CHAPTER 39

Love is like a war. Kung gusto mong pasukin, kailangan handa ka. Kailangan may armas ka at bala. Dahil kung hindi, ang tanging magiging kahihinatnan mo lang ay ang masaktan. Pero, hindi nakapaghanda si Karina sa ganitong klase ng laban.

Nakatulala si Karina habang nakatingin sa kisame ng kuwarto niya. Bagot siya ngayon. Ang sabi kasi ni Misis Olivia, mula ngayon, hindi na siya muna mag-abalang tumulong sa mga maids dahil hindi bagay ang ganda niya doon. She somewhat smiled thinking of Misis Olivia's praises to her. The way she comfort her and hug her, lalo niyang nami-miss ang ina niya. Gusto pa niyang mag-stay sa bahay ng mga Winston, pero lalo niya lang nare-realize that she's just fitting in, but she's really not belong here. There must be a place where she'll belong.

Matagal na niya itong pinag-isipan at napagpasyahan niyang umalis pagkatapos ng ranking ng mga naglalakihang kumpanya. Nang sa gano'n, hindi mapapansin ang pag-alis niya. Ito na yata ang isa sa pinakamahirap lalo pa at mahal niya si Winston at gano'n rin ito sa kanya.

Tumunog ang phone na bigay sa kanya ni Evo. Agad siyag napabalikwas ng bangon nang makitang tumatawag si Evo sa kanya. Ilang araw na rin siyang nag-aalala rito. Ilang araw na rin niyang hnihintaya ang tawag nito.

Dali dali niyang pinindot ang answer button. "Evo!" nananabik nitong bungad sa binata.

"Karina, I'm sorry." Iyon agad ang ibinungad sa kanya ni Evo.

Nagtaka naman si Karina. Walang ibang ginawa si Evo kundi ang damayan at pasayahin siya. Niligtas niya rin ito mula sa mga panggugulo ng Step Dad niya.

"Hindi kita maintindihan, Evo. Bakit ka nagso-sorry? Para saan naman iyan?"

"Sorry dahil hindi ako nakatawag agad. I was locked inside the basement without anything. Mabuti na lang, tinulungan ako ng isang maid." Ang anak ng isa sa mga mais nila na si Katarina ang tinutukoy nito.

"What? That's hilarious! Kamusta ka na ngayon? Are you okay??" Labis ang pag-aalala nito.

"Okay na ako. It's all thanks to Winston's mother. She really is the onewho saved me."

"She saved you? How?" nagtatakag tanong ni Karina. She knows how ruthless Evo's father is kaya expected na na hindi ito madaling lapitan para kausapin. But how did Misis Olivia did that thing?

"Malambot ang Daddy ko pagdating kay Misis Olivia. Nakwento ko na sa 'yo kung bakit, hindi ba? Hindi ko rin alam kung paano niya itong nagawa pero, siguro siinabihan niya ito na lumaban na lang ng patas. Kilala ko iyong si Misis Olivia. Mabuting tao 'yon, e."

"I'm glad everything is finally falling into its place, Evo. Sana magtuloy-tuloy na ano?"

Tuloy tuloy na talaga dahil lalayo na siya. Simula't sa 'pul, pakiramdam niya kasi, nag-umpisa lahat ng mga problemang ito dahil sa kanya. Siya yata ang malas dito sa pamamahay ng mga Miller.

"Tuloy tuloy na ito, Karina. Magfa-file na ng annulment ang Mommy ko kay Daddy. Makakawala na rin kami sa mga mahihigpit niyang kuko."

"Masay ako para sa 'yo, Evo. Wala naman kasing saysay ang pagiging buo ninyo kung hindi naman siya nagpapaka-tatay sa iyo, e."

"I miss you, Karina."

Napalunok ng laway si Karina sa mga sinabi nito. Hindi niya ito inasahang manggagaling kay Evo kahit na alam niyang may gusto ito sa kanya.

"Miss rin ki---"

"Miss? Sinong miss mo? Are you cheating behind my back?"

Naramdaman na lang ni Karin ang pag-daloy ng kuryente sa kaugat-ugatan niya nang marinig ang boses ni Winston sa kanyang likuran.

"Hello? Karina? Nandiyan ka pa ba?" Muli pang sinabi ni Evo pero hindi na sumagot pa si Karina at pinatayan na siya ng tawag.

Mabilis na tinago ng dalaga ang cell phone sa likod niya.

"W-Winston! N-Nandiyan ka na pala!" nauutal nitong sagot. Bigla siyang naging tensyonado sa naging presensya ni Winston sa harap niya.

"I said, sino'ng miss mo? Sinong katawagan mo while I was not here, Karina? Tell me."

Lumapit ito lalo sa kanya.

Kinakabahan si Karina sa bawat ginawang paghakbang ng mga paa ni Winston. Bakit kasi para itong tigre kapag nagaglit?

