She heard Nick cursed. "I'll call you back honey." he said bago nito binaba ang telepono.
She stomped her right foot in annoyance. Binabaan siya ng phone ni Nick dahil sa haliparot na babaing yun.
Para siyang hindi makahinga sa selos na nararamdaman. Buti sana kung hindi kulang na lang kainin ng Tanya na yun si Nick hindi pa siya magkaka-ganito. Lahat na nga ng tao sa building ng mga Alcantara alam na kung gaano kahayok ang bruhang yun kay Nick.
"Malandi!!" galit na sigaw niya.
Nagdesisyon siyang maligo para umalis na. Naiinis siya kay Nick. Pupuntahan na lang niya si Eve.
She texted him.
To: Nick
I don't need a car. Huwag ka ng mag-half-day. Anyway aalis din ako.
Pagka-send niya she turned off her phone.
Parang nawala yata ng konti ang tampo niya dito ng makita what he bought for her. May mga sandwiches tapos may note pa sa lamesa.
Eat your yogurt and salad in the fridge honey..
She smiled pero bigla siyang may naalala. Parang pamilyar ang handwriting nito but she just shook her head after several seconds. Malamang gutom lang siya.
***
"Naku girlfriend! Okay na din na wala ka na sa bahay niyo. Para manahimik na din ang maldita mong kapatid." sabi ni Eve habang hinahanap nito ang susi ng sasakyan sa bag.
Her friend will do her grocery shopping. Since wala naman siyang gagawin sasamahan na lang niya ito. Saktong pagdating niya paalis nga sana ito.
"Oo nga." maiksing sagot niya.
"Tara na. Buti naman hindi ako maiinip mamili. Pati si Blake ang daming inilistang ipapabili. Saan ka pala lumipat? Akala ko dito ka muna?" tanong nito as they got out of her unit.
"May work ka ba mamaya?" pag-iiba niya ng usapan.
"Oo mga 9PM pa. Sama ka? Kahit manood ka lang."
Bigla niyang naalala na nagseselos si Nick kay Blake. Kahit gusto sana niyang sumama sa bar ayaw naman niyang pag-awayan pa nila yun.
"Hindi na siguro. Next time na lang." she said.
"Worried din si Blake. Kasi nasabi ko na umalis ka na sa inyo." Eve said as they got in her car.
Stacey smiled. Natutuwa naman siya na may nag-aalala naman pala sa kanya.
"Patingin naman ako ng bago mong tirahan. Hatid na kita dun mamaya ha?" nakangiting sabi ni Eve.
Wala na siyang ligtas. Hindi naman niya pwedeng itago ng matagal sa kaibigan ang totoo.
"Eve.." she began."May sasabihin ako sayo."
Nakakunot ang noo nito dahil natanaw nito ang traffic ahead. Bigla namang nag-ring ang phone nito.
"Sandali girlfriend. Sagutin ko lang to."she said as she reached for her phone na nasa cp holder on the dashboard.
"O?" sagot nito.
Dun naalala ni Stacey ang cp niya. Iniisip niya if she'll turn it on or not. She looked at the time, past 11 na pala. May dalawang oras na niyang ini-off ang telepono niya.
Nainis kasi talaga siya kanina. She knows she's acting like a brat. Porke nagseselos siya iniinis din niya si Nick. Wish niya lang hindi ito masyadong mapikon. Isang oras pa, tapos she will turn her phone on.
"Girlfriend! Kausapin ka daw ng hot kong pinsan. "Eve said bago iniabot ang cp nito sa kanya.
Kunot ang noo na kinuha ito ni Stacey. "Blake?"
"Kumusta ka na Miss Hotness? Ang bilis niyo namang mag-kape ng pinsan ko kagabi? Pagbalik niya iba pa ang naghatid sa kanya. Kaibigan pa ng boss mong mayabang." he said sarcastically.
Hindi na lang siya sumagot. Naisip niya tuloy kung ano ang magiging reaction ng mag-pinsan pag nalaman nila na sa condo ni Nick siya pansamantalang nakatira.
"Tamad sana akong lumabas pero since magkasama kayo ni Eve, I'll both treat you to lunch .I'll meet you two somewhere. Ako na ang maghahatid sayo pag-uwi mamaya. See you later Miss Hotness." he said before hanging up.
(Nick)
"Shit!" galit na galit na siya.
Kanina pa niya tinetext at tinatawagan si Stacey but unattended pa din ang telepono nito. He got her message hours ago. Pagkabasa pa lang niya, he tried calling her back pero hindi na niya ma-contact. Kung bakit naman kasi bad timing si Tanya. Malamang narinig ito ni Stacey kanina and he had to end their call dahil ayaw niyang marinig ni Tanya ang pag-uusap nila.He can’t risk it. Baka manggulo na naman ito. Isa pa he wanted to talk to her tungkol sa kung ano ang sinabi nito kay Stacey nung isang araw. He is really pissed with her. She is acting like a jealous girlfriend .He told her to stay away from Stacey.
Para na siyang tanga because he has been reading his woman's message over and over again.
