Chapter Chapter: 95

“May sinabi silang address sa akin at pinapapunta nila ako don. Ang sabi nila dapat ako lang ang mag-isa na pumunta at wag daw akong tumawag ng mga police. Dahil kapag ginawa ko iyon ay papatayin nila ang anak natin. Anong gagawin ko Max? Hindi ko kaya kapag may nangyaring masama kay Seb.”

"Wag kang mag-alala. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa anak natin. Ibigay mo sa akin ang address. Ako nang pupunta.”Ani Max.

“No, hindi pwede. Dahil ako ang gusto nila na papuntahin at hindi ikaw. Kaya hayaan mo na lang na ako ang pumunta para maging ligtas ang anak natin.”Pakiusap ko sa kanya. Na sinangayonan naman niya.

“Okay. Sige. Pero dapat ibigay mo pa rin sa amin ang address kung saan nila dinala ang anak natin. At kailangan palihim ka naming sundan dahil baka may gawin silang masama sayo. Lalo pa at wala naman silang hinihinging pera sayo. Promise hindi nila malalaman na sinusundan ka namin.”Ani Max. At may point din naman ang sinabi niya. Dahil paano na lang kung may gawin nga silang masama sa amin ni Sebastian, I'm sure kapag nagkataon ay walang tutulong sa'min.

“Okay sige. Basta ba hindi nila malalaman. Thank you Max.”Sabi ko saka malungkot na ngumiti.

“Wag kang mag thank you. Anak ko rin si Seb, kaya obligasyon kong iligtas din sya. Kahit ibuwis ko pa ang buhay ko para sa anak natin ay gagawin ko iyon Kath.”

“Sasamahan kita Max.”Sambit naman ni Tristan.

“Sasama rin ako.”Ani Ziggy

“Ako din sasama ako.”Sabi naman ni Ethan, habang nakahawak sa mga kamay ni Belle.

“Dapat kasama rin ako.” Si Austin naman ang nagsalita.

“Sige maraming salamat sa inyong lahat.”Sabay na sagot naman namin ni Max.

“Kath, try to track Sebastian's location on his smartwatch kung same location lang din ba sa gps kung saan nila dinala ang anak mo at ang address na binigay ng kidnapper sayo.”Suhestiyon naman ni Ziggy. At don nga naalala ko na binigyan niya pala si Sebastian ng smartwatch for his safety sa takot niyang baka may gawin na masama si Kira, sa anak namin ni Max.

“I will.” At ng tingnan ko sa phone ko ang location ni Sebastian ay tugma lang din ito sa address na ibinigay ng mga kidnapper.

“Yes, same location lang din.” Kako

“That's great. Ano pang hinihintay natin? Tara na! puntahan na natin si Seb.”

"Binyag ng anak mo ngayon tapos aalis ka?"Tanong ko kay Tristan.

"Kath, tapos na naman ang binyag ng anak ko. I'm sure maintindihan din naman nila Mom kung bakit ako aalis. Pati narin ni Summer."

"Oo nga naman kath. Kaya wag kanang mag-alala dyan at ako na rin ang bahala na magsabi kila mom." Sambit naman ni Summer. Pagkatapos ay niyakap nila ako ni Elana.

“Thank you Summer.” I said at saka mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan ko at kaagad na pinaadar ito.

“Mag-ingat kayo don.”Dugton naman ni Elana.

“Is she coming?” Tanong ko sa mga kidnapper.

“Oo, ang sabi nya ay papunta na sya.”

"Mabuti naman kung ganon. Basta pagdating ng Babaeng iyon dito ay itali nyo kaagad ang mga kamay niya. Dahil may maganda akong gagawin sa kanya." Sabay halakhak ko ng tawa. Dahil unti-unti ko mo na siyang pahihirapan bago ko siya patayin. Dahil kung hindi rin lang naman magiging akin si Max. Pwes! Mas mabuti pang patayin ko na lang din si Kath, para hindi na sila magkabalikan pa. Dahil ayaw kong ako lang nagdurusa samantalang silang dalawa ay masaya at isasama ko na lang din itong anak niya. Tingnan lang natin kung hindi ka magdusa Max, sa gagawin kong ito. At sa pag-iwan mo sa akin.

"Summer, bakit umalis sila Tristan?"Tanong ng mama ni Tristan na si Tita Anika.

"Mom, Sebastian, was kidnap. At pinapunta ng mga kidnaper si Kath ng mag-isa. At tinakot pa siya ng mga kidnapper na kapag nag report siya sa mga police ay papatayin nila si Sebastian. Kaya naman ay palihim na lamang nilang susundan si Kath. Para hindi sila mabisto ng mga kidnapper."

"Sana lang talaga walang mangyaring masama sa mag-ina."Nag-aalalang sabi ni Tita Anika.

"Ipagdasal nalang po natin mom. Na walang mangyari sa kanila may awa naman po ang diyos alam kong hindi niya pababayaan si Kath at si Sebastian." Saad ko naman'.

"Kailangan malaman ito ni Mahalia at ni Lucas."Ani tita Anika pagkatapos ay nagmamadaling puntahan sina Tita Mahalia at tito Lucas. Sana lang talaga may konting katiting na awa man lang sila kay Kath. Lalo pa at matagal na nilang itong itinakwil bilang anak.

"Mahalia, Lucas. Ang apo ninyo na si Sebastian ay nakidnap. At ngayon nga ay pinuntahan na ito ng anak nyong si Kath."

