Chapter 46

"Bakit ka pa bumalik? Man, you should have stayed forever in your cave. Ang saya-saya na kaya rito noong wala ka."

Binato ko nang nilamukos na papel si Luther na prenteng nakaupo sa gilid ng desk at pinapakialaman ang mga nakatenggang papeles.

"Tuwa mo lang dahil malaya kang pagpantasyahan ang sekretarya ko. I heard from Ivan na pati kaliit-liitang papeles ay ikaw pa mismo ang nagdadala rito. Binabalaan kita, pare. Wag nga si Christine. Parang kapatid ko na iyan. Wag mong ihilera sa mga babae mo."

Pinirmahan ko ang finalized design para sa capsule hotel na itatayo namin ni Luther. Contractor namin ang kompanya nito.

"Naks! Nag-iba ka na, pare. Parang ang bait-bait mo na ngayon. Looks like Femella did something good to you other than break your heart."

Tumiim ako sa pagbanggit nito sa pangalan ng babae. Masakit pa rin sa dibdib ang paghihiwalay namin. Nagbuntung-hininga ako at inilihis ang usapan.

"Mukhang magkakaroon tayo ng problema sa acquisition ng ilang properties. May iilang pamilya ang tumangging ibenta ang lupa nila."

Tumayo si Luther at naupo sa silya sa harap.

"Pwede nating taasan ang offer natin sa kanila. I'll call the legal department about this. You didn't raise it up during our meeting."

Kinuha ko ang fountain pen at pinaikot ito sa kamay. "It didn't poise to be a problem during that time. Pumayag naman kasi ang head ng pamilya noong unang negotiation namin. Nitong linggo lang tinawagan ang team natin na magpu-pull out sila sa kasunduan."

Humigop ako sa tasa ng kape. "I'll take care of it. Ang asikasuhin mo ay ang construction."

"Leave it to my expertise." Tumayo na ito. "Hindi na ako magtatagal, pre. Dinaanan lang talaga kita para mangamusta. Mahigit isang buwan ka ring nawala. Bumalik ako ng Japan noong kauuwi mo lang dito last week kaya hindi ako nakadalaw."

Napailing ako. Para akong may sakit sa trato nito.

Tinapik niya ako sa balikat. "Babae lang iyan. Don't miss our trip next week. Balik tayong Cebu. I miss rock climbing. Wag ka nang tumanggi. Ilang lakad na rin namin ang wala ka."

Tumayo ako at sinabayan ito sa paglabas. Agad na tumayo si Christine pagkakita sa amin. Namula ito at nag-iwas ng tingin nang kindatan ni Luther.

"Do I have any appointment for this afternoon?"

Tumango ito. "You have a meeting with Mr. Hauyingco at three o' clock, sir," magalang na sagot nito. Nasa akin lang ang tingin ni Christine na parang kasalanan kung ituring nito ang tapunan niya ng tingin si Luther.

"Okay. Remind me later."

"Yes, sir."

"Bye, Tine." Kinawayan ito ni Luther.

"Bye, sir," ang napipilitang sagot nito sa kaibigan.

Napailing na lang ako saka hinatak na si Luther na animoy tutunawin ang dalaga sa pagkakatitig nito. Sabay kaming bumaba hanggang sa lobby. Nagkasundo kaming sabay na kumain para pag-usapan pa ang iba pang detalye sa projects.

"Maverick!"

Nahinto ako sa pagpasok sa sasakyan at nilinga ang tumawag sa akin. I sighed when I saw Trisha. Hinarap ko ito at namulsa. Si Luther naman ay natigil din sa pagbubukas ng kotse nito at nakakunot ang noong nakatunghay sa amin.

"What do you want, Trisha? I thought we've talked it all through. Wala na akong balak na ibigay pa ang kung anumang hihilingin mo."

