Nick's dad tapped his shoulder lightly.
"That's great iho. You have chosen well. Congratulations in advance!" sabi nito sa bunsong anak.
Lumapit din sa kanya ang kapatid.
"Congrats Nick! Pop the question baka magbago pa ang isip ni Stacey! " biro nito.
He told them na bago matapos ang gabi,magpo-propose na ito sa nobya. Matagal na itong bumili ng singsing. He hopes she'll like it. If hindi magustuhan ni Stacey, madali namang mapapalitan.
He had done some thinking kaninang umaga. He realized that he loves her. Obsession with love...posible naman yun. Basta he can't bear losing her.
He knows that she will say yes.Stacey loves him too. Balak ng ipagtapat ang lahat ni Nick sa nobya mamayang pag-uwi nila.
He is ready whatever her reaction will be. He is positive that she will be angry. But he hopes na mas mangibabaw ang pagmamahal ni Stacey sa kanya.
He will never let her go whatever happens. She will be his wife. He will do everything to get her forgiveness.
***
Nakatyempo si Stacey na humiwalay sa mama at hipag ni Nick. She told them na may kailangan siyang tawaga pero nasa sala ang bag niya. Parang namanhid ang utak niya sa nakita but she needs to be alert to get away from their house.
Kailangan niya pa din ang presence of mind. She has to do something para makalabas. Sumilip muna siya if may tao na sa sala. When she saw na wala pa sila Nick, she ran to get her bag.
Mabilis siyang lumabas sa front door . Natanaw niya ang isang itim na van na nasa malapit sa nakabukas na gate.
Saktong pasakay ang driver nila Nick at dalawang katulong na may mga dalang tray. Mukhang maghahatid ito ng pagkain sa mga pamilya nila.
"Kuya Norman!" tawag niya habang mabilis siya na tumakbo palapit sa van.
"Stacey?" gulat na tanong nito.
Isinarado naman ng isa sa kasambahay ang pintuan ng van.
She needs to think fast. Baka mahalata sa mansiyon na wala siya.
"Kuya pasakay! Sa loob na ako magpapaliwanag please." tarantang sabi niya.
Kahit nalilito, tumango ang driver.
"Dito ka na sa harapan. Puno ng pagkain sa loob." sabi nito.
Pagkasakay niya, binati siya ng dalawang kasambahay na nasa likod.
Tumango na lang siya. Nakahinga lang siya ng maluwag ng nakalabas na sila at natanaw niya na naisarado na ng isa pang kasambahay ang mataas at malaking gate ng mansion.
"Alam ba ni sir Nick na umalis ka?" tanong ng driver.
"K-Kuya may sorpresa kasi ako sa kanya. Magkikita kami ng kaibigan ko malapit dito. Tapos ihahatid na lang niya ako ulit sa bahay nila Nick. Tatawagan ko na lang siya pagbaba ko."she lied.
She just hopes na hindi mapagalitan ang driver pag nadiskubre na wala na siya sa mansion. She will call Nick later pagbaba niya.
Tumango ang driver.
"Kuya pwedeng ibaba mo na lang ako diyan?" sabay turo niya sa tapat ng isang kilalang convenience store. “Andiyan na ang kaibigan ko." pagsisinungaling na naman niya.
"Sige."sabi ng driver.
"Kuya salamat. Tatawagan ko na lang si Nick." she said bago bumaba.
May nakita siyang mga taxi na naghihintay ng pasahero. Madali na siyang makakasakay mamaya.
Pagbaba niya, dumiretso siya sa loob ng convenience store. Hinintay muna niyang umalis ang van bago siya lumabas ulit.
Sumakay siya sa taxi na nasa tapat mismo ng tindahan.
***
Nataranta na din ang mga kasama sa bahay ng dumagundong ang boses ni Nick.
Nawawala si Stacey. He has been calling her pero she's not picking up.
"She said she will just get her bag."sabi ng mama nito.
"Saan ba kayo galing?"tanong ng papa niya.
"Sa old room po ni Nick,P a."sagot ni Vivien.
Nick cursed and everyone looked at him with disapproval.
"Nicholas!! " saway ng mama nito.
"For Pete's sake Ma! Why did you bring her to my room?!" he asked in a thunderous voice.
"Hey son! Don't speak to your mother like that!" saway ng papa nila.
Lumingon si Nick sa ama. "Pa, sorry. I'll explain everything later .Ma??" tanong nito ulit sa ina.
"I wanted her to see your awards." their mother retorted.
Nasabunutan ni Nick ang sarili while his family gawked at him . They all look puzzled.
He heard his phone. Nahigit nito ang hininga when he saw that it's Stacey.
"Honey?" tarantang sagot nito but hindi sumagot ang dalaga. "Honey asan ka? Please mag-usap tayo." he pleaded.
"I tricked kuya Norman kaya ako nakalabas. Huwag na huwag mo siyang papagalitan." she said sa walang emosyong boses.
"Okay, I won't. But where are you? Let's talk honey. I will explain...please." pakiusap niya ulit.
No reaction from her.
"Honey..please.."
"Game over..Derick.." she said in a cold voice.
She hang up. She turned off her phone.
"Fucking hell!!" Angrily, ibinato ni Nick ang telepono na ikinagulat ng pamilya niya.
"Nicholas! What is going on?!” galit na tanong ng mama niya.
