Chapter Chapter: 96 Ending

“I'm okay mom, may sugat ka po.”Sabi ng anak ko at dama ko rin ang lungkot at takot sa mga mata niya.

“Okay lang ito anak. Hindi naman masakit ang sugat ko. Kahit anong mangyari anak ay hinding-hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo. Okay?”

“Okay po mom.”Sabay tango naman ng anak ko.

Kita ko naman ang galit sa mga mata ni Kira, habang nakatingin sa amin ng anak ko. Ngayon ko lang talaga napagtanto na may mga tao pala talaga na hindi matanggap na hiwalayan sila ng taong mahal nila. At dahil din sa sobra nilang pagmamahal ay kaya nilang pumatay ng tao.

Pumalakpak naman si Kira, saka tumawag ng malakas at kinilabutan ako sa tawa niyang iyon “Ganyan nga. Sulitin nyo na iyan dahil dahil ito na ang huling beses na magagawa nyo yan!”

TAGAYTAY RESTHOUSE

“Sana ay okay lang sila.”Ani Elana.

“Sana nga ay okay lang sila at maka uwi sila ng ligtas”Sagot ko kay Elana.

“Ang laki ng kasalanan ko sa anak ko. Tatanggapin niya pa kaya niya ako bilang ina niyang tumakwil sa kanya.”Narinig sambit ng mommy ni Kath na si Tita Mahalia.

“Oo, naman. Mabait si Kath, at sure akong papatawarin ka niya.”Sagot naman ni Tita Anika.

“Sana lang din talaga ay maging ligtas ang anak ko at ang mga kaibigan nya.”Ani Tita Matilda na ina ni Max.

“Sana nga Matilda ay wala din mangyaring masama sa anak kong si Austin.” Sambit naman ni Tita Shane. At talagang nagmamadali pa iyang magbook ng ticket pauwi ng pilipinas kasama si Tito Noah. Dahil nag-aalala sila na naka may mangyaring masama kay Austin.

ABANDONED BUILDING

“Max! Naghihintay na lang ba tayo dito?”Tanong ni Tristan.

“Wala ba tayong gagawin?”Tanong din ni Austin.

“Dito lang kayo. Ako na ang bahala na pumasok sa loob. Basta kapag natagalan ako ay tumawag na kayo ng mga police.

“Samahan na kita Max!”Suhestiyon naman ni Ethan. Ngunit hindi ako pumayag dahil ayaw kong may mangyaring masama sa kanya. Lalo na at magiging ama na siya sa unang anak nila ni Belle.

“Wag na Ethan. Dito na lang kayo at magbantay.”

Tumango naman siya “Sige dude. Pero mag-ingat ka."

Max pov.

Umalis na ako pagkatapos naming nag-usap ni Ethan. Sa likod ng abandonadong building ako dumaan para walang maka kita sa akin. At saka dahan-dahan ako na naglalakad papasok sa loob at doon nga ay nakita ko si Kath na nakatali ang mga kamay habang nakayakap ng mahigpit sa anak namin na si Sebastian na halos puno ng latay ang katawan at may sugat din ito sa labi. Napansin ko rin ang sugat sa magkabilang hita ng Kath, pati narin ang mga sugat sa magkabilang braso niya.

And there I saw Kira, holding a knife at may baril din na nakasukbit sa likod niya. At ang mga lalaking kasama din nya ay may mga baril din. At don ko nga napagtanto na hindi na talaga siya magbabago pa. Kaya wala na akong konting awa at pagmamahal na natitira para sa kanya. At ang nais ko na lamang ngayon ay ang iligtas ang mag-ina ko.

“Ang ganda nyo talagang pagmasdan gusto nyo kuhanan ko muna kayo ng picture para ibigay kong souvenir kay Max? Haha!”

“Kira, tama na please. Ako na lang ang saktan mo wag lang ang anak ko. Bata pa ang anak ko. Marami pa siyang magagawa sa buhay niya. Kaya sige na please ako na lang ang saktan mo.”Humahagulgol na sambit ni Kath. At tila nadurog naman ang puso ko ng marinig ko ang iyak niya.

