CHAPTER 34

Kanina pa matiyagang naghihintay si Karina kay Evo. Hindi na nga niya nagawang magpaalam pa kay Winston dahil nagmamadali si Evo. Tapos ngayon na nandito na siya sa meeting plce nila, it naman ang wala.

Ang gulo naman nitong si Evo? Ani Karina sa isipan.

She sat on a bench kung saan sinabi ni Evo na puntahan siya nito. Mukhang nagbabadya pa naman na umulan. Wala siyang dalang payong dahil sa pagmamadali niya.

"Evo, nasaan ka na. . ." usalni Karina habang palinga-linga s a paligid at nagbabakasakali na baka nasa malapit na ito. She already texted him saying that she's already waiting here at the nearby park but there is no reply coming from Evo.

biglang kumulog ngmaakas.

"Aahhhh!" sigaw ni Karina saka naptakip ng kanyang tenga.

Parag galit ang langit dahil sa malalakas na dagundong.Natakot tuloy si Karina kaya napagpasyahan na lang niya na umalis doon at sumilong dahil mukhang papatak ang ulan. Malakas na ulan.

Tatayo na sana siya nang may biglang tumigl na lalaki sa kanyang harapan. Humahangos ito at tila hapong-hapo.

Iniangat ni Karina ang ulo niya para makita kung sino 'to.

"Evo!" Napangiti yanang makita si Evo na akala mo ay hinabol ng sampung kalabaw dahil hinahbol habol nito ang hininga niya.

"Karina, let's go!"

He grabbed Karna by her wrist saka hinatak ito.

"E-Evo, sandali! saan mo ako dadalhin? Saan tayo pupunta?" nagtataka nitong tanong. Halatang nagmamadali ang binata.

"Evo, dahan-dahan naman nasasaktan ako, e." Pero parang wala itong naririnig. Patuloy niyang hinatak si Karina hanggang sa makarating sila sa kotse niya na naka-park sa hindi kalayuan.

Kinakabahan nasi Karina kung ano ang balak nitong si Evo. Kinakabahan siya ngayon. Palaging payapa ang damdamin niya tuwing si Evo ang kasama niya pero hindi niya maipaliwanag ang kaba na nararmdaman niya ngayon.

"Get inside the car, Karina. Bilis!" Nataranta si Karina na pumasok. Maging siya ay hapong-hapo at tila nag-marathon silang dalawa ni Evo sa ginawa nila.

Napahawak siya sa kanyang dibdib. "Hoohh! Hiningal ako. Saan ba tayo pupunta, Evo? Bakit tayo nagmamadali?" kunot noong tanong niya.

Sunod-sunod ang naging paghinga ni Evo. Hiningal siya do'n. But he needs to take Karina away.

"I will explain later, Karina. Kailangan na muna nating magpakalayo-layo ngayon."

Napabangon si Karina mula sa pagkakasandal sa kose nito.

"Ano?!" singhal niya.

Magpapakalayo-layo? What does he mean?

"I need to take you away from here, Karina." Pagdidiin ni Evo without even looking at her.

"Evo. Hindi na 'to maganda. Hahanapin ako ni Winston. Hindi ako nakapagpaalam." Sinasabi na nga ba. Tama ang kutob niya. There is really something wrong. May mali kay Evo. May mali sa mga kilos at galaw nito.

Ang hindi pagsagot ni Evo sa kanya ay mas lalo niyang ikinabahala. Inilabas niya ang cellphone sa kanyang bulsa at simpleng magtitipa na sana ng message kay Winston nang mabilis rin iyong sinipat ni Evo at inilagay sa kanyang bulsa.

"Evo! Ano ba?! Magpaaalam lang ako kay Winston!"

"Hindi puwede, Karaina. Please, maghintay ka hangga't makarating tayo sa pupuntaan natin."

"No! Ayaw ko! Ibaba mo 'ko! Stop this freaking car!"

"Sorry, Karina but I can't do that."

