Sinundan ko si Femella sa labas na nagpapahid ng luha. Niyakap ko ito sa likuran at kinintalan ng halik ang naka-expose nito na balikat. Pumiksi ito pero hindi naman nagtangkang umalis.
"No one is playing tricks on you, sweetheart. Totoo ang mga sinabi ko sa iyo."
Suminghot ito. "You should go now, Maverick. Wala na tayo. Natapos na tayo kaya bakit mo pa ako hinanap?"
Iniharap ko siya sa akin saka hinaplos ang namamaga na nitong mata sa kakaiyak.
"It's true that I'm respecting your decision for leaving me. Kaya ngayon, ako naman ang hihingi sa iyo ng pabor na respetuhin ako sa desisyon ko ngayon na balikan ka. Let's stop torturing ourselves, shall we?"
Inakay ko siya paupo sa unang baitang ng hagdan at kinuha ang mga kamay nito.
"Ayoko sa lahat ay iyong nagkakautang ako. It's bad for business. Kaya kailangan kitang ibalik sa buhay ko para wala na akong utang sa kaibigan mong weird."
She looks at me with her puffy red eyes, red cheeks, and red nose that I can't help myself but dip a kiss on her nose. She looks so adorable.
"Humingi ako ng pabor sa kaniya. I asked her about your location after Trisha talked to me. Ang sabi niya, mababayaran ko lang siya sa pagbibigay ng impormasyon kung nasaan ka kung mapapaamin kita na hanggang ngayon ay baliw na baliw ka pa rin sa akin. And it turned out that you are."
Natigilan ito at nagyuko ng ulo.
"Nag-usap kayo ni Trisha?"
Itinaas ko ang t shirt at pinunasan ang mga luha nito.
"Yes. She said sorry for lying to you, to us. May sinabi rin siya tungkol sa nakaraan which I confirmed to be true when I regained my memories."
Bumaling ito sa akin sa nagtatatanong na mga mata. I held her hand and started telling her everything. Halo-halong emosyon ang nagdaan sa mukha nito habang pinapakinggan ako. Her eyes turn from longing into sadness and then shock and finally anger.
"That girl!" bulalas nito sa galit na tinig. "How could she do that? All along I've lived against the guilt inside me knowing that I'm having a relationship with you." Her face grimaced in pain. "Trish, how could you?!" Humagulhol ito sa yakap ko. Hinagod ko ang kaniyang likod at hinayaan itong ilabas ang sama ng loob sa bisig ko.
"I know, Fem. Nagalit din ako nang una niyang sabihin sa akin ang totoo. Ikaw pa kaya na naaalala ang lahat."
Kumalas ito sa yakap ko at pinahid ang mga luha. "But I shouldn't be that angry at her. Bata pa siya nun at nadala lang siya ng inggit niya para sa akin. She's the less privileged one compared to me. Siya iyong walang mga magulang na kinagisnan habang lumalaki. Malungkot ang buhay niya, Maverick. Nag-iisa siya, salat sa mga bagay na tinatamasa ko. Biktima lang din siya ng selfishness ng mga magulang namin. It's just sad how her lies hurt both of us."
I smiled at what she said. This woman, in all her perfections and flaws never failed to amaze me.
"Alam mo bang kahit paulit-ulit mong ignigiit sa akin na masama kang tao, na manggagamit ka, alam kong mabuti kang tao, Femella. Kahit hindi ka nagpapatalo sa argumento at palagi mo akong pinagdududahan na tinatago ko ang mga puzzle pieces para hindi mo mabuo, alam kong mabait ka. Natural lang na magkamali. What is more important is what you do with the lessons you learned after committing your mistakes. Doon nagkakatalo ang mga tao. I admit I've done countless of mistakes but I wear them like a badge of honor. I don't walk out from scene without getting something that will make me a better person. That sounds so good and noble for someone who had a bad track record but that's true. Kagaya ng sitwasyon natin ngayon. What will we make of it?" Kinuha ko ang mga kamay nito at dinala sa kandungan. "Am I angry at Trisha? Yes, I am. But will we burn more lines now? I don't think that's right. Kagaya ng sabi mo, bata pa siya noon. She's just as affected like us with the frailties of a youth. Let's leave it in the past and make use of what we get from it in living in the present and in the future."