“Sorry pero hindi ko mapag bibigyan ang gusto mo.”Pagkatapos sabihin ni Kira iyon ay kaagad niyang tinutok ang baril kay Sebastian, kaya mabilis akong tumakbo para puntahan sila ngunit huli na dahil sinalo ni Kath ang bala na tatama sana sa anak namin sa pamamagitan ng pagyakap niya.

“Kath!!!!”Natataranta na sigaw ko.

Nagulat naman si Kira, ng makita niya ako at kaagad na tinutok sa akin ang baril na hawak niya. At saka pinaalis niya muna ang mga tauhan niya. Habang ako naman ay nakahawak kay Kath.

“Please save Sebastian.”Mahinang bulong ni Kath sa tenga ko.

“I will, ililigtas ko kayong dalawa. Kaya wag kang matulog the help is coming.” I said, as she nodded at me.

Sinandal ko muna si Kath, sandali bago ko kausapin si Kira. “Kira, tigilan muna ito! Please mag bago kana. Hayaan muna kami na umalis. Para mo ng awa, I need to bring Kath and my son at the hospital.”

“Hindi- Dito ka lang! Hindi mo ako pwedeng iwanan Max! Di ba sabi mo mahal mo ako?”

“Kira! Hindi na kita mahal! Kaya please lang pakawalan mo na ako. Dahil kahit ano pang gawin mo ay hindi na talaga ako babalik sayo.”

At dahil sa sinabi kong iyon at tila mas lalong nagalit si Kira, pagkatapos ay pinutok nya sa akin ang baril nya at tumama iyon sa balikat ko. “ Kung hindi ka rin lang naman magiging akin... Mas mabuti pang patayin na lang din kita! Kasama ng mag-ina mo!”Sigaw ni Kira at akmang babarilin nya pa sana ako ngunit dumating na sina Ziggy, Tristan, Austin at Ethan na may kasamang police.

“Max! Okay ka lang?”Sabay tanong nina Ziggy at Tristan.

“Okay lang ako. Unahin nyo na lang na tulungan si Kath at ang anak ko.” Sabi ko at kahit nahihirapan ako nilapitan ko parin ang mag-ina ko.

“Kath, the ambulance is coming. Konting hintay muna okay?”Nag-aalala na sabi ko. Pagkatapos ay mahigpit kong niyakap silang dalawa ng anak ko.

“Thank you Max,”Ani Kath, pagkatapos ay agad itong tumingin sa mga sugat ko at nag-alala.

“May tama ka ng baril.”Nag-aalala na sabi niya.

“May tama ka rin naman.” Pagkatapos ng sinabi kong iyon ay siya din naman ang pagdating ng ambulance. At agad din naman na dinakip ng mga police si Kira.

“Anong sabi ni Tristan?”Tanong agad ni Summer.

“Nasa hospital na daw sila dahil may tama ng baril sina Kath at Max. Si Seb naman ay ginagamot ang mga natamong latay sa mga katawan nito.”Sagot naman ni Summer.

Kaagad naman na tumayo si Mrs Ferrer na agad naman sinundan ni Manang Anding papunta sa sasakyan“Puntahan na natin sila. Sasama ba kayong lahat?” Tanong ni Mrs Ferrer.

Summer Pov.

Sabay naman kaming lahat na tumango at napatayo at iniwan din muna namin ang mga anak namin ni Elana, sa papa niya. Nag-alala din naman na sumama ang mommy ni Max at mommy ni Kath. Sana lang talaga ay maging okay na silang lahat at magkapatawaran sa huli.

Dahil iyon lang din naman ang hangad naming lahat ang maging okay si Kath at ang parents niya at ang magkaroon din siya ng makakasama sa buhay dahil mabait naman siya. Kaya hindi niya deserve ang mga masasamang bagay na nangyari sa kanya.

At kung maging sila man ulit ni Max, ay siguro hahayaan na lang namin kung saan siya maging masaya. Nakita ko rin naman ang pagbabago ni Max, at pagpupursige nya para makuha ulit puso ni Kath.

“Kath, thank god that you're awake.”Umiiyak na sambit ni Mrs Ferrer. Habang napapagitnaan siya kay Summer at Elana.

“Wag na po kayong umiyak okay naman po ako eh. Nasaan po si Sebastian?”Tanong ko

Si Elana naman ang sumagot.“He's with his dad babalik din iyon.

“How about Max, is he okay?” I ask Elana.

