Chapter 80

Nakagat ni Stacey ang labi. Can she bear the thought of Nick in jail?

Oo, he raped her. She hated him after that. But di ba nga ramdam niya na what happened to her was the cause of the image she had portrayed? Na she had given him a very bad impression of herself. Pero eventually di ba pinatawad na niya when he said that he was really sorry? Sabi nga nito nagawa nito sa kanya yun kasi akala nito masama siyang babae. He made up for it in some ways naman .And yun nga, eventually she had developed feelings for him.

Napatawad na niya ang ginawa nitong panghahalay sa kanya pero ngayon..masamang-masama ang loob niya. She felt played on..cheated...and ang masaklap is ..mahal na mahal pa din niya ito kahit galit siya. But she has to make a decision now....

"Tita? Please tell Nick na hindi na niya kailangang gawin yun. I will not file charges against him. Napatawad ko na po siya sa ginawa niya sa akin dati. Pero hindi ko po matanggap ang ginawa niya. Ang tagal po niya akong niloloko. If hindi ko pa po siya nabuko, hindi ko po alam if sasabihin niya sa akin ang totoo na iisa lang si Nick at Derick." pigil ang emosyon na sabi niya.

For several seconds hindi nagsalita ang mama ni Nick.

"Maraming salamat Stacey and again, we are really sorry sa nangyari. Masakit para sa isang ina ang makitang nasa kulungan ang anak. Pero hindi din namin kaya ng asawa ko na magbulag-bulagan kung meron mang inagrabyadong tao ang kahit sino kina Nick at Alfred. Ibibigay ko sa kanya ang telepono para makapag-usap kayo. Gusto ko sana na magka-ayos kayo. You are good for him. I really hope na maging parte ka ng pamilya namin. Babawi kami lalo na si Nick sa lahat ng kasalanan niya sayo if you will give us a chance." Nick's mother said humbly.

She was really moved by what the older woman said.

"Salamat po tita. Pero I am sorry. Ayaw ko na pong kausapin at makita si Nick. Please, kayo na po ang magsabi sa kanya na I want him to leave me alone. I don't ever want to see and talk to him again." she said in a voice that is void of emotion.

May mahigit isang minuto na sigurong naibaba ni Stacey ang telepono pero nakatitig pa din siya dito.

"Girlfriend?" mahinang tawag ni Eve which brought her back to reality.

Her eyes are blank as she looks at her friend. She slowly raised her hand para iabot kay Eve and cp nito. The latter got it from her.

"Do you mean that? Ayaw mo ng makita o makausap si Nick?" she asked .

Nagbaba siya ng tingin.

"Ito siguro ang tama Eve. He should know kung gaano kasakit ang ginawa niyang panloloko sa akin." she said almost like a whisper.

Tumango ang kaibigan niya.

"Madalas ang inaakala nating tama ang hindi nakakapag-paligaya sa atin lalo na if isasakripisyo ang pagmamahal. Lahat nagkakamali. May mga nagsisisi,meron din namang hindi. My opinion is, lalo if wala namang third party na involved..yung mga nag-sorry or inamin ang mali, should be given chances. Pero nasa tao pa rin naman yun. If ayaw na ng nasaktan dahil hindi na nito mahal ang nakasakit sa kanya..karapatan niya yun. But if mahal pa niya..bakit niya papahirapan ang mga sarili nila di ba? Kung babae ang dahilan kaya ka makikipaghiwalay kay Nick, hindi kita aawatin. Alam ko napakasakit sayo ang itinago niya ang totoo about his identity .But masisisi mo ba siya? He was desperate enough to be with you na kahit ni-rape ka niya nung una, he proposed to have a certain kind of relationship with you? If he doesn't really feel something for you, the minute na pinatawad mo siya, di sana pinutol na lahat niya ang ugnayan sayo di ba? Pero nag-lakas loob siya to propose such a bizarre set-up. Tapos as Nick, iniligtas ka niya sa malaking kahihiyan. According to you, he bought all the issues of the men's magazine na ikaw ang cover. I feel hindi naman niya ililihim sayo ang totoo dahil trip ka lang niyang lokohin. I don't think na ganun si Nick. Mag-usap muna kayo bago ka mag-desisyon na makipaghiwalay na sa kanya." Eve advised.

Stacey tried to absorb what her friend said.

Oo naman..ang sakit talaga ng ginawang panloloko ni Nick. But tama si Eve, for sure may malaking rason ang nobyo .She remembered na as Derick, he said na wala itong confidence. Posible kaya na naiisip ni Nick na women are only after his money and good looks?

As Derick, wala siyang masabi sa pagtrato nito sa kanya during the few times na nagkasama sila as lovers.

As Nick, though he blackmailed her to work for him, wala din naman siyang mareklamo sa mga pinag-gagawa nito para magustuhan niya.

Gusto niyang matawa pag naiisip ang lahat ng effort na ginawa ni Nick nung panahon na nakakasama din niya ito bilang Derick. Hindi madali ang magpanggap lalo if hindi naman talagang gawain.

