Chapter Chapter: 85

“Ang aga mo naman yata kumain ka na ba?” Tanong ko kay Max, dahil ang sabi ko kasi sa kanya kanina ay suduin niya ako dito sa bahay ng alas 8:00pm ng gabi pero akalain nyo yun wala pa ngang 8:00pm ay nandito na siya ni hindi pa nga kami naka handa ng anak ko.

“Excited na kasi akong makita ka.”Mahinang sabi niya na narinig ko naman at ng makita niyang tumaas ang kilay ko'y agad naman niyang binawi ang sinabi niya.

“Ang sabi ko excited na kasi akong makita ang magiging inaanak ko.”Sabay kamot sa ulo niya.

“Hay naku! Gutom lang yan Max. Hali ka sa kusina sumabay kanang kumain sa amin.”

“Sige ba, dahil hindi pa kasi ako kumakain dahil mas pinili ko pa kasing matulog kanina kaysa ang kumain eh.”Nahihiyang tugon naman niya.

Habang naglalakad kaming dalawa ni Max papunta sa may kusina ay bigla naman siyang huminto kaya pati ako ay huminto narin. “Max, okay ka lang?”

“Kath. May tanong ako sayo pero wag mo sanang mamasamain.”

“Sure, ano yun?”Sagot ko naman

“What if you see him with someone else. Would you get hurt?”Tanong niya habang naka fucos lang sa akin ang mga mata niya.

I sighed for a moment at pagkatapos ay tumingin na rin ako ng seryoso sa mga mata niya “Syempre masasaktan ako kasi mahal ko siya. Ikaw masasaktan ka rin ba kapag nakita mo si Kira, na masaya sa iba?”Pabalik kung tanong sa kanya

"Syempre hindi ako masasaktan."Tila nagulat naman ako sa naging sagot ni Max, sobrang mahal niya kasi si Kira, tapos sasabihin niyang hindi siya masasaktan. Eh mas pinili niya pa ngang ako ang masaktan noon dahil lang sa pagmamahal niya kay Kira.

"Bakit hindi ka masasaktan di ba mahal mo siya?"

"Oo, mahal ko siya noon. Pero simula kasi ng saktan ka niya'y nawalan na ako ng ganang mahalin siya. At sa tingin ko rin ay wala ng pag-asa na magbago pa si Kira."

“Hindi yan rason para di mo siya mahalin. Remember you left me just because of her.”Mahinang sabi ko.

“Alam kung nagkamali ako sayo at inaamin ko yun. Kaya nga ngayon ay sobrang nagsisi na ako sa ginawa ko sayo noon.

Malapad akong ngumiti sa kanya dahil sa sinabi niya “ Napatawad na kita. Kaya wag ka nangang mag drama dyan. Tara na dahil nagugutom na talaga ako."

Napakamot naman siya ng ulo niya. Na parang hindi yun ang gusto niyang magiging sagot ko. “ Hindi ako nag d-drama dito. Sinasabi ko lang kung ano ang saloobin ko.”

"Dumating ka na pala Max. Maupo na kayong dalawa ni Kath, dito para makakakin na kayo. Ako rin ang nagluto ng ulam ngayon kaya daminhan niyo ang pagkain. Dahil ayaw kung may makitang matirang pagkain dyan sa mga plato nyo."Panakot ni Ms Ferrer, kaya di ko maiwasan na mahinang mapatawa ng makita ko ang takot sa mukha ni Max. Naparami kasi ang ni lagay niyang kanin at ulam sa plato niya, kaya tiyak na mapapsubo siya ngayon sa kainan

"Mom. Who's he?" Out of nowhere na tanong ni Seb kaya napasulyap ako kay Ms Ferrer at Kay Max, dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"Sa tingin ko panahon narin para sabihin mo kay Seb kung sino si Max."Ani Ms Ferrer sa mahinahon niyang boses

Magsasalita na nga sana ako ngunit naunahan na ako ni Max. "I'm Max, Your dad."

Nakita ko naman ang hindi makapaniwalang reaction ng anak ko sa sinabi ng ama niya sa kanya. "You're my dad? Kaya pala magkamukha tayo kasi daddy pala kita."

