Chapter Chapter: 87

Kath pov

Nakalabas na nga pala si Summer ng hospital at ngayon nga ay nasa rest house nila ito sa tagaytay kasama ang parents niya at ang parents ni Tristan. Dadalawin ko nga sana siya pero sakto namang nag leave rin si Maribela kaya wala magbabantay dito sa boutique ngayon kundi ako lang.

Kaya nag desisyon kaming lahat ng mga kaibigan ko na nextweek na lang namin pupuntahan si Summer at ang van na lang ni Elana at Ziggy ang gagamitin namin para sa isang sasakyan lang kami lahat.

I took my coffee and turned on my laptop ng biglang may pumasok na isang customer sa loob ng boutique

“Good morning Ma'am.” I greeted her.

She smiled and greeted me with “Good morning din.”

“Titingin-tingin lang muna ako at kapag may nagustuhan naman ako ay bibilhin ko.” Aniya na tinangoan ko naman agad.

“Sure.”Maikling sagot ko sa kanya.

“Bakit kaya mag-isa lang siya. Buntis pa naman siya. Hays, mga lalaki nga naman sa una lang talaga maalaga.

“I want to buy this and this one.”Sabi niya

Tumayo naman ako agad para kunin ang damit na suot pa mannequin na gusto niyang bilhin. Regalo niya siguro ito para asawa niyang wala pakialam sa kanya. Ano ba itong mga pinag-iisip ko napaka judgemental ko naman yata. Siguro busy lang sa work ang asawa niya kaya hindi siya nito na samahan.

Tunupi ko ng maayos ang binili niya saka maayos ko itong nilagay sa plastic “2,500 all.”

Pagkatapos niyang magbayad ay nagmadali na siyang umalis sakto rin namang alas 4:30 nang hapon kaya nag desisyon na akong mag close na ng boutique. Kailangan ko pa kasing sunduin si Sebastian, sa school nila.

After 5 minutes of driving ay nakarating na ako sa school ni Sebastian at kaagad na tinawagan siya sa phone niya. Nakita ko naman siyang naglakad na papunta sa sasakyan ko habang ka usap niya pa rin ako sa phone.

“Good afternoon mom, I miss you. Tuloy po ba ang outing natin with dad?”

Ayan na naman tayo sa tanong niyang ‘yan. Kaya tumango na lang ako. Dahil pati si Max, ay masyado na rin niya akong kinukulit dahil dyan sa outing na yan.

“ Yes, we're going on an outing with your dad. Are you happy now?”

Tila lumawak naman ang ngiti sa labi ng anak ko at agad na sinungaban ako ng mahigpit na yakap “ Super happy po ako mom.”

Habang nasa byahe kami pa uwi ay biglang sumigaw si Sebastian saka mabilis na pinindot nito ang maliit na botton para mabuksan ang bintana nitong sasakyan. Tinabi ko muna sa gilid ang sasakyan at hininto “Tito Angelo!”

“Seb! Bakit ka sumisigaw?” Tanong ko

“I saw Tito Angelo mom. With a pregnant woman.” Bumilis naman ang kaba ng dibdib ko sa sinabi ng anak ko.

Tumingin ako ng seryoso sa mga mata ng anak bago ko pinaandar ang sasakyan ko “Namalik mata ka lang anak. Your tito Angelo was kidnapped, remember? Kaya malabo na makikita mo siya rito.”

“ Siya po ‘yun mom. Naka hawak pa nga po siya sa kamay ng babaeng buntis eh.”

Mabilis kung iwinaglit sa isipan ko ang mga sinabi ni Seb kanina para hindi gumulo ang isip ko at nag desisyon ako na huminto muna kami sa isang korean restaurant para kumain.

At ng pagpasok namin sa loob ng korean restaurant ay biglang tumunog ang phone ko at sinagot ko naman agad and it was Max. Libre niya daw kami ng dinner kaya I texted him my location kung nasaan kami ngayon ni Seb.

“Tristan! may problema ka ba? Napansin ko kasi simula ng dumating tayo ng tagaytay ay ang lalim na ng mga iniisip mo. Nahihirapan ka na bang mag bantay ng anak natin?”

“Nope hindi ako nahihirapan sa pagbabantay ng anak natin. Pero this is about Angelo, hindi ko na kasi kayang itago ito sayo. Hindi ko rin alam kung sinong magsasabi ng tungkol nito sa kanya.”

“Sabihin mo sa akin at ako na ang magsasabi sa kanya.”

Humugot muna ako ng lakas ng loob bago ako nagsalita at na upo sa tabi ng asawa kong si Summer“Hindi siya nakidnap.”

Tumayo si Summer saka pinitik ang tenga ko "Anong hindi siya nakidnap. Di ba nandun tayo when he sacrifice himself para maging ligtas si Kath. Tapos sasabihin mo yan. Mabait si Angelo at kilala natin siyang lahat. Mahal niya si Kath."

"Maniwala ka mahal. Kahit tanungin mo pa sina Max at Ziggy. Buntis pa nga yung babae eh."

"Tristan! Your jokes is hindi na nakakatuwa masasapak na talaga kita dahil dyan sa mga pinagsasabi mo tungkol kay Angelo!”

Napa tayo na rin ako at kaagad na inalalayan na umupo ang asawa ko. Mahirap na at baka mabinat pa ito at baka mapagalitan pa ako ng mga parents namin. "Tama na nga itong pag-uusap nating ito. Dahil baka mabinat ka pa eh. Kaya sige na matulog ka na lang muna at ako nang magbabantay sa baby natin. I love you." Sabay halik ko sa pisngi niya.

Humalik rin si Summer sa pisngi ko "I love you too, mahal."

Ng makita kong naka tulog nanga si Summer ay napa buga na lang ako ng hangin at agad na nagpunta sa may terrace at saka napatingin sa kawalan habang iniisip kung paano ko sasabihin kay Kath, ang lahat. At kung sasabihin ko ba ito sa kanya ay pananiniwalaan niya kaya ako? Eh kahit ang asawa kongg si Summer nga ay hindi naniniwala sa sinabi ko.

Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si dad "Son, what are your thoughts?"

"Wala po dad."Pagsisinungaling ko

Dad handed me a coffee na tinanggap ko naman agad at dahan-dahan itong ininom

"Kailangan mo yan para hindi ka antukin habang binabantayan mo ang apo ko. Pero hindi nga anak ano ba talaga ang gumugulo ng isip mo?"

Kilalang-kilala talaga ako ni dad kaya I have no choice but to hell him everything.

"Son, pag pumunta si Kath, dito ay sabihin mo agad sa kanya yang tungkol kay Angelo. At kapag hindi siya naniwala sayo or sa inyong lahat. Ay hayaan nyo na lang na siya na mismo ang makakita at ang makaalam ng totoo. Basta ang importante ay sinabi nyo ito sa kanya at hindi nyo itinago ang katotohanan."

Dad is right either she believe us or not basta ang importante ay malaman niyang lahat.

"Thanks dad."

"You're welcome son. Sige iwan na muna kita dito. Dahil baka hanapin na ako ng mom mo at magalit pa yun, sa'kin. Eh lumabas lang naman ako sandali para silipin ang apo ko. " Sabi ni dad at nagmamadali na nga itong umalis.

- Ilang chapter na lang. Kaya abangan nyo ang pagtatapos ng akdang ito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.