Rachell POV
"Nay? Umuwe po ba si kevin kagabi? Parang kanina ko pa po kasi siya di nakikita e." Tanong ko kay manang matapos makaupo sa hapag kainan. ngayon lang nangyari na di ako ginugulo ni kevin, hindi ako sanay namimiss ko ang amoy nito.
Hapon na pero ni anino ni kevin di ko pa din nakikita. Napaisip tuloy ako kung sobra na ba talaga lahat ng mga sinasabi ko at pinapagawa sa kanya kaya hindi siya nag papakita saakin? Kaya hindi niya ako ginugulo ngayon.
"Nakauwe na anak kaninang madaling araw din siya nakauwe pero umalis din pag dating ng alas otso ng umaga kasama ang mga bisita niya ipinasyal niya." Sagot nito habang nag hahain ng pag kain.
"Ganun po ba. sino pong mga bisita? Bakit di niya po ako ginising para nakasama ako." Nag hahaba ng ngusong saad ko habang sumasangdok na ako ng pag kain ko.
“Mga bisita ni kevin yun mula sa manila na lumuluwas dito tuwing bakasyon.” Saad nito "Hayaan mo na iha yayain mo nalang ang asawa mo pag uwe para makapag solo kayo. Pauwe na din naman siguro sila dahil kanina pa ang mga yun umalis." dagdag na sagot nito saakin.
“Okay po.” Tumatangong sagot niya sa matanda "Nay sabayan nyo na po ako kumain." Yaya ko pa dito habang ngumunguya. Grabe sobrang sarap talaga mag luto ni manang ng ginataan alimango at adobong pusit.
"Naku mamaya nalang ako iha, sige lang kumain ka lang damihan mo ang pag kain ng gulay wag puro alimango at pusit ang kinakain mo." Saad nito saakin.
Mag rereklamo sana ako tungkol sa gulay ng makarinig kami ng mga tawa na parang papasok sa loob ng bahay. Napatigil ako sa pag kain ng marinig ito siyaka lumingon sa pinag mulan ng mga boses.
"Papa balik po tayo dun ahhh ang saya po dun!" Masigla at masayang saad ng batang lalaki na buhat ni kevin.
Kunot noo ko ang mga ito na tinignan "papa? May anak siya sa ibang babae? " kunot noong tanong ko sa sarili. Habang tinitignan at sinusuri ko ang sayang bumabalatay sa mukha ng asawa ko habang nakatingin sa batang tinawag siyang papa.
napaka walangya talaga!
"Sure body babalik tayo dun pero sa ngayon kailangan mo nang mag pahinga. Gusto mo bang bumalik sa White House na napaka raming nurse sige ka babalik ka dun pag di ka nag pahinga." Banta nito sa bata habang binabangkit ang pangalan ng hospital.
"Ayaw po papa. Papa baba mo na po ako mag papahinga na po ako." Masigla pa din saad ng bata bago nag tatakbo paakyat tila kabisado nito ang bawat sulok ng bahay.
"Baby stop running baka madulas at mahulog ka sa hagdaan!" natatawang malumanay na saad ng isang babae sa gilid ni kevin na ngayon ko lang napansin.
“Opo mommyyyyy!” Tili pa ng batang lalaki.
"arianne." Bulong ko nang makilala kung sinong babae ito. Nag kaanak sila? Mag tataka pa ba ako? Kung sa simula pa naman e ito ang palaging bukambibig ni kevin at palaging kasama sa tuwing umalis si kevin ng bahay.
Gusto kong umiyak at mag sisisigaw sa galit. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong i react sa narinig at nasaksihan ko. Bakit kailangan abulin ako ni kevin?, Bakit kailangan hanapin niya saakin ang mga anak ko? bakit gusto niyang magkaayos kami kung may pamilya na pala siyang iba? Bakit kailangan dalhin niya ako dito? Kung dito niya pinapatuloy ang kabit niya at anak niya sa labas? Para ano? Para pag mukain nanaman akong tanga? Para pasakitan? Para ano? Naguguluhan at nasasaktan ako.
"Nay pakitabi nalang po itong mga pag kain nawalan na po ako ng gana kumain." Saad ko matapos tumitig sa mga ito. Nanaintindihang niligpit nito ang mga pag kain pati na din ang pinag kainan ko.
walang salitang nag lakad ako papunta sa hagdanan "Han?" Dining kong boses ni kevin. Hindi ako lumingon o tumingin dito at nag diretsyo lang ako sa marahan pag lalakad papanik sa taas hindi ko kasi alam kung ako o si arinne ang tinatawag nito.
"Hey, Hindi ka pa tapos kumain ahh bakit aakyat ka agad masama ba ulit ang pakiramdam mo?" Malumanay na saad ni kevin ng pigilan ako nito sa pamamagitan ng marahan pag hawak sa braso ko. Hindi ko alam kung manhid lang ba si kevin o sinasadya niya ito para pasakitan ako.
Tinignan ko ito ng di makapaniwala " manhid ka lang ba o sinasadya mo to? Para ano? Ah?" Saad ko dito matapos kong nilihis ang pag kakahawak nito sa braso ko.
Nagtatakang tinignan ako nito " Han sinasabi mo?" Takang tanong nito. Nag tataka sa inaasal ko at pakitungo ko dito.
"Pwede ba kevin tigilan mo na ang pag a-acting mo na parang wala kang alam. Ano yan? Bakit dinala mo sila dito-.” Kunot ang noong saad ko habang masamang nakatingin sa mga mata ni kevin.
nagtataka pa rin ang tingin na pinupukol nito saakin "Dahil dito sila pansamantalang nakira habang-." Paliwang nito. Hindi makapaniwalang tinitigan ko ito, nananatiling nalilito ito.
"Wow so balak mo pala kaming patirahin ng kabit mo at anak mo sa labas sa iisang bahay?" Natatawa na naiis na tanong ko dito umaasa na tulad ng dati nag kamali lang muli ako ng rinig.
Mahal niya ako diba? Kaya Bakit dito niya patitirahin ang babaeng sumira ng pag sasama namin? Ang babaeng naging dahilan kung Bakit lumaki ang mga anak ko na walang ama, ang babaeng mas pinili niya kesa saamin ng anak niya noon.
Sinabi ko noon na di ako galit kay arianne dahil naiintindihan ko ito, ang hindi ko maintindihan kung bakit kailangan malaman ko pang malaman na may anak ang asawa ko sa babaeng nanira saamin at kung bakit kailangan sa iisang bahay lang kami nakatira. Hindi na ba makatiis ang asawa ko kaya pati kabit niya tinira niya dito kasama ako?
Ilang minuto ang nakalipas ngunit hindi pa din ito nag sasalita nakatitig lamang ito saakin. " Please Han pagod kami, pagod ako mamaya ko ipapaliwanag sayo kapag nakapag pahinga na ako-." Maya mayang saad nito matapos bumuntong hininga.
"Forget it." Walang buhay at naiinis na saad ko dito siya ako nag lakad palabas imbis na papanik sa itaas.
Nasasaktan ako ng sobra kevin!
"Saan ka pupunta?" Habol tanong nito saakin.
"Uuwe sa manila!" Sigaw pabalik ko dito.