Chapter 49

Nagmulat ako ng mga mata at iginala ang tingin sa paligid. Pusikit na dilim ang agad na bumungad sa akin. Kagyat ang paglukob ng kalungkutan sa akin. Kinapa ko ang kabilang side ng kama sa pagbabakasakaling nandoon si Maverick. May nahawakan akong mainit at matigas na laman na umungol. I heaved out a sigh of relief. Totoo nga ang mga nangyari kanina. Hindi ako nag-iilusyon o nananaginip lang. Maverick is really here by my side.

Binuksan ko ang lamp shade bago pagapang na humiga pabalik sa tabi nang mahimbing na natutulog na lalaki. Sumukob ako sa ilalim ng kumot at itinukod ang siko sa unan. Inihilig ko ang ulo sa palad habang ang isang kamay ay humaplos sa dibdib ni Maverick. Awtomatiko ang ginawa nitong paghapit sa bewang ko sabay ang pagsubsob nito sa dibdib ko.

“Hmm,” ungol nito. Hindi pa ito nakontento, itinanday din nito ang binti sa hita ko kaya ako tuloy ang sumalo sa lahat nang idinagan niyang bigat sa akin. I pushed his lower torso away and adjusted my body so I don’t get crushed by his immense weight. My bed is just enough for the two of us in terms of space pero ewan ko lang kung hindi ito bumigay lalo na kung may maisipan na namang gawing kababalaghan si Maverick.

I combed his hair while not leaving my eyes on this sleeping giant who sleeps like a baby. Nakabuka pa nang kaunti ang bibig nito tanda na mukhang napagod talaga ito. Mapapagod talaga ito sa mga pinagagagawa. The man is really insatiable. Halos lahat na yata ng sulok ng maliit kong cabin ay nabinyagan namin except the bed because I’m concerned about its durability. Masunurin naman ang mokong dahil ayaw niya rin daw na matulog sa sahig.

My body is also sore and tender from all the lovemaking but I can’t let this moment pass. Nami-miss kong pagmasdan ito habang natutulog. I used to do this back in the island and in his penthouse. Ang mumunting kasiyahang ito ang pinakanami-miss ko noong umalis ako.

I kissed his head while massaging his temple.

"I love you Mav,” I muttered.

He groaned in his sleep. “Love ya, Fem.”

Natigilan ako at namasa ang mga mata. Dinutdot ko ang   noo nito. “Napakasinungaling mo talaga, Fuentebella. I don’t really talk in sleep. Buti na lang talaga at naririnig kita ngayon. Di ka naman halatang patay na patay sa akin, ano?”

Umungol lang uli ito na para bang gusto pang magprotesta bago nito mas isiniksik pa ang sarili sa akin. Umayos na ako ng higa at pumikit nang may ngiti sa mga labi. All is well with my life now with him beside me.

Naalimpungatan ako dahil sa mga hagikhik. Hindi ko lang ito pinansin dahil ang sarap pang matulog. Hinigpitan ko ang yakap sa braso ni Maverick at muling nagpadala sa pagod.

The next minute, I was awaken again by someone's giggles and muffled laughter. Doon na ako dumilat. I saw Maverick stiffens while holding his camera near my face. Ilang segundo pa nang tuluyan mag-register sa akin ang ginagawa nito.

I glared at him and grabbed a pillow and repeatedly hit his face. Yumuyugyog na ang balikat nito sa kakasalag sa mga hampas ko.

"Burahin mo iyan," utos ko rito sabay damba sa cellphone nito na mabilis nitong nailayo.

Umiling ito. "Not a fat chance, dear. Pinaghirapan ko ang mga angles niyan."

Inirapan ko lang ito saka tumalikod ng higa. Nagtalukbong ako ng kumot. Ilang sandali pa ay may sumundot na sa gilid ko.

"Ano ba?" kunwari ay inis na usal ko bago lihim na ngumiti.

Inalis nito ang kumot sa ulo ko at niyakap ako mula sa likod. Pinaghahagkan niya ang leeg at balikat ko bago paos na bumulong.

"It's just your pictures for my personal consumption. No one will see this aside from me of course."

Nanunuksong pinaglandas  nito ang daliri sa nakalantad ko na braso. I gulped at the sensations his touch is giving me.

Nilingon ko siya. "Patingin."