Huminga ako nang malalim. Nagiging emosyonal na rin ako kagaya ni Femella na walang kibo at nakatungo lang. I lift up her chin and caught her eyes.
"Let's try again, please. Give us another chance. And this time, no more goodbyes. Let's make it work, Fem."
"Bat ikaw ang nanghihingi ng second chance? Di ba dapat ako? I'm guilty as hell Mav for all I've done. Pero mas nakaka-guilty iyong mga naiisip ko these past few days. I'm itching to see you... to ask for a second chance to you. Napipigilan lang ako ng hiya kasi ako na nga ang nagkasala sa iyo and then I left you tapos sa huli, babalik ako at guguluhin ka lang uli para lang maging masaya ako. Isn't that a bit too much?"
"I remembered when you told me that you had scrapped the plan of using me to get Trisha when you realized that you don't want me to get involve anymore. But fate had a different plan for us, Fem. Little did you know that we'll meet in that same place. Unang kita ko pa lang sa iyo ay may ginising ka nang kung ano sa loob ko. Behind your facade, I could see the real you. You got me so intrigued that's why I did everything I could think of just to have you. Saksi ako kung paano mo ako iwasan but that only made me want you for myself. Alam mo bang binlackmail ko si Vida para makuha kita? When her club was being raided, she was caught in my hotel redhanded. That's when I bargained. Pakakawalan ko siya kapalit mo. See? Mismong tadhana na ang gumagawa ng paraan para paglapitin tayong dalawa. I loved you since then and I will love you forever," madamdaming pahayag ko.
Hindi ko alam kung paano ko nasasabi ang mga cheesy na linyahan na ito pero ganun talaga siguro kapag nagmamahal. What you feel is so strong and beyond words you can't help but use the sweetest and cheesiest line just to describe your feelings. But even that is not enough.
Ipinikit nito ang mga mata at huminga nang malalim. "I used you, Maverick. Can you still trust me despite everything? Ayokong dumating sa punto na wala na tayong tiwala sa isa't isa. I hate to end up that way."
Napailing ako. Ang tigas talaga ng ulo.
"I also used you. I used you to satisfy my physical needs. We're even."
"Magkaiba iyon. You paid for me."
Hinila ko na siya paupo sa kandungan ko at ginawaran ng halik ang tungki ng ilong nito. It's better this way. Mas makukumbinsi ko siya kung ganitong magkalapit kami at nararamdaman namin ang init ng isa't isa.
"How about this, babe. I love you, you love me. Let's be together and have a family," pakanta kong saad. Hindi nagbago ang seryosong ekspresyon nito sa mukha kaya napakamot na lang ako sa ulo.
"I didn't for once feel that you used me, Femella. Ginawa ko iyon dahil gusto ko at hindi ako napipilitan lang. Do you really think may makakapilit sa akin?" Pumalatak ako. "Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa iyo." Hinalikan ko siya sa mga labi. "Bumalik ka na sa akin para mas makilala mo ako. No one can forced me to do things I don't want to do not even my family. Kaya nga nila ako ipinatapon dito kaya alisin mo na isip mo na ginamit mo ako. You didn't and if there are times you felt like you did then don't feel bad about it. I let you used me during those times because I adore you. Got it? Hmm?"
Nawala na ang lambong sa mukha nito at pumalit na ang banayad na emosyon kaya lihim akong nagdiwang.
"Wala na akong pamilya, Mav. Yung kaisa-isang kadugo ko na naiwan sa akin ay ayaw pa akong makasama. I'm broke. Yung natira sa ibinayad mo sa akin na million ay idinonate ko na sa isang orphanage. Itong lupa at bahay na lang ang natitira sa akin. So technically, I don't have something to contribute."
