Chapter 64

Stacey knows that Heather will make a big deal sa nakita nito. Hindi na siya magtataka if she will be in trouble because of her.

"Well I am here to meet Pauline. I didn't expect to see such a cheesy and yucky scene. But I feel it's your unlucky day because I caught you red-handed. How bad is that?" she asked with a sneering smile.

"Huwag kang gagawa ng eksena dito. Matuto ka namang mahiya." Sabi ni Eve.

Heather just ignored her.

"Wala akong ginagawang masama. Kaya huwag mong sabihin yan." Stacey said coldly.

"Sino ang mas sweet? Si Nick or ang isa mo pang lalake? Kulang na lang kasi subuan ka nang makita ko kanina eh." she said in a sugary tone.

"Hindi ka naman kaya naiinggit sa lagay na yan?" Eve asked sarcastically.

Matalim itong tinignan ni Heather. "You keep on butting in but I don't remember talking to you." sabi nito kay Eve na nakataas pa ang kaliwang kilay.

Umasim lalo ang mukha ni Eve. "Girlfriend, awatin mo ako !Malapit ko ng isubsob sa plato ang pagmumukha ng maldita mong kapatid." gigil na sabi nito.

Hinawakan ni Stacey ang kamay ng kaibigan as if to say na huwag na niyang patulan. Inirapan ito ni Heather then si Stacey na naman ang hinarap nito.

"Kagabi lang si Nick ang kasama mo. Ngayon iba na naman? Nakakaumay kayong tignan but I can't help but stare in disbelief. To think na ayaw pang maniwala ni Nick na you are really an expert in manipulating men. Na sobrang suwapang mo pagdating sa mga lalake .I don't know how you get away with these kind of things." she said while pretending to look amazed.

"Masyado lang talagang marumi ang utak mo. Blake is my friend. Pinsan siya ni Eve. You should look at the mirror more often. Baka ang sarili mo ang dinedescribe mo." Stacey said in a controlled voice.

Akala niya mapapahinga na siya sa kamalditahan ng kapatid. She is really beginning to have a headache.

"I wonder what Nick's reaction will be pag nalaman niyang nakikipaglandian ka sa iba." Heather said while she gets something from her bag.

Napapikit si Stacey. Sinapo niya ang noo. She knows that Nick will be furious .Natatakot siya sa posibleng confrontation ng dalawang binata. But her bitchy sister shouldn't notice that she is scared to death sa kung anong pwedeng mangyari once she tells Nick.

" Hindi na ako nagulat na sasabihin mo yan. Hindi naman kasi buo ang araw mo if hindi mo ako ipapahamak di ba? To think kagabi lang ako umalis sa bahay mo, sobrang namiss mo na yata ako?" she asked in a steady voice kahit deep inside she's a nervous wreck.

Ayaw na muna niyang isipin ang gagawin ni Nick pag nagsumbong si Heather.

Kinuha ni Heather ang cellphone nito sa bag. She made an action of unlocking it and began typing something.

"Why are you here?!" galit na tanong ni Blake kay Heather.

He knows that Stacey's sister is up to no good. Last time nga na nagkita-kita sila sa bar parang hindi kapatid kung kausapin nito si Stacey. Their characters are very different. Kung anong binait ni Stacey siya namang kinasama ng ugali ng kapatid nito. The former is very modest. Ang kapatid naman nito sosyalera, matapobre at saksakan ng maldita.

He was taken aback ng makita niya ito ng malapitan. She is really pretty. Hindi bagay ang magandang mukha sa ugali nito.

The sisters are both very lovely. But for him, mas maganda si Stacey dahil hindi lang panlabas ang kabigha-bighani kundi pati kalooban nito. Kung ano naman ang iginanda ni Heather yun naman ang ikinasama ng ugali nito. Malamang may hindi na naman magandang sinabi at gagawin ito kay Stacey just like the last time.

Inangat ni Heather ang mukha to look at Blake. Lalo siyang nainis dahil ngayon niya napansin na saksakan din pala ng guwapo ang Blake na to. Hindi niya alam kung anong klaseng gayuma meron si Stacey dahil she attracts all these sexy as hell men. She feels that it's just so unfair.

"And why not? What's with you and this drama queen next to me? Bawal ba ako dito? As if you own this place! " mataray na sabi nito.

"Ay nakalimutan yatang isabit sa labas yung sign na, "No bitch allowed!" Eve said with a smirk.

Tinapunan ito ni Heather ng nakakamatay na tingin.

"Oh well! Maakaalis na nga baka mahawaan pa ako ng kalandian ng iba diyan." maarteng sabi nito bago tumayo.