Nagbaba ito ng tingin, bumuntung-hininga, saka nag-angat uli ng tingin sa akin. "Gusto lang sana kitang makausap kahit saglit lang. Eto na yung huli, pangako."

I glanced at my wristwatch. "Make it fast. I don't have much time."

"Yung mas pribado sana."

"Okay. Let's get inside." Nagpatiuna ako sa pagpasok sa hotel pero pinigilan niya ako. I looked at her.

"Dito na lang sa kotse mo para hindi ka masyadong maistorbo. Saglit lang to."

Binalingan ko si Luther na nakatanghod pa rin sa amin. "Mauna ka na. Susunod ako kaagad."

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Trisha bago tumango at sumakay na sa kotse. Pinagbuksan ko naman si Trisha saka tumabi rito sa backseat.

"Talk."

"Wala ka pa rin bang maalala?" atubili nitong tanong.

Nagbuga ako ng hangin. Gahibla na lang ang natitirang pasensiya ko. "If this is about that fucking issue again then cut it off. I don't want to hear anything from you. Get out."

"I'm sorry," kimi nitong wika. "Patapusin mo muna ako, please."

Huminga ako nang malalim. "Go. Talk."

"Una sa lahat, hindi ko ito ginagawa para sa kaniya. I'm doing this for you. At para na rin mawala na tong guilt sa puso ko. I'm sorry, Maverick." Napahikbi ito.

Lalong lumala ang gitla sa noo ko nang makita ang luhaan nitong mukha. "For what?"

"S-sa pagsisinungaling ko kay Femella at sa iyo. May pinagsamahan din naman tayo dati kaya ako nakokonsensiya ngayon. Nagawa ko lang iyon dahil gustung-gusto talaga kita. Pero noong tinulungan mo ako at iyong patirahin mo pa ako sa unit mo at bigyan ako ng pera, doon na ako nagising na kahit ano ang gawin ko, hindi mo pa rin ako magagawang mahalin."

"If this is your another ploy to get something from me then I'm afraid I can't take it anymore. Umuwi ka na, Trisha." I pushed a button and the door to her side opened.

Ngunit hindi ito tuminag sa kinauupuan. Determinado ang mga matang hinagilap niya ang braso ko. "Ang bracelet. Nasa iyo pa ba iyon?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Agad sumasal ang tibok ng puso ko. "What are you talking about?"

"Yung gintong bracelet. Kinuha ko iyon sa bag ni Femella para sana isangla pero nalaman kong peke pala iyon. Nakita mong suot ko iyon nang pauwi na tayo mula sa pamamasyal kaya nagalit ka."

Kinuyom ko ang mga kamao sa sobrang tensiyon na nararamdaman. May nagsasalimbayan na ring mga eksena at alaala sa isip ko. I gripped her hand on my arm and forced the words out of my mouth.

"What about, it?" Nararamdaman ko na ang pagpintig ng mga ugat ko sa sentido dahil sa antisipasyon sa mga susunod na sasabihin nito.

Tila natatakot na hinila nito ang kamay na mahigpit na hawak ko. I let her go but I pushed the button again to lock back the door. Namutla ito at animoy hindi na malaman ang gagawin.

"Wala akong gagawin sa iyo kung sasabihin mo lahat sa akin." Hinubad ko ang necktie at basta na lang inihagis sa upuan. "Go on," ani ko sa matigas na tinig at sinapo ang sumasakit na ulo.

"I-ibinigay mo pala iyon sa kaniya."

"Why would I give her a bracelet if you were my girlfriend back then?"

Ipinikit ko ang mga mata dahil sa tumitinding sakit ng ulo.

