Chapter 46.5

"Why didn't I go back here after the accident?" I silently questioned myself. Kung nagbalik ba ako rito noon ay may posibilidad bang makakaalala agad ako?

Binawi ko rin agad ang naisip. Nang mga panahong iyon ay sunud-sunod ang nangyaring trahedya sa pamilya. Sa kaparehong taon ay pinatay si papa kaya hindi ko na masyadong napagtuunan nang pansin ang nangyari sa akin. I have my mother, my brother, and the company to manage. I transferred back into the city to finish my studies and then manage the hotel I asked my father to give me. Si mama naman ang pumalit muna sa pamamahala sa kompanya habang tine-train niya ako.

I stopped the car in front of the arc of Sta. Barbara. Bumaba ako ng kotse at tiningala ito. Hindi ko inalintana ang masakit na sikat ng araw o nang kumakalam na tiyan ko.

A scene played in my head. It's when my parents dropped me off beside this arc.

Inihagis ng ina sa akin ang maliit na travelling bag na agad kong sinalo.

"It's the last straw I have to deal with you, Maverick. Kapag hindi ka pa nagtino dito, ipapasok na talaga kita sa military. I don't care kung habang buhay naming pamahalaan ng papa mo ang kompanya. We can't give it to someone like you."

Nagpapaawang humingi ako nang saklolo sa ama. Nag-iwas lang ng tingin ang ama sa akin.

"Don't dare make any chaos here. May mga tauhan kaming ikinalat dito na magbabantay sa bawat kilos mo sa paaralan man o sa labas. Hindi ka aalis ng Sta. Barbara hanggang matapos mo ng walang bagsak ang buong semestre. No alcohol, no cigarettes, and please no visits to the jails."

Tumalikod na ang ina pabalik sa sasakyan. Naiwan kaming dalawa ni papa na napapailing na lang. Tinapik niya ako sa balikat.

"You can do it, son." Kinindatan pa niya ako saka ginulo ang buhok.

Wala na akong nagawa kundi maglakad papunta sa dormitory ng all boys college sa bungad ng Sta. Barbara.

Napangiti ako sa mga alaalang gumigiti sa ulo. I remembered now the months I stayed here. Siyempre hindi ako kaagad na nagtino. I still had a few shots of alcohol and cigarettes then.

Bumalik ako sa sasakyan at nagpatuloy sa pagmamaneho papasok sa loob. Natanaw ko ang Sta. Barbara Community College at nagsalimbayan ang mga alaala ko sa school na iyon. I turned left towards a string of restaurants. Sinuyod ko ng tingin ang bawat establishments. Napapangiti ako sa galak tuwing may bagong eksenang pumapasok sa isip ko.

Tumigil ako sa harap ng simbahan. Parang may nagtutulak sa akin na bumaba kaya lumabas ako ng kotse at naupo sa isang concrete bench. Umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagbabalik ng isang mahalagang alaala.

"Tol, who's that chick?"

"Chick? Saan?" Sinundan ng tingin ni Jeff ang babaeng itinuro ko na nakaupo sa isa sa mga benches sa plaza at nakatitig sa bukana ng simbahan. Her hair was swaying with the wind. Nakababa ang hood nito kaya kitang-kita ang kagandahan nito. Mestisa, sobrang puti, at may kakaibang aura sa paligid nito. She reminds me of the women I met in social parties.

"Ah iyan? Maganda no? Parang dyosa sa ganda kaso masungit iyan. Ayaw na natititigan at nahahawakan."

Nagulat ako sa tono nito na parang kilalang-kilala nito ang babae. Pinatay ko ang sigarilyo. "Kilala mo iyan? Who is she?"

Inagaw nito ang pinatay ko na sigarilyo at muling sinindihan. "Nakakatandang kapatid daw iyan ni Trisha, iyong alaga ni Tita Letty. Pero wag mong ipagkalat, ha. Secret lang daw. May problema ata sila sa loob ng pamilya. Ngayon nga lang ako nakabalita na may tunay na pamilya pala iyang si Trisha. Kakarating lang niyan kahapon mula sa siyudad. Mas maganda iyan sa malapitan pare. Ang kinis!"

Pinagmasdan ko uli ang babae na nakatitig na sa mga naglalarong bata. She exudes mystery and elegance. Parang gusto ko tuloy lapitan ito at tuklasin ang lihim sa likod ng malulungkot nitong mata.

"You say Trisha? Bakit hindi yata niya nasasabi sa amin? Magkasama pa kami kahapon dito."

"Hindi yata sila close na magkapatid. Mukhang magkagalit."

"Anong pangalan niya?"

Pabirong sinuntok niya ako sa balikat. "Natamaan ka? Sabagay bagay kayo niyan, parehong mayaman. Femella. Iyon ang pakilala ni Manay Letty sa amin."