"Si Evo lang 'yon, nangamusta." Diretsa niyang sabi nang hindi nauutal para hindi mapaghalataang kabado siya. Bakit nga naman siya kakabahan? Isang kaibigan lag si Evo. Isa pa, she's not even cheating at him.

"Kasama pa ang I miss you sa kamustahan?" may bahid ng pagdududang tanong nito sa kanya habang mariin itong tinititigan ng mata sa mata.

"Wala lang 'yon, Winston. Magkaibigan lang kami ni Evo. Masama bang sabihin kong miss ko rin siya, as a friend? HIndi naman, ah?" Pagdepensa ni Karina.

Himala at hindi siya nautal. Pero sa totoo lang, halos manghina na ang tuhod niya sa kaba.

Lalong nagsalubong ang mga kilay ng binata. "Really?"

"Really! I swear! Saka, wala pa nga tayong label man lang, e. Ano? Sapat na ba ang i love you lang? Anong isasagot ko kapag tinanog ka kung ano mo 'ko?" Pambabara nito.

Gustong marinig ni Karina sa mismon bibig ni WInston kung anong label ang ibibigay niya sa relasyon nila pero hindi ito nakasagot agad.

Bakit, Winston? Bakit hindi ka agad nakasagot? Hindi naman mahirap ang tanong , ah?

"I see, you find the question so hard to answer. Okay lang." She let out a heavy sigh.

"Sorry, I was just pre-occupied. Can we talk aboutit some other time?" he asked sincerely.

Kailan pa, Winston? Kapag aalis na si Karina? Ito na nga yata ang hinihintay niyang sign, e. Ikaw na mismo ang magtutulak sa kanya ngayon para mas lalong magduda kung karapat-dapat ba siyang tunay sa oyo.

"Did you eat?" Pag-iiba ni WInston ng usapan. He checked his wrist watch and it is almost 8 PM in the everning.

"Hindi pa. Hindi pa ako nakakababa."

"Let's go downstairs and eat dinner together." Yaya ni Winston sa kanya pero hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan niya si Karina.

"Didn't you hear me?" he said again.

" We will eat dinner together as what?"

Napa-tsk si Winston. "Does that even matter, Karina?"

"It does! It always matter, Winston!" Pagmamatigas niya

"Kakain ka ba, o kakainin kita?"

Halos mabulunan si Karina sa sarili niyang laway dahil sa mga pagbabanta ni Winston. "Fine! Ito na nga, o. Bababa na sabi!" Saka siya nagmartsa palabas ng kuwarto niya.

Hinigit siya ni Winstons sa bewang kaya napatingin siya dito.

"Ano ba?" Pagsusuplada ni karina.

"Umalis lang ako for work, tapos pag-uwi ko, halos hindi na kita makilala sa ayos at suot mo. Ano bang ginawa ni Mommy sa 'yo?"

She was all dressed up from her head to her toes. Gawa nga iyon ng Mommy ni Winston. Sa sobrang gandang ganda nito kay Karina, ginawa na niya ito halos manika at doll house na lang ang kulang.

"Thanks to Misis Olivia," she answered without wearing a smile.

"Were you trying to impress me?"

Napataas kilay si Karina at tinanggal ang pagkakahawak ni Winston sa bewang niya.

"Me? Impressing you? Hindi na. Saka na kapag may label na tayo. Baka hindi ka pa nga siggurado kung magkakatuluyan nga talaga tayo, e. Tse!"

Karina walked out in front of him saka nauna nang nagmartsa pababa. She even glared at Winston sabay flip nito ng kanyang buhok.

"Oh, my son! Nandito ka na pala?" ani Misis Olivia nang makita si  Winston na pababa ng hagdan. Napansin rin niya na nauna na si  Karina dito at salubong pa ang mga kilay.

"Yes, Mom. I  just came home."

Nagpabalik-balik ang tingin ng Mommy niya kay Karina sa  kanya.

"Did you two faught?" nagtataka nitong tanong saka nakipag-usap kay Winston through her facial expression at na-gets ito agad  ng binata.

"Mom, just ask Karina. Mukhang close naman na kayo," maikli niyang tugon.  

Agad na bumaling si  Misis Olivia kay Karina para magtanong rito.

"Hija, bakit salubong iyang kilay mo? What happened between the two of you?"

"Si Winston na lang po ang tanungin niyo, Tita," sagot naman ni Karina.

Ngayon tuloy, kilay naman ni Misis Olivia ang nagsalubong dahil sa pagtuturuan ng dalawang ito.

"Sino ba ang dapat kong tanungin sa inyo? E, nagtuturuan kayo pareho? Hay, nako!" Sabay hilot nito ng kanyang sentido na mukhang sumasakit na. Na-stress na rin pati si Misi OLivia sa dalawa.

"Galit ka po  ba, Tita?" tanong ni Karina.