Gustong sumabog ni Karina sa galit at poot na nararamdaman niya kay Evo ngayon. He' sacting different and it is creeping her out. Kung pwede lang na tumalon siya, ginawa na niya Kinimkim niya na lang iyon at hindi na nagsalita pa kahit isang salita buong biyahe. HIndi na rin niya alam kung saan na siya dinala ni Evo dahil hindi niya naman kabisadoang syudad. Ang alam niya lang, gusto na niyang umuwi. Gusto na niyang umuwi kay Winston.

Hanggang sa hindi na niya namamalayang nakatulog na pala siya sa biyahe. Nakatulog siyang may poot sa kanyang dibdib.

Naalimpungatan si Karina sa suno sunod na tapik sa balikat na naramdaman niy. Nakahilig ang ulo niya sa bintana ng kotse at doon nasandal para makatulog. Pinilit niyang imulat anag mga mata niya.

"N-Nasaan tayo?" tanong nito. Napalinga-linga siya sa paligid. Napapaligiran ng mga punong kahoy ang lugar. Nakatigil ang kotse ni Evo a tapat ng isang rest house.

"I have known this place from a a friend. Kanila 'to."

"B-Bakit tayo nandito? T-Tayo lang dalawa?" nauutal at medyo kinakabahan niyang sagot.

"Let's get inside, Karaina."

Nakaisip ng ideya si Karina. Kapag makababa na siya, kakaripas siya ng takbo para maatakas kay Evo. Tama!

Nang makababa, naunang kaunti na maglakad ang binata kaya ma tyansa siyang tumakbo.

One. . .two. . .three

Akmang tatakbo pa lang siya pero nahigit na ni Evo ang braso niya.

"Stop wasting your energy, Karina."

Mariing napapikit si Karina. Wala na ba talagang chance na makaalis rito? Gusto na niyang maiyak.

Napilitan siyang pumasok sa bahay na iyon kasama ni Evo. Sinubukan niyang huwag na munang magpakaba at ma-paranoid dahil mukhang hindi naman ito makakatulong. Isa pa, kailangan niyang malaman kung ano ba talag ang rason ng binata at kung saan saan niya ito dinala.

Hindi naman masaydong malaki ang bahay. Kapansin pansin rin ang vintage nitong interior design. It looks simple but elegant.

They sat on the couch.

"Ano na, Evo? Wala ka bang sasabihin? Tititigan mo lang ako? Gano'n?"

Kapansin-pansin rin ang pagkakatulala ni Evo na par bang may malalim na iniisip.

"Karina, the thing is. . ."

Tiningnan siya ng taimtim ni Karina tila naghihintay ng susunod nitong sasabihin.

"Baka, hindi mo maintindihan," dugtong pa ni Evo.

"Anong hindi? Paano ko maiintindihan, e hindi mo naman sinasabi sa akin. Oo, Evo, hindi ako matalino, but try telling it to me. Susubukan kong intindihin, please. Ipaintindi mo naman sa 'kin." Halos magmaaawa na si Karina. Her eyes looks weary. Lumilipad ang utak niya kay Winston dahil gabi na, siguradong hinahanap na siya no'n. Malalagot talaga siya.

"It's really complicated, Karina. Will you trust me?" Mariin itong napatitig kay Karina.

"I will, basta sinasabi ko sa 'yo. Huwag na huwag mong sisirain ang tiwala ko. Mahirap nang ibalik ang mga bagay na nasira, Evo."

"Hindi ko alam kung alam mo na ang rivalry between us, Karina."

Ayun, nasabi rin sa wakas ni Evo. Rivalry sa kumpanya. Pero higit pa ro'n, may rivalry pa rin sila ni Winston kay Karina. Haba ng hair mo, Karina de Joseph.

"I am aware. Winston is in a hug problem because of that."

"It's a battle between our families. Kung sino ang mananatili sa tuktok, sino ang aangat, at sino ang babagsak."

Seryoso na si Evo. Hindi na tuloy mawaksi sa isip ni Karina ang kaba.

