“I'm happy that you came.”Ngiting saad niya
“Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin dahil may pupuntahan pa ako.”Kako at agad na na upo sa harapan niya and after that he handed me a cup of coffee.
“Thanks for the coffee, Max. Now tell me what are you going to say makikinig ako.” I said
“ I think Kira did something terrible to you and Angelo, the day before your wedding. I also ask Kassandra about this but she chooses to be silent.”Ani Max, then drinks his coffee.
“I know. Alam kong isa siya sa dahilan. At nagawa ni Kira, ang lahat ng ito dahil sa pagmamahal niya sayo. Kaya sana naman habang maaga pa'y iwasan mo na kung ano man ang binabalak mong gawin para bumalik kami ng anak ko sayo. Dahil ayaw kong umabot sa point na pati ang anak natin na si Seb, ay masaktan din niya.” Sabi ko. Kilala ko na kasi si Kira, kaya alam kung gagawin niya ang lahat wag lang mawala si Max, sa kanya.
“Kapag may gawin siyang masama sa anak natin ako ang magiging kalaban niya. I'm sorry kasi ako ang naging dahilan kaya nangyari ang lahat ng ito. Kung hindi sana ako nagpadala sa tukso hindi sana aabot sa ganito ang lahat. At kung hindi ko lang sana sinayang ang pagmamahal na pinaramdam mo sa akin noon, ay masaya sana tayong tatlo ngayon. Napakalaki ng kasalanan ko sayo Kath, I'm sorry if I doubt you, and I'm sorry kung iniisip ko na hindi ko anak si Seb. Ang tanga ko!” Aniya sa malungkot na boses and I also see the sincerity of his eyes.
“Masaya akong marinig na nagsisi ka na sa lahat ng nagawa mo sa akin. But it's too late for me to comeback to you. Alam mo bang yan lang ang hinintay ko noon ang mahalin mo ako ulit. Pero hindi e’ hindi mo ako minahal ulit, Max. Bagkos ay mas minahal at mas pinili mo si Kira. Kaysa saming dalawa ni Seb. But don't worry because I forgive you. Let's be friends okay?”
“Thanks, Kath. But I'm not gonna give up on you. I'll wait until the day that you will love me again.”Sambit niya at imbes na uuwi na sana kami ay nagmadali tuloy kaming pumunta sa hospital ng sabihin ni Tristan na manganganak na daw si Summer. Kaya pati itong si Max ay nataranta narin dahil sa pagmamadali ni Tristan, na papuntahin siya. Nakakatawa lang kasi need niya daw ang presence ni Max at Ziggy.
Pagdating namin ng hospital ay sumalubong agad samin si Tristan, na namumutla na para bang siya ang manganganak. Habang si Ziggy, naman ay panay ang hawak kay Elana, na para bang takot itong makawala ang kaibigan ko. Anyways alam ko naman kung bakit dahil dalawang buwan nalang kasi ay manganganak na rin itong si Elana, kaya todo bantay itong si Ziggy sa kanya dahil may pagka clumsy kasi ang kaibigan kung iyan.
“How's Summer?” I ask
“Nasa labor na siya.”Sagot naman ni Tristan, na halatang kinakabahan at siya rin naman ang paglabas ng doctor na nagpaanak kay Summer.
“Congratulations! It's a baby girl.”Nakangiting sabi naman ng doctor.
“Thanks God at safe na nanganak si Summer.”Sabi ko.
“Congrats bro! You're a daddy now.”Sabi naman ni Max, sabay din namang nag congratulate sina Elana at Ziggy, kay Tristan.
“Did you tell Tita Anika about this?”Elana ask
“Yes, pagkatapos ko nga siyang tawagan kanina ay nag booked agad sila ni dad ng ticket pauwi ng Pilipinas just to see their first apo.”Tuwang saad ni Tristan. He's really a daddy now and I'm so proud of him. Lalo na kay Summer she's a mommy now and I'm happy for her.
“Siya pala kailangan ko na munang umuwi. Dahil baka hinahanap na ako ni Seb. Babalik nalang ako mamaya okay? At isasama ko nalang din siguro ang anak ko pagbalik ko dito.”
“Okay, Kath. Ingat ka sa pag-uwi ha?”Ani Tristan.
Aalis na sana ako ngunit pinigilan ako ni Max, “Hatid na kita, babalik na lang din ako mamaya.”
"Okay sige mabuti pa nga."Kako saka nauna ng nag lakad sa kanya. Ngunit napansin ko na bigla siyang huminto. Kaya mahina ko siyang tinapik sa braso niya.
"Hey, okay ka lang?" Tanong ko
"Yeah! Let's go."Sabi niya sabay kuha ng susi ng sasakyan sa bulsa niya.
"Anong oras ka babalik ng hospital para masundo kita ulit. Total babalik din naman ako dito kaya isasabay na lang kita."
"Wag na kaya ko naman mag drive ng mag-isa papuntang hospital. At isa pa baka awayin na naman ako ni Kira." Kako at akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan ngunit bigla namang lumabas si Max, para pagbuksan ako ng pinto.
"Okay sige, dito na lang muna siguro ako sa labas ng bahay nyo para hintayin kita." Aniya at napataas naman ako ng kilay sa kanya.
"Okay sige sunduin mo ako mamayang 8pm dahil baka isasama ko rin si Seb. Hindi kasi yun makatulog kapag wala ako." Sabi ko at tinanguan nya naman ako.
He smile" Okay copy that."
Napa iling na lang ako pag alis ni Max, saka mahinang napa tapik sa noo ko. Kung bakit ba naman kasi ako pumayag na sunduin niya dito mamaya.
Pagdating ko sa bahay ay nilapitan agad ako nina Ms Ferrer at ni Manang Anding "How's Summer?"
Malapad akong ngumiti sa kanila "Nanganak na po siya at babae ang naging anak nila ni Tristan."
"Wow! Baby girl diay. Mao diay blooming kay si Summer nga nag mabdos." Sagot ni Manang Anding. Pinili kasi nina Summer at Tristan na wag mag gender reveal para daw surprise at naging worth it naman ang naging desisyon ni lang 'yun."
"Kaya nga po e, at ang cute rin ng baby nila."Sagot ko kay Manang
Inikot ko ang paningin ko sa loob ng bahay dahil baka nasa baba lang si Seb at naglalaro "Where's Seb?"
"Nasa room niya natutulog." Ani Ms Ferrer pagkatapos ay inabot sa akin ang isang baso ng gatas. Kaya naisipan ko na maupo na lang muna dito sa may sala at para makapag usap din kaming tatlo. Medyo matagal tagal na din kasi kami hindi nakapag usap ng matagal.
“Good morning!” Malambing na boses ni Ariya. Na tila naging echoe sa tenga ko
I smiled “Good morning to you, too. C'mon let's have some pizza and soda at the terrace. I said at pagkatapos ay inalalayan ko siya paakyat sa taas.
“Thanks Angelo.”