"Nagsinungaling ako sa kaniya. Ipinalabas ko na tayo na noon. Naniwala naman siya. Naging magkaibigan na tayo bago pa dumating sa Sta. Barbara si Femella. Ako iyong nauna kaya hindi ko matanggap na mas nauna mo pa siyang magustuhan kasya sa akin. Nagpanggap pa akong hindi na menor de edad para lang patulan mo. Ang sabi mo gusto mo siya kaya gumawa ako ng paraan para hindi ka muna makapagtapat sa kaniya. Sinabi ko iyon para siya na mismo ang lumayo sa iyo. I'm sorry, Maverick. Bata pa ako nun kaya hindi ko pa talaga alam ang mga consequences. I'm sorry."

Galit na hinaklit ko siya sa braso at nagliliyab sa poot ang mga matang tinitignan ko siya. "Suppose that what you are saying is true, bakit nagsinungaling ka pa rin noong makaharap kita?"

Mas lalo itong namutla sa reaction ko pero pinili pa rin nitong sumagot. "Sinabi ni Femella sa akin na wala kang maalala kaya sinamantala ko iyon. Kung sa loob ng mahabang panahon ay hindi ka nakaalala, malaki ang posibilidad na hindi ka na makaalala kahit kailan."

"And if the fool in me believed you, would you lie to me all throughout our lives? You guys are sick."

Padarag na binitawan ko ito. Napahilamos ako sa mukha. Shit. Why are they doing all these to me? Una, nagsinungaling sa akin si Femella. Ngayon, pati ba naman kapatid niya ay may balak ring paikutin ako sa palad nito?

"Get out, Trisha. Wala nang silbi ang pag-amin mo. Wala na kami ng kakambal mo. If what you only wanted is to clear your conscience then consider it done," malamig kong wika rito. I unlocked the door and signalled her to leave.

"I'm really sorry, Maverick. Sana mahanap mo sa puso mo ang kapatawaran para sa akin. At kung magkita man kayo ni Trisha, pakisabi na humihingi ako ng tawad sa kaniya. Nabulag ako nang labis na inggit. Sana maayos niyo iyan." Bumuntung-hininga ito.

"Grabe no. Mula noon hanggang ngayon, siya pa rin ang gusto mo," sabi nito sa malungkot na boses. "Napakaswerte talaga ni Femella." Pinahid nito ang mga luha bago bumaba. "Paalam, Maverick."

She closed the doors but I didn't flinch on my seat. Tigagal pa rin ako sa mga ipinagtapat ni Trisha. So all this time, ang sarili lang pala nito ang tinutukoy ni Femella na minahal ko noon. Napatawa ako nang mapakla. Mapaglaro talaga ang tadhana.

Pero ano ang gagawin ko sa mga impormasyon na nalaman? Will she be back in my arms if I tell her that? Mabubura ba nito ang katotohanang sinelyuhan na niya ang relasyon naming dalawa?

"Damn!"

Bumaba ako sa kotse para lumipat sa driver's seat. Pinasibad ko kaagad ito palayo bago tinawagan si Luther.

"Kumain kang mag-isa. Emergency, pre."

Hindi ko na ito hinintay na sumagot. I ended the call to call for Jex.

"Jex, give me Vida's address."

"Right away, sir."

Nang makuha ang address ni Vida ay mas binilisan ko ang takbo ng sasakyan. Alam kong umalis na si Femella sa apartment nito. The bodyguard I assigned to look out for her was able to report for me right before I could pull him out of his duty. Umalis ito noong gabing naghiwalay kami.

"This it the last time I'm going to chase you Fem," I whispered against my lips.

I parked beside a white Ford inside a posh apartment building. I walked into the reception desk where the attendant stood up with a sweet smile on her face.

"Good day sir—."

"Give me Vida Corales' floor and unit number," putol ko sa anumang sasabihin nito.

Pumormal ang anyo nito. "Sir, we do not give the renter's information upon request. It's against our security protocol. I will call Ms. Corales right now if you have business with her. Would that be okay, sir?"

"No need Sia," saad ng tinig sa likuran namin. Lumingon ako para makita ang babaeng hinahanap ko na nakatayo at may bitbit na iilang plastic bags.