"Hindi naman babagsak na maluligi, hindi ba? E, bakit kailangang umabot sa ganito?"

"Hindi nga. Pero ang top, iyon ang pinaglalabanan ng pamilya. My Dad is desperate of winning the top, Karina. And I brought you here, because. . ."

"Because?"

"He wants me to distract the Millers."

Naihimalos ni Karina ang kanyang palad.

"So you mean, sinadya mo talaga 'to? Sinadya mo akong dalhin dito?!"

"I'm sorry," pabulong niyang sabi.

Hindi na napigilan ni Karina ang sarili na masampal si Evo. She slapped him real hard.

"Sorry, Karina." Pag-uulit niya pa.

"Ibig sabihin, all these times, naging mabuti ka lang sa akin dahil gusto mong i-distract si Winston using me?! Ginamit mo 'ko!!" Nanggagalaiti si Karina sa galit.

"Hindi ko sinasadya! It was all Dad's plan! Wala akong nagawa! But please, maniwala ka! Hindi ko intensyong gamitin ka! Lahat ng 'yon, nagbago nang makilala kita. Ang tunay na Karina. Please, listen to me!" Pagsusumamo nito.

"Ano pa ba ang dapat kong marinig? Puro kasinungalingan!"

"I am not! Kaya ko nga sinasabi sa 'yo ito! Para mag-warning sa inyo!"

"Hah! Warning?! O, naka naman, mamaya nandito na ang mga tauhan ng Dad mo para ligpitin ako?"

"It's the plan. Pero hindi ko kaya, Karina. Inutusan ako ni Dad na kitain ka at dalhin sa kanila. Gusto niyang sa kanila ka habang hindi pa natatapos ang ranking para tuluyan nang ma-distract si Winston dahil sa magiging pagkawala mo. Pero, hindi ko hahayaan iyon kaya tinakas agad kita bago pa nila tayo maabutan."

Still, hindi pa rin lubos na gustong unawain ni Karina si Evo. Pakiramdam niya, pinagtaksilan pa rin siya nito.

"You should have told Winston, then!!"

"Bantay sarado ako ni Dad, Karina! Hindi mo naiintindihan ang sitwasyon ko!"

"Hindi ko talaga maiintindihan dahil hindi mo ipinaiintindi sa akin, Evo!!"

"He blackmailed us!! Dad will kill us kapag sinabi ko 'to kay Winston! He's that desperate, Karina! Gano'n siya ka-uhaw sa mataas na rangko! Ano sa tingin mo ang uunahin ko? Hahayaan ko na lang bang kitilin niya ang Mommy ko?! I'm his step son, at wala siyang pakialam sa akin! Kahit sa Mommy ko pa!"

"Nababaliw na ang Daddy mo! Nababaliw na kayo!" This time, napaiyak ni si Karina. She cried in pain, nervousness, and all. Halo halo na ang nararamdaman niyang emosyon. Gusto na lang niyang magising.

"This is my fault," she said crying.

Marahang nilapitan siya ni Evo saka pinakalma.

"No, it's not your fault, Karina. Huwag mong sisihin ang sarili mo, please."

"K-Kung h-indi ako n-niligtas ni W-Winston sa bar, h-hindi ako m-makakapagtrabaho sa k-kanya. H-Hindi sana ako ginamit ng Daddy mo laban sa kanya. Mukhang ako pa ang magiging dahilan para malaglag sila sa pinangangalagaan nilang pwesto," aniya habang patuloy na umiiyak. Her sobs filled the whole room. Hindi na siya napigil pa ni Evo.

"Tahan na, Karina. Sa ngayon, safe pa tayo rito. Pero bukas na bukas rin, kailangan na nating umalis agad. Baka matunton tayo ni Daddy. Alam ko, hinahanap ka na niya. Hinahanap na ako no'n dahil akala niya ako ang magdadala sa 'yo sa kanila. Madami siyang bata, madami siyang sources. Delikado tayo kapag nagtagal tayo rito. Kaya please lang, Karina. Tanan na."