***
Nasa kwarto siya ni Lucille. Ito ang naisip niyang tawagan bago si Eve at Nick. Wala siyang alam na ibang mapupuntahan. Hindi siya pwede sa bahay nila or sa condo ni Eve. Madali siyang mahahanap ni Nick.
Lucille is kind enough to leave Stacey alone in her room when she saw the state she was in. Hindi na siya tinanong ito . She told her na hihintayin na lang nito si Eve sa sala.
Napaupo sa sulok ng kwarto ni Lucille si Stacey. She hugged her knees while her head is down. She cried.
She can't believe that all these time, niloloko siya ni Nick/Derick.
"I am so stupid!" iyak niya.
Ayaw na niyang isipin kung paano siyang nagmukhang tanga sa mga oras na kasama niya ito. He must have been so proud of himself dahil meron itong napaglaruan na saksakan ng tanga na kagaya niya.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal umiyak. Halos wala na siyang mailuha ng dumating si Eve.
"Girlfriend!" tawag nito bago ito umupo beside her to hug her.
Naiyak na naman siya.
"Iwan ko muna kayo. I have a gig in an hour. Okay lang kayo dito?" Lucille asked.
"Okay lang kami. Salamat talaga Lucille." sabi ni Stacey in between sobs.
"Wala yun. I hope maayos agad kung ano man yan Stacey." sabi nito bago umalis.
Nagpasalamat din si Eve bago lumabas si Lucille.
Kahit paputol-putol, Stacey told Eve lahat ng nangyari.
Paiba-iba ang expression ng mukha ni Eve. Andung napapakunot ang noo nito, napapanganga at naiiling while she listens.
"Oh my God!" nasambit nito after mag-kwento ni Stacey.
She wiped her eyes sa ibinigay na tissue ng kaibigan.
"So anong balak mo? Bakit hindi muna kayo mag-usap ng maayos?" suggested Eve.
Umiling siya. "I don't want to see him. I don't even want to talk to him." she said bago naiyak na naman.
Hinagod ni Eve ang likod niya.
"Girlfriend..sa lahat ng nangyari hindi kita masisisi if you will hate him. But you said he was very sincere when he said sorry. I know naman na hindi kailan man dapat ijustify ang rape. I don't feel na may K ako magsabi na I know how you feel dahil hindi naman sa akin nangyari. Kahit saan natin tignan, pinwersa ka pa din niya. But look at it this way..he did that kasi mali ang pag-aakala niya sayo. Hindi ko siya pinagtatanggol, please don't get me wrong. Pero Nick Alcantara yan eh. Walang record na may mga ginawang katarantaduhan before what he did to you. Kung may itinatagong baho ang pamilya niya, sisingaw at sisingaw yun. Uhaw ang publiko sa balita about kapalpakan ng mga mayayaman. Pero di ba wala naman?" Eve asked.
Sa nakita niya kanina sa pamilya ni Nick ,hindi sila yung tipo na gagawa ng hindi maganda sa kapwa. At sa tingin niya sa mga magulang nito, they will not tolerate kung may ginawang hindi tama ang isa sa mga anak nila.
"Ang ibig kong sabihin girlfriend..nagawa niya siguro yun dahil gusto ka talaga niya. Laking sisi kamo niya ng malaman niya na virgin ka pa. Basta talk to him. Ayusin niyo. If after niyong mag-usap, ayaw mo na talaga sa kanya then break up with him." sabi ni Eve.
Natigilan si Stacey sa sinabi ng kaibigan.
"Must I remind you na si Nick Alcantara ang nobyo mo girlfriend? Alam naman nating pareho na hindi magtatagal mahahanap ka niya. So if ako sayo, kausapin mo na siya."
"Ewan ko Eve. Parang manhid pa ang utak ko ngayon." she said.
Nun naman nag-ring ang telepono ni Eve.
"Sandali. Baka si Blake." sabi nito bago inabot ang bag na nasa kama.
"Hello? Ha? Paano?" Eve sighed heavily, "Sandali..I can't do that..wait lang..Tawagan kita ulit." kunot-noong sabi nito sa kausap.
"Who's that? "asked Stacey.
Eve shook her head. "Sabi ko sayo eh. Hindi mo matatakasan ang boyfriend mo. That was Nick. He got my number from one of the staff sa bar. Inutusan daw niya ang driver niya. Malamang si Jodie ang nasuhulan. Matinding pangangailangan ng bruha na yun." Eve said na pumapalatak pa.
Umiling si Stacey. "I don't want to talk to him." she said firmly.
"Gusto ka daw kausapin ng mama niya." Eve said.
Kumunot ang noo niya."Ha? What for?"
"We better call him back para malaman natin." sabi ng kaibigan.
Nasapo ni Stacey ang noo. Then she said without looking at Eve, "Sige. Pero ang mama niya lang ang kakausapin ko."
"Okay."
Iniabot ni Eve ang telepono sa kanya pagka-dial.
"Hello." sagot ni Stacey.
"Stacey iha..." malungkot na bati ng mama ni Nick. "Nasabi lahat ng anak ko ang nangyari. I am deeply sorry iha .My son made a terrible mistake. Napakalaki ng kasalanan niya sayo. If you can only see him now, ang laki ng pagsisisi niya. My son loves you very much pero maiintindihan namin kung hindi mo siya mapapatawad. Nag-usap na kaming lahat. We all agreed sa sinabi ni Nick na if the only way for you to forgive him is idemanda siya then haharapin niya ang kaparusahan ng nagawa niya. He said he is willing to go to jail. Kami ang magdadala sa kanya ngayon sa presinto."