“Okay lang siya, naglalakad na nga eh. At pabalik-balik din iyon dito para bantayan ka.

“Mommy! You're awake?”Sigaw ng anak ko, kasama ang daddy niya. Na may bandage pa sa kaliwang balikat nito.

“Sebastian! Thank god that you're okay. Hindi ko talaga kakayanin kung may nangyaring masama sayo anak.”Sabay yakap ko sa kanya.

“Strong po ako mom,” he said and laugh. Kaya halos lahat kami ay napatawa.

“Kath, anak…”Sambit ng familiar na boses.

“Sinabi na nila sa akin ang lahat. I'm sorry if I doubt you. I'm sorry sa mga masasakit na salitang nasabi ko sayo anak…And i'm sorry dahil itinakwil kita bilang anak ko. I'm also sorry dahil mas naniniwala ako sa ibang tao kaysa sayo na anak ko. I'm really sorry anak. Please forgive me.” Humahagolgol na sambit ni mom na sinabayan naman ng pagtaas baba ng mga balikat niya.

Pinahid ko naman ng mga palad ko ang mga luha ko. Saka seryosong tumingin sa mga mata ni mom. Marahan niya din na hinawakan ang mga palad ko. “I forgive you mom. I'm sorry din sa mga nasabi ko sayong hindi maganda non. I love you mom.”Kako sabay mahigpit na niyakap siya.

“Thank you anak, for forgiving me. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya dahil sa pagpapatawad ko sa akin. And I love you too, my daughter.”Ani mom at mabilis na kumawala sa pagkakayakap ko. Upang bigyang daan sina Mrs Matilda Ay Mrs Shane.

Marahan na hinawakan ni Mrs Matilda at Mrs Shane ang mga palad ko bago ito tumingin ng seryoso sa akin. At humingi ng tawad.

“Alam kong hindi madali para sayo ang mapatawad mo kaming dalawa ni Shane, Kath. Pero ganun pa man ay gusto pa rin namin na humingi ng tawad sayo at sa lahat ng mga nagawa at masasakit na nasabi namin sayo. Kung alam mo lang kung gaano namin pinagsisihan ang lahat-lahat. Ang tanga lang talaga namin kasi mas pinaniwalaan namin ang lahat ng mga paninirang sinabi ni Kira, tungkol sayo. Kaya sobrang na galit kami sayo. At sana kaya mo pa akong tanggapin na maging Lola ng anak nyo ni Max. Pinapangako ko magiging mabait na Lola na ako sa kanya.”

“Dama ko naman ang sinseridad sa mga sinabing iyon ng mama ni Max, na si Tita Matilda. Nakita ko rin ang lungkot sa mga mata ng mama ni Austin, na si Tita Shane. Isa kasi siya sa mga taong pumigil na maging kami ni Austin, at ang nagpumilit na maikasal sina Kassandra at Austin. At ang taong sobrang humusga sa akin. Pero past is past kaya hindi na ako nag atubili pa na patawarin silang dalawa. Dahil gusto ko rin naman na maging okay ang bawat pamilya namin at maibalik iyon sa dati. Wala na din naman akong problema dahil nakakulong na si Kira.

Masaya akong ngumiti at yumakap sa kanilang dalawa “Pinapatawad ko na po kayo. Masaya din po ako dahil okay na tayong lahat.”

“Maraming salamat Kath.” Masayang sabi ni Tita Matilda.

Si Tita Shane, naman ang nagsalita at nagpasalamat “Salamat talaga Iha. Kung nalaman ko lang talaga ang lahat ng maaga ay hindi na sana ako tumutol sa pagmamahalan ninyong dalawa ni Austin, noon.”

“Kalimutan nalang po natin iyon tita Shane. Masaya na po siya ngayon sa piling ni Kassandra, at ng anak nilang si Zian.”

Tumango naman si Tita Shane “ Tama ka nga Iha.” Ani Tita Shane saka muling yumakap sa akin. Ngunit biglang may nag bukas ng pinto. Lahat kami ay nagulat.

“Kath, can we talk?”Angelo ask.

Tumango naman ako bilang pagsangayon. At tila nakaintindi naman ang mga kaibigan ko pati na sina Tita at mom. Si Max, naman ay padabog na sinara ang pinto na kinatuwa ko naman.