Sabay naming tiningnan ang mga nakaw nito na pictures ko. May ilang kuha na nakabuka ang bibig ko, may isang tulo-laway ako at ang pinakanakakatawa ay iyong picture ko na halos kita na ang ngala-ngala ko sa laki nang pagkakabuka.

"Ew, I look so gross here," turo ko sa huling picture.

Isang mabilis na halik sa bibig ko ang iginawad nito sa akin. "It's okay. I liked it. Patunay na talagang pinagod kita. Sorry not sorry." Siniko pa niya ako at kinindatan.

"Patay na patay ka talaga sa akin, no. Wala akong kaalam-alam na iyong  mga inaakala kong simpleng galawan mo noon ay may iba na palang kahulugan. Just a question, if you know na fifteen pa lang ako noon, would you still approach me?"

Tumihaya ito ng higa habang nakataas pa rin ang magkasalikop na kamay nito sa ulunan. Kumilos ako at nahiga sa ibabaw nito. His hands immediately went to my back and caressed it.

"Maybe not. Pabling ako but I'm not into minors."

"So you won't ever talk to me then?"

Nagkibit-balikat ito. "Buti hindi ko nalaman."

I rolled my eyes at him. "Cradle snatcher." Inilagak ko ang mukha sa hubad na dibdib nito at pinadaanan ng palad. Nag-igtingan ang kalamnan nito sa ginawa ko. I smiled mischievously.

"Let's go back to sleep," ani ko habang patuloy sa paghaplos sa balat nito.

"Mauna ka na. I'll look at you. Baka sakaling paggising ko, baka bigla ka na lang mawala."

I kissed his chest. "Hindi na ako mawawala pa sa iyo unless dumating ang panahon na ayaw mo na sa akin."

"Uh no. That will never happen. We'll work this out every second, every hour of everyday."

Lumabi ako. "Now that I am set in this most comfortable position, I can get to say this. Now that I think about it, ni hindi tayo nagdaan sa normal na ligawan. Hell, you didn't even court me."

Tumaas ang gilid ng bibig nito. "Nah, sweetie. I don't believe in courtships. I'll court you forever once I have you and now that you're here in my arms again, the courting starts again until forever. You deserve more than the flowers, chocolates and teddy bears in the world. You deserve my time and attention. Kung gusto mo, magpapatayo tayo ng mga flower shops or let me buy a flower farm for you. You like that?"

Naaaliw na pinagmasdan ko lang siya. "No, I liked it more when we're like this, talking about things. Marami akong natututunan sa iyo."

Naghikab ako saka hinalikan ang baba nito. "I'm going back to sleep. Matulog ka na rin. Past three a.m. pa lang o."

Kinumutan niya kami and pats my back.

"Have I told you already how thankful I am to have you here, Mav?" ani ko sa pagitan ng pag-aagaw ng antok.

"Countless of times already for this night."

"Have I told you that I easily get jealous and I'm possessive and territorial?"

"So am I sweetie. We're good at that."

Pumiksi ako nang dakmain nito ang pang-upo ko.

"May idadagdag pa ako. Contrary to what you're saying, hindi talaga ako ganoon kabait. Aburido ako most of the time, insensitive at times, hindi nagpapatalo, ma-pride, sharp-talker, I hate losing an argument and I can think of thousand ways to kill a man if I caught him cheating. In short, I'm not your stereotypical type of woman. Can you live with that?"

He just laughed. "Feisty. All the more I love you for being you, Fem. Can you also live with mine?"

"We will adjust and strive to be better individuals, that's for sure."

"Good answer." He kissed my head. "Sleep now. Kanina ka pa nagsasalita."

Ngumiti ako. "I really love your scent," I murmured.

"Just my scent?"

I tapped his rock solid frame. "And your body. I love it."

"Just my body?"

"Don't push it, Mav."

"Kung makakulusot lang naman."

"I love you," I whispered.

"Pakiulit nga. Hindi ko narinig."

"Masyado na tayong puyat."

Chuckling, he kissed my head again. "I love you more."

Nakangiti akong nakatulog habang yakap-yakap niya ako.

Nagising ako sa init ng sikat ng araw. I didn't yet move. Ang sarap pa sa pakiramdam na makulong sa mainit na bisig ni Maverick. When another minute passed, I opened my eyes and found him lovingly staring at me.

He smiled at me while tucking my hair behind my ears. "Good morning."

Gumanti ako ng ngiti at sumiksik uli sa gilid nito. "Morning. What time is it?"

"It's almost 12 in the afternoon now, sweetie."

