lakas para tingnan si Maverick.

"I agreed to see you Fuentebella hindi para ayusin kung ano man ang meron tayo ngayon kundi para hilingin sa iyong tigilan mo na ang paghahanap sa akin. Hindi na kita kailangan. Wala ka nang silbi sa akin. Nakuha ko na ang gusto ko. You also got what you wanted from me kaya patas na tayo. Nakarating na tayo sa dulo ng pagsasama natin. We've both served our purpose to each other and we both got what we wanted so it's time we end this. Ayoko na uling malalaman na pinapaimbestigahan mo ako o may tao kang inutusan para sundan ako kung saan-saan." Sinsero ko siyang nginitian. "Salamat sa ginawa mo. Malaya na ako at malaya na rin kayong ipagpatuloy ang pagmamahalan niyo. Kung alam ko lang na ganun lang pala kadali ang lahat eh di sana ay noon pa ako lumapit sa iyo para humingi ng tulong Tell Trisha wala siyang dapat ipag-alala na ako ang magiging dahilan ng ikasisira ng relasyon niyo. Tell her what we both did is just nothing. It was just purely physical or you can say nothing at all. Promise, wala akong sasabi-".

"Bullshit!" sigaw nito sabay suntok sa mesa. Tiim na tiim ang bagang nito at nakakuyom ang mga kamao. Napakadilim ng mukha nito at nagbabaga sa galit ang mga mata nito. His red face and ragged breathes gave away his obvious anger. For a moment, I thought he's gonna do something to me but he just stayed in his seat, pain and anger on his tired face.

Ibinalik ko ang composure na sandaling nawala dahil sa pagkapatda ko sa naging reaksiyon nito. Katulad na katulad ito ng naging reaksiyon niya noong malaman nito ang plano ko.

Nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa paligid kung saan nakakakuha na kami ng atensiyon.

"Now you want to make a scene. Go ahead. Okay lang sa akin kasi matagal na kaming sira pero ibang usapan na sa parte mo. Don't mess your name just because of me. Wag mong itaya ang kahihiyan ng pamilya niyo na matagal niyong pinangalagaan."

Padarag na tumayo ito at lumibot sa silya ko. Nagtitimpi sa galit na bumulong ito sa akin. "Then come with me. I can't control my temper here. What you said triggers the hell out of me, Femella." Tumuwid ito ng tayo, inabot ang table napkin sa mesa at pinunasan ang bibig nito pagkuwan ay malalaking hakbang na lumabas ng restaurant.

I tried hard not to cry and keep myself from crumbling. Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ang bag at sinundan si Maverick.

Nakita ko siyang nakasandig sa isang poste sa parking lot at naninigarilyo. The light of his cigarette casted a glow on his grim face.

Halos hindi ko na maigalaw ang mga paa papunta kay Maverick. Parang ipinako na lang ako roon sa pagkakatayo habang tinatanaw ang lalaki. Napangiti ako nang mapait. Nagsimula ako sa pagtanaw-tanaw sa kaniya noon na nauwi sa isang masakit na alaala. Ngayong abot-kamay ko na siya at ilang hakbang lang ang pagitan, gusto ko namang bumalik uli sa panahong tanaw ko lang siya.

Mas madaling itago ang nararamdaman kapag ganoon. Mas madaling sawayin ang sarili sa kahibangan. At lalung-lalo na na mas madaling lumimot kapag alam mong kailanman ay hindi mo siya maaabot.

Pinilit ko ang sariling lumapit kay Maverick na nahulog na sa malalim na pag-iisip. Bahagya niya akong nilingon saka pinatay ang sigarilyo. Huminga ako nang malalim.

"Do I have to reiterate what I said inside? Okay. Maverick.."

"Do you think maniniwala ako sa iyo?" putol nito sa mga sasabihin ko. Humarap siya sa akin. "Basang-basa na kita Femella. Tingin mo pa lang sa akin, alam na alam ko na ang naglalaro diyan sa utak mo. I know the reasons behind your smile, your intent when you look at someone. Kilalang-kilala na kita mula ulo hanggang paa. How? I spent every night that we're together looking at you, memorizing your face, studying every change in your emotion. Kaya bakit ka nagsisinungaling sa akin ngayon? Ano na naman ba ang dahilan mo?"