"Good day, ma'am."

"Good day, too. Now, if you'll excuse us." Bumaling si Vida sa akin saka sumenyas sa akin na sundan ito.

"You're looking for Femella?" ani nito nang makaupo kami sa lounge area ng apartelle.

"I am. Where is she?"

Nagkibit-balikat ito sabay kuha sa nginunguyang chewing gum at nilaro sa daliri. "Ewan." Pahinamad na sumandal ito ng upo saka nginisihan ako.

I clenched my teeth and curled my hands into a fist. I'm not here to play games with her. Humugot ako nang malalim na hininga saka ipinagsalikop ang mga kamay sa gitna ng mga hita. Nginitian ko si Vida.

"Okay, tell me anything you want. I owe you one this time."

Nakuha ko ang atensiyon niya. Ngumisi ito. "Talaga? Shoot! Pero..." Tumigil ito at naging seryoso ang mukha. "Bakit ko sasabihin sa iyo? Femella is my friend. Kapag sinabi ko sa iyo ang lokasyon niya, para ko na rin siyang tinraydor. You should start deploying your minions dahil mahaba-habang hanapan ang mangyayari kung gusto mo talaga siyang hanapin. She's in Europe. Mukhang doon na nga siya mamumuhay habambuhay."

I sighed at what I learned. Europe is too big for my search. Nagtaas ako ng tingin sa babaeng busy sa kangunguya. "That will do." I can tap my resources in the Immigration.

Tumayo na ako at frustrated na inihilamos ang kamay sa mukha. Minsan ay nagagalit ako sa sarili dahil ginagawa ko talaga ang kung anumang gustuhin ko. I've been a rist-taker all my life. I do everything I set my eye into. Kagaya ngayon. Alam kong hindi ito magugustuhan ni Femella. She could hate me for this. I promised to let her go for good but here I am, ready to search every nook of every country for her.

"Thank you, Vida. May utang ako sa iyo." I turned my back and started walking away.

"Teka lang." Pinigilan niya ako sa braso. "'To naman. 'Di na mabiro. I'm just joking. Sinisigurado ko lang na authentic ang reaksiyon mo. So far, kung nagsisinungaling ka man, magaling ang characterization mo."

Nakakunot ang noong minasdan ko siya. Nakakalito ang bilis nitong magbago ng mood.

"You know I'm not kidding. Sabihin mo na ang dapat mong sabihin. Please, let me know her location."

Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa pagkuwan ay humalukipkip. "On one condition."

"Anything," I answered right away.

Sumeryoso ang mukha nito. "Take her away from her misery. Pakiusap. Sana magawa mo ang hindi ko kayang gawin. Akala ko nga pagkatapos ng kaniyang misyon ay hahayaan na niya ang sariling maging masaya pero iniisip pa rin niyang hindi niya deserve ang mahalin." Tiningnan niya ako sa mga mata. "Please save her, Fuentebella. Let her realize that she can never be happy without you, please.  Kapag nagawa mo iyan, bayad ka na sa utang mo."

Natigilan ako sa intensity nang pagkakasabi nito. Something stirred inside me at the thought of Femella crying in her solitude. I nodded at Vida.

"I won't promise anything. Higit sa lahat, rerespetuhin ko pa rin ang gusto niya. Now, I want her location."

"Sta. Barbara."

Sandali akong nagulat sa sinabi nito. Sta. Barbara. Something familiar clicked inside me at the mention of the place.

"Positibo akong makukuha mo uli siya. You must not forget that she chose to go back to the place where you two first met." Niyuko nito ang mga dalang grocery bags. "Good luck."

Minutes after, I was on the road to Sta. Barbara. Nagpababa ako sa helicopter sa isa pang nayon bago ang Sta. Barbara. I wanted to see first the place. Nakapakalas ng pwersa na nagsasabi sa aking libutin ang lugar para makaalala ako.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.