Chapter 50 (last chapter)

Naliligo na ako sa sariling pawis at kanina pa basa ang aking dress na suot pero wala akong pakialam. Ang tanging gusto ko ay ang mailabas ang lahat ng kinain ko kaninang tanghali. Kumapit ako sa toilet bowl at sa huling pagkakataon ay nagsuka. Hinang-hinang napasalampak ako ng upo sa sahig ng banyo habang nakakapit pa rin sa bowl.

Napaiyak na ako sa labis na frustration. Is it really this hard to be pregnant?

May narinig akong nagbukas ng pinto at pumasok. Hindi ako gumalaw. Patuloy lang akong umiyak. Maverick sat down beside me and wiped my face with a towel. Ito na rin ang nag-flush ng suka ko.

“Feeling better?” Hinagod niya ang likod ko.

Tumango ako. “A little.”

Hinaplos nito ang lumalaki ko nang tiyan. “Pinapahirapan niyo talaga si mommy. Behave children. Saka na kayo magpasaway kapag nakalabas na kayo, okay?”

Inirapan ko lang ito. Halos ganoon nito kausapin ang tiyan ko araw-araw simula nang manggaling kami sa doctor days ago. Maverick shouted with happiness upon hearing it. Napaluha naman ako sa magkahalo-halong damdamin. I’m happy and at the same time scared about this new chapter of my life.

I remembered being so scared and always asking him if I’m really fit to be a mother.

“Will I be a good mother, Mav? Can I protect my children, Mav?” I asked with full of doubt.

I remembered him giving me a tight hug and kiss. “Yes, of course. You are a good person Fem and you will be a good mother if not the best one to our children, okay? Don’t be scared. Nandito ako para sa iyo para sa inyo. We will be together every step of the way, okay honey?”

Naaalala ko rin kung paano ako kumapit at naniwala sa assurance nito. He’s been consistent all the way through. Agad kaming bumalik sa penthouse niya sa siyudad. Halos di na nga ito nakakapunta ng office para lang alagaan ako. His family visited us who learned about my condition.

They have been so understanding especially Mav’s mother na siyang nag-insist na tawagin ko na itong mama. Nagtanong din ito kung kailan daw kami magpapakasal na sinagot lang ni Maverick nang makahulugang tingin.

Ang pangamba ko lang ay kung ano ang magiging reaksiyon ng pamilya nito kapag nalaman na nila ang totoo. Maverick coaxed me into thinking out of it. He said I should trust him when it comes to that matter. I did. I will always do.

“You are ganging up against me again. These are my babies so they should be closer to me,” biro ko at ipinatong ang kamay sa kamay nito na nasa tiyan ko.

He didn’t reply. He just stare at me like he didn’t see aything except me. Like nothing exists except us. He kissed my head and murmured

“Will you marry me, Fem? Will you spend the rest of your life arguing with me, loving me and our children, and keeping me under your palm? Will you?”

Nagbagsakan ang mga luha ko sa magkahalong galak at inis. Galak dahil nagkaroon na talaga ito ng lakas para alukin ako ng kasal. I know about his impending proposal but I kept it a secret. I wanted to know what he’s going to do so when we flew back into the island, I knew then that he’s gonna ask me. Naiinis lang ako dahil sa dinami-dami ng lugar dito sa bahay na pwede niyang sabihin ang mga salitang iyon, dito pa talaga sa loob ng banyo.

Nakasimangot na itinulak ko siya palayo. “Magpo-propose ka na nga lang, iyon pang amoy suka pa ako. You could have done this in a more romantic place.” Natampal ko ang noo. “Oh, I almost forgot. Wala ka palang kahit na anong romantic bones sa katawan.”

Animo binagsakan ito ng langit na lumupaypay ang mga balikat nito. “A-Are you rejecting my proposal, Fem? I-I’m sorry if I said it right away. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko nang makita kita kaninang nahihirapan sa pagdadala ng mga anak natin. Parang may boses sa loob na nagsasabing sabihin ko na. You know I’ve been meaning to ask you since the day I saw you in that river back in Sta. Barbara.”

“I know.”

Kumunot ang noo nito. “You know?”

“I know that you’re planning your proposal. Ang halata mo lang kaya.” Itinaas ko ang mga kamay rito. “Help me get up.”

Wala sa sariling tinulungan niya ako patayo. Balewalang nagsepilyo ako at naghilamos. He’s just standing behind me, too frozen to utter a single word. Afterwards, I hugged him.