Hinapit ko siya sa bewang at ikinulong uli ang mukha nito sa mga palad ko.
"I'm here. My family's here for you. Gusto ka ni mama, ni Gideon at ni Sheri. Sigurado rin akong magugustuhan ka rin ni Puffle. Come with me. Be with me and we'll make one big happy family, Fem. I don't care if you're as poor as a rat. I can finance you. Kung ang iniiisip mo ay ang ambag mo. Walang naghahanap nun sa iyo. Just love me and don't ever fall out of love from me."
Umalpas na naman ang mga luha nito sa sinabi ko kaya niyakap at inalo ko ito. Hinagod ko ang kaniyang likod habang pumulupot sa leeg ko ang mga kamay nito. Mayamaya pa ay tumango ito.
"Yes, Mav. Let's start over again." Nagtaas ito ng mukha sa akin. "I'm really deeply sorry for everything. I'm sorry for lying to you, for using you, and for leaving you. Sorry ngayon ko lang na-realize noong iwan kita. Hindi ko pala kaya. Nakakabaliw iyong di kita makita at mahawakan. Naunahan mo pa akong puntahan dito. I'm really sorry."
Tumatawang kinuyumos ko siya ng halik. Relief flooded all over me. "Tahan na. Naaawa na ako sa mga mata mo. Namamaga at pulang-pula na. Iyakin pala ang tigresa."
I didn't add that I like this side of her. Sometimes I wonder if she is made of steel. Now I don't have to keep on wondering.
"Makikinig ako sa iyo at makikinig ka rin sa akin. No more secrets and lies."
She smiled. Finally. "I liked it," sagot nito sa pagitan ng paghikbi.
"Sa wakas, akin ka na uli." I rained kissed on her face.
"I'm always yours to begin with Mav," she said.
Namula ako. Hindi ko napaghandaan ang sinabi nito. Tumikhim ako at nag-iinit ang pisnging nag-iwas ng tingin.
But she held my face and inspected it. "Oh! Did you just blush?"
"Wala. Mainit lang." Tumikhim uli ako at ibinalik ang tingin dito na nakangisi. I palmed his face and chuckled.
"You sure know how to make a man's heart flutter. Buti na lang mahal mo ako."
"And who told you I love you? Kanina mo pa iyan kini-claim?" nagniningning ang mga matang tukso niya sa akin.
A warm feeling flowed in my heart. The fact that she's been able to tease me now means that all is well already.
"Hindi ba? So sino iyong naririnig ko palagi sa umaga na nagsasabing 'I love you' sa akin?" I indulged her.
Tinampal niya ako sa balikat. "Hoy! I don't talk in sleep."
Hinuli ko ang kamay nito at hinalikan.
"Biro lang. But can you say it? Lugi naman ako kasi ako ang palaging nagsasabi na mahal kita. Can you say it?"
Ngumiti lang ito habang nakatitig sa akin. She seems to be searching for something on my face. I presumed she found whatever she's looking because she gave me her signature sweet smile. And then she laughed while crying. Tumatawang nagpunas ito ng luha. Nakatingin lang ako sa kaniya sa buong panahon. Animo naengkanto na hindi ko magawang magbawi ng tingin.
Masuyo kong inipit ang buhok nito sa tenga nang tumigil na ito sa pag-iyak at tumitig na lang sa akin, tahimik nitong kinakabisa ang bawat sulok ng mukha ko.
She looked at me straight in the eyes and grinned. "I love you, Fuentebella. I loved you when I was fifteen, never stopped loving you in the eight years that we're apart and now that I'm a full grown woman, that love found its way back to you. It's worth it. So so worth it, my love. Thank you for making me realize that."
A lump formed in my throat at her revelation. No words could describe what I'm feeling right now so I just uttered the things I would always want to do at her.
"Kiss me..." I whispered.
She gladly obliged and rewarded me with her sweetest kiss.
Something warm and wet trickled down our faces. We were both crying for a rekindled past and renowned love for the future.
I smiled against her lips before lifting her up in my arms.
Mother, I'm finally getting married.