Chapter 88

“We're here. How are you friend?” Tanong ko agad kay Summer saka agad na lumapit ako kay Baby Snow sa crib nito saka dahan-dahan ko itong kinuha para kargahin. Habang pinagmamasdan ko si Baby Snow ay para siya ang babaeng version ng daddy niyang si Tristan.

“Alam ko na yang nasa isip mo Kath. Kainis ako ang nagdala sa kanya ng siyam na buwan tapos si Tristan ang kamukha ni Snow ang unfair naman yata nun di ba?” Parang ewan na singhal ni Summer sa akin. Si Tristan naman ay pinipigilan na lamang ang sarili niyang wag matawa sa harapa namin ni Summer.

“Ang sabi nila na kapag raw kamukha ng tatay ang baby ang meaning raw nun ay mahal na mahal mo raw ang ama ng bata.”Kako na kinakunot naman ng noo ni Summer.

“Ganun pala yun?”Tanong ni Summer

Sumilay naman ang ngiti sa labi ni Tristan hayaan nyo na proud eh “Mahal na mahal mo pala talaga ako mahal?"

“Oo nuon yun. Pero ngayon sobrang naiinis na ako sayo.”Sabay bato ng unan ni Summer kay Tristan na nasalo naman nito agad.

“Hali na muna kayong lahat sa labas dahil naka handa na ang mga pagkain.”Sigaw ni Tita Anika sa amin. Kaya nagmadali na silang lumabas at ako naman at si Summer ay dahan-dahan na naglakad dahil karga ko parin kasi si Baby Snow at si Tristan naman ang siyang huli na lumabas dala ang isa pang crib ni Baby Snow.

“Kumusta ka na nga pala Kath?”Tanong ni Tita Anika sa akin sabay abot sa akin ng plato at kubyertos.

Agad ko naman tinanggap ang plato at kubyertos na binigay ni Tita Anika at kaagad na nilagay ito sa mesa ko “Ito pinipilit parin na maging okay tita.”

“Kahit hindi ka okay. Ay pilitin mo pa rin maging okay pakatatag ka lang Kath.”Sabay marahan na hinawakan ni Tita Anika ang kamay ko. Agad naman na naputol ang pag-uusap namin ng bigla na lang lumapit si Tristan sakin saka nilagyan ng pasta ang plato ko. This is his way of saving me dahil baka Saan pa umabot ang pag-uusap namin ng mommy niya.

“Tikman mo ito gawa namin ni Summer ‘yan.”Ani Tristan

Nag thank you naman ako sa kanya at saka pinilit na ngumiti “Thank you.”

“Kaya sige na at kainin mo na yan Kath. At ikaw naman Ziggy pakainin mo ng mabuti yang si Elana, dahil isang buwan na lang ay manganganak na yan.” Sabay turo naman ni Tristan sa kanya

“Stupid! I know. Saka hindi ko ginugutom yan noh. Ang sarap kaya ng mga pinapakain ko dyan!"Inis naman na sambit ni Ziggy sa kanya.

“After nito ay may sasabihin kami sayo Kath.” Napalingon kaming lahat ng biglang magsalita si Max habang pinapakain nito si Seb at siya rin naman ang pag tunog ng doorbell ng gate sa labas.

“Sa tingin ko si Ethan at Belle na 'yan.”Sabi ni Elana at di nga siya nagkamali.

Ngumiti si Belle sa amin habang hinimas himas pa ang tyan niya“Sorry hindi kami na kasama sa inyo kanina. Maaga kasi ang appointment ko sa obgyne ko alam nyo naman that I'm 5 months pregnant di nga lang halata kasi payat ako.”

“Congrats Belle. Kaya natin ito, fighting!” Pagchecheer naman ni Elana sa kaibigan namin na si Belle.

“Thank you Elana, dahil sa sinabi mo ay medyo na ibsan ang kaba na nararamdaman ko.”

“You're welcome Belle.” Sabay ngiti ni Elana saka agad itong sumenyas kay Belle at Ethan na ma upo na.

“Is that Baby Snow?”Masayang tanong ni Belle saka agad na napatingin kay Tristan kaya itong si Summer ay inis na lang na napakamot sa ulo nya.

“Parang ikaw ang girl version ni Baby Snow as in magkamukha talaga kayo.” Pagkasabi ni Belle nun ay suminyas sa kanya si Tristan at tinuro nito si Summer na galit ng nakatingin sa kanya.

“Where are we going Baby?”Tanong ni Ariya

Ngumiti ako sa kanya pagkatapos kong ayusin ang seatbelt niya “We're going to tagaytay para mawala ang stress mo. Ang sabi kasi ng obgyne mo ay makakasama raw sa baby natin kapag na stress ka."

Tipid namang ngumiti si Ariya sa akin at halata rin ang lungkot sa boses niya "Sorry napag alala pa tuloy kita. Okay lang naman sa akin kahit nasa bahay lang tayo."

Marahan ko namang pinasandal ang ulo niya sa dibdib ko "Matulog ka muna gigisingin nalang kita kapag nasa tagaytay na tayo. I love you."

"I love you too. At ingat ka sa pag drive mo."

Nasa may garden kaming lahat ngayon for a discussion may sasabihin daw kasi sila sa akin. At talagang pinaghadaan nga nila ito kasi ang daming beer at mga chips na nakalagay dito sa malaking mesa.

“Siguro naman naguguluhan ka kung bakit gusto ka namin kausapin ngayon at maniwala ka man o hindi sa sasabihin namin basta nasa sayo na 'yun. Ayaw kasi naming ilihim pa ito sayo kahit si dad ay alam din ito.” Tila mabibigat ang pagbigkas ni Tristan sa bawat katagang sinabi niya and he's right naguguluhan nga talaga ako at di ko rin alam kung kaya ko bang marinig ang sasabihin nila.

Inabotan ako ni Tristan ng isang baso ng wine saka ito mapait na ngumiti. Ano kayang meron at halos lahat na lang talaga sila ay ang seseryoso ng mga mukha habang nakatingin sa akin. Kahit nga si Summer, Elana at Belle na mga kaibigan ko ay ganun din ang naging expression.

"Kath. Hindi na nakidnap si Angelo, and I'm sorry to say this but he's living with another woman now. And that woman is pregnant. At nakita ko yun sinuktok ko pa nga sya sa mukha eh."Sambit ni Tristan na halos sinangayonan naman nilang lahat.

Tila sumikip naman ang dibdib ko sa narinig kong yun. At halos hindi ako makapaniwala na magagawa ni Angelo, yun sakin, because he promised to take care of me at ang sabi niya na mahal na mahal niya ako. Kung totoo man ang lahat ng ito ay ang tanga ko naman! At napaniwala niya ako.

"If this is a joke. Well it's not funny! Hindi na kakatuwa itong joke nyo."Kako habang pilit kung pinapakalma ang sarili ko.

Lumipat si Max sa tabi ng upuan ko pagkatapos ay humarap ito sa akin, saka tumingin ng seryoso sa mga mata ko "It's true Kath, dahil nakita ko rin siya remember nung nasa hospital tayo habang binibisita natin si Summer at habang pauwi na tayo at sa kalagitnaan ng paglalakad natin ay bigla akong huminto nagtaka ka pa nga nun eh. Yun yung time na nakita ko si Angelo na may kasamang babae."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.