Chapter 29

Rachell POV

Ang dapat na pag alis ko sa lugar na ito ay naudlot bukod sa wala akong pera pamasahe wala din gustong mag hatid saakin pamanila. Bakit ba inaasahan ko na susundin ako ng mga tauhan ng asawa ko at tutulungan ako ng mga ito e ang loyalty ng mga taong andito ay para lang kay kevin. Kay kevin lang sila nakikinig miski ang mayordoma ng bahay na nag iisang kasundo ko ay kay kevin din ang loyalty.

Naiinis na naiiyak na ako sa halo halong emotion na nararamdaman ko dagdag pa ang pag iisip ko sa kung ano nang mangyayari saaming mag iina? Hihiwalayan na ba ako ni kevin dahil dito? Kaya niya ba ako hinahabol dahil gusto niyang makipag hiwalay? Iniisip ko tuloy na baka acting lang ang lahat ng pinapakita nito saakin na hindi totoo ang lahat ng kwentong sinabi nito saakin tungkol sa tunay nitong nararamdaman para saakin. Isama pa ang mga matatamis na salitang binitawan nito na baka isa lamang kasinungalingan para makuha ang loob ko tapos ay bigla akong iiwan makaganti lang sa ginawa kong pag iwan.

Pero sinasabi din ng kabilang iside ng sip at puso ko na hindi ganitong tao si kevin. Mas matagal kong nakilala si kevin kesa kay arinne kaya dapat alam ko yun. Pero adun pa din yung takot na baka maaaring nag bago na ito at di na tulad ng dati.

"Hi po. Bakit ka po umiiyak?" Inusenteng tanong ng batang lalaki sa harap ko sabay pahid nito sa pisnge ko na may tumulong luha. Parang biglang natunaw yung puso ko sa ginawa ng batang to. Naalala ko tuloy ang kambal ko ganito din sila saakin pag nakikita nilang malungkot at nasasaktan ako e. Namimiss ko na ang mga Baby ko.

"Namimiss ko kasi yung mga baby ko." Tugon ko dito sabay bahagyang ngumiti. Pansamantala akong umiiwas kay kevin ngayon at sa ina ng batang ito. Nasasaktan kasi ako, sa tuwing nakikita ko kasi sila naaalala ko lang kung paano nagiging masaya si kevin kapag kasama niya si arianne at yun ang iniiwasan ko ayoko kasi ma stress pero kahit anong pag iwas ko nasasaktan pa din ako at nadudurog sa katotohanan may iba pang pamilya ang asawa ko bukod saamin ng mga anak ko.

"Gusto nyo po ba ako na muna po ang gawin nyo po na baby mo para po di ka na po magiging sad at nag cacry?" inusenteng muling Saad nito na naging dahilan ng bahagyang pag ngiti ko. Napaka lambing na bata.

"Tapos po tatawagin ko din po kayong mama para dalawa na po ang mama ko." Dagdag pa nito habang nakangiti. Nakangiting hinawakan ko ang ulo nito. Pansin kong palagi itong nakbonet.

"Sure baby, alam mo sobrang lambing mo para kang yung mga baby ko sobrang lambing din." Saad ko siyaka ito pinaupo sa tabi ng kamang kinauupuan ko.

"Talaga po? gusto ko po tuloy sila makilala at makalaro kaso po hindi po pwede e sabi po kasi ni doc. ganda bawal na po ako mag play ng sobra sobra." Malungkot na Saad nito habang nakayuko at sa mga paa nito nakatitig.

nag tatakang tinignan ko ito. Bakit? Tanong ko sa isip “Bakit? Bakit bawal?" Kunot noong tanong ko dito.

"Kasi po my sick po ako e. Sabi po ni doc. ganda super strong daw po kasi ng sakit ko kaya kapag nag play po ako ng sobra sobra matatalo po ako ng bad na sakit ko" Malungkot na saad nito sabay tanggal sa bonet na suot suot nito sa ulo. Nagulat ako ng makita ko ang tuktok ng ulo nitong wala nang kahit isang butil ng buhok.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.

"May canshel (cancer) daw po kasi ako." malungkot muling dagdag nito.

"Josh diba sabi sayo ni mama mag pahinga ka na." Saad ng babae sa pintuan ng kwarto na naging dahilan upang lingunin ito ng bata.

"Nakita ko po kasi si mama na umiiyak mama kaya nilapitan ko po siya tapos po mama alam mo po may baby din po siya katulad ko po kaso po nasa malayo kaya namimiss niya po kaya umiiyak po siya kaya sinabi ko po na pwede niya din po ako maging baby ni mama habang wala pa po yung mga tunay niya pong mga baby-." Madaldal na saad nito sa ina na bahagyang kinangiti ko. Napaka bibo

"Wala ka talagang kapaguran gusto mo ba na dalhin ka ulit namin ni papa sa hospital?" Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong ireact sa eksena na kikita ko. Gusto kng maaawa sa kalagayan ng batang to At the same time natutuwa dahil bibo ito naparang yung kambal ko at nasasaktan din ako. Nakalimutan kong anak din pala ito ng asawa ko sa ibang babae at sa babaeng palaging Karibal ko kay kevin.

"Ayaw po." sumusukong saad ng bata sa ina.

"Yun naman pala e sige na pahinga ka na anak tapos bukas papasyal ulit tayo nila papa gusto mo yun diba?" Nakangiting saad ng ina nito sa kanya na kinaangat ng ulo nito at kinangiti.

"Opo!!! Opo!!! Matutulog na po ako mama! Bye mama ko." Excited na saad nito sabay halik sa pisnge ng ina matapos ay nag lakad muli pabalik saakin. " babye din po mama." Saad nito sabay halik din saakin sa pisnge matapos akong yakapin siyaka ito nag tatakbo papunta sa kwartong nakalaan para dito. Naramdaman kong ang malaking tensyon sa pagitan namin ni arianne. Tumagal muna ng ilang segundo bago ito sinundan ng ina nito sa kwarto nito.

Siya naman dating ni kevin. Walang salitang nag diretsyo ito sa banyo upang maligo pero bago ito makapasok ay pinigilan ko ito.

"Aalis kayo bukas?" Bungad ko dito.

"Please intindihin mo naman ako. kahit ngayon lang Rachell.” Mahinahon saad nito.

Rachell? Rachell nalang ang tawag niya saakin ngayon.

“Ginagawa ko ito para sa bata. May sakit ito at di ko kayang nakikitang Nalulungkot at nasasaktan yung bata. Mahal ko ang batang yun saakin lumaki ang bata yun kaya di ko matitiis na makitang nasasaktan si josh, sana maintindihan mo" Menuto bago ito muling nag salita.

Natatawa na naiiyak na tumango ako nalang ako dito habang nakatalikod pilit iniintindi ang sitwasyon aming nararanasan at sana wag muli dumating yung pag kakataon na mapagod muli ako at sumuko sa kakaintindi sa kanya dahil kapag nangyari yun. Tapos na ang lahat saamin.

"Naiintindihan ko." Pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nakatingin sa dalawang tao nag yayakapan na tila may relasyon sa harap ng bata na naglalaro sa bakuran ng bahay.

"Naiintindihan ko ba talaga?" Saad ng isip ko.

"Bakit ang sakit?" Tanong bulong ko pa habang nakalapad ang isang palad ko sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Gusto kong maintindihan ang sitwasyon kinakaharap namin dahil aminin ko man o hindi gusto kong mabuo ang pamilya ko, gusto kong mag karoon ng ama ang mga anak ko ayoko na magaya ang kambal ko at sanggol na nasa sinapupunan ko saakin na lumaking di kumpleto ang pamilya.

Ayokong maramdaman nila yung naramdaman ko noon di kumpleto ang pamilya ko.

Pero sa tuwing nakikita ko kung gaano kasaya si kevin sa piling ng magina na yan parang biglang napupunit yung puso ko. Kasi never naging ganyan si kevin saamin. Ang huling beses na kita ko siyang ngumiti ay nung mag kaibigan pa kami at girlfriend niya palang noon si arianne nawala lang ang mga ngiting yan nang ikinasal na siya saakin mag mula noon di na siya ngumiti muli ngayon nalang ulit.

Kailangan niya pa ba kami ng mga anak ko? Tanong pa ng isip ko. Naguguluhan ako baka kasi dahil buntis ako kaya ako sobrang emotional at kung ano ano ang iniisip pero tanga lang ang di matatauhan sa pinag gagawa ni kevin ngayon. sa mga pinag gagawa nila ngayon, para silang masaya at buong pamilya.

Nasasaktan niya ako ng sobra sobra at ini- stress ng di niya alam o baka alam niya nag bubulagbulagan lang siya? ayoko nang maramdaman ito huling naramdaman ko ang ganito muntik mawala saakin ang kambal ko kaya natatakot ako.

"Gusto ko nang umuwe sa manila." Umpisa ko nang mapag isa kami ni kevin nakita kasi ako nitong nakatayo malapit sa kinauupuan nila kung saan sila masayang nag bobonding. Tila isang buong pamilya. A perfect one.

"Why?" Kunot noong tanong nito.

"Hindi ako mag papaka martil sa lahat ng ginagawa nyo ng babaeng yun. Ako yung legal na asawa mo pero pakiramdam ko ako yung kabit. Kung mahal mo pa din siya pwede ba na makipag hiwalay ka na saakin wag mo na akong pahirapan dun naman ang punta nito diba?" Saad ko habang sa ibang direction nakatingin.

"Ano bang pinag sasabi mo? Wala akong nararamdaman na kahit ano kay arianne-." Saad nito na nakakunot pa din ang noo tila hindi maintindihan ang mga sinasabi ko.

"Wala kang nararamdaman kahit ano? pero bakit yun ang nararamdaman ko? Bakit yun ang pinapakita nyo? bakit iyun ang pinapakita mo? para kayong mag asawa kulang nalang mag lampungan kayo sa harap ng anak mo sa kanya. Tutal may anak ka naman sa kanya at mas mahalaga sila. Sila nalang ang pag tuunan mo ng pansin pabayaan mo nalang kami ng mga anak ko kaya ko silang buhayin kahit wala ka at mag hiwalay na rin tayo!" Saad ko pa dito pilit pinipigil ang luhang gustong tumulo sa mga mata ko.

"No, walang mag hihiwalay, Hindi mo ako hihiwalayan alam ko naman na nag seselos ka lang kaya ganyan ka mag salita." Saad nito habang nakapamewang na nakaharap saakin.

"Isipin mo na kung anong gusto mong isipin. e ano ngayon kung nag seselos ako wala ka naman pakielam." Balik sagot ko dito.

"Kevin pwede ba ibalik mo nalang ako sa manila." Saad ko matapos bumuntong hininga pinipigilan ko ang makipag away dito stress na ako at ayoko nang makipag away pa baka makunan ako ng di oras dahil sa kagagawan ng lalaking to.

"Kung ayaw mo gagawa ako ng paraan." Saad ko matapos ang ilang segundong di ako nito sinagot tila nakatitig lang ito saakin at tila sinusuri at ang buong pag katao ko dahil sa kunot na kunot nitong noo, pilit din nitong nilalabanan ang inis na nararamdaman ko.

"Anong gusto mo alam kong gutom ka lang kaya mo nasasabi yan." Saad nito matapos bumuntong hininga. Tila napigilan nito ang inis na nararamdaman para saakin.

"Pwede ba wag mong ibahin yung pinag uusapan natin at hindi ako nagugutom anong tingin mo saakin oras oras gutom?" Taas kilay na lingon ko dito.

"Ahh yeah?" Alanganin sagot nito saakin habang hinahaplos ang badok nito At May ngiwing ngiting naka paskil sa labi nito.

"Anong yeah ka dyan, hindi ako minu minuto gutom! Bahala ka sa buhay mo! Aalis pa din ako! at wag na wag mong ipapakita saakin yang pag mumukha mo naaalibadbaran ako at nasusuka." Naiinis na saad ko bago ko ito nilagpasan

nakakinis!!!

Kevin POV

"Pregnant woman." Saad ni kevin pagkaalis ni Rachell sa harap niya. Kailangan niyang habaan ang pasensya para sa asawang nag dadalang tao.

"Sorry." Rinig nyang saad ng babae mula sa likod niya.

"Wala kang dapat ikahingi ng sorry. Na miss understood lang ng asawa ko ang mga nangyayari. Don't worry I'll fixed this as soon as possible." Sagot niya dito habang nakatingin sa likod ng asawa niyang nag dadabog na umalis sa harap niya.

"Pero kasi iniisip ng asawa mo na anak mo ang anak ko at ayokong masira ko ulit kayo-." nakangiwing saad nito sa kanya na kinalingon niya dito.

"Hindi naman na ako papayag na masira kami ulit lalo pa ngayon mag kakaanak kami ulit. Hinihintay ko nalang ang pag dating ng mga anak namin at mga magulang ko para maisagawa ko na ang plano ko. I can't wait to marry her again but this time ipag sisigawan ko na sa buong mundo kung gaano ko siya kamahal." Sagot niya dito habang may ngiti sa labi.

"Masaya ako para sayo. Masaya ako na masaya ka ngayon sana pala di ako pumasok sa buhay mo baka noon pa masaya na kayong nag sasama ni Rachell at madami na sana kayong anak." Natatawang saad ng babae.

"Yeah, but thankful pa din ako na nangyari yun kasi kung hindi ako matatauhan. hindi ko malalaman sasaktan ko na pala yung babaeng mahal ko ng di ko man lang namamalayan ng dahil sa pagiging torpe ko noon." Saad niya din.

"Torpe ka kasi para kang babaeng may crush pero di magawang umamin dahil sa hiya ayan tuloy nangyari umabot ng taon bago kayo nag karoon ng happy ending." Saad nang babae habang may ngisi sa labi habang naaalala ang mga kabaliwang pinag gagawa ni kevin noon masilayan at masubaybayan lang si Rachell mula sa malayo.

"Tsk!!! tigilan mo ko. Sige na susundan ko na ang asawa ko baka tuluyang magalit saakin yun." Saad niya siyaka tumayo at nag lakad papasok.

"Wag kang mag alala di galit sayo yun pinag lilihian ka lang nun." Sigaw pa nito na tama lamang upang sila lang ang makarinig di na niya pa ito pinansin at dumiresto sa pangalawang palapag kung nasaan ang kwarto niya kung saan natutulog ang asawa niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.