Rachell POV
“Manang kayo na po ang bahala sa bahay at kay Rachell saglit lang po kami at babalik din po.” Rinig kong sigaw ni kevin. Pababa ako sa hagdanan ng marinig ko ito. Umaga umaga aalis nanaman ito? Takang tanong ko sa sarili ko.
Napigtas ang pag tataka ko ng makita kong kasama nanaman nito ang magina. Hindi pa ba ako nasanay? Simula ng dinala ako ni kevin dito ay walang araw o oras na di ito umaaalis na di kasama ang magina. Ni minsan nga di ako nito ipinasyal at ang kausap kausapin hindi rin nito magawa ang huling pag uusap namin ay yung araw na pinag bantaan ko itong lalayasan ko ito at luluwas ako mag isa sa maynila.
Ni hindi natakot ang loko. palibhasa alam niyang di ako makaka alis sa lugar na ito e. Sobrang stress na ako sa kakaisip sa mga bagay bagay katulad ng paano na ang marriage namin? Ang mga anak namin kung sakali man makikipag hiwalay na ito saakin, anong mangyayari saakin? Malalaman pa ba nito na buntis ako ngayon ? Si arianne at ang anak ba nito ang magiging bagong pamilya ni kevin kapag hiniwalayan na niya ako?
Ugh ahhhhhhhhhhhh nakakabaliw ang sobrang pag iisip pero hindi ko maiwasan. Hindi naman siguro ako mag iisip ng mga ganitong bagay kung hindi nito dinala at pinakita ang magina niya sa labas saakin at kung hind niya rin pinaparamdaman saakin na ayaw na niya saakin.
Walang gabi na di ako umiiyak sa sakit. Ang akala ko noon kaya ko na. Kaya ko na.... na wala siya. Na kahit kami nalang ng mga anak ko okay na ako, masaya na ako. Pero bakit ganun? bakit ganito? Simula nung bumalik ulit siya sa buhay ko naging magulo ulit. Naguluhan nanaman ako, nasasaktan nanaman ako at natatakot sa mga bagay na maaaring mangyari sa mga pinapakita ni Kevin.
Natroma na ata ako, hindi ko magawang mag tiwala sa kanya sa takot na matapos ng lahat ng ito ay iiwanan niya rin ako, kami ng mga anak ko.
Gusto ko ulit magalit pero hindi ko magawa kasi kahit itanggi ko ng ilang beses sa ibang tao at sa sarili ko na di ko na mahal si kevin. Ipapaalala parin ng isip at puso ko na minsan ko rin itong minahal at minamahal ko parin hanggang ngayon. Sabi nga nila kapag ang tao ay nag mamahal kahit sobra sobra na yung sakit di mo pa rin magagawang magalit dun sa taong nanakit sayo ng sobra. Mag papatawad ka pa rin, mag papatawad pa rin ako.
Kahit ang sakit sakit na.
Kahit unti unti nanaman akong nadudurog
Binuo ko yung sarili ko ng mag isa ng minsan niya akong durugin at saktan, ngayon bumalik lang siya pakiramdam ko madudurog nanaman ako at Nasasaktan, natatakot akong buoin ulit yung sarili ko ng mag isa para sirain nanaman nung taong lubos kong minahal to the point na wala na akong iniwan o tinira para sa sarili ko.
Handa naman akong mag paraya sabihin lang ni kevin na ayaw na niya sa marriage na ito huwag yung ganito na unti unti akong parang pinapatay sa mga nakikita ko.
“Oh iha andyan ka na pala halika at kumain ka na ipinag luto kita ng mga pag kain na hinahahanap hanap mo kahapon.” Mabilis na pinahid ko ang mga luhang nag landas sa mga mata ko bumuntong hininga muna ako bago lumapit sa matandang mayordoma na may ngiti sa labi ngunit ang ngiting yun ay hindi umabot sa mga mata ko.
“Talaga po nanay? Bigla tuloy po akong na gutom.” Saad ko syaka ako umupo at nag sandok ng pagkain. Pilit binabaliwa ang sakit na nararamdaman. Heto naman ako, mapag panggap.
“Hindi mo ba tatanungin kung saan nag punta ang asawa mo?” Tanong nito na nakapag patigil saakin sa pag nguya.
