Pagkatapos namin kumain ay suminyas ako kay Austin na lumabas na muna sila dahil mag-uusap muna kaming dalawa ni Kira. Tumayo naman siya at lumabas na kasama si Kassandra.
“We need to talk.” I said
“May kinalaman ka ba sa nangyari?”
Napataas naman siya ng kilay. Halatang hindi niya nagustohan ang tanong ko “Wait…Pinagdududahan mo ba akong may kinalaman sa pagkawala ni Angelo at kung bakit hindi na tuloy ang kasal nilang dalawa?”
I nodded na mas lalong nagpa angat pa ng kilay niya "Max, naman! I'm your wife. Tapos pinagdududahan mo ako, ganyan na ba talaga ako kasama sa paningin mo? Grabe ka naman."
“Oo! Dahil alam kong lahat gagawin mo. At hindi mo siya lulubayan hanggat buhay siya. Na kaya mo nga siyang patayin no'n. Ngayon pa kaya na alam mo na mahal ko pa siya.”
“And do you think if she knew that you knew what I did to her, she would love you back? Tingin mo babalikan ka niya! si Angelo, nang mahal niya. Hindi na ikaw! Remember that.”
“I can wait until she forgives me. Ang diyos nga nagpapatawad tayo pa kaya hindi? Gusto ko lang naman maging maayos ulit ang pamilya namin. At kung alam mo lang sana kung paano makuntento at tanggapin kung anong meron ka'y hanggang ngayon mahal pa siguro kita. Nasayo na nga ako at ikaw na nga ang pinili ko pero pilit mo parin siyang sinasaktan.” Kako at tumingin ng diretso sa mga mata niya.
She pointed her index finger at me “Subukan mo lang iwan ako para balikan ang babaeng yun. Dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin siya ng paulit-ulit hanggang sa mawala na siya mga buhay natin!”Naka tiim bagang niyang sigaw at gigil na binato ang flower base sa sahig.
Patakbo naman na bumalik sina Kassandra at Austin sa may kitchen ng marinig nila ang na basag na flower vase at ang pagsisigawan naming dalawa ni Kira.
“Bro, okay lang?” Tanong ni Austin
Si Kassandra naman ay kumuha ng walis at dustpan para linisin ang basag na flower vase na nagkalat ngayon sa sahig “Ano ba ang pinag-away ninyong dalawa ni Kira? Para basagin niya itong mamahaling flower vase na regalo ng mommy mo sa kasal nyo?” Tanong ni Kassandra pagkatapos ay nilagay na sa trash bag ang basag na vase.
“Oo nga naman bro.” Tila pagsang ayon naman ni Austin, sa tanong ng asawa niya. Magsasalita narin sana ako ngunit biglang may tumawag sa cellphone niya “Sa labas muna ako bro, sasagutin ko lang ito.” Sabay pakita niya sa cellphone
“Do you know anything? Because if you knew ay sabihin muna habang maaga pa”Tila na bigla naman si Kassandra sa sinabi ko. Lumipas din ang ilang segundo bago siya nakapag salita
Umiling siya at umupo sa harap ko “Gustuhin ko man sabihin sayo pero hindi pwede. I'm sorry, Max.” Aniya
“I understand. But please don't hurt her.” Mga salitang lumabas sa bibig ko na ikinagulat naman niya.
“I can promise you, na hindi ko siya sasaktan. Ewan ko lang kay Kira. And by the way Kath and I reconciled.” Kassandra said and genuinely smiled
“I'm glad that the two of you reconciled.”
“Waaaah!” Palahaw na sigaw ko dahil tila naging baliktad ang sitwasyon between me and Kath. Dahil siya na naman ang mahal ni Max, ngayon. At ako na naman ang hindi. Takte! Is this my karma now? Napa hilamos na lang ako ng palad sa mukha ko. At agad na tinawagan ang number ng babae.
“I'm here at the cafe where are you?”Sambit ng babae.
“Nasa may entrance na ako.” I said at naglakad nanga ako palapit sa table niya.
“Finally you're here.” Mahinhin niyang sabi. Lumitaw din ang dimple sa magkabilang pisngi niya at maganda rin siya.
“I'm sorry, medyo natagalan ako. Traffic kasi.” Sagot ko naman pagkatapos ay umupo na ako. At nag order ng dalawang iced coffee at dalawang blueberry cheesecake.
After I ordered ay agad namang hinatid ng babaeng waitress ang order sa table namin“Here's your order ma'am.” Sabi ng waitress pagkatapos ay umalis na.
“You know Angelo right?” I ask
She nodded, “Yes, he's my ex boyfriend.” Malungkot na sabi niya.
“Why do you two break up? If you don't mind.”
“I had a car accident 6 years ago and by the time I woke from a coma it was too late for me to come back to him. Because he was engaged. And up to now, he doesn't know that I survive and I'm alive because I keep it a secret. Dahil ayaw kung masira ang pagsasama nila kapag nagpakita pa ako sa kanya.”
“Parang pelekula pala ang naging buhay mo.”
She sipped her coffee “Exactly! Para sa akin kasi, kapag masaya nang taong mahal ko sa iba ay wag ng guluhin pa. How about you anong kwento ng buhay mo?”
Sandali akong na tahimik “Actually I'm not happy between me and my husband. At isa rin ito sa dahilan kung bakit gusto kung makipagkita sayo.”
“Wait. If this is all about taking revenge. I'm sorry but I can't help you”Tila nainis naman ako sa naging sagot ng babae. Mabait nga talaga siya.
“Wag kang matakot dahil hindi ka naman papatay ng tao. Dahil ang gusto ko lang naman makipagkita ka kay Angelo, makipagbalikan ka sa kanya. Kahit sa paraan lang na yan makapaghiganti naman ako kay Kath.” Sabi ko
She finish her coffee at kinuha ang kanyang bag sa table “ I'll think about this. Tawagan na lang kita bukas para sabihin ang sagot ko.” Aniya at naglakad na palabas ng cafe. Shit! sana lang talaga pumayag siya sa inaalok ko sa kanya! Nakakainis nakalimutan ko tuloy itanong ang pangalan niya.
Kath Pov
Isang linggo ng lumipas pero wala pa rin kaming balita about Angelo, even the police ay nahihirapan din hanapin kung nasaan siya, some say na baka wala na siya. Pero alam ko at nararamdaman ko sa puso ko that he's okay. Ganito nga talaga siguro kapag mahal mo yung tao.
I also tried to contact Kassandra kanina pero naka off ang phone niya. Kaya tatawagan ko na lang siguro ulit siya bukas para tanungin siya. Tatayo na sana ako para kumuha gatas ngunit biglang pumasok ang anak ko na may dalang milk.
“Seb, bakit hindi ka pa natutulog gabie ah.”
“Hindi po kasi ako makatulog mom. Kaya naisipan ko na dalhan ka ng coffee.
“Here's your coffee mom.”Nakangiting sabi naman ng anak ko pagkatapos ay umupo ito sa tabi ko at saka hinalikan ang noo ko. Na nagpagaan naman ng loob ko.
“Tulog na po ako sa room ko. Inumin nyo na po ‘yan. I love you po Mommy.”
"Okay anak, good night and have a nice sleep."
"You too, Mom."He said at naglakad na nga ito palabas.