Chapter Chapter:83

Kath pov

Paglabas ng anak ko sa kwarto ko'y nag pasya ako na tumambay muna sandali sa may terrace at para doon ko nalang din inumin itong coffee ko.

But when I was about to sip my coffee ay bigla namang tumunog ang cellphone ko. Kaya nilapag ko muna itong coffee ko sa hugis diamond kong mesa.

“Kailangan natin mag-usap.” Sambit ng familiar ng boses.

“Wala na tayong dapat pag-usapan. Kaya kung wala kanang ibang sasabihin ay ibaba ko na itong phone ko

“Importante ang sasabihin ko sayo. Kaya naman pumayag ka na please.”Pagpupumilit niya.

Dahil sa inis ko ay nataasan ko siya ng boses narinig ko naman ang pag buntong hininga niya.”Ano pa ba ang gusto mong pag-usapan natin Max?”

“Malalaman mo lang ang sasabihin ko kapag pumayag kanang makipagkita sa akin.”He answered.

Hindi na ako sumagot pa, bagkos ay hinayaan ko na lang siyang mag salita.

“I'll wait for you at the park at 6pm tomorrow. Please be there.” He said at kasabay din nun ay ang baba niya ng phone niya.

I was sleeping ng biglang pumasok ang mga tauhan ni Kira. Kaya napaayos ako ng upo at agad na humarap sa kanila. “ May bisita ka.” Sambit ng lalaking medyo may edad na.

“Ang ang swerte mo Pre.” Napa kunot noo naman ako dahil sa sinabi ng kasama niya. Pagkatapos kinalagan nila akong dalawa, kasunod din nun ay ang pagpasok ng babae na ikinagulat ko.

“Ariya?”Utal-utal na sambit ko. O baka naman dinalaw niya lang ako sa panaginip ko.

“Ako nga. Kumusta ka na?” Bigkas niya sa malungkot na boses.

“Akala ko wala ka na. Paanong nangyari heto ka at buhay na sa harapan ko?” Hindi makapaniwalang sabi ko. Because it's been 6 years since Ariya, Passed away. Kaya hindi ako makapaniwala na nandito siya at buhay. Kung alam niya lang kung gaano ko ginusto na mangyari ito noong mga panahong inakala ko na wala na siya. Halos araw-araw akong naglalasing noon at ginagawang tubig ang alak para lamang pansamantalang maibsan ko ang sakit ng pagkawala ng babaeng nasa harapan ko ngayon. We've been together for 3 years at isang taong na lang sana ay ikakasal na kaming dalawa. Pero dahil sa nangyari sa kanya ay tila naging isang alaala na lamang ang lahat ng ‘yun.

“I'm sorry, kung ngayon lang ako naglakas loob para magpakita sayo. But I swear sinubukan kong puntahan ka, para sana sabihin sayo na buhay ako. But it was too late for me, because you're happy with someone else. Alam mo naman yung motto ko di ba? Na kapag masaya na siya sa iba, ay hayaan na.”

I nodded “I know. But can you tell me what really happened that day?”

“My car crashed. And that's because of her.”

“Who?” Pagpupulit ko at sana sabihin niya sa akin kung sino ang taong may gawa sa kanya nun.

“You don't need to know. Dahil I'm sure na masasaktan lang kapag sinabi ko sayo kung sino. Basta ang importante ay alam mo ng buhay ako. Kahit alam kung nahuli na ako ng balik dahil ikakasal ka na.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nakita ko ang pag tulo ng mga luha niya sa mata.

“I have the right to know. Dahil hindi mo alam kung anong dinanas ko ng malaman kung wala ka na.”

She sighed for a moment then looked straight into my eyes. “Your fiancee.”

Parang sinakloban ako ng mundo dahil sa narinig ko. Hindi ako makapaniwala that Kath, was the reason behind Ariya's accident. At siya din ang naging dahilan ng naging pighati ko noon. Dahil inakala ko na patay na si Ariya.

Tumingin ako sa mga mata ni Ariya, at isang mapait na ngiti naman ang naging tugon niya "I'm sorry dahil wala ako noong mga panahong kailangan mo ako. I thought that you're gone kaya ako nagmahal ulit. Siya nga pala , why are you here?”

“I'm here because of Kira's help. Actually tinawagan niya ako at tinanong nya ako ng tungkol sa ating dalawa. And that's the reason why I'm here. And finally nagkita nanga tayo ulit. Pero wala akong balak na sirain ang pagsasama nyong dalawa ni Kath. Pero hindi ko rin kasi matiis na hindi sabihin sayo na buhay ako."

"I'm happy that you're alive."Kako at tumingin sa mga mata niya. At isang mahigpit na yakap naman ang binigay niya sa akin.

Pagkatapos naming mag-usap ni Ariya, ay sabay naman na lumabas ang dalawang tauhan ni Kira, para kalagan ako. "Pwede na kayong umalis."Sambit ng matandang lalaki.

Nagpasalamat ako sa kanila. Kung noon ay nagalit ako sa kanila dahil dinala nila ako dito. Pero simula ng makita ko si Ariya, ay tila nawala ang lahat galit ko lalo na kay Kira. "Let's go!"

I was preparing breakfast ng biglang sumulpot si Kira, sa likod ko."Kanina ka pa dyan?"Tanong ko.

"Nope, come on let's talk outside. Dahil baka may makarinig sa atin dito."Aniya pagkatapos ay nauna na itong naglakad palabas. Habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya.

"Speak up now." Kako at agad niloblob ang dalawang paa ko sa pool.

"My plan is succeeded and I'm sure right now ay magkasama na silang dalawa."Sabay malakas na tawa ni Kira. At ako naman ay naguguluhan sa sinabi niya.

"Sinong dalawa ba ang tinutukoy mo?"Tanong ko.

"I was talking about Ariya and Angelo."Sagot niya naman.

"Bakit ano ba ang meron sa kanilang dalawa?"Muli kung tanong dahil hindi ko kilala ang Ariya na tinutukoy niya. But I know Angelo.

"Si Ariya, lang naman ay ang dating fiancee ni Angelo. At ngayon ay tingnan lang natin kung anong magiging reaction ni Kath. Kapag nalaman niya ang tungkol dito."

"I'm sure masasaktan na naman siya. Anyways ngayong naging successful na ang naging plano mo ay sana naman ito narin ang huling beses na tutulungan kita. Dahil ayaw ko ng makisali sa gulo pa. At sana maintindihan mo ako."

Akala ko magagalit si Kira, sa sinabi ko ngunit ngumiti lang ito at tumango bilang pagsang ayon niya. And about Kath, ay sana makayanan niya ang lahat ng ito kapag nalaman niya. Sobrang mahal pa naman siya si Angelo at alam kung mahal din naman siya nito pero sadyang sukdolan lang talaga ang galit ni Kira sa kanya. Kaya niya ito nagawa at takot din kasi siya na baka isang araw ay iwanan siya ni Max, para balikan nito si Kath at ang anak niyang si Seb.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.