"Femella," ulit ko sa pangalan nito. Her name sounds nice in my mouth.

Nang makitang dumarami na ang tao sa plaza ay agad nitong itinaas sa ulo ang hood at dali-daling umalis. Even her steps are graceful.

Sa mga sumunod na araw ay lagi na akong nakaabang sa plaza at hinihintay ang paglitaw ni Femella. When she didn't show up, nagtanong ako kay Jeff kung nasaan na ito. Nasa bahay lang daw ito palagi.

Nakipagkita ako sa kaibigan sa tambayan pero imbes na si Jeff ang dumating, si Trisha ang nadatnan kong naghihintay.

Napagkwentuhan namin ang kapatid nito. She said they are not close. I said I'm interested in her sister. Ngumiti lang si Trisha at sinabihan akong siya daw ang bahala.

"Iba iyan si Femella. Napakainosente. Napaka-protective pa nila mama sa kaniya. Aloof din iyan sa lalaki kaya ibi-build up muna kita sa kaniya."

Bumili ako ng flowers at chocolates para dito na ipinakisuyo ko kay Trisha. Nabaghan pa ako sa sarili. Kung dati ay harap-harapan kong sinasabi sa isang babae na gusto ko siya, ngayon naman ay talo ko pa ang kapatid sa sobrang torpe.

I waited for the results but Trisha said that Femella doesn't want to meet me. That's the time when I started going to their house. Halata ang pag-iwas nito sa akin. Ayaw niya akong tapunan ng kahit isang sulyap na para bang may nakakahawa akong sakit.

But it was compensated with her presence. Tunay ngang mas maganda ito sa malapitan. Her eyes are full of emotions and mysteries I am itching to know. Gusto ko siyang makilala pa.

Sinundan ko ito sa ilog kung saan ko nakikitang palagi itong naglalagi. Lingid sa kaalaman nito, binabantayan ko ang mga kilos niya. She's awkward when I'm around but when she's all alone in the river with her books, she's the most peaceful.

"Hey," pukaw ko sa pag-iisa nito at umupo sa damuhan katabi nito.

Napaigtad ito saka ibinaba ang hawak na libro sa mat bago nilingon ako. I was greeted with a pair of intelligent but cold eyes and a face that is incomparable with the other women I met. Bigla ang dagsa ng kakaibang init sa kaibuturan ko.

She studied me for a moment and I got caught of her appreciative stare.

"Sorry, what do you say again? I got lost in my thoughts," she said with flushed cheeks.

Tumawa ako. So I wasn't the only one who felt like I'm melting when I'm graced with her presence.

"I'm Maverick. Your name lovely lady?" Inilahad ko ang kamay dito.

Tiningnan niya lang ito kaya ibinaba ko na mayamaya. I laughed.

"Feisty, huh." Dumako ang tingin ko sa mga libro. Dinampot ko ang isa at binasa. "Fundamentals in Business Ethics." I picked the other one. "Economics, Politics. Woo-hoo. Pretty serious in life meh?" I chuckled.

Unang tingin ko pa lang sa kaniya, alam ko nang seryoso ito sa buhay. Something which I'm not. Noon siguro pero nagsawa na ako sa libro. I've had enough of theories kaya uhaw ako sa application. Napasobra nga lang ako at medyo naligaw ng landas.

Inagaw nito ang mga libro at inilagay sa kandungan nito. "I'd rather study than live a life like a bum like what I think you're doing."

Just as I thought. Tumawa ako dahil sa kauna-unahang pagkakataon simula nang malulong ako sa pagrerebelde ay gusto ko uling bumalik sa dating academic achiever at consistent top student na si Maverick.

"Fierce. I like that." I looked at the clear water and whistled. "What a beauty! I can understand your fascination here. Dito ka pala naglalagi kapag nagpupunta ako sa inyo."

Kailangan kong nagsinungaling. Baka kapag nalaman niyang araw-araw ko siyang binabantayan dito ay mag-panic ito.

"I think you better you go. Baka hinahanap ka na ni Trisha."

"No, she won't." Tumindig ako at aktong maghuhubad ng t shirt pero naudlot din nang tumili ito nang walang kasing-tinis at tinakpan ang mata ng mga kamay.

"What are you doing?! Can't you see that I'm here?! How inappropriate! Hindi ka ba naturuan ng tamang asal ng mga magulang mo?!" sigaw nito habang mariing nakapikit.

"Hey easy, easy! Okay, I'm not doing it. Geez! Gusto ko lang namang maligo. I don't know you'll freak out. Pwede ka nang magdilat. I'm not still fully clothed." Inayos ko ang damit at naaaliw na tiningnan ang unti-unti nitong pag-alis ng kamay sa mukha. Litaw na litaw ang namumulang pisngi nito dahil sa inis at galit. She looks more beautiful to me when she's angry.