“Badtrip lang ako dahil sa CR ka pa talaga nagtanong. Now, ask me again and I might said yes.”

Napaigik ako sa kabiglaan nang bigla niya akong buhatin at inilabas. He laid me on the bed while he took a box out from his pocket. He got down on his knee on the carpeted floor and opened the box. It revealed a ring with a Moussaieff red diamond as the center stone. Naluluhang nagtakip ako ng kamay sa bibig at napahikbi.

“Ano ba ito. Alam ko naman na magpo-propose ka tapos sinabi mo pa kanina pero hindi ko pa rin magawang pigilan ang sarili kong umiyak. Napapangitan ka na ba sa akin Mav tuwing umiiyak ako?”

He shook his head, tears are visible on his eyes. “No, never as long as it’s happy tears.”

“Good answer.” Huminga ako nang malalim bago mahinang tumango. Bakit ko pa papatagalin. This is what I wanted from the very start when I saw him inside that restaurant.

“Yes, Mav. I’ll marry you…”

Nakita ko pang yumuko ito para punasan ang luha bago tumayo at tumabi sa akin sa kama. Kinuha nito sa nanginginig na kamay ang singsing at isinuot sa akin. We both looked at my finger. The fit of the ring is perfect it seems like there’s no other worthy bearer of this but me.

“It’s beautiful,” I murmured while staring at the ring on my finger in awe. Naiiyak na binalingan ko si Maverick na nakatingin din sa akin. “Thank you.”

“I have to thank you more. Thank you for coming into my life, for loving me, and for bearing our children. I know you’re too young to get married but whatever your dreams are, I will always be here to support you..” hinaplos niya ang tiyan ko “…and our children. Marami pa tayong pagsubok na pagdadaanan. May mga pagkakataong mag-aaway tayo, magkakasakitan pero madadala iyan sa pag-uusap.” He kissed my lips. “I can’t wait you to be my wife.”

“Mrs. Femella Fuentebella. Nice name.” Tinitigan ko ang singsing sa daliri. “Mav, why red?”

“It best describes you and what you’ve become in my life. You’re my fire, my, flame, my raging flame. Wala, pagdating sa apoy mo, natutunaw ako palagi.”

Hinampas ko ito sa balikat. “Corny nito.”

“Corny pero natamaan ka.” He stood up and went to the closet. May kinuha itong kung ano sa pinakaibaba. Bumalik ito sa tabi ko at ibinuka ang kamay.

"This belongs to you."

Gulat na kinuha ko ang anklet na nasa kamay nito. "W-what? How did you get it? I thought naiwala ko na talaga ito."

Napupuno sa saya ang puso na ininspeksiyon ko ang anklet. Walang nabago. It still looks the same like I remembered it to be.

"I got it from Trisha before that accident happened. Alam mo bang ayaw kong bitawan iyan kahit na noong nawalan ako ng malay. Even when I regained consciousness, ayaw kong mawalay sa tabi ko ang anklet na iyan. It served as my lifeline but now that the real owner is here, I have to let it go. May I?"

Ibinigay ko rito ang anklet. Bumaba ito sa sahig at lumuhod. Isinuot niya sa akin ang anklet pagkatapos ay hinalikan ang paa ko.

"I want to see you wearing this, love. Only this."

Dinamba niya ako kaya pareho kaming napahiga sa kama. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sira. Nasa labas lang ang pamilya mo." Pinandilatan ko siya.

As if on cue, someone knocked on the door.

"Children, come out now. Mamaya pa iyan," sabi ng boses ng ina nito.

He groaned. "Yes, ma."

He buried his face on my neck when the sound of the footsteps are gone. "Istorbo. Let's not go out then. Baka di pa buo ang anatomy ng baby natin. Buuin na natin."

Tumatawang pinupog ko siya ng halik.

"I love you, Mav."

He gazed at me lovingly and traced my lips with his fingers.

"I love you more, Fem. Let's love each other forever, okay?"

"Okay, Mav. Forever."

"Yeah, forever."

His lips captured mine and I responded wholeheartedly.

WAKAS

***

Author's Note: Salamat po sa pagbabasa. I hope you liked it.

Before we delve into the the love and war between the Alcantaras and Asturias, let's take a detour first. If you love Fem and Mav's story then I'm sure you'll also like Cholo and his Mrs. Gastrell. See you on their story.

Maraming salamat uli sa pagsubaybay sa kuwentong ito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.