"Dito kana ba mag stay daddy?" Seb ask his dad habang nangungusap ang mata dahil sa saya

"Nope son. Kailangan pa kasing ligawan ulit ng daddy ang mommy mo eh. Nasaktan ko kasi ang mommy mo noon. But don't worry kasi napatawad na ako ng mommy mo kaya palagi na tayong magkikita."

"That would be great daddy. I hope to play baseball with you soon."Naka ngiting sabi ni Seb sa daddy niya

"Daddy, let's have picnic with mom and with lola at Manang Anding this weekend po. Please!"Sabay hawak niya sa braso ng daddy niya kaya muntik ng malalag ang kutsarang hawak ni Max, na isusubo na sana niya sa bibig niya.

Tumayo si Max at pagkatapos ay niyakap ang anak ko na nagbigay saya ng puso"Okay son, basta para sayo lahat gagawin ni daddy."

"Punta muna akong convenience store bibili lang ako ng freshmilk para kay Elana."Sabi ko kay Tristan tumango naman siya kaya nagmadali na akong umalis dahil baka magising na sila Elana at mabatokan na naman ako dahil hindi ko pa nabili ang pinapabili niya. Mabuti na lang at malapit lang dito ang convenience store kaya madali lang akong makakabalik. Habang naglakakad ako sa may milk station ay biglang nahagip ng mga mata ko ang isang taong familiar sa akin na masayang naka ngiti habang nakahawak sa maumbok na tyan ng babae na para ba siyang ama ng dinadala nito. Kaya bago pa ako makagawa ng masama sa kanya ay pinigilan ko na ang sarili ko bagkos ay nilapitan ko siya para kausapin ng maayos.

"Angelo, Ikaw ba yan?"Tanong ko at tila na bigla naman siya ng makita niya ako.

"Ziggy, ikaw pala."Sabi niya pagkatapos ay suminyas muna ito sa babaeng kasama niya. Tumango naman ang babaeng kasama niya pagkatapos ay naglakad na ito palabas ng exit.

"Did she know about this? Di ba nakidnap ka at sino yung babaeng kasama mo kanina?"Sabaysabay kung tanong sa kanya.

"Nope she doesn't know about this. At mas mabuti pa na hindi niya na lang malaman ang lahat ng ito."Ani Angelo habang iniikot ang paningin sa labas ng convenience store.

"Angelo, naman... Kahit sabihin mong mas mabuti pang hindi niya malaman ito. Ay darating din ang araw na malalaman ni Kath ang lahat ng ito. Takte naman bro! Mahal na mahal ka niya at lahat kami gustong-gusto ka namin para sa kanya. Dahil akala namin mamahalin mo siya at hindi mo siya iiwan kahit anong mangyari. Tapos makikita ko na habang inaakala nilang lahat na nakidnap ka heto ka lang pala nagpapakasaya kasama ang ibang babae!"

"I'm sorry but Ariya is pregnant with our baby. At siya ang babaeng pinakamamahal ko."Seryosong sabi niya na para bang wala na lang para sa kanya ang pinagsamahan nilang dalawa ng kaibigan ko kaya bilang ganti para kay Kath ay malakas kung sinuntok ang pisngi ng gago.

"Yang pagsuntok ko sayo ngayon ay kulang pa yan sa sakit na mararamdaman niya kapag nalaman niya itong kagagohan na ginawa mo sa kanya ngayon. Ikakasal pa naman sana kayo. Pwe!" Galit kung sabi pagkatapos ay kinuha ang freshmilk na binili ko kanina.

"Okay ka lang?”Natatarantang tanong ni Ariya na halatang maiiyak

"Don't worry I'm fine. Wala lang ito kaya wag kanang mag-alala dahil makakasama yan sa baby natin."Sabi ko para maibsan ang pag-aalala ni Ariya, dahil bawal sa kanya ang stress.

"Are you sure sino ba ang lalaking yun akala ko ba mag-uusap lang kayo at bakit bigla ka niyang sinuntok?"Muling tanong ni Ariya

"Kaibigan siya ni Kath. Naiintindihan ko rin ang galit niya. Kaya hayaan na lang natin siya okay? Tara umuwi na tayo."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.