Naalarma ako nang hinakot nito ang libro at tumayo para umalis. Iniwanan pa niya ako ng isang irap.

"Hey, hey! Pwede na akong maligo rito ha!" pang-aasar ko pa.

"Cute," I whispered to myself while looking at her back.

Simula noon ay palagi ko na siyang inaasar. I like to see her all red and ready to fight before I leave. Naisip kong mainam ding taktika ang ginagawa ko dahil kinakausap niya rin ako kahit papaano.

But the next day, she left Sta. Barbara. Tinanong ko si Trisha pero wala raw itong alam sa saktong petsa nang pagbabalik ng dalaga. I started being restless and hotheaded. I skipped classes just to stay by the riverbanks. Mahirap mang aminin na sa iilang araw pa lang ng aming pag-uusap pero hinahanap ko na agad ang presensiya nito. Iniisip ko na lang na babalik pa rin ito.

There was never a woman who made me this way other than Femella.

Sa mga bakanteng oras pagkatapos ng klase ay tumatambay ako sa isang pwesto sa palengke na gumagawa at nagkukumpuni ng mga sirang alahas. Naging kaibigan ko na ang may-ari na si Mang June. Dinadalhan ko siya ng pagkain kapalit ng pagtuturo niya sa akin kung paano gumawa ng bracelet. I planned on making one for Femella.

Dahan-dahan akong tumayo sapo ang sumasakit na ulo. The return of the memories is overwhelming me. Hindi ko alam ang mararamdaman. I'm torn between being happy because my heart remembers what my brain has forgotten or blame myself for not trying hard enough to remember all these before.

Bumalik ako sa kotse at nagpatuloy sa pagmamaneho. I'm looking at every house, tree, and even the dogs in the streets that will trigger more memories to materialize.

Sa unahan ng kalsada ay may warning sign. May advisory na mag-ingat ang mga motorista dahil marami na raw naaksidente sa parteng ito. Itinigil ko ang kotse paglagpas ko sa isang malaking tarpaulin na kinasusulatan nito.

This is the site of the accident. Nakabisado ko na ang buong itsura ng kalsadang ito dahil paulit-ulit ko nang nakikita ito sa mga photographs noong kasagsagan ng imbestigasyon. We never catch the culprit which turned out be Lagma. Nagtagis ang mga bagang ko pagkaalala sa lalaki. Someday, I'll deal with him soon.

Nalinis agad nila ang mga ebidensya. It was just declared an accident later on. My mother would have appealed pero kailangan na naman naming harapin ang pagkakapatay kay papa noon.

Lumabas ako ng sasakyan at sumandal sa hood nito habang nakatutok ang paningin ko sa karatula. Another batch of memories came in.

"Hindi mo ba kasama si Femella? She agreed to come with us."

Lumungkot ang anyo ni Trisha. "Umalis na si Femella. Umuwi na siya sa Monte Vega. Ang sabi niya ipagpapaalam ko na lang siya sa iyo."

Naibaba ko ang hawak na bouquet. Parang bulang biglang nawala ang excitement na naramdaman ko kanina nang tanggapin nito ang anklet at pumayag na sumama sa aming mamasyal sa kakabukas na amusement park sa kabilang nayon. I even used all my monthly allowance to rent a car.

"Ganun ba. When will she be back?"

Kinuha nito ang bouquet of flowers sa kamay ko at niyakap ako.

"I'm sorry, Maverick. Hindi ko alam kung kailan uli siya babalik. Siguro hindi na. Sa Europe na iyon magka-college eh."

Lumaylay ang mga balikat ko sa labis na lungkot at disappointment. Bakit hindi niya sinabi sa akin kanina? Masaya at nakangiti pa nga ito nang pumayag ito sa alok ko. Is this her way of saying that I don't have any chance with her?

"It's okay, Trisha. Tara na."

Binuksan ko ang pinto para dito, lumigid sa driver's seat at pinaarangkada ito palayo.

I was silent the whole time when we arrived in the park together with our other friends. Nasa sulok lang ako, naninigarilyo. Nasa kay Femella ang isip ko.

Gabi na nang makauwi kami. Si Trisha na lang ang naiwan na huli kong ihahatid dahil nasa pinakadulo pa ng Sta. Barbara ang bahay nito.

"Maverick, may alam ka ba kung totoo ang alahas o hindi? Kasi naman, magsasangla ako ng pulseras kanina pero ang sabi, peke raw. Maganda naman siya."

May kinuha ito sa bag nito at isinuot sa palapulsuhan.

"Bagay di ba?"