Nag-angat naman ng kanyang kilay si Tita Mahalia. Habang si Tito Lucas naman ay kita ang pag-aalala sa mukha nito. "Ano naman ngayon kung nakidnap si Sebastian. Saka wala akong anak na Kath ang pangalan."

Tila nagalit naman si Tita Anika sa sinabing iyon ni Tita Mahalia. "Hindi ka man lang ba nakokonsensya sa sinasabi mong iyan? Mahalia anak mo si Kath at apo mo si Sebastian! At talagang pagsisihan mo talaga ito sa huli kapag may nangyaring masama sa kanila."Singhal ni Tita Anika.

Tila natamaan naman si Tita Mahalia sa sinabi ni Tita Anika kaya hindi agad ito nakapagsalita.

"Ako na ang humihingi ng pasensya sa mga nasabi ng asawa ko sayo Anika."Hinging paumanhin ni Tito Lucas, at kaagad na pumagitna sa nagliliyab na pagitan nina Tita Anika at Tita Mahalia.

"Iyan! Kaya lumalaki ang ulo ni Mahalia Kasi palagi mong kinukunsinti ang mga mali niya. Hanggang kailan nyo ba kanyang tiisin ang anak nyo Lucas! Kapag wala na siya at hindi nyo na maka-usap?"

"I'm sorry Anika."Hinging paumanhin ni Tita Mahalia pagkatapos ay nagmamadali na itong umalis kasama si Tito Lucas.

Pagdating ko sa address na ibinigay ng mga kidnaper ay luminga-linga muna ako sa buong paligid. At kaagad na pumasok sa loob ng isang abandonadong building. At doon nga ay Nakita ko ang dalawang lalaki at may barili din nakasukbit sa kabilang tagiliran nila. Sabay din silang lumapit sa akin at kaagad nilang nilagyan ng tali ang mga kamay ko.

"Lakad na! Basta siguraduhin mo lang talagang wala kang kasama at hindi ka nagsumbong sa mga police."Singhal ng isa pang kidnaper na nasa twenties.

"Mag-isa lang akong pumunta dahil iyon ang sabi nuon."Pagsisinungaling ko naman.

Tumango naman ang isa sa mga kidnapper na nakatakip ang mukha. "Sige pumasok ka na sa loob. Hinihintay ka na niya don."

Naglakad na nga ako habang silang dalawa naman ay naka sunod lamang sa may likod ko. Hindi ko rin sila nakilala dahil sa mga takip nila sa mukha. At akmang bubuksan ko na sana ang pinto ay bigla naman nilang tinakpan ng panyo ang mga mata ko. Kaya hindi ko alam kung sino ba ang taong nag utos sa kanila na kidnapin ang anak ko. Ang laki naman siguro ng galit niya para gawin nya ito sa amin. At don nanga sumagi sa isipan ko si Kira. Kasi siya lang naman ang taong malaki ang galit at kaya itong gawin sa akin.

Nandito na ako. Nasaan ang anak ko?"Tanong ko. Ngunit hindi siya sumagot bagkos ay may naramdaman na lang akong isang matulis na bagay na dumaplos sa braso ko.

"Aray! Bakit mo ba ginagawa ito at sino ka ba?"Tanong ko ulit. Pagkatapos ay bigla nya namang sinaksak ang mga hita ko. Kaya napadaing na talaga ako dahil sa sobrang sakit

"Bakit ko ba ginagawa ito? Nagtanong ka pa talaga! Bakit ba kasi hindi ka na lang mawala!"

"Kira?"I ask.

Galit nya namang hinablot ang nakatakip sa mga mata ko at kaagad na nagsalita. "Oo. Ako nga ito! Alam mo bang excited na ako sa gagawing kong pagpapahirap sayo?"

"Bakit mo ba ito ginagawa Kira? Please ibigay mo na sa akin ang anak ko. Nagmamakaawa ako sayo."Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Bakit? Simply lang kasi mang-aagaw ka! At kung hindi sana dahil sayo ay hindi sana ako hiwalayan ni Max! Kung sana na matay ka na lang nung una. Hindi na sana tayo umabot pa sa ganito!"

"Hindi ko siya inagaw sayo Kira! Kaya ko ng wala siya sa buhay ko. At masaya na ako na kami lang dalawa ni Sebastian. Kaya sige na Kira. Ilabas muna ang anak ko."

"You shut up!"Galit na sigaw niya sa akin habang unti-unting ibinaon sa tagiliran ko ang patalim na hawak niya."

"Please Kira! Nagmamakaawa ako sayo ibigay muna sa akin ang anak ko."Kako habang umiiyak. Pero demonyo talaga si Kira, dahil tinawanan niya lang ako.

"Sige gusto mo siya makita. Ayan! Ayan na siya."Ani Kira, halos nanlumo naman ako sa nakita ko. Dahil sa dami ng latay sa katawan ng anak ko. At may sugat din ang bibig niya.

"Walahiya ka! Demonyo ka talaga! Kung may galit ka sa akin. Dapat sa akin lang wag mong idamay pati ang anak ko dito!"

"Kulang pa yan! Dahil sabay ko kayong dalawang papatayin ng anak mo."

Pagkatapos niyang Sabihin iyon ay kaagad akong tumakbo palapit sa anak ko. "Anak... Okay ka lang? I'm sorry dahil nadamay ka sa galit nya sa akin." Kako saka mapait na napapikit at mahigpit na niyakap si Sebastian.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.