"Please, tulungan mo kami ni Winston, Evo. Tulungan mo sila. Makipagtulungan ka na lang sa kanila." Pagmamakaawa ni Karina.

"What about my Mom, Karina? Hahayaan ko na lang ba siyang mamatay?"

"Hindi siya papatayin ng Daddy mo! Hindi sila mag-aasawa kung hindi niya mahal ang Mom mo! Mag-isip ka nga, Evo! Ginagamit niya lang ang Mommy mo!"

"Hindi mo alam kung bakit sila ikinasal!! They were forced to marry each other Karina! Para mapanagutan ako na dinadala na noon ni Mommy sa sinapupunan niya! At iyon ang bagay na ikinagagalit ni Daddy hanggang ngayon! Dahil pinagkaitan siya ng karapatan na magmahal! Na pakasalan ang babaeng totoo niyang mahal! Dahil wa walang kwentang arranged marriage na 'yan na ginawa lang para maisalba ang kumpanya nila! At ito na nga ang kumpanyang 'yon ngayon, Karina! Ito na ang kumpanyang ngayon ay ipinaglalaban ng Daddy ko at gagawin niya ang lahat para mapabagsak ang mga Miller!"

Nawindang si Karina sa mga isiniwalat ni Evo sa kanya. She's so fed up with so many informations ngayon. Sobrang dami, mahirap nang i-absorb. Gusto nang sumabog ng utak niya. Wala na siyang ideya kung ano pa ang mga susunod na posibleng mangyari.

Nang mahimasmasan ng kaunti, nagsakita ulit si Karina matapos ang ilang minutong katahimikan.

"Gano'n pala maglaro ang mga mayayaman, ano?" sarkastiko niyang sabi saka mapait na ngumiti. Hindi na muli niyang napigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga pisngi

"Magulo ang buhay namin. Minsan, alam mo, pinapangarap ko na lang na mamuhay sa simpleng buhay. 'Yung malaya kong nagagawa lahat ng gusto ko nang walang kumo-kontrol ng mga desisyon ko sa buhay. Naiinggit nga ako sa 'yo minsan. You are living the life you want, Karina."

"Akala ko rin noon, dapat kong kainggitan ang lahat ng mag kumpleto at buon pamilya. Pero hindi pala lahat, gano'n kasaya tulad ng napapanood ko sa mga telenovela's. Hindi pala lahat, happy family. Kahit paano, hindi pala dapat ako mainggit."

Niyakap ni Evo si Karina. Hindi na niya napigilan pa. Sila na muna ang magkaramay ngayon. Siguradong pinaghahanap na si Karina ng Daddy niya at siguradong malalagot siya. Bukas, hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. Iuuwi ba niya si Karina kay Winston, o dadalhin ito sa Daddy niya?

"Si Winston, nag-aalala na sa akin 'yon, sigurado ako."

"I'm sorry, Karina. Sorry kung noong una, balak talaga kitang gamitin. Pero kasi, lumambot ang puso ko sa 'yo."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Humiwalay sa pagkakayakap si Evo sa dalaga.

"Nang nagsimulang maramdaman ko 'to, sigurado na ako na totoo ang nararamdaman ko. Noong una pa lang kitang makita, iba na ang hatak mo sa 'kin, e. Kaso, iyon lang, personal maid ka ng kaibigan ko, at binalaan niya agad ako tungko sa 'yo. Kilala ko 'yon, ayaw na ayaw no'n na may kahati."

"Sinasabi mo bang. . ."

Pinutol na si Evo ang sasabihin pa ni Karina.

"Oo, Karina. Mahal kita. Mahal na kita. Kahit na halata naman, halata naman na hindi ako ang mahal mo. Kahit masakit dito, tanggap ko iyon." Sabay turo niya sa kanyang dibdib.

Kitang-kita ni Karina ang sakit at pait sa mga nito habang nakangiti na sinasabi iyon. Nalulungkot siya dahil alam niya sa sarili niya na hindi niya maibabalik kailanman ang nararamdaman ni Evo sa kanya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.