"Hindi!  Gigil  ako! Gigiil na gigil! Dinadagdagan niyo ang stress ko, e. Hindi  ko pa nga naaayos ang gusot ni Aragon!"

Pinandilatan ni  Winston ng mga mata ang Mommy niya na nagbabanta na huwag itonng magsabi ng kung ano mang nalalaman niya.

Tumaas ang kilay ng Mommy niya. "She needs to know, Winston. Whatever that will hapen, kailangan alam niya nang maging handa siya."

Hindi na maintindihan ni Karina kung ano ang pinag-uusapan nila. 

"Ano po ba ang ibig niyong sabihin?" nagtataka niyang tanong.

"Mom, no."  Banta agad ni  Winston.

"No, son. Kailangan niyang marinig."

"Marinig ang alin po?" sabat  ni Karina.

"Na hindi  sigurado kung kakayanin kong  i-pull out ang kasunduan ni Aragon sa daddy ni Tiffanny na ipakasal si Winston sa anak nito. Mahihirapan ako doon, lalo pa't mahal na mahal si Tiffany ng daddy niya. Isa rin ito sa may pinakamalaking stocks sa kumpanya at mahihirapan kami,  ako, na mapigil ang nakatakda nilang kasal  dahil inaayos na iyon ng mga organizers  ngayon." Mahabang pagpapaliwanag ni Karina.  

Nanikip agad ang dibdib niya sa mga narinig. Hindi niya alam kung ano pang mga salita ang bibitawan niya nang hindi mapaghalataang hindi siya nasasaktan.  Pilit niyang pinigil ang emosyon niya as Winston intently loooked into her eyes. Ayaw niyang umiyak. Sinasabi ng isip niya na ayos  lang iyan, kasi tanggap naman niya na hindi talaga sila magiging magka-level kahit  kailan, pero ang puso niya, umaasa pa rin. Umaasa na kahit sa panaginip man lang sana, kahit sa panaginip lang matupad ang mg pangarap niya.

"I am sorry that you need to hear those, Karina. Trust me, ayaw kitang saktan kaya it is better that you know the truth in advance para alam mo kung may aasahan ka o wala. Walang kasalanan dito ang anak ko. Parehas lang kayong biktima ng pagkakaton. Sorry, hija." Hinagod nito ang likod ni Karina para damayan siya. 

Habang si Winston, nakayuko lang, tinatago ang mukha niyang nasasaktan. Kung meron mang tao  na mas nahihirapan ngayon,  si Winston 'yon. Dahil kahit kailan, hindi niya ito pinangarap. Hinndi niya pinangarap na matali sa isang babaeng  hindi tawag ng puso niya.

"Mom, puwede bang iwan niyo muna kami ni Karina?" he sincerely asked.

"Oo naman, sige. Mag-usap na muna kayo. I will tell Manang Sela to prepare you foods."

Naiwan silang dalawa sa dining table. Hindi na nagawang magsalita pa  ni Karina. Parang binusalan ang bibig niya ng mga katotohanang narinig.

"Karina,  huwag kang mag-alala. Gagawa ako ng paraan. Tayo, gagawa tayo ng paraan, okay?" Pilit niya itong pinakakalm.

Pilit na ngumiti lang si Karina sa kanya saka hinawakan ang mga kamay niya.

"Winston, you tried enough. You already did enough. And I am always thankful  to that."  Masakit  man, pero  naitawid niyang sabihin iyon.

"Pero Karina, hahayan mo na lang ba akong ikasal kay Tiffany? I don't even like her!"

"Kaya pala nang tinanong  kita tungkol sa label, wala kang maisagot  dahil hindi ka sigurado kung magkaka-label  pa tayo, o hindi na."

"N-No, it's not that, Karina. Please, listen okay?" hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. He then cupped for her smooth face dahilan para magsalubong  ang mga mata nilang dalawa.

"Gusto  ko lang na maayos ang lahat. Gusto kong masigurado na wala  nang gusot bago tuluyang ma pa sa akin ka nang wala  nang maging hadlang, iyong walang kukontra, Karina. Naiintindihan mo ba? Alam ko, naiintindihan mo at maiiintindihan mo dahil mahal mo ako." Nagsusumamo na ang mga mata ni  Winston habang tinititigan siya.

"Gusto kong intindihin, Winston. Kung alam mo lang kung gaano kagusto ng isip kong intindihin ang sitwasyon. Pero, hindi ko na kaya. Puwede naman siguro na masaktan, Winston."

"Bago pa man kami maikasal ni Tiffany, sisiguruhin kong maaayos ang lahat, Karina. Remember when I told you that you belong in my heart? Totoo iyon. Walang halong biro. Kaya sana, intindihin mo pa rin kahit sobrang hirap. Please, I am begging  you, fight with me. Ilalaban natin ito, okay?" mangiyak-ngiyak na si Winston na pilit kinukumbinsi  si Karina.

Patawarin mo sana ako, Winston. . .

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.