Pero sumasakit na talaga ang ulo niya sa mga nangyari tonight.

"Hindi muna siguro ngayon Eve."she said.

Her friend sighed.

"Good luck girlfriend. I don't think that breaking up with him will be easy. I saw him with you remember? Basta if you need me...andito lang ako." Eve touched her hand.

"Salamat." nakangiting sabi niya.

"Pero kailangan ko ng umalis. Ako muna ang bahala sa bar.I told Blake to take a rest."

"Oo nga pala, kumusta siya?"tanong ni Stacey.

Eve shook her head from left to right.

"His ego is crushed. He was just caught off guard kaya nabugbog siya ng mga lalaking yun. He doesn't even want to report the incident dahil babalikan daw niya ang mga yun pag malaman niya kung sino ang may pakana."

Stacey just nodded.

"Pwede ba kitang iwanan? Are you gonna be okay?" alalang tanong ni Eve.

"Oo .I'll be okay. Sige na.Salamat." she hugged her friend.

Buti na lang kahit hindi sila close ng kaisa-isang kapatid niya, may kaibigan naman siya like Eve.

Naisip niya na wala naman sigurong masama if kumustahin niya si Blake. Tinawagan niya ito pag-alis ng kaibigan.

"Stacey?" bungad ni Blake.

"Hello. Kumusta ka na? I heard what happened to you. Okay ka na ba?" she asked.

Narinig niyang tumawa ito ng mahina.

"I'll live." sagot nito.

She smiled too. Kahit naman pinagseselosan ito ni Nick, she still considers him as a friend. Yung physical attraction naman kasi hindi maiiwasan lalo at napaka-guwapo din nito. But of course dati pa yun. Nung hindi pa niya na-realize na mahal niya si Nick.

Nalukot na naman ang mukha niya ng maalala ang binata.

"Sa susunod kasi huwag iinom lalo if mag-momotor. Alam mong napaka-delikado. And kung hindi ka nalasing di sana hindi ka napagtulungan." sabi niya.

"If I didn't know na kayo na ng mayabang mong boss, I would feel that you care about me base sa sinabi mo." biro nito.

Natawa na din siya.

"Of course naman. We are friends di ba?" paninigurado niya.

Patlang.

"Oo naman Miss Hotness. May boyfriend ka na eh. So friends na lang tayo. Kahit kaya kong makipag-basagan ng mukha sa mayabang na nobyo mo, ayaw ko naman na magkagulo kayo dahil sa akin."Blake said with a serious tone.

Nailing na lang si Stacey. Yun ang hindi alam ng marami about Blake. Bad-boy ang image nito pero mabait at gentleman. Sayang nga at niloko ito ng long-time gf nito. Hindi alam ng babae na yun kung ano ang nawala sa kanya.

"Tell your boyfriend na hindi na siya mag-seselos sa akin kasi aalis muna ako. Magpapagpag ng kamalasan somewhere." biro nito although Stacey feels na seryoso ang sinabi nito.

"So sorry about what happened Blake. You deserve someone better. Darating din yung para sayo." nasabi na lang niya.

"Sayang nga. We could have been good together Miss Hotness. But I guess we're not meant to be." he said.

***

She had to take some pain reliever dahil sinusumpong na naman siya ng migraine niya.

Usually pag may gig si Lucille kinabukasan na ito umuuwi. She said na she can sleep on her bed. Baka daw sumakit ang katawan niya if sa sofa matutulog. Like Eve solo din ni Lucille ang unit nito.

Naiinggit nga siya sa mga kaibigan dahil independent ang mga ito. Kung hindi pa siya pinatira ni Nick sa condo nito kay Eve din ang bagsak niya.

She promised herself na hahanap siya agad ng ibang trabaho para makalipat siya kahit sa maliit na apartment.Importante yung solo niya. She sighed. Nasingit na naman sa utak niya ang ex niya.For her wala na sila ni Nick.

Humiga na lang siya and tried to sleep. Mas mabuti yun kesa maisip na naman niya ito.

Images of him as Derick without his stubble, keep on playing inside her head. Tila nakatatak sa utak niya at ang hirap burahin.

Tinakpan niya ang mukha ng unan and ipinikit ng mariin ang mga mata to erase memories of him. She has to try. Kailangan niyang sanayin ang sarili na wala na sila. It’s her choice anyway.

With a groan, bumaligtad siya ng pwesto ang isinubsob ang mukha sa unan. Hindi niya alam na nakatulog na pala siya.

She felt something heavy around her. She is lying on her back.

She slowly opened her eyes only to be shocked that she is in a different room. Kulay puti ang walls ni Lucille but this room has light green walls. Kumunot ang noo niya.

She gasped when she realized that she is not alone on the bed.

Her ex is sleeping peacefully next to her. He looks so yummy. Wala itong stubble.

Nakayakap ang isang braso nito sa kanya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.