Bahagya kong tiningnan ang kaniyang kamay saka ibinalik din agad ang tingin sa daan. Natigilan ako at bahagyang nagmenor. Hinila ko ang kaniyang braso at tinitigan ang anklet na ibinigay ko kanina kay Femella.

"Saan mo nakuha ito?" tanong ko na may kalakip na galit.

"S-sa akin ito. Bigay ni mama. Nagulat nga ako dahil peke. Hindi naman iyon nagbibigay ng hindi tunay sa akin."

Dumilim ang mukha ko dahil sa obvious na pagsisinungaling nito.

"It's obviously fake because I made that myself. Ngayon paano napasaiyo iyan kung ibinigay ko pa kay Femella iyan kanina?"

Natahimik si Trisha sa upuan nito. Hindi tumitinging hinubad nito ang alahas at ibinigay sa akin.

"Tell me Trish, umalis ba talaga si Femella?"

Hindi na niya nasagot ang tanong ko dahil sa isang malakas na pwersa ang bumangga sa amin. My reflexes kicked and I immediately tried to regain control with the car. Pero huli na ang lahat. Bumalandra na kami sa mga nakahilerang malalaking concrete at steel barriers sa daan dahil sa lakas ng impact. Niyakap ko ang sumisigaw na si Trisha at tinanggap ng katawan ko ang lahat ng shock. Napaigik ako sa sakit nang may parang malaking bato ang dumagan sa bandang ulo ko. Blood flowed from my head down to my face.

"Maverick! Tulungan mo ako! Ano ba?! Maverick!"

Unti-unting humina ang boses ng mga palahaw ni Trisha hanggang sa tuluyang tumahimik ang paligid. Namigat ang talukap ng mga mata ko at tanging ang mga tunog ng mga kuliglig ang huli kong naulinigan bago ako pinanawan ng ulirat.

Bumuntung-hininga ako saka bumalik sa sasakyan. Binuhay ko kaagad ang makina at tinahak ang direksiyon ng lugar kung saan napakapamilyar na ako. Now that I have regained all my lost memories, gagawin ko ang lahat para makuha uli si Femella. Isasakatuparan ko ang matagal nang plano ng puso ko. I can't for the third time lost her again.

Noon hanggang ngayon, siya lang ang nagawang magparamdam ng pag-ibig sa akin. Magmamakaawa ako sa kaniya na tanggapin uli ako. Handa akong baliin ang kasunduan namin para lamang maging bahagi uli ako ng buhay niya.

I don't want to feel empty anymore. I need her as much as I need her touch and love.

Ipinasok ko ang kotse sa isang private property matapos buksan ang barbed wire na gate nito. The place didn't seem to change based on my memories. Napapalibutan pa rin ang gilid ng daan ng iba't ibang klase ng puno.

Ipinarada ko ang kotse sa tabi ng isang lumang Toyota Corolla. Wala na ang dating bahay na naaalala ko. Pumalit ang isang katamtaman sa laki na cabin house.

Huminga ako nang malalim bago umibis sa sasakyan. Malalaki ang hakbang na umakyat ako sa hagdan papunta sa terasa ng cabin. Kinatok ko ang pinto pero walang sumasagot.

"Femella! Open the door, babe! Fem!" tawag ko uli pero wala akong narinig kahit kaluskos mula sa loob. Nilinga ko ang kotseng nakaparada. Malakas ang kutob kong hindi umalis ang dalaga.

Tinanaw ko ang daan patungo sa gubat. Baka nandoon siya.

Tinakbo ko ang daan papunta ng ilog. Hindi nga ako nabigo. May nakalatag na mat sa tabi ng ilog. Sa ibabaw nito nakalagay ang isang libro katabi si Femella na hindi namalayan ang presensiya ko.

I was about to call her name but I my feet stopped moving on their own. I end up staring at her pained face. Nakatulala si Femella sa kawalan at hilam sa luha ang buong mukha. She's staring at nothingness while hugging herself. Nanginginig ang buong katawan nito. Pagkuwan ay humagulhol ito ng iyak at ibinaon ang mukha sa mga kamay.

Kinuyumos ang puso ko sa nasaksihang paghihirap nito. I almost forgot how it's hard for the both of us. Hindi lang ako ang nasasaktan ngayon. Dala naming pareho ang bigat at sakit.

Tumayo si Femella, isa isang hinubad ang suot pagkuwan ay mabagal na naglakad patungo sa ilog.

I heard a sound of splashing water from a distance and then Femella's head rose out of the water. Sumagap ito ng hangin bago bumalik sa ilalim ng tubig.

Hindi na ako nag-isip pa. Hinubad ko ang polo at slacks pati ang sapatos saka lumusong sa tubig.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.