Nanlalaki ang mga matang bigla akong napabalikwas ng bangon. Tumingin ako sa bintanang nakabukas. Mataas na nga ang sikat ng araw. My stomach growled. Nagkangitian kaming pareho bago kami natawa.

"Kanina pa ako nakaluto ng breakfast. Hinintay lang talaga kitang magising. Grabe, tulog mantika ka. Ang dami ko ng mga pictures mo na nakanganga."

Inirapan ko lang siya. "Bakit hindi mo ako ginising?" Bumaba ako ng kama at kumuha ng tuwalya. "I'll take a shower. Wanna come with me?" pang-aakit ko rito.

"Gusto mong mapagod uli? If yes, I'll come with you."

Akmang bababa na ito sa kama pero agad kong pinandilatan ito ng mata.

"Ligo lang, Maverick. Extended version agad ang gusto mo. Manigas ka diyan."

Dali-dali kong binuksan ang pinto ng banyo at agad itong isinara. Dinig ko pa ang halakhak nito.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Maverick na naghahain sa mesa. He sensed my presence so he looked up to me and wink at me.

May naisip akong gawin. "Mav, you want to go have a picnic at the river?"

"Sure," pagpayag agad nito.

Kinuha ko ang picnic basket sa cupboard at ibinigay rito. Isinaksak ko naman ang electric kettle para magpainit ng tubig. Habang busy si Maverick sa kakalagay ng mga pagkain sa basket, busy naman ako sa paggawa ng kape namin. Saktong patapos na ito sa ginagawa nang ilapag ko sa mesa ang mug na para dito.

"Thank you." He smiled at me while drinking his coffee. "Ah! Ang sarap talaga ng timpla mo."

"Naman! That's years in the making!"

We walked out of the house. On each hand is our cup of coffee habang dala ni Maverick ang basket habang ako ay ang mat. Nang mailatag na namin ang mat at ang basket sa gilid ng ilog, we silently ate our brunch.

"Sleepy again?" Maverick asked me when were lying on the mat, my head on his arms. Kakatapos lang naming kumain nang sabihin kong inaantok na naman ako. Kinda bad but I can't help myself. Nagyaya na itong umuwi pero mas gusto ko ang hangin dito.

"Yeah," I answered with my eyes closed. "I don't why I've been so emotional and sleepy these past few days. Ang dali ko ring umiyak at masaktan." I sniffed his armpit. "And I've been craving for your smell."

Ipinasok ko ang ulo sa loob ng t-shirt nito at sininghot na naman ang amoy nito.

Sinilip niya ako sa loob habang malawak na nakangiti. "We'll go to the doctor first thing in the morning."

"Aalis na agad tayo rito? Can't we stay for another day or two?"

"W-will you really come with me?" parang gulat na tanong nito.

Umalis ako sa loob ng t-shirt nito at nakahalukipkip na naupo paharap dito.

"What do you mean by that? Of course sasama ako sa iyo? Bakit, iiwan mo ba ako rito?"

Bumangon na rin ito at inalo ako. "Of course not. Naisip ko lang na baka ayaw mong umalis dito sa Sta. Barbara. I'm sure you liked it here so I'm not taking it away from you. What I have in mind is this. I can work in the city for the day and then stay here for the night and the weekends."

"But I like you more than this place. Tsaka sobrang hassle nang naiisip mo. I have to be by your side to shoo the likes of Monica and that fake blonde I saw you talking with." Hindi ko napigilan ang pagtalim ng mata habang naiisip ko ang dalawa.

Humalakhak si Maverick sa sinabi ko. "Pabor sa akin ang desisyon mo, sweetheart." Hinila niya ako pabalik sa yakap nito. "Matulog ka na. Baka kung ano na namang agiw ang pumasok sa utak mo. Madamay na naman ako."

"Hmmm." Ninamnam ko ang masarap na dapyo ng hangin sa balat at ang katotohanang nasa bisig ako ng lalaking mahal na mahal ko.

"This place is like a paradise," komento nito.

"I agree. Pero alam mo bang may isa pa akong lugar na alam na katulad nito? I'll take you there someday."

I felt a mixture of sadness and nostalgia when I thought about the place.

"Where is that, babe?"

Isiniksik ko ang sarili sa leeg nito. Dumaan sa isip ko ang magagandang tanawin ng lugar ng kapanganakan ko.

"Monte Vega."

Author's Note:

The last chapter will be uploaded later. Thank you.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.