He knows that she will be defiant about the car issue. Pero he made up his mind. He will definitely get her a car sa ayaw at sa gusto nito. He will install a tracking device as usual. He wants to know where she is pag hindi sila magkasama kagaya ngayon. He is getting really paranoid.
Where the fuck is she?! Gigil na tanong niya sa sarili.
Since sabi ni Stacey wala ito sa condo, nag-set na lang siya ng meeting with one of their clients. They will meet in an hour.
Siguro naman pagkatapos ng meeting niya nakauwi na si Stacey or naka-on na ang cp nito .Dahil pag hindi baka kung ano na ang magawa niya .Hindi talaga siya mapalagay not knowing where she is, who she's with and what she's doing.
***
"What?!!" medyo napadiin ang tapak ni Eve sa break nang sinabi ni Stacey na nakatira siya sa condo ni Nick.
"Sabi ko nga sa kanya natawagan na kita and okay na sayo. But he insisted na sa unit na lang niya." she said without looking at Eve.
Her friend whistled while shaking her head in disbelief.
"Iba na yan girlfriend! I mean, ikaw ba talaga yan? I know na mailap ka sa mga lalake. Sa dami ng nagkakagusto sayo ni wala ka ngang sinagot ni isa. Tapos ngayon napapayag ka ng hindi mo nobyo to live with him? Though I can't blame you .Nakaka-tulo naman talaga ng laway ang yummy mong boss slash dyowa." tukso nito.
"Sira! " natatawang sabi niya.
"But handa ka ba sa sakit ng ulo? Pihadong madaming babae ang umaaligid sa boss slash dyowa mo." palatak nito.
"Hindi ko naman siya nobyo Eve." malungkot na sabi niya.
"Hay naku girlfriend! Ewan ko sayo! Don't be offended ha?Halata namang patay na patay kayong dalawa sa isat-isa bakit ayaw mo pang sagutin?" takang tanong ni Eve.
Stacey looked out the window. "I have my reasons. Minsan I promise, I'll tell you." sabi na lang niya sa kaibigan.
Lalo na kasi siyang nalito dahil sa nangyari sa kanila ni Nick kagabi. But hindi naman siya nagsisisi. Kung makakausap na lang sana niya si Derick kaso wala eh. Bigla na naman siyang nag-alala kung ano na kaya ang nangyari sa lalaking yun .Friday na bukas pero hindi pa din niya ma-kontak.
"Basta kung kailangan mo ng tulong pag may susugurin kang babaing lumalandi sa yummy mong future dyowa tawagan mo lang ako ha?" Eve giggled.
Natawa na din si Stacey. Biglang pumasok sa isip niya si Tanya. Napasimangot na naman siya.
After grocery shopping dumiretso sila ni Eve sa isang kilalang Seafood restaurant. Nauna na si Blake sa kanila. Trip nilang kumain ng seafood na nakaka-kamay.
Blake chose to sit next to Stacey. Ipagbabalat daw siya nito ng hipon. Katakot-takot na panunukso ang inabot nila kay Eve.
Their conversation was very light. Masaya silang nag-uusap and kumakain nang may isang babae ang lumapit sa kanila. Medyo may idad na ito.
"Blake?" tawag nito.
Surprise registered on Blake's face pero nakabawi din ito agad. Inilagay muna nito ang nabalatang hipon sa plato ni Stacey bago nagpunas ng kamay.
"Tita Azon." tawag nito sa matanda then nagmano ito.
Eve looks uncomfortable pero tumayo din ito para magmano sa matanda.
"Sino siya Blake?" tanong nito matapos pasadahan ng tingin si Stacey.
"Si Stacey po tita. Kaibigan namin ni Eve." sabi nito.
Ngumiti lang si Stacey sa babae kahit na mukhang galit ito sa kanya.
Kumunot ang noo ng matanda.
"Pwede po bang dun na lang tayo mag-usap?" Blake suggested.
Walang lingong-lingon na naglakad ang matanda sa tinurong lugar nito.
Nang medyo malayo na ito kunway nagpunas ng noo si Eve.
"Whew!!" Nagbuga ito ng hangin.
"Sino yun?" Stacey asked.
"Mama ni Kristel." sagot nito.
"Kristel?"
"Yung ano ni Blake....alam mo na." Eve said then rolled her eyes.
"Baka kung ano ang isipin niya. Masama ang tingin sa akin." alalang sabi ni Stacey.
Kung bakit naman kasi naisipan ni Blake na tabihan siya tapos pinaghimay pa ng alimango at pinagbalat ng hipon. Kahit sinong makakakita aakalain na mag-nobyo sila .Kung tutuusin bagay na bagay din sila nito. Ang guwapo-guwapo ni Blake . Naka-leather jacket ito na lalong nagpatingkad ng magandang kulay ng mga mata nito. Ipinilig niya ang ulo. Magulo na nga na may Derick at Nick na siya.
Hayaan mo lang." Eve just shrugged.
Sabay silang napatingin nito sa kaliwa ng may narinig silang pumalatak.
"Ang ganda namang eksena! Sobrang sweet niyo naman ng kasama mong lalake."
Nanlaki ang mata ni Stacey.
"W-What are you doing here?" she asked the newcomer nervously.
GOSH! Patay ako! She told herself.