Nakuha ko pang ngumiti sa kabila ng katotohanang animo pana na naglalagos sa puso ko ang bawat bitawang salita nito. "If you really know me then you know that I am a woman who knows what she wants. Hindi ako mahina at lalong hindi ko ugaling itago ang nararamdaman. Take my words for what they are. You don't have to read my mind to know that I don't want you anymore. I want out. That's what I want now."

Tumawa ito nang mapakla.

"You're one hell of a woman. And here I am thinking that I know you already." Namewang ito at yumuko.

"You're kidding. Paano mo makikilala ang isang tao sa loob ng ilang buwan lang? Even couples in several years of relationship turn out that they don't know their partner at all."

Pinasadahan nito ng kamay ang buhok bago nagsindi uli ng sigarilyo. "Ewan ko ba pero pakiramdam ko matagal na kitang kilala. Tell me Femella, are you more than your twin's sister in the past? May hindi ka ba sinasabi sa akin?"

Sumagi sa isip ko ang mga encounter noon. It's just simple conversations. "Wala na tayong mas mamalim na kaugnayan noon. We don't even talk that much. Mabibilang lang sa daliri ko ang mga pag-uusap natin noon. I'm not lying this time. Bakit ko naman gagawin iyon kung wala naman akong makukuha. Sooner or later, makakaalala ka rin. I don't want to know someday that you're taking it against me." Sumandal ako sa poste para suportahan ang sarili. Pinagmasdan ko si Maverick na patuloy lang sa paghitit-buga.

"Sinabi ko na sa iyo noong una pa lang na hindi mo ako makukuha. I used you." I smirked. "Look at you. Para kang asong buntot ng buntot sa akin. I'm proud of myself. I got you burned with my fire."

Nanlamig ako sa takot nang makita ang init sa mata ni Maverick. Itinapon nito ang sigarilyo at inisang hakbang lang ang pagitan namin.

Kinabig niya ako sa batok at siniil ng isang mapagparusang halik. Hindi ako tumugon. Pinanatili kong nakasara ang bibig kahit na unti unti nitong pinalalalim ang halik. I stayed still with my eyes wide open just staring at his pained face.

Padaskol niya akong binitawan at umatras. Tumalikod ito sa akin at sinuntok ang pader. Kita kong dumugo ang kamay nito pero hindi ako nagpakita ng kahit na anong pag-aalala rito.

"You want a closure sex? Sure, let's do it. Let's get done with it. Saan ba tayo? Sa kotse mo? Sa unit mo? We can do it in the CR kung hindi ka na makapaghintay. That would be an adventure, right? A farewell sex in the bathroom. Ang sarap pakinggan. I liked it." Sarkastiko akong tumawa.

"You're disgusting."

"I know that's why you should stop seeing me as if I'm an angel. I'm not, Maverick. I'm selfish and cunning. I go about my life breaking people's hearts. I used people to achieve my plans. I don't think twice before dropping them after I'm done with them."

Humarap ito sa akin nang may pang-unawa sa mga mata. Lumapit uli siya sa akin at banayad na hinawakan ako sa balikat. Tiningnan niya ako diretso sa mata. Muntik na akong mapaiyak sa nakikitang pagsamba mula rito.

How could he still look at me like I am all that she needed?

"I'm not an angel as well, Femella. Kagaya mo, may mga ginawa rin akong mali. Nakasakit rin ako ng damdamin ng ibang tao. Marami akong inupakan, binugbog na tao. Di ko na rin mabilang kung ilang babae na ang pinaiyak ko. Pero hindi ko ginawang rason iyon para hindi tanggapin ang kaligayahan sa katauhan mo. Why are you keeping yourself from being happy? Is it because of your past?" Ikinulong niya sa mga kamay ang mukha ko at marahang hinaplos ang pisngi ko. "Stay with me. Be with me. Please? I'll make you happy," he begged.

