CHAPTER 35

Umaga pa lang, madilim pa ang paligid at hindi pa lubusang sumisikat ang araw, gumising na sina Evo at Karina para umalis.

"Evo, iyong babaeng totoong mahal ng Daddy mo, sino siya?" Karina ask out of nowhere. Naalala niya lang ang naging masinsinang usapan nila kagabi. Na hindi napakasalan ng step dad ni Evo ang babaeng gusto nito dahil sa Mommy niya. And she's dead curious to find out.

Malamig siyang tinitigan ni Evo. "Winston's Mom."

Doon na mas lalong nawindang si Karina. This is really unbelievable!! Hindi siya talagang makapaniwala na ganito ang magiging twist ng mga buhay nila! Iniisip tuloy niya na kaya ito ginagawa ng step dad ni Evo, dahil bukod sa top spot, hindi nito matanggap na sa ibang lalaki ikinasal ang babaeng minamahal niya.

"Sa tingin mo ba, ang pangunguna lang ng kompanya ang habol ng step dad mo? Kasi sa tingin ko, hindi, e. Base sa mga sinabi mo sa 'kin."

"You are right, Karina. It must also be one of the reasons. I know him. Hindi 'yon titigil hangga't hindi makakaganti."

"Saan tayo pupunta ngayon?" tanong ni Karina. Kung hindi sila puwedeng bumalik sa mansiyon agad nina Winston at baka nag-aabang sa daan ang Daddy ni Evo. Saan sila pupunta ngayon kung gano'n?

"I called Winston."

Dumagundong ang puso ni Karina sa kaba. Ibig sabihin, kung tinawagan niya si Winston na pumunta rito, dapat mag-ingat rin ito dahil hindi biro ang makipagsapalaran sa buhay niya. Hindi ba dapat masaya na siya kasi, darating si Winston. Pero bakit nangibabaw ang kaba niya ngayon?

"W-Will he be s-safe, Evo?" Hindi siya mapakali. Kinakabahan siya at baka mapano si Winston sa daan. Sana, hindi naman umabot sa puntong 'yon. Sana, hindi umabot sa dahas.

"Hindi ko alam, Karina. Let's just trust him at ipagdasal na lang natin na dumating siya ng ligtas."

"Dito siya pupunta? Susunduin niya tayo?" tanong uli ni Karina.

"Oo, Karina. Let's wait for him outside. Let's go."

Nanlalamig ang mga kamay ni Karina. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong threat sa tanang buhay niya. Hindi lang buhay niya ang at risk dito, pati na at lalo ang mga Miller.

Pinisil-pisil ni Evo ang kamay ni Karina para mapakalma ito. He can feel that she's really tensed.

"Okay ka lang? Relax. I'm with you, hindi kita pababayaan. Hindi ka namin pababayaan ni Winston."

Pinilit ni Karina na tapangan ang loob niya. Kahit sa totoo lang, nangangatog na ang tuhod niya at lumilipad ang isip kay Winston.

HINDI na nakontak pa ng Daddy ni Winston ang binata. Kaya ito siya ngayon at nagwawala sa iniwan at nakatiwangwang na mga gawain nito. Ilang linggo na itong wala sa concentration sa trabaho at dumagdag pa ang bigla niyang pagkawala.

"Damn that man!!" sigaw niya.

"Tito, I will find him by hook or by crook! We'll still marry each other, right?"

Tiningnan ng Daddy ni Winston si Tiffany. "Yes, hija. You will marry him no matter what."

"Where the f*ck did your child go, Aragon? Akala ko ba, inaalagaan niyo ang number 1 spot niyo? Ano 'tong nangyayari ngayon! Mapupurnada ang pagpapanatili natin sa taas nito!"

Napatiim bagang si Mr. Aragon. Kumukulo ang dugo niya. At for sure, magbubunyi ang Dadddy ni Evo kapag nakita niya ang scene na 'to. Na nagkakagulo ang mga Miller. Na unti-unti silang nagkukumahog na panatilihin ang posisyon na matagal na nilang iniingatan.

"Lintek talagang bata 'yan!! Ang tigas ng ulo!!"

"Tito, Daddy, calm down. I will find him! I will make sure of that." Si Tiffany ang nagsalita.

Wala silang lahat na kaalam-alam na umalis si Winston para puntahan si Karina. Just the distraction that Evo's step father wants. At hindi pa siya makuluntento rito. Not until bumaba ang ranking ng mga Miller.

Nag-aalalang nagmaneho si Winston dahil nakatanggap siya ng tawag mula kay Evo at pinapunta niya ito sa address nila. He said he'll explain everything kapag nandoon na ang binata. Pero kaba ang naramdaman no'n ni Winston. Masama ang kutob niya.

Niyupyop niya ang kanyang sigarilyo saka tinapon iyon. Minaneho niya ang kotse papunta sa sinabing address ni Evo. He over speed. Nagmamadali siya ngayon. Pero bago siya umalis, sinigurado muna niya na walang sino man ang nakasunod sa kanya bukod sa mga body guards niya. Iyon ang babala sa kanya ni Evo na labis na nakapagpakaba sa kanya. He's thinking of Karina. Kapakanan lang nito ang iniisip niya.

Few hours after his travel, nakarating na rin siya sa sinabing location nina Evo. He saw them outside waiting for him patiently.

"Winston!" Tumakbo agad si Karina para hagkan siya.

"Karina!" Napayakap siya ng mahigpit sa dalaga sa sobrang pag-aalala niya.