“I heard what happened, okay ka lang ba?”Nag-aalalang tanong ni Angelo.

“Okay lang ako. Daplis lang naman iyon eh.”Kako at saka pekeng ngumiti sa kanya.

“Anong daplis ka dyan, tingnan mo nga ang sarili mo ang dami mong sugat. May saksak ka pa nga at tama ng baril.”Madiin na pagkakasabi niya. Napaghahalataan ko tuloy na sobrang nag-aalala nga siya sa akin.

I tried to change the topic para malaman ko kung bakit nandito siya. Kasi the last time I remembered he was so mad at me. To the point na may gagawin siyang masama sa akin dahil lang sa mga hindi totoong sinabi ni Ariya sa kanya.

“Why are you here, Angelo?” I ask.

“ I know everything Kath…Ariya Lied to me at alam ko rin na nakipagsabwatan siya kay Kira para layuan kita at magalit ako sayo. At ang pakikipagkita niya sa akin ay planado na pala nilang dalawa ni Kira iyon. I'm sorry naging mahina ako kaya ako naniwala sa lahat ng sinabi ni Ariya. Pero after what I said to you at the boutique ay nasaktan ako at inaamin ko—ayaw kong maramdaman iyon because of what you did to Ariya. Pero kung nalaman ko lang ng maaga ang mga kasinugalingan ni Ariya. Ay hindi sana kita iniwan at pinagsabihan ng mga masasakit na salita. Nangako ako sayo na mamahalin at hindi kita sasaktan. Pero sa huli ay sasaktan din pala kita. Can you please give me a second chance to love you right, Kath… Can you please forgive me and marry me again?”Sabi ni Angelo at lumuhod sa harapan ko. Habang lumuluha. Nakita ko rin sa mga mata nya ang sobrang pagsisi niya. I know I love Angelo, but… I don't want to hurt Ariya, Lalo pa at dala-dala niya sa sinapupunan nila ang magiging anak nilang dalawa ni Angelo. Ayaw kong maging selfish Lalo pa at nanay din ako.

“I'm sorry Angelo…Kaya kitang patawarin–Pero hindi kona kaya na muling ibigay sayo puso ko. And thank you dahil humingi ka ng tawad. I guess this will be our closure. Because I know, why Ariya lied to you at kaya siya nakipagsabwatan kay Kira ay dahil mahal ka niya. At magiging daddy kana sa magiging anak nyo. Kaya sana naman mapatawad mo siya.”

“I understand. Pero hindi ko mapapangako na mamahalin ko siya kagaya ng pagmamahal ko sa kanya dati. I love you Kath, just remember that…”Malungkot na sabi ni Angelo. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya habang papalayo siya. And I said to myself “You did the right thing Kath.”

A MONTH LATER…

“Kath, thank you for giving me a second chance promise hindi ko na sasayangin itong second chance na binigay mo sa’akin and I promise you that, I will love you till we grow old at magkaroon ng Apo. Ang dami kong natutunan sa mga nangyari lalo ang kung paano pahalagahan ang pamilya. Na realize ko rin na sa una lang talaga masaya kapag nagpatukso ka sa iba at in the end ay magbabago din ang lahat. At marerealize mo nalang na mas mahalaga ang pamilya kaysa sa babae na naging dahilan ng pagkawasak na pamilya nyo. And that's what happened to me. I love you so much Kath, Will you Marry me again?”Masinseridad na sambit naman ni Max, habang nakaluhod sa harap ko at may hawak ng diamond ring.

Yes I forgive Max, and give him a second chance. I know sa tingin nyo marupok ako kasi pinatawad ko siya. Pero I realize how much he changed into a good person. At kung paano siya bumawi sa naging kasalanan niya sa amin ng anak ko. At kung paano siya walang tigil sa pag pursue sa akin para lang bigyan ko siya ulit ng chance. At sa mga pinakita niya ay worth it naman na patawarin ko siya at mahalin ko siya muli. “You're always welcome Max. I love you too. And Yes! I will marry you again.” Pagkatapos kong Sabihin iyon ay nagpalakpakan lahat ng mga kaibigan at mga pamilya namin. Habang si Sebastian naman tumatalon-talon pa habang naka taas ang dalawang kamay dahil sa tuwa dahil ikakasal ulit kami ng daddy niya.

The End….

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.