"At sino naman ang tinutukoy mong malandi?" inis na tanong ni Eve.

"Eve.." tila nakikiusap ang mga mata ni Stacey na hayaan na lang nila ang kapatid niya.

People in the restaurant are getting to be curious. Ayaw na niyang lapitan pa sila ng staff or ng manager mismo.

"Don't ask the obvious." Heather sneered habang tinitignan ng matalim si Stacey.

The three women were gobsmacked when all of a sudden Blake took hold of Heather's forearm firmly and halos kaladkarin nito ang kapatid ni Stacey palabas.

"Take your nasty hands off me!" Heather angrily said as she tried to free her arm.

Lalong diniinan ni Blake ang hawak sa braso nito. Pinagtitinginan ang mga ito ng mga customers na dinadaanan nila.

May mga grupo pa nga ng mga babae ang nagbulungan.

"Sobrang papabol naman ng lalake!" sabi ng isa.

"Ganda din ng babae no kahit mukhang suplada. Mukhang may LQ!" bulong naman ng isa.

Pagkalabas nila ng pintuan hinila ni Blake si Heather behind the restaurant's pillar.

"You better stop being such a nuisance!" galit na sabi nito.

"Let me go! If you won't, tutuhuran kita" she furiously said.

For several seconds nagtitigan sila with anger in their eyes.

They are not aware of the curious stares they are getting. A drop dead gorgeous tall man is staring furiously at a very pretty and petite woman who is glaring at him.

"Heather!"

Sabay na napalingon ang dalawa sa pinanggalingan ng boses.

"What's going on?" alalang tanong ni Pauline pero sa guwapong mukha ni Blake ito nakatingin.

Buong lakas na itinulak ni Heather si Blake pero walang nangyari.

"I said let go you douchebag!!" she yelled sabay hampas ng bag nito sa braso ni Blake.

Blake took hold of her bag with his other hand and buong lakas na inihagis ito sa malayo. Napanganga si Heather.

" My bag! Pauline! Go get it!!" she cried, while sounding dismayed.

Mabilis namang tumakbo ang kaibigan para kuhanin ang bag. Matalim na matalim ang mata na hinarap nito ulit si Blake.

"You good for nothing piece of shit! Do you know how much I paid for that bag?? Tapos ihahagis mo lang ng basta-basta?!!" she furiously asked.

Gustong-gusto na nitong kalmutin ang mukha nito kesedoha pang masira ang kaguwapuhan nito.

Blake looked at her with narrowed eyes.

"Ganyan din ang mangyayari sayo pag hindi mo tinigilan ang kamalditahan mo!" he rasped then released her forearm na para itong napaso sabay talikod.

Na-out of balance si Heather and napaupo ito sa pavement.

"Aww!!" maarteng sigaw nito.

Lumingon si Blake and saw her looking helpless habang tinutulungan itong tumayo ng kaibigan.

Parang gusto nitong balikan ang dalaga but nagbago ang isip nito. He believes that women like her should be ignored. He turned around again to continue walking para bumalik sa restaurant.

"Argghh!!" bwisit na bwisit na sigaw ni Heather habang pinapagpag ang pantalon.

"Are you okay?" Pauline asked worriedly.

"Do I look like I'm okay? What a stupid question to ask!" galit na tanong nito sa kaibigan.

She started marching towards her car nang mapansin nito na may mga nakatingin sa kanya.

"What?!! Ngayon lang kayo nakakita ng tao?! Get a life you losers!! Out of my fucking way!!" sigaw nito sa mga ito.

Nailing na lang yung iba.

When Heather got inside her car she took her phone.

Gigil na gigil talaga siya.

"I will make you pay, you bitch!!" sigaw nito sa hangin.

Kakapasok ni Nick sa opisina niya. He slammed the door behind him.

"SHIT!!!" he cursed.

Unattended pa din ang telepono ni Stacey. He started pacing around his office to release some of his anger. Halos hindi nga ito makapag-concentrate sa meeting kanina.

Kung ano- ano na ang pumapasok sa isip nito. Nasabunutan nito ang sarili ng maisip na baka may kasamang ibang babae si Stacey.

"FUCKING HELL!!" malakas na mura nito.

Narinig nitong may kumatok. Sumilip si Cherry.

Muntik na itong mapaatras nang makita na namumula ang mukha ng boss sa galit.

"S-Sir..nasa line two po si Miss Heather." mahinang sabi nito.

Lalong dumilim ang mukha ni Nick.

"What does she want??!" he rasped.

Napangiwi ang sekretarya.

"M-May sasabihin daw po siya tungkol kay Stacey."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.