Mapait na napangiti si Evo sa nakikita niya pero wala naman siyang magagawa, at least now, dalawa na silang po-protekta kay Karina.

"Tara na. Umalis na tayo at baka maabutan nila tayo rito." Iyon na lang ang sinabi ni Evo. Pilit na nilalabanan ang takot at pag-aalala niya sa Mommy niya.

Hindi pa rin nasasagot lahat ng mga katanungan sa isipan ni Winston, pero isinantabi niya muna ito. Kailangan nilang magmadali kung ito ang sinabi ni Evo na makakabuti at makakapagpanatiling ligtas sa kanila.

"Evo, hindi ito 'yung kotseng palagi mong gamit, ah?" Puna ni Karina.

"Hindi talaga, Karina. Ayaw kong maging dahilan pa 'yon para matunton tayo ni Dad."

"Ano ba ang nangyayari, bro? Tell me?" malamig na tanong ni Winston sa kanya habang nakatingin rito ng mata sa mata.

"Mamaya na, bro. Kailangan na nating magmadali. May alam ka bang lugar na secured?"

Tumango lang si Winston. Sa kotse niya sumakay si Karina. Tensyonado sila parehas. Walang nagsasalita at kapwa nakatuon lang ang atensyon sa daan. Habang si Karina, patuloy na nakatanaw sa bintana at nagdadasal. Sa likod nila, nakasunod lang ang mga body guards ni Winston. Malaking tulong na rin 'yon para sa seguridad nila.

"Karina, stay still. Huwag kang kakabahan. Kasama mo 'ko." Hinawakan nito ang kamay ni Karina.

"Iuwi mo na lang kaya ako kay Tiya Alicia, Winston?"

Nagsalubong naman ang mga kilay ni Winston.

"Why would I do that?" he asked.

"Pakiramdam ko kasi, ako lang ang nagdala ng malas sa buhay mo, e. Tama si Tiya, wala talaga akong kwenta."

"Karina, hindi ito ang oras para sisihin mo ang sarili mo, okay?"

Mas lalong pinaharurot ni Winston ang kotse. Napakapit si Karina sa seatbelt niya sa sobrang bilis niyon.

Nag-ring ang cellphone ni Winston kaya napatingin sila parehas. Tumatawag si Evo. Si Karina na lang ang sumagot no'n dahil nagmamaneho si Winston.

"Hello, Evo?"

"Karina! Nasundan nila ako. Sabihin mo kay Winston, bilisan niya. Ako na ang bahala dito. Haharangan ko sila!"

Halos manuyo ang laway ni Karina sa pagkagitla. Halos lumabas na ang puso niya sa kaba. Namutla siya at hindi agad nakasagot.

"E-Evo, w-will you be o-okay?"

"I will be, Karina."

Naguguluhang tiningnan ni Winston si Karina. She's crying. And he hates seeing her that way.

"Karina? What's wrong?"

"Si Evo, nasundan nila. Tumigil siya para harangin ang grupo ng Step Dad niya. A-Ang s-sabi niya, d-dumiretso na daw t-tayo," humihikbi niyang sagot. Nag-aalala siya kay Evo.

"What?! Darn it!!" Hinampas ni Winston ng malakas ang manibela. Para siyang mababaliw. "Halang talaga ang kaluluwa niyong Step Father niya!! Sinasabi ko na nga ba! This is happening all because of him!" nanggagalaiti nitong sabi.

"B-Bilisan na lang natin, W-Winston." Iyon na lang ang nasabi ni Karina. But his mind goes to Evo. Iniisip niya kung ano na ang posibleng nangyari dito. Sana naman ay walang gawing masama sa kanya ang step father niya.

Iniharang ni Evo ang sasakyan niya sa daan. Sinadya na niya iyon nang hindi napaghahalataang sumusunod siya sa likoran nina Winston.

Lumabas siya sa kotse na nanginginig ang tuhod pero nilabanan niya iyon. Pinalibutan siya ng mga tauhan ng Step Father niya na puro may mga armas.

"Well well well, son." Bungad nito sa kanya

"D-Dad," he uttered.

"Were you planning to escape together?" sarkastiko nitong tanong.

Doon na mas lalong kinabahan si Evo.

"N-No, Dad! W-We weren't t-together. I-I am f-following them t-to give them to you!" Pagsisinungaling niya. But it's too late to act dumb. Dahil natunugan na ng Step Dad niya ang ginawa niya.

Nagpaputok ito ng baril.

"Oh, really, son?" Ngumisi ito sa kanya saka hinipan pa ang baril niya.

"Anyway, hindi na 'yon mahalaga. Ang mahalaga, naghihintay na ang mga tauhan ko at the other side of the road. Waiting for the prey."

Napaangat ng ulo si Evo sa narinig na si abi ng Daddy niya.

"W-What?" bulalas niya.

His whole body shakes along with his heart that is beating so fast. Mariin na lang siyang napapikit. This isn't what he's expecting. Everything have failed!

"Bakit, son? You weren't expecting this?" nakangisi nitong tanong sa kanya.

Napalunok ng laway si Evo.

"H-Hindi, Dad. A-Alam ko namang m-makukuha mo sila."

"Akala ko nga ang babae lang ang nandoon, kung sinuswerte ka nga naman, pati pala ang anak ni Aragon, kasama rin. What a bonus! Magandang pambungad para mapasakamay ko ang unang rangko." Humalakhak ito na parang mababaliw na.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.