Hindi ko na napigilan ang sarili. Kumawala na ang mga luha ko. Itinulak ko siya palayo para hamigin ang sarili.

"Hindi nga pwede. Hindi kaya ng konsensiya ko." Gumaralgal ang boses ko. "Hindi rin naman ako magiging masaya kung araw-araw kong naiisip ang mga panloloko at panggagamit ko sa iyo. Hindi ko kayang tingnan nang direkta sa mata ang pamilya mo, Mav. Kahit saang anggulo mo tingnan, ginamit pa rin kita. I manipulated you. Hindi na rin mawala sa isip ko ang pagdududa at insecurity. Maybe you loved me because you're seeing Trisha in me." Pinahid ko ang mga luha. "Akala mo lang na malakas ako, na walang kinatatakutan pero ang totoo, napakahina ko. It's the real me, Mav. I'm weak."

Wala akong narinig na salita mula rito kaya tumingin ako sa kaniya. His eyes were empty.

"Sige na. Bumalik ka na kay Trisha. She needs you. You are her happiness. I may not get along with that bitch but I still care for her. Go now before I become selfish and keep you for myself."

"I want you to be selfish. Keep me for all I care. Kahit na tanggihan mo ako ngayon, there's no way that I'll get back at her. Hindi siya ang mahal ko. And you don't get to decide about my life. Right now, all I want is you, only you. It's you I love Femella."

Humakbang ito patungo sa akin pero umatras ako. He stopped in his tracks.

"But I don't want you at all, Maverick," I whispered. I felt my heart breaking into pieces while saying those words. "I want to start over with a clean slate without you."

Nalukot ang mukha ko dahil sa sakit pero kahit na anong mangyari, papanindigan ko ito. "Ano nga iyong sabi mo sa akin that night in La Vida? I'm not a patient man as you can see. When I want something -business or woman, I always make sure that I get them. By hook or by crook Femella, you'll be mine. Make no mistake of that. That's what exactly you said. And I replied, Hindi ako basta-bastang babae, Mr. Fuentebella. My breed cannot be compared to your women of choice who throw themselves at your lap. You'll never get me. Period. But if you kneel and kiss my feet then maybe I could change my mind. You see, I don't back out with my words, Mav. So please, will you let me go?" Habang sinasabi ko ang mga iyon ay nakatingin ako sa kaniya. Kanina ko pa nakikita ang ibayong sakit sa mukha nito pero wala na akong magagawa pa. It's the way it should be.

Ilang minuto pa ang lumipas na nakatingin lang kami sa isa't isa. Our eyes are communicating the things that words alone cannot convey.

"I'll stop chasing after you if that's what you want," he finally said.

I smiled warmly, tears blinding me already.

"Thank you and I'm sorry for everything, Mav. I really do."

Nilapitan niya ako at pinunasan ang mga luha ko. His hands were too cold against my hot cheeks. He cupped my face and lowered his lips to mine. It was a bittersweet kiss. Sumambulat uli ang mga luha ko nang maramdaman ko ang masuyo nitong halik.

"Kiss me back for the last time, Fem."

Sumunod ako at tinugon ng kaparehong init ang halik nito. Ibinuhos ko na ang lahat tutal huli naman na ito.

Hindi ako nagmulat ng mata kahit na tinapos nito ang halik. Naramdaman ko ang pagmamasid niya sa akin but I kept my eyes shut. "Have a good life, Fem." He kissed my head for the last time before walking away.

Tinakpan ko ang mukha gamit ang braso at tumalikod. Hindi ko kayang makita siyang umaalis. Narinig ko ang ugong ng nabubuhay na sasakyan kasunod ang pag-arangkada nito palayo.

Napakapit ako sa poste at doon ay ibinuhos ang luha. Napaupo ako sa sahig at isinandal ang noo sa malamig na semento. Hinayaan ko ang sariling mawala pansumandali sa huwisyo. I cried silently while hugging myself silently remembering how warm his embrace feels like.

Sometimes, love is not enough Mav.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.