“Alam ko naman po na umalis po ulit siya kasama si arianne at ang bata.” Walang siglang saad ko habang ang titig ay nasa plato na may pag kain ko, ramdaman ko na tinititigan ako nito.
“Intindihin mo nalang ang asawa mo-.” Matapos bumuntong hiningang saad nito.
“Yun naman po ang ginagawa ko e. Kaso po kasabay ng pag intindi ko sa kanya ay yung sakit na nararamdaman ko sa bawat minuto na pinaparamdam niya saakin na iiwan na niya ako.” Pigil ko dito. Mahagya pa akong pekeng natawa ngunit may luha nang nais tumulo mula sa mga mata ko.
“Iha.”
“May pakiusap po sana ako nay kung pwede nyo po ba akong tulungan makaalis po dito papuntang maynila hindi ko na po kasi kaya bukod sa takot po akong masaktan natatakot din po ako sa kalagayan ng ipinag bubuntis ko po ngayon. Ayoko na po na maranasan ang naranasan ko ng ipinag bubuntis ko po ang kambal ko. Sobra sobra ang takot ko po nun. Ayoko na ho maulit iyun.” Gusto ko ang pakiramdam na nasa tabi ko si kevin pero naipangako ko na noon sa sarili ko na mas uunahin kong piliin ang mga anak ko sa kahit na sino kahit pa si kevin ito.
“Mag pahinga ka na iha stress ka lang kaya mo nasasabi yan, dadalhan nalang kita ng pag kain sa taas, sige na iha mag pahinga ka na.” Tanging naisagot nito saakin. Umaasa pa ba ako na tutulungan ako nito. Nakalimutan kong ang loyalty nito ay para lamang kay kevin.
Bakit ba ayaw nila akong umalis dito?
Para saan?
Bigla ay namiss ko muli ang mga anak ko, kung andito sila malamang may kakampi ako ngayon.
“Kevin?” Tawag ko sa pangalan nito. Hindi ko alam kung bakit pinapunta nila ako dito sa kubo nananahimik akong natutulog ng bigla nalang akong ginising ni manang para mag ayos at pumunta dito sa kubo dahil nais daw akong makausap ni kevin hindi ko naman alam kung anong dahilan dahil sa nakalipas na mga araw ay hindi ko ito nakita o ang makausap manlang ng saglit. Palagi itong umaalis kasama ang magina. Nasasaktan man ay binaliwa ko nalang ito.
“Akala ko ba andito si kevin? Bakit parang wala naman tao?” Takang tanong ko sa sarili ng makita ang iba’t ibang palamuti na nakasabit sa kisame at sa paligid ng kubo.
“Mali ba ako ng pinasukan kubo?” Tanong ko pa sa sarili ko ng makita ko ang lamesa na may dalawang upuan na mag kaharap nasa gitna ng lamesa ang tatlong kandila na nagdala ng liwanag sa loob ng kubong kinatatayuan ko. Sobrang Romantico ng paligid at dahil may hiya pa naman ako sa katawan ay tinangka ko nang umalis para kasing may nag rent nito at nakakabastos kong mananatili pa ako dito e hindi naman para saakin ang set up na ito. pero natigil ako ng may tumawag saakin.
“Ma’am sandali, saan po kayo pupunta?“ tila natatakot nitong tanong ng palabas na ako ng kubo.
“Ahh uuwe? Sabi kasi ni manang andito daw si kevin at gusto akong makausap ang kaso wala naman siya at mukhang may customer pa yatang mag rerenta ng kubo kaya umalis na ako.” Sagot ko dito sa malumanay na boses at muling nag takang maglakad ng hindi manlang ako nito sinagot. Nangangalay na kasi ang talampakan ko hindi ko kaya ang nakatayo ng matagal ngayon ganito rin ako sa kambal ko noon ang pinagkaiba lang no choice ako noon kaya kinailangan kong kumilos para mabuhay kami na naging dahilan kung bakit muntik mawala ang mga anak ko saakin.
“Sandali ma’am. A-ahh ano... parading palang po kasi si sir kevin-.” Nanginginig ang boses na pigil muli nito saakin.
“Kung ganun pasabi sa boss mo sa bahay niya nalang kamo ako mag hihintay.” Sagot ko dito.
“Pero po ma’am ako po ang pagagalitan ni sir pag di ko ito sinunod e.” Saad nito sabay kamot sa batok nito na naging dahilan ng pag bungtong hininga ko. Hanggang ngayon di pa din nag babago sobrang bossy niya pa din Tsk!
“Okay sige. Pasabi sa boss mo pakibilisan.“ Tanging nasabi ko dito syaka ako muling nag lakad papasok ng minuwestra nito ang kamay upang alalayan akong pumasok muli sa loob ng kubo. Malamang kasama nanaman nito ang magina kaya npaka tagal nito. Ano bang magagawa ko first priority nito ang magina kesa saakin.
“Sige po ma’am enjoy ma’am.” Nakangiti na nitong saad na ikinakunot naman ng noon ko. Binaliwala ko nalang ito at nag focus na muli sa pag lalakad pabalik.
Gusto ko mainis ilang oras na ba ako dito na nag hihintay sa kanya? Nagugutom at inaantok na ako wala pa rin siya. Nakakainis!
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ng maramdaman ko na ang pagkainip at nahagip ng mata ko ang brown envelop na nakapatong sa dinner table.
“Bakit di ko ito napansin kanina?“ Tanong ko sa sarili ng malapitan ko ito.
Hindi ko alam pero tila may nagtutulak saakin na buksan ko ito at basahin ang laman ng envelop na ito, kinakain ako ng curiosity ko. Bigla ay nakaramdam ako ng kaba at akot sa sarili hindi ko alam pero ito ang nararamdaman ko ng titigan ko ng matagal ang envelop na nakapatong sa lanes.
“Rachell.” Tila mas kinabahan ako ng marinig ko ang boses ng taong kanina ko pa hinihintay. Nanginginig man at kinabahan ay pilit ko itong nilabanan at taas noo ko itong hinarap.
“Sorry i’m late may inasikaso pa kasi ako.” Dahilan nito na di na bago saakin kailan ba ito hindi naging busy simula ng dumating sila arianne? Bakit pa ba ako mag tatanong kung alam ko naman na ang sagot. Hayst.
“Kailan ka ba hindi naging busy?” nakangiwing bulong ko na may kasamang patagong pag irap dito.
“What?”
“Wala, ang sabi ko sobrang aga mo nga e, bakit hindi mo medyo binagalan pag punta dito para sakto ka lang sa oras.” pabalang na saad ko dito na binaliwa lang at kinailing nito.
“Gutom ka na ba? Tara kumain muna tayo.” Saad nito syaka lumapit at pinaghila ako ng upuan na tinanggap ko naman dahil sa panginginig ng mga tuhod ko.
“Ano bang gusto mong pag usapan?” Baliwala ko sa sinabi nito. Gutom man ay mas gusto kong malaman ang nais nitong pakay. Nahihiwagaan ako sa kinikilos nito. Nakita ko ang Bahagyang pag papawis nito kahit na ang mukha nito ay nanatiling blangko tila ayaw nitong mabasa ko reaction ng mukha nito o kung ano man ang nararamdaman nito ngayon.
Nakita ko itong bumuntong hininga muna bago nag salita “ open the brown envelope and you will know it.” Saad nito na kinakunot ng noo ko, malalaman ang ano? Di ko alam pero bigla ay kinabahan ako. Makikipag hiwalay na ba ito? Tungkol sa annulment ba ang laman ng envelope na yan?
Heto na ba yung iniisip ko lang noon? Paano ang mga anak namin kung mag hihiwalay kami? Paano ang pinag bubuntis ko? Lalaki ba ito na wala nanaman kagigisnang ama?
Paano... ako?
Hindi ko ito ginalaw o kinuha tinignan ko lang ito at nag iisip kung ano nga ba ang laman nito? Ni ang titigan si kevin ay di ko ginawa natatakot akong makita niya sa mga mata ko ang sakit na nararamdaman ko.
“Makikipag hiwalay ka saakin?” Wala sa sariling saad ko dito. Naramdaman kong natigilan ito at gulat sa binigkas ko. Ipinikit ko ang mga mata ko nag babakasakali isa lamang itong panaginip... isang masamang panaginip na labis na ikakadurog ko.
“What?!” Sigaw nito na ikinadilat ko. Kunot na kunot ang noo nito at tila hindi maintindihan ang sinasabi ko.
“ tungkol sa pag a- annulled ang laman nyan hindi ba? Makikipag hiwalay ka saakin.” Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko lang ito. Napaka hina ko na ayoko nang makita niya ako akong nadudurog ng husto ng dahil sa kanya.
“What? No!” Sigaw muli nito. Hindi makapaniwala sa narinig.
“At Bakit naman ako makikipag hiwalay sayo?” Kunot noong tanong nito saakin.
“D-dahil andyan na si Arianne at ang anak mo sa kanya kaya makikipag hiwalay kana saakin. Diba noon pa naman yun na ang gusto mo ang hiwalayan kita-.” Sagot ko dito. Hindi ko na napigilan ang pag tulo ng luha ko.
“No! Anong sinasabi mo? Wala akong anak sa kahit na sinong babae. Ang asawa ko lang ang aanakan ko at ikaw yun. Anong Sinasabi mo? Wala akong gusto kay arianne o sa kahit na sinong babae at lalong wala akong anak sa kanya! Damn!!!” Saad nito na ikinatigil ko sa pag iyak.
“Kung ganun, bakit sila andito? Bakit tinatawag ka nung bata na papa? Bakit palagi ka nalang wala at kasama sila? Ni hindi mo na nga ako ginugulo tungkol sa kambal e habang ako nag aalala sa kanila kasi napaka layo nila saakin dumadagdag ka pa sa stress na nararamdaman ko!” Saad ko dito. Masamang tingin ang pinukol ko dito. Hanggang ngayon ba magsisinungaling pa din ito saakin?
Nakita ko ang pag buntong hininga nito tila sumusuko “Look andito sila dahil fresh ang hangin dito at na andito rin ang doctor ng bata at isa pinuprotectahan ko sila para maitago sa gagong ama ni josh. Tinatawag akong papa ng bata dahil nangungulila ito sa ama kaya pumayag ako sino ako para ipag kait yun kahit hindi totoo okay lang napasaya ko naman ang bata at alam din naman ni josh na hindi talaga ako ang ama niya kaya okay lang.“ paliwanag nito saakin.
“Totoo ba lahat nyang sinabi mo? E bakit palagi ka nalang wala at sila palagi ang kasama mo?”
“Nag sasabi ako ng totoo wala akong anak o magiging anak sa ibang babae, ikaw ang asawa ko, bakit pa ako mag hahanap ng iba kung asawa kita, kung kasal ako sayo? Ikaw lang kasi e kung hindi ka umalis malamang hindi lang tatlo ang anak natin-.” Saad nito na kinalaki ng mata ko at kinatigil ko.
“Tatlo? Alam mong buntis ako ngayon?” Kunot noong tanong ko dito. Napa diretsyo ako ng upo dahil sa narinig ko mula dito.
“A-ahh Yeah?“
“Alam mo pero hinayaan mo akong ma stress? Gago ka talaga ano? Paano kung nakunan ako? Gago ka talaga!” Naiinis na sigaw ko dito. Akmang ibabato ko dito ang envelop ng pigilan ako nito.
“yeah, i know and im so sorry for all the stupid things i did to you, to our children, sobra kong pinag sisisihan ang mga ginawa ko noon dahil doon nawala kayo saakin, nawala ka saakin.“ Saad nito sa malumanay na salita.
“At kung hindi mo pa ako na papagawad sa nagawa ko noon okay lang mag hihintay ako hanggang sa mapatawad mo ako. Baliwa ito sa ilang taon paghigintay at pag hahanap ko sayo. Mag titiis ako kagaya kung gaano mo tiniis ang gagong kevin noon. Marami akong gustong sabihin at aminin pero bago yun pwede bang pakibukas na muna yan at hindi Tungkol sa pag hihiwalay ang laman nyan dahil wala akong balak na hiwalayan ka.” Saad nito.
Kinakabahan man ay kinuha ko ito at dahan dahan binuksan. Namuo muli ang luha sa mga mata ko ng mabasa ang laman nito. Limang salita na habang buhay kong hindi makakalimutan.
“Will You Marry Me Again?” May ngiti sa labing saad ni kevin na naging